1 WEEK LATER....
Paris' POV
7 days na ang nakalipas nung manganak ako. Hindi parin ako makapaniwala na andito na si Baby Love. Sa tuwing tinitignan ko sya naiiyak padin ako.
Nung nakita ko sya for the first time di ko mapaliwanag yung mararamdaman ko. Para akong mabababaliw sa saya.
Nawala lahat ng pagod at sakit pati yung paghihintay ko ng 9months, sobrang sulit.
Nag-a-adjust parin kami ni Paul, hindi parin talaga namin alam kung pano aalagaan si baby. Natatakot nga kami kapag pinapaliguan sya kaya ang ending si Mommy na ang gumagawa.
Mabuti na lang talaga andito sila Mommy para gabayan kami ni Paul. Yun nga lang madalas kinukuha nila si baby, nagsasalitan sila nila kuya at tito, binibigay lang
nila sakin kapag gutom.
Nasosolo lang talaga namin si baby kapag gabi na. Si Paul minsan gusto ng i-lock yung room namin maghapon para ma-solo lang si baby pero syempre pinagbibigyan namin sila Mommy dahil 1month lang naman sila mag-stay dito.
Dumalaw nadin si Tita Dana dito, finally nakita na nya rin si Paul. Gulat na gulat sya dahil kamuka daw talaga ni Paul si Daddy noon. Gigil na gigil din sya kay baby.
Tuwang-tuwa din ang mga kaibigan ko nung sinendan ko sila ng photo ni baby Love. Sobrang saya din nila para samin ni Paul.
Pinayagan din pala ako ng school na mag catchup sa class via online, may mga module pala talaga sila na para sa mga Mommy na students nila. Se-sendan daw nila ako next month ng module para makahabol ako sa class namin.
Until now, di ko parin masabi kung sino kamuka ni baby, minsan kasi kamuka ko sya, minsan naman kamuka ni Paul, parehas pa silang matulog.
Grabe! Di parin talaga ako makapaniwala na may sarili na akong pamilya ngayon. Na ngayon kami ni Paul, Mommy't Daddy na.
Parang kelan lang, iniisip lang namin yung little Paul at little Paris. Ngayon may little Paris na kami.
Excited na ko sa buhay may pamilya.
Siguro naman kaya kong pagsabayin yung Masters, si baby Love, tsaka si Paul.
2 MONTHS LATER....
Paris' POV
Love, wake up na!
Hmmm, gising na ba yung anak natin?
Hindi pa, pero magaasikaso na kasi ako para pumasok. Bumangon ka na dyan!
Napuyat kasi ako ni Baby kagabi, 3AM na sya natulog
Edi, sige. Sabihan ko na lang si Kuya Tope na bantayan si baby kapag nagising. Magaayos na ko!
Wait, 5 more minutes Love!
Ano ka ba male-late na ko!
Kakababalik ko lang ulit sa School last week. Halos half day lang naman lahat ng class ko pero madalas 6hours akong wala sa bahay.
Si Paul at Kuya Tope ang nagbabantay kay baby, nagpa-pump na ko ng milk sa gabi at bago umalis para kay baby. Ganto ang everyday setup namin.
About naman sa sakit ni Paul, currently NED padin ang result nya kaya hindi na kami masyadong nag-aalala sa kanya. Regular naman ang checkup nya at may mga meds parin syang iniinom pero di na kasing intense ng chemo. Sana talaga tuluyan ng mawala yung sakit nya.
Grabe 1year narin pala kami dito sa LA.
Dahil stable naman si Paul ngayon, umuwi na muna si Tito sa Pilipinas para asikasuhin yung mga businesses nila.
Kaka-graduate lang ni Xander, at nakabalik na sya ngayon sa Pilipinas.
Si Kuya Tope naman umuwi last month kababalik nya nya lang dito nung isang araw.