Baby Love

596 20 5
                                    

Paris' POV

My heart skipped a beat nung marinig ko yung sinabi ng Doctor, totoo ba? Ako? I'm pregnant?

LAGOT!

Bago umalis yung Doctor, she advised mo to go to the hospital to check the baby's health, ubusin ko daw muna yung suero bago ako umalis. Nahilo daw ako at dehydrated dahil sa stress at pagod.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, masaya, nalulungkot, naiinis, na naiiyak na ewan.

Parang lahat ng emotions naranasan ko ng isang bagsakan lang.

Naiiyak na ko sa mga nangyayari pero wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang baby ko.

Napahawak ako sa tyan ko
I'm sorry baby sa sobrang busy ni Mommy sa pag-aayos ng mga requirements ko for Masters, hindi ko namalayan na andyan ka na pala.

Kanina pa tulala si Xander, nakatingin lang sya sakin at hindi makapaniwala sa mga narinig nya. Halos maubos nya nga yung tubig sa water dispenser dito sa clinic sa kakainom.

Finally nagsalita din sya,
Paris, I can't believe this! Hindi na ko magtatanong kung pano nangyari, ang main concern ko lang is pano ka na ngayon? Pano mo 'to sasabihin sa parents mo?

Hindi ko din alam sagot ko habang umiiyak Xander, hindi ko naman akalain na may mabubuo eh, one night lang naman yun.

Kung hindi kayo nagingat talagang may mabubuo, Paris!

Nagpatuloy ako sa pag-iyak
Akala ko sobrang stressed lang ako kaya hindi ako nagkaron last month, akala ko din stress eating lang yung mga cravings ko from the past month, yun pala si baby na yun. Master, pano kung stressed narin pala sya sa loob?

Don't panic Paris, kaya nga dapat na mag pa-checkup ka para ma-check kayo ng baby mo. Wag ka ng umiyak, tahan na! Haaay! I still can't believe na this is happening.

Tumayo sya at nagpalakad-lakad, sa reaction nya parang sya yung Daddy ni baby

Xander, wag kang masyadong gumalaw mas lalo akong nahihilo sayo eh!

Tumigil sya at naupo sa harap ko
Ano ng plano mo Paris? Pano mo 'to sasabihin sa parents mo?

Hindi ko alam, pero please after kung maubos yung suero ihatid mo agad ako kay Paul. Kaylangan ko syang kausapin agad.

Hindi ka pupunta sa hospital?

Gusto ko kasama si Paul kapag nagpa-checkup kami ni baby, what I need to do now is to see him

Okay, sige malapit nadin namang maubos yang suero mo.

Hinawakan nya ang kamay ko
Paris, kahit na buntis ka ipagpatuloy mo parin yung Masters ah? Pwede naman eh, kaya mo yan. Meron din akong classmate na pregnant habang nag ma-Masters, kinaya naman nya, at sa tingin ko kaya mo ding gawin yun.

Oo naman, itutuloy ko parin walang mababago sa mga plano ko.

Good! Nababadtrip ako kay Paul, bakit kasi hindi sya nagingat? Alam naman nya yung kalagayan nya ngayon eh!

Hindi lang naman sya ang dapat sisihin, ginusto ko rin naman yun.

Haaay! Sa panahon ngayon hindi na dapat magsisihan, mas magpalakas ka ngayon Paris, lalo na may umaasa na sayo ngayon.

Napahawak ako sa tyan ko
I will.

Paris' POV

Nang maubos na yung suero ko umalis na kami agad ni Xander para puntahan si Paul.

Into YouWhere stories live. Discover now