Paris' POV
Pagpasok palang namin sa bar nabingi na agad ako sa ingay. Ganto pala talaga dito. Agad naman akong inakbayan ni Paul at ni-lead paakyat.
Mabuti na lang sa 2nd floor medyo private hindi mo rin masyadong maririnig yung ingay sa baba. Pagpasok namin sa isang room, sinalubong na agad kami nila Mara
Sa wakas dumating na ang love birds!
Pak na pak din talaga ang beauty ni Ms. DLSU oh!Umupo agad kami at bumati sa mga andun, kami na nga lang talaga yung kulang. Andito sila Tala, Magi, Marc, Ate Aya, Ate Lara tsaka si Xander
Umupo kami ni Paul sa tapat ni Xander
Hi Paris! You look great! Ready ka na ba mag-party ngayon ah? Tanong ni XanderMedj, hehe first time ko sa mga ganito eh! Pero go, Let's party! Excited kong sagot!
Xander's right Paris, you look great! Kaya siguro hindi mabitawan ni Paul yang kamay mo. Ano walang bitawan talaga Paul? Pangaasar ni Magi
Ewan ko sayo Magi, kesa 'tong kamay namin ang napapansin mo, pansinin mo yang boyfriend mo ganting sagot ni Paul
Nagkakasiyahan na ang lahat parang nakapagstart na sila kanina pa. Medyo tipsy na sila kaya kami palagi yung inaabutan ng drinks. Sinabihan din namin sila na hindi ako pwedeng malasing. Yun ang bilin nila Dad sakin kaya konti lang talaga dapat yung inumin ko
Love, gusto mo ba orderan kita ng lady's drink lang? Yung mababa lang yung alcohol content? Tanong ni Paul sakin
Wag na Love, kung ano na lang yung order nila yun na lang din, basta konti lang yung iinumin ko. Ayoko namang masyadong magpaspecial. Sagot ko kay Paul
Okay, Love. Ikaw bahala! Basta wag kang iinom ng marami ah. Madali ka lang malasing. Paalala nya
Since andito na si Paris! We want to say this again, Congrats Paris! Bati ni ate Lara
At sabay-sabay nilang binuksan ang party popper. Umulan ng confetti sa room na kinagulat ni Paris
Thank you guys! Salamat sa pag-organize nito. Really appreciated! Mahal ko kayong lahat!
Wala ba tayong games? Pa-games ka naman Aya! Wala ba? Tanong ni Tala
Teka, eto na ang walang kasawa-sawang truth or dare. Ano game? Kapag sayo na-point yung head ng bottle choose truth or dare, kapag ayaw ng both iinom ng isang glass, okay? Paliwanag ni Aya
Sumangayon ang lahat sa game kaya wala na akong nagawa kundi umupo, baka naman hindi ako yung mahintuan ng bottle kaya sige lang, pumayag narin ako.
Wag kang mag-alala Love, kapag ayaw mo gawin both ako na lang iinom ng drinks for you. Okay? Bulong sakin ni Paul
Love, pano kung malasing ka? Mag-da-drive ka pa? Tanong ko
Hindi naman ako mabilis malasing kaya okay lang. Mauuwi parin naman kita. Sagot nya with matching kindat pa
Nagsimula ng ikutin ni Aya ang bottle, 3 beses ng umikot yung bote hindi parin tumitigil sakin mukang swerte ata talaga ako today. Umiinit nadin kasi yung mukha ko dahil naka-dalawang inom na ko kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/206676993-288-k399094.jpg)
DU LIEST GERADE
Into You
RomantikParis, the daughter of Martin and Hera in Meant to be Yours is now a full-grown young lady. She's now a 3rd year Mass Com Student at De Lassale University And so her journey begins... Will she find that perfect man that she really hope to have or n...