Bisita

422 16 0
                                    

Chianti's POV

While working kinatok ako ng office secretary namin, may bisita daw ako, Mr. Sandoval daw.

Bakit andito yung Daddy ni Paul? Galit siguro talaga sya sa nangyari.

Agad kong sinabihan ang secretary na papasukin sya.

Pagpasok nya tumayo agad ako at sinalubong sya.
Hello Sir!

Hi Chianti! Sorry nagpunta ako ng walang pasabi. Busy ka ba? Yung Daddy mo andito ba?

Hindi naman po ako busy ngayon, si Daddy po pwede naman po tayong magpunta sa office nya.

Okay sige.

Bago kami lumabas, tinanong ko muna sya
Sir?

Yes?

Tungkol po ba 'to sa nangyari last Saturday? Kung oo, gusto ko pong mag sorry, naisip ko nadin po talaga na puntahan kayo to apologize kaso andito na po kayo ngayon. Pasensya na po talaga!

Chianti! Natutuwa ako sa pagiging kuya mo kay Paris. Ganyan din naman ako ka-protective sa kapatid kong babae dati. Pero aaminin ko hindi ko talaga nagustuhan yung nangyari. You can't blame me, my son was hurt and worst dahil lang sa maling akala na na-prevent sana kung napagusapan ng maayos

Yun nga po yung kina-ka-guilty ko talaga.

Naiintindihan ko naman. Sana wag nang mangyari ulit ang ganito.

Yes Sir!

Tinapik nya ang balikat ko at ngumiti
Tito na lang! Anak na ang turing ko kay Paris, pamilya narin ang turing sa inyo ng anak ko, kaya ganun nadin ang tingin ko sa inyo.

Okay po, Tito!

Let's go to your Dad's office?

Ni-lead ko sya papuntang office ni Dad. Grabe 'tong mga Sandoval, mabait at mabuti talaga silang tao.

Pero bakit kaya gusto nya kaming makausap ni Dad?

Pagdating namin sa office, nagulat si Dad na makita ang Dad ni Paul. Napatayo agad sya at sinalubong kami

Paulo, Napadalaw ka! Tungkol ba 'to sa nangyari last Saturday? Pagpasensyahan mo na 'tong anak ko ah!

Okay na, napagusapan naman na natin to thru call last night!

Pero iba padin kapag in person nag sorry. Maupo ka, anong atin?

Sabay-sabay kaming naupo, ako sa tabi ni Tito, katapat namin si Dad

May abandoned building kasi si Paul, gusto ko sana na ipagiba yun at tayuan ng bahay, gusto ko sana na kayo yung mag design nun! Knowing you, Martin, isa ka sa in demand Architect ngayon

Salamat! Pero teka, alam na ba ni Paul yung plano mo? Kaylangan kasi ng consent nya para gawin yun since sa kanya nakapangalan yung lupa

Actually hindi pa, pero gusto ko sana na tignan nyo muna yung place tapos bigyan nyo ko ng estimation and design para mapakita kay Paul

Pwede naman yun, sige! Kelan ba tayo pwede mag punta dun?

Any time, sabihan nyo lang ako. Pwede narin sigurong sabihin ko na kay Paul para sabay na tayong magpunta dun.

Ahmm, Tito, bakit po gusto nyo ng gawan ng bahay si Paul? Gusto na po ba nya humiwalay?

Hindi naman, naisip ko lang na dapat may bahay na syang mapatayo para sa future family nya. Gusto ko na ako yung gumastos nun for him, bawi ko sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya noon.

Into YouKde žijí příběhy. Začni objevovat