First love

514 28 6
                                    

Paris' POV

3days after I woke up from a coma, mas nakakapag-adjust na ulit ako.
Medj masakit pa yung ulo ko pero kinakaya.

Last day ko narin pala ngayon sa hospital, wohooo! Miss ko na ang house namin lalo na yung room ko pati yung mga iba kong kapatid. Sa wakas makakauwi narin ako!

Ang daming nangyari sa loob ng halos 1 year, nawala si Tita, nagbreak kami ni Paul, na-coma ako tapos ngayon nag-start na ng new chapter ng life ko na wala sya sa tabi ko.

Sa totoo lang mahirap halos 4years din kami ni Paul, he was my first love, marami kaming masasayang memories together, kung pwede lang tumira sa mga alalala na yun, gagawin ko. Sobrang saya kasi that time, walang pain, walang goodbyes.

Pero ganun naman ata talaga, mag kakaron ka ng major turning point sa life mo, and I think for me, ito yun.
God gave me another chance to live my life, kaya dapat ingatan ko ang buhay ko.

Alam ko na tama yung desisyon ko na makipagbreak kay Paul, kahit mahirap ginawa ko yun kasi alam ko na yun yung makakabuti saming dalawa.

Kung kami talaga edi kami pero hindi ngayon or baka nga not in this lifetime.

Kahit na nauwi kami sa hiwalayan, I'm still thankful na sya yung first love ko. Hindi ako nagsisisi na sinagot ko sya. I still love him pero hanggang dito na lang talaga kami.

Hindi ko napigilang maiyak habang naiisip sya, ngayon ko lang kasi na-process ang lahat, ngayon palang nag sinked in na wala na kami.

Napansin tuloy ni Dad. Sya kasi ang bantay ko ngayon. Tumayo sya sa couch at lumapit sakin

"Anak, why are you crying? May masakit ba sayo?"

Napangiti ako at tinuro yung puso ko
"Meron Dad, ito!"

"Naisip mo si Paul?"

"Opo! Naalala ko lang po bigla. Pero okay lang po ako. Normal lang naman ata na maging emotional kapag galing sa breakup diba po?"

"Oo, kaya sige anak, iiyak mo lang yan! Hindi biro yung naging relationship nyo ni Paul. Kahit ako naisip ko na kayo na talaga eh! 4 years is not a joke, kaya normal lang na umiyak ka"

Hindi ko na napigilan na umiyak sa harap ni Dad
"Dad, why does first love hurts so much?"

"It has to be that way so you can remember it forever"

napahagulgol na ko sa harap ni Dad, first time ko umiyak ng ganito kalala, masakit parin kasi talaga.

"Okay lang yan anak! let go of your first love, ang dapat na meron ka right love, yung totoong pipiliin ka kahit na anong mangyari"

"Will keep that in mind, Dad! Sabi nga nila masasabi mo lang na mahal ka talaga ng isang tao kung kaya ka nyang piliin araw-araw"

"What you both had was genuine love, anak. Nagkulang lang sa maturity, for 4years nasanay kayo na masaya lang, hindi nyo na-anticipate yung mga bagay na pwedeng mangyari kasi kampante kayo sa relasyon nyo. Anak, ang love hindi lang puro love, maraming components yan para mas mapagtibay, at yun yung lessons na makukuha sa nangyari sa inyo ni Paul."

"You're right Dad! Marami akong natutunan sa lahat ng mga nangyari, I hope na kapag dumating yung right love mas handang-handa na ko para sa kanya"

Into YouWhere stories live. Discover now