Lunch with the Salazars

624 36 5
                                    

Tokyo: Ateeee! Wake up na!!!! Aalis ka diba? What time ba lakad mo today? Open the door pleaseeee! Ateeee

Napabalikwas si Paris sa kama, at dali-daling binuksan ang pinto
Tokyo: Hay Salamat, nagising karin! Kanina ka pa pinapagising nila Mommy!

Bumalik ulit sa kama si Paris at dumapa
Tokyo: Ate, may lakad ka diba? Anong oras? 10AM na
Paris: Arrrrgh, ang sakit ng ulo ko
Tokyo: Ayan, inom pa more!
Paris: Di lang kasi talaga ko sanay ng umiinom talaga
Tokyo: Bakit kasi nagpakalasing ka?
Paris: Hindi ako nagpakalasing sadyang mababa lang talaga yung tolerance ko sa alak
Tokyo: Tawang-tawa kaya ako sayo kagabi, napaka-daldal mo, badtrip na badtrip nga sayo si Kuya kasi napaka-ingay mo daw sa sasakyan
Paris: Talaga! Hahaha
Tokyo: Uminom ka kaya ng pang hangover na tea para umokay ka na, anong oras ba kayo magkikita ni Paul?
Paris: After lunch pa naman, dadaanan nya daw ako dito
Tokyo: Huh? Si Paul Martin Sandoval dadaan dito? Wow ah! Iba ka talaga Martina Sofia Salazar hahaha yung hair mo abot mula dito hanggang Lassale, campus crush kaya yun! Naku, kapag nalaman 'to ng mga classmates ko magiging instant celeb ako sa school
Paris: Wag mong sabihin sa kahit na kanino sa school ah, baka kung anong isipin nila, ma-issue pa kami ng wala sa oras
Tokyo: Hahaha don't worry, ate! Secret lang, tara na sa baba, bumangon ka na dyan!
Paris: 5 more minutes

After a few minutes bumaba na sila ni Tokyo
Chianti: Nagising din si Madam Paris!
Paris: Hehe Good Morning everyone except sa masungit kung Kuya!
Chianti: Good Morning ka dyan! Tanghali na! Ikaw Paris, wag ka ng iinom ulit ah, pinainit mo ang ulo ko kagabi, napakaingay mo!
Paris: Sorry na kuya! Di na talaga ako maglalasing ulit, promise!
Kuya Chianti: Wag ka ng uminom, period. Ang sakit mo sa ulo. Pasalamat ka talaga kapatid kita kundi iniwan talaga kita sa kalsada kagabi!
Paris: alam ko namang di mo magagawa yun eh haha, love you, Kuya!

Mommy Hera: Okay ka lang ba, Paris? Hindi ba masakit ang ulo mo?
Paris: Masakit po Mom, kaya tamad na tamad akong bumangon eh
Kuya Chianti: Ayan, sige uminom ka pa!
Daddy Martin: Uminom ka ng tea anak! Aalis ka ngayon diba? Anong oras?
Paris: After lunch pa po Dad, dadaan po pala sya dito para magpaalam sa inyo
Kuya Chianti: Magpapaalam na?
Paris: Na aalis kami, I insisted na wag na kaso he thinks na he has to para daw di kayo mag-alala, he feels na he needs to do it
Mommy Hera: Ganun naman talaga dapat eh, it's good na naisip nya yun, that's the right thing to do
Daddy Martin: Paris, kapag uminom ka make sure na you won't let the alcohol control you, para ka talagang Mommy mo eh. Next time kapag may mga ganyan ulit tell your friends na dito na lang sa house
Mommy Hera: Grabe ka sakin Love
Daddy Martin: hahaha

Kuya Chianti: Alam nyo po ba Dad ang ginawa nya dun sa Paul Martin na yun? Hindi ko na-kwento sa inyo last night kasi ayaw tumigil ng bibig ni Paris
Tokyo: Hahaha di ba masakit throat mo, ate? Kanta ka pa ng kanta kagabi eh
Mommy Hera: Hay naku, anak! Sobrang saya mo ba kahapon? Anong ginawa nya Chianti?
Kuya Chianti: sinabihan lang naman nya yung Paul na sunduin sya, kaya yung Paul nagmamadaling magpunta sa unit ni Tala at take note magkaiba pa yung tsinelas nung nagpunta dun
Paris: OMG! Seriously?! Haha
Daddy Martin: Eh bakit magkaiba?
Kuya Chianti: Hindi na daw nya napansin kasi nagmamadali sya dahil baka magdrive sila Paris ng lasing
Tokyo: Awww, that was so sweet of him. Nakakatuwa naman si Paul, told you Mom, he's a nice guy
Mommy Hera: I'm starting to think that he really is, can't wait to meet him later, mabuti may friend kang concern talaga sayo
Paris: Nag thank you ba ko sa kanya kuya?
Kuya Chianti: ewan ko sayo! bakit ba kasi pinapunta mo sya kagabi? Alam mo naman na ako ang susundo sayo diba?
Paris: hindi ko rin alam eh
Kuya Chianti: ewan ko sayo Paris, wag mo ng uulitin yun ah, nangaabala ka ng ibang tao. Dad is right, kapag iinom ulit kayo dito na lang sa house or better na wag ka na lang uminom
Paris: Huhu! Nakakahiya, sorry Mom and Dad, pati ikaw Kuya, iinom na lang talaga ko pag may occasion lang
Daddy Martin: Forget it na, we can't do anything about it na, tapos na yun at least you learned your lesson
Mommy Hera: that's true! Kung di ka nakapag- thank you, you can still do it later, para makabawi ka tell him na lang na dito na sya mag lunch
Paris: okay po, will ask him

Into YouWhere stories live. Discover now