Secret

448 15 2
                                    

Tope's POV

Nauna akong dumating dito sa hospital. Until now hindi ako makapaniwala na may leukemia si Paul.

Bakit biglang naging ganito? Maayos na eh. Masaya na lahat, ano 'to?

Nasa lahi talaga ng mga Sandoval ang luekemia. My Lolo died because of that cancer. Yung isang kapatid ko, si Joy, she died, leukemia rin, she was 15 nung kinuha sya samin.

Nag nurse ako because of them, kahit ayaw nila Mommy dahil kilalang mga businessmen ang mga Sandoval, pinilit ko parin sila.  kung noon wala akong magawa kay GrandPa at kay Joy, ngayon nakakatulong ako sa iba. At kung sakali man na may magkasakit ulit sa pamilya namin, aalagaan ko talaga.

Akala ko wala ng magkakasakit samin,kaso ngayon si Paul naman?
Bakit nangyayari 'to?
Hindi ko maintindihan.

Napatigil ako nang biglang dumating sila Paul.
Pagka-kita ko sa kanya niyakap ko kaagad sya.

Paul! Okay ka lang?

Yes Kuya. Kanina ka pa ba?

Hindi naman masyado.

We're lucky you're here. Mas matutulungan mo kaming maintindihan ang lahat.

Syempre naman Tito. Family first.

Tinapik ni Tito ang balikat ko at nagsimula na kaming pumunta sa office ng oncologist.

Nang makarating kami sa office
Come in!

Pumasok kaming tatlo sa loob

Who's patient Paul Martin Sandoval?

Tinaas ni Paul ang kamay nya, pinaupo sya ng Doktor at kami naman ni Tito umupo narin

Hello Mr. Paul at sa inyong dalawa!

Tumango at ngumiti lang kami ni Tito

I'm Doctor Rafael Martinez! I was referred by your Doctor to look after you. And obviously you're here because you have a cancer.
I studied your profile,  malakas ka pa naman diba?

Nagsimulang i-check ng Doctor yung patient record ni Paul
Asymptomatic for years until last month na nakaramdam ka ng unexplained fatigue and dizziness, am I right?

Yes, Doc.

It happened because the cancer cells are occurring now in your blood. But thank God it was detected early Mr. Paul.

Sumingit na ako
Ahmm, Doc! Pwede naman kaming mag second opinion diba? Just to make sure lang at malaman yung best treatment ng mga experts

Oo naman, you can do all you want but if I were you, wag ka ng mag repeat test, this result clearly shows that you have leukemia. What I can suggest is seek for best treatment.

What do you mean Doc? Tanong ni Paul

We all know na leukemia is a serious problem. Mabilis mag progress ito. Ngayon malakas ka pero bukas hindi mo na sigurado. I can take care of you Paul, pero I think since early detection palang, it's best to have your treatment sa more advanced hospital setting, and it's not here in the Philippines. We do treatment for leukemia, pero you can opt to go and have treatment abroad if you want. I'm giving you all the options and it's all up to you to decide Mr. Paul

You mean, he'll do clinical trial abroad for best option? Singit ko ulit

Yes. Yun ay kung gusto nyo lang naman. Marami na kasing advanced research treatment for this cancer abroad, currently hindi pa yun pina-practice dito. Yung mga patients ko na may leukemia inadvice ko rin to go abroad specifically sa States, and they got the best and advanced treatment all suited for them.

Into YouWhere stories live. Discover now