Graduation day

613 27 4
                                    

Paris POV

Paris, anak! Bilisan mo na, naiinip na sila Currie, kanina ka pa nila hinihintay!!!!  Sigaw ni Mommy habang ako di mapakali kung okay na ba 'tong itsura ko haha sobrang na-excite kasi ako ngayon dahil today is my graduation day!

Yes, you heard it right. Ga-graduate na ako!!!!!

Yes, Mommy! Pababa na po!!!!

Dali-dali akong bumaba dahil kanina pa talaga nila ako hinihintay

Sobrang saya lahat ng pagod at hirap ko sa pagaaral ko nagbunga na ngayon. Today is my graduation day plus Magna Cum Laude ako! Huhu nakakaiyak na tagumpay.

Iyak tawa talaga ako ng malaman ko na Magna cum laude ako kala ko kasi Cum laude lang eh pero ayun umabot yung grades ko ng Magna. Halos magpa-fiesta si Daddy sa bahay nung nalaman nila.

Masaya  at proud sila Mommy at Daddy sakin kasi napagsabay ko talaga yung lovelife and studies ko.

Isa kasi sa mga conditions nila noon na di ko dapat pabayaan ang studies ko kahit na kami na ni Paul. At di ko talaga sila binigo, kinaya ko at ngayon ga-graduate ako with honor.

Sila ang dahilan ng lahat ng ito, sila ang inspiration ko at syempre si Paul. Isa sya sa mga cheerer ko kapag sobrang pressured na ako sa acads ko.

Parehas nga pala kaming with honors na ga-graduate, Cum Laude si Paul. Sobrang saya na sabay naming nakamit yung unang goal namin. I'm so happy na I'm part of his life right now. Hindi ako naging destructions sa kanya tho aminado ako minsan ginugulo ko sya haha pero look at us now, ga-graduate na tapos may honors pa. Thank you talaga Lord!

Pagdating namin sa venue sinalubong agad ako ni Paul, kasama nya ang parents nya, si Tita nasa wheelchair with her private nurse.

Ngayon lang ma-meet ng Salazars ang parents ni Paul. Kaya mej kabado ako hehe

Paul hugged me
Congratulations Love! One goal down, finally graduate na tayo! I'm so proud of you!

Me too, proud din ako sayo, sobra! Basketball plus acads, MVP to Cum Laude. Goal digger talaga 'tong boyfriend ko! Proud girlfriend here!

Lumapit agad ang parents ko sa parents ni Paul.
Good Morning sa inyo! Kayo pala ang parents ni Paul, gusto ko lang sabihin na you raised your child well. Napakabait at magalang na bata ni Paul

Totoo yan, hindi kami nahirapan na magustuhan at pagtiwalaan sya dugtong ni Dad

Napangiti ang parents ni Paul
Salamat sa pagtanggap sa anak namin, natutuwa ako na gusto nyo sya. Hindi ko sya nasubaybayang lumaki pero now na knowing from you na mabait syang bata, hindi lang ako proud sa kanya kundi proud din ako sa wife ko kasi kahit sya lang mag-isa she managed to raised our son well. Congratulations din kay Paris at sa inyo, matalino talagang bata at mabait din

My husband is right, kayo din napalaki nyo rin talaga ng maayos si Paris, napakagalang at sweet na bata. Thank you sa pagtanggap sa anak namin, you really have a cool family, ang cute pala talaga ng mga kapatid mo Paris

Thank you po Tita!

After ilang minutes ng kamustahan, nag ready na kami para pumasok, pagpasok namin sa loob, medj magkalayo yung sitting arrangement ng course namin ni Paul, haba pa naman ng ceremony hindi ko sya katabi. Magkakatabi kasi yung mga may honors maraming magna ang layo ng agwat namin ni Paul

Ang layo rin nila Tala at Magi, sa tuwing naiisip ko na last day na namin to as students nalulungkot ako kasi alam ko na after nito hindi na kami madalas magkikita. Ma-mi-kiss ko talaga sila ng sobra.

Into YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora