Paris' post celeb

621 29 0
                                    

Paris' POV:

Natuloy din yung dinner celebration namin, 1 month after ko manalo. Dinner lang naman sa labas pero ang tagal bago nangyari.

Umalis kasi si Dad, may need syang puntahang conference sa Dubai. He stayed there for a week, tapos when he get back marami syang mga site visits kasi halos 1 week syang nawala.

Napaka-workaholic ng parents ko kasi kahit si Mommy naging busy din dahil maraming nag-pa-book ng events sa kanya.

And now, we're here at a fine dining resto na pina- reserve ni Dad kaya pala kami lang yung tao. Ang lala! kala namin seats lang yung pinareserve yung buong resto pala.

My Daddylo and my Mommyla are here, yung Daddylo at Mommyla ko sa Masbate unfortunately hindi sila makakarating, tumawag narin naman sila sakin morning after the pageant.

Si Tita Dana my Daddy's sister nasa States na with her family. Pero nakapag skype naman kami at nag-promise sya na sa Binibini daw uuwi sya para panoorin ako. Ang OA eh di ko pa nga sure kung sasali talaga ako dun.

Nakakatuwa din na tinawagan ako ng mga ninangs and ninongs ko na mga close friends nila Mommy. They're very proud of me, tinatanong pa nila ako kung anong gusto kong treat. Haha So blessed to have galanteng ninongs and ninangs.

Anywayzz, Ngayon palang pala ma-me-meet nila Daddylo at Mommyla si Paul, kakauwi lang din kasi nila from their vacation sa States, pinuntahan nila si Tita Dana.

Kumpleto na ang Salazars at andito narin si ate Gail, si Paul parating palang kasi sinamahan nya ang Mom nya sa hospital para sa chemo.

Congratulations apo! We're so proud of you! Bati ni DaddyLo sakin sabay abot ng mga pasalubong from the States

Inabot din nya ang mga pasalubong kila Daddy.

Paris, where is your boyfriend? Hindi ba sya makakapunta? I want to meet him. Biglang tanong ni Mommyla

On the way na po Mommyla! May need kasi syang gawin ngayon kaya hindi sya nakarating agad. Sagot ko habang binubukasan ang mga pasalubong nila.

Hay naku! Daddylo and Mommyla magugulat kayo once you see kuya Paul in person, he really looks like Daddy. Biglang singit ni Tokyo

Oo nga eh, I saw the photo na sinend mo kay Dana, kahit sya nagulat. Let's see if he really look like your Dad in person. Sagot ni Mommyla

Bigla namang humirit si Daddylo how about you, Chianti? Wala ka pa bang girlfriend? Naunahan ka pa ni Paris.

Napatingin ako kay kuya at ate Gail. Bigla namang napayuko si ate Gail at si kuya naman huminga muna ng malalim bago sumagot

Wala pa po eh, after graduation ko na lang siguro iisipin yung mga ganyan.

Biglang singit naman si Mommyla eh bakit hindi na lang yang si Gail ang ligawan mo? Lalayo ka pa, eh andyan naman si Gail, maganda na mabait na bata pa. Tsaka Chianti, hindi ba sinabi mo nung bata pa kayo na papakasalan mo si Gail?

Nabulunan si ate Gail pagkarinig ng hirit ni Mommyla nagpipigil naman ako ng tawa habang si Tokyo ay nagkibit balikat at nagfocus na lang sa pag-check ng menu

After ilang seconds of awkward silence nagsalita si Kuya Chianti

Mommyla, bata pa po ako nun nakalimutan ko na nga po yun eh. Isa pa after graduation, Gail will follow her parents sa Canada, she will stay there for good. Kaya wag na nating ipilit ang mga hindi pwede.

Bigla syang sinagot ni Daddylo distance lang naman ang problem bakit sumusuko ka na? Eh kapag pinakasalan mo naman yang si Gail magdedecide din syang bumalik at mag-stay dito sa Pilipinas. You just need to ask her bago ka sumuko

Into YouWhere stories live. Discover now