1st year

753 31 3
                                    

Paul's POV

Ang bilis ng panahon sa sobrang saya hindi ko na namalayan na isang taon na kami ni Paris ngayon.

Hindi naman naging madali yung relationship namin, may mga away at tampuhan pero hindi namin pinapalipas ang araw na hindi kami nagkakaayos.

Sobrang swerte ko kay Paris kasi understanding at very supportive syang girlfriend, sweet at loving pa, higit sa lahat she cares for others more than herself, napakabait nya talaga at walang arte. Wala na kong mahihiling pa.

She's full of surprises, naalala ko nung birthday ko sinurprise nya ko ng party tapos Mommy pa nya yung event planner. Ibang klase talaga. Sobrang nagulat ako sa basketball themed party na yun. Sobrang extra nyang girlfriend.

Kaya nung nag birthday sya, sinurprise ko rin sya, nag rent ako ng isang chill our cafe at nag hire ng isang band, music jamming all night with her family and friends. Pwede na nga kong mag release ng album sa dami ng songs na dinedicate ko sa kanya nun eh.

Nung championship game sa UAAP, nanood sya at nagdala ng napakalaking tarp na may mukha ko. Na-hagip pa ata yun ng camera at naging face of the game sya hindi lang dahil sa maganda sya kundi dahil sa sobrang cute nya while she's cheering for me. She's my cheerleader that day kaya ayun ako yung naging MVP.

During the interview after the game, sinabi ko na my inspiration is her. Sinabi ko sa interviewer na kaylangan kong galingan dahil yung effort ng girlfriend ko sobrang extra. Para sa kanya ang laban na yun haha

I really feel her support and love on that day. Kapag napapagod na ko tinitignan ko lang sya okay na. Sya talaga ang pahinga ko.

Masaya naman yung buhay ko nung wala sya pero ngayon mas lalong naging masaya at nagkaroon ng bagong dahilan para bumangon everyday.

Si Xander? Ayun, minsan na lang silang mag bonding ni Paris. Mabuti namang tao si Xander pero hindi parin kasi maalis sa isip ko na naka-bantay salakay mode sya. Ewan ko ba, basta ayaw ko lang talaga na may ibang umaaligid kay Paris. Pero me and Xander are okay, civil kami sa isa't-isa.

Isang taon na ngayon mula ng sagutin nya ko, after yun ng pre-pageant event. Naalala ko pa lahat ng detalye. 9PM sa loob ng kotse ko she said YES.

At ngayon I want to surprise her, may mga gimik din ako naisip ngayong anniversary namin.



At ngayon I want to surprise her, may mga gimik din ako naisip ngayong anniversary namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Into YouWhere stories live. Discover now