Paul Martin meets Daddy Martin

727 33 3
                                    

Tala: How was your weekend girls?
Magi: I stayed at home lang, wala si Marc eh may family gathering, hindi kami nakalabas
Paris: Same, I stayed in the house lang, weekend is family days ng team Salazars
Magi: Ang saya siguro sa house nyo noh? Ang dami nyo, tapos ang cute-cute pa ng mga kapatid mo!
Paris: Magulo din pero sanayan na lang, ma-miss mo din sila kapag wala sila sa house
Tala: Kumusta naman ako diba? Ako lang ang andito ngayon sa Pilipinas. Kaya minsan labas naman tayo kapag weekend, nauubusan na ko ng gagawin eh
Magi: Sure!!! Bonding tayo outside school soon
Paris: Gusto ko yan! This weekend na ba?
Magi: Pwede naman!
Tala: Sige, set nyo na! Nga pala Paris, musta na yung dokyu na ginagawa nyo ni Paul, may progress naman ba? kumusta na yung final edits na hindi matapos-tapos? Sinasadya ata ni paul na tagalan eh para masulit nya yung oras nyo together
Paris: Grabe naman, haha malapit na syang matapos talaga, mag set na kami ng day para gawin yung final edits
Tala: Akala ko magse- set na kayo ng date

Magi: Eh kayo ni Paul, may progress naman ba?
Paris: We're friends now, that's all I can say
Tala: Naku, eto talaga si I fell oh, may bago kaya ngayon liwanag sa dilim, ikaw rin ba yun, Paris?
Paris: Huh? Di ko alam
Magi: Weh? Di nga! Di ba kayo naguusap kahit after school?
Paris: hindi masyado, and for sure after this dokyu wala ng reason for us to talk
Magi: Kawawa naman si Paul, na- I fell na hindi pa ata masasalo hahaha
Tala: Hahaha true! Wala atang balak saluhin ni Paris
Paris: Ano ba kayo! Wag kayong mag-isip ng ganyan, we're just friends, okay. Nothing more, nothing less
Tala: Honest question, wala ba talagang chance na magustuhan mo sya?
Paris: I just met him recently, how will I fall for him agad-agad?
Magi: Eh sya nga na-fall na ata eh! Ikaw ba, wala kang nafi-feel na spark man lang? Haha
Paris: Hindi ko alam, to be honest he's a responsible guy, ginagawa nya yung mga dapat nyang gawin, mabait din sya, kaya siguro campus crush sya dahil ganun sya, pero it's too early to say na gusto ko sya
Tala: Di mo ba sya type? I mean, if you'll think of him as a potential boyfriend, pasado ba sayo? Walang feelings involved, tingin mo ba ideal man sya?
Paris: Bakit ba yan pinag-uusapan natin?
Magi: Hahhaa bakit ka umiiwas? We just want to know, kung may chance ba si Paul if ever na duma-moves na sya sayo
Tala: Excited din kasi kami na magka-love life yang si Paul eh, mabait naman yun talaga, gusto ko lang makita how he is kapag may gf, haha and am glad na mukang friend ko pa ata ang magiging girlfriend nya
Paris: grabe kayo! Bakit ba ang hilig nyo syang asarin sakin?
Tala: dahil sigurado ako na ikaw si I fell
Magi: at si liwanag sa dilim
Tala: true!

Paris: Sa tingin ko ako si liwanag sa dilim
Tala: Talaga ba? Paano?
Paris: nabanggit nya kasi sakin yan nung nagka-usap kami sa fone last Saturday
Magi: Aba, may fone convo na ah level up haha
Paris: malungkot kasi sya that day, kaya ayun chineer ko lang sya, and I think hindi naman big deal yung liwanag sa dilim, ang ibig sabihin lang nun, I gave light sa malungkot nyang araw, diba? At gawain yun ng magkakaibigan, to lift each other up, diba?
Tala: Ang bigat ng liwanag sa dilim, girl! Parang you give light to his dark world, he considers you special, sigurado ako dun!
Magi: dami nyang kaibigan pero ikaw yung sinabihan nya na liwanag sa dilim, nag-status pa, di ganyan si Paul. I'm telling you Paris, si I fell at liwanag sa dilim ay iisa! Nabasa mo ba yung mga comments ng friends nya? Amg obvious na inaasar nila si Paul, and they know na kung sino

Tala: Ganito na lang, aalamin namin at kakalap kami ng mga ebidensya, papatunayan ko sayo na tama speculations namin
Paris: Uyy! Wag na, di ko naman kaylangan na malaman yan, if kung ako nga wala namang mababago, I'll still treat him as a friend, kaya wag na okay! Hayaan nyo na lang na sya na lang magsabi
Magi: and if that day comes, how will you react?
Paris: Magiging thankful na lang for his admiration towards me
Tala: Ganun na lang yun, pano kung manligaw sya?
Paris: edi sila na ng kuya ko ang mag-usap!
Tala: hahaha
Magi: kawawang Paul, mukhang mahihirapan yata kay I fell

Into YouWhere stories live. Discover now