Yes

433 18 0
                                    

Paul's POV

Nagmamadali akong nagsuot ng jacket at agad kinuha ang susi ng kotse ko.

Jusko si Paris, hindi ko kinakaya! Mahirap i-handle yun kapag lasing, makulit, bossy higit sa lahat clingy.

Kaya ayokong nalalasing yun eh, baka kasi hindi rin ako makapag-timpi. Alam nyo naman may karupukan akong taglay.

Halos liparin ko yung kalsada papunta sa unit ni ate Sola. I'm coming Love!

Sola's POV

Paris you're so drunk! Ang baba talaga ng tolerance mo sa alak. Puna ko sa kanya habang nakahiga na sya sa couch.

Sinabihan ko sya na wag masyadong uminom pero dahil gusto daw nyang mag celebrate ngayon, hinayaan ko syang ubusin yung 2 bote ng soju.

Di ko akalain na sosolohin nya yun. Nag expect ako na maghahati kami pero sabi nya kanya daw yung dalawa.

Tignan mo tuloy ngayon, sobrang wasted na. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya

Paris, kung hindi mo na kaya lumipat ka na sa room ko. Dito ka na lang matulog. Ihahatid na lang kita tomorrow ng maaga.

Huh? Hindi ate Sola, on the way na yung ex ko. Susunduin nya ko.

Sigurado ka? Okay lang ba na ipaubaya kita dun? Lasing na lasing ka na eh!

Oo naman ate! Alam din naman nila Dad na sya magsusundo sakin.

Okay, pero syempre di mo maaalis sakin ang mag worry. Ang rupok ng ex mo na yun eh tapos marupok karin, wala na tapos na ang laban!

Ate, don't worry! Kilala ko si Paul, he won't take advantage of me. Proven and tested na yun!

Oh edi sige! Let's wait for him.

Nakahiga parin si Paris sa couch, nahihilo daw kasi sya kaya gusto nya na humiga na lang muna. I gave her warm water to drink para mahimasmasan kahit papano.

Paris, okay ka lang ba?

Yes, ate! Hihiga lang muna ako habang hinihintay si Paul

Umupo ako sa sahig sa tapat ng couch, I faced her. Natatawa na lang ako sa itsura nya ngayon, napaka-wasted talaga.

After a few minutes, may nag ring ng doorbell. Tumayo ako at binuksan ang pinto. 'twas Paul

Agad ko syang pinapasok

Hi Ate Sola!

Hi Paul! Hindi ko mapigilang matawa Bakit ganyan ang suot mo? Boxer shorts lang talaga Paul? Buti nakapag jacket ka pa! Hahahaha

Nag-mamadali na kasi ako eh! Pano kasi nangungulit na si Paris sa chat. Asan na ba sya?

Nasa couch, sabi ko nga dito na lang sya matulog kaso sabi nya on the way ka na raw

Dumerecho si Paul sa couch kung san nakahiga si Paris, nilapitan agad nya ang tulog na si Paris at hinaplos ang mukha nito

Ate, marami ba syang nainom? Tanong nya habang hinahawi ang buhok na nakaharang sa mukha ni Paris

Parang, naubos nya yung 2 bottles ng soju eh. Nung nakita ko syang umiinom
ng marami nag control na ko sa pag-inom. Para ma-check ko kung okay pa ba sya, tignan mo ngayon KO na! Gigisingin pa ba natin? Ang himbing na ng tulog nya eh!

Sinimulan syang gisingin ni Paul

Love, I'm here na! Kaya mo pa bang umuwi? Love!

Into YouWhere stories live. Discover now