Kuya

472 27 3
                                    

Paul's POV

5 Days passed hindi padin nagigising si Dad. Hindi narin dumadalaw si Paris after that night.

Sabi ni Mara, nakikibalita daw si Paris sa kanya.

Kahit masakit na bitawan sya, ginawa ko. Yun ang gusto nya eh, wala akong magagawa.

Simula ng gabing yun hindi na ko nagparamdam sa kanya. Nagsimula narin akong ayusin yung mga naiwan kong trabaho at pilutin ulit ang sarili ko.

Masyado akong na-drag ng mga pangyayari kaylangan ko ng bumangon.

Bumalik ako sa work pero dito ako sa hospital nag-stay. Yung mga meetings ko ginawa kong video call na lang. Ayoko kasing magising si Dad ng wala ako sa tabi nya.

Mahirap magpatuloy ng wala na yung nakasanayan mo pero sa tingin ko naman kakayanin ko. Wala na nga yata akong hindi kayang kayanin.

Nagsisimula ulit ako, gusto kong ibalik ulit yung best version of me, yung dating Captain Paul. Nawala kasi yun nung nawala si Mom at si Paris.

Grabe, Lord! Talagang yung dalawang babae sa buhay ko halos sabay mong binawi sakin.

Pero yung kay Paris, ako yung may kasalanan nun. Ang tanga ko kasi talaga. Tanga na gago pa.

Pero masakit man yung mga nangyari unti-unti ko ng natatanggap kasi ngayon nalabas na namin lahat ng sama ng loob namin sa isa't-isa, makakapagsimula na kami yun nga lang hindi kami magkasama.

Hindi magkasama SA NGAYON.

Inaayos ko yung sarili ko ngayon not just for my self, for my Mom and for my Dad, ginagawa ko din to for Paris. Gusto kong patunayan sa kanya na kaya kong bumangon, na ako parin yung dating Paul na minahal nya.

Hindi ko kayang magmahal ng iba, kasi nung umpisa palang sya lang sapat na.

I know she's my right love, ako lang yung nagkamali. At yung mali na yun this time itatama ko na.

Natapos na ang mga meeting ko ngayon, sabi ni Tita dadaan daw sya dito ngayon.

After a few seconds, may kumatok sa pinto, pumunta agad ako para tignan kung sino
Hi! I'm Tope! Ikaw na ba yan Paul?

Ngumiti lang ako at pinapasok sya.

Pasensya ka na ah, ngayon lang ako nakadalaw, sobrang toxic kasi sa hospital eh, hindi ko masyadong maiwan. Pero improving naman na si Tito diba?

Oo, unti-unti ng nagiging okay sabi ng Doctor!

Lumapit sya kay Tito at chineck ito
Normal naman na yung kulay nya. Hindi na ko magugulat kung gigising na sya one of these days

Yan din yung sinabi ng Doctor, kaya hindi ako umaalis dito eh

Nagulat ako ng bigla syang sumigaw
Tito wake up! Andito na yung pogi mong pamangkin! Hindi na ata umuuwi yung pogi mong anak sa bahay nyo. Bumangon ka na dyan ng makauwi na kayo!

Pagkatapos nyang magsalita, tumingin sya sakin at ngumiti. Ibang klase yung pagka-cheerful nya, nakakatuwa. Siguro kung hindi naghiwalay sila Mommy at Daddy noon sabay kaming lumaki ni Kuya Tope.

Umupo ako sa couch at agad naman nya akong tinabihan
Kumusta ka? I heard about your Mom, sorry ah hindi ako nakadalaw nasa health summit kasi ako sa Taiwan nun eh.

Okay lang!

Grabe, parang kelan lang naglalaro lang tayo ng basketball ngayon businessman ka na, ako naman nurse. Sorry ah parang feeling close ata ako sayo, pano kasi alam ko nangyayari sayo eh, kinukwento sakin ni Tito hehe

Into YouWhere stories live. Discover now