Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter XLIV

8.2K 916 131
By GinoongOso

Chapter XLIV: Phenomenal

Matapos marinig ang tinig ng system, dahan-dahang iminulat ni Finn Doria ang kanyang mga mata. Mapapansin na sa sandaling ito, mas tumingkad pa lalo ang ginintuang kulay ng kanyang mga mata. Para bang gumaan ang kanyang katawan pagkatapos niyang maabot ang Legend Rank. Hindi pa maayos ang kanyang enerhiya, makalat pa ang soulforce na dumadaloy sa kanyang soulforce pathway at hindi pa rin kalmado ang soulforce sa kanyang soulforce coil.

Dahan-dahang tumayo si Finn Doria. Mapapansing sira-sira na ang suot niyang damit at pantalon. Ang tanging buo nalang sa kanyang katawan ay ang kakaibang kwintas na hindi niya mahubad.

Nakikita na ang pinong kalamnan ng binata at namumula niyang kutis. Pero hindi ito inintindi ng binata. Wala siyang pakialam sa asido at lason ng itim na tinta ng pugita.

Gamit niya ang Water Sage Art at hangga't hindi nagbabago ang kalidad ng asido at lason, hindi siya malalagay sa panganib. Ang Water Sage Art ay hindi pangkaraniwang Foundation Art, ito ang pinaka malakas na Foundation Art na may kaugnayan sa tubig ayon sa impormasyon na ibinigay sa kanya ng system. At kung aabot sa punta na magagawa niya pang palakasin ang Water Sage Art, hindi niya na kailangang matakot sa iba pang malalakas na lason at asido.

Namamangha ang ekspresyon ni Finn Doria nang pinagmasdan niya ang kanyang mga palad.

"Ito pala ang pakiramdam na makatapak sa Legend Rank... komportable at napakagaan sa pakiramdam," sambit ni Finn Doria habang nakatitig sa kanyang palad. "Hindi na ako makapaghintay na maabot ang Heaven Rank at mas matataas pang antas!"

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito, makahulugang ngumiti si Finn Doria. Hinablot niya ang espadang lumulutang sa kanyang tabi at tumingin siya sa madilim na paligid. Itinutok niya ang hawak niyang espada sa kawalan.

Tumindi ang enerhiya sa kanyang kabuuan, kalmado pa rin ito at mapapansing mayroong humahalong berdeng kulay sa kanyang enerhiya.

Kahit na kakaunti, kapansin-pansin pa rin ito dahil pumapalibot ito sa kanyang enerhiya na para bang mahinang pag-ihip ng hangin.

Natigilan si Finn Doria nang mapansin niya ang pagbabagong ito. Gulat na gulat niyang pinagmasdan ang kanyang enerhiya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nararamdaman ngayon. Napakahina nito pero ramdam na ramdam niya ang pagbabago rito.

"Ang enerhiyang ito... elemento ng hangin..? Mayroon pa akong isang elemento?!" gulat na tanong ni Finn Doria sa kanyang sarili.

Hindi siya makapaniwala na mayroong bagong elemento na lilitaw pagkatapos niyang makatapak sa Legend Rank.

Kahit na pagkatapak naman talaga ng Legend Rank lilitaw ang kanyang tinataglay na elemento, hindi niya pa rin inaasahan na mayroon pa siyang ikalawang elemento.

Mahina at katiting lang ang enerhiyang ito pero hindi pa rin mapigilan ng binata ang kanyang matinding pananabik. Magsasaya na sana siya at magsisigaw pero bigla nalamang naglaho ang kulay-berdeng enerhiya. Naging purong asul ang enerhiya ni Finn Doria at wala nang mababakas na nakahalong enerhiya rito.

"Paanong..." naibulalas nalang ni Finn Doria. Nagulat siya saglit pero mayroon siyang napagtanto. Napakamot siya sa kanyang ulo at pilit-ngiti na nagsalita, "Hindi ko pa kontrolado ang enerhiyang iyon... mabuti na rin na hindi muna iyon magpakita sa iba."

"Pero bakit ang enerhiya ng elemento ng tubig ay hindi ko naman kinailangan na sanayin at kontrolin pa..? Nagagawa ko itong makontrol nang maayos noong una itong lumitaw sa katawan ko. Kakaiba," pailing-iling na sambit ni Finn Doria. "Ito na marahil ang sinasabi ni Munting Black na namana ko sa mga magulang ko ang elementong ito kaya natural na lang sa akin na magamit ito nang maayos."

Gusto pa sanang isiping mabuti ni Finn Doria ang tungkol sa kanyang mga tinataglay na elemento, gayunman, alam niyang hindi ito ang tamang oras at lugar para gawin iyon. Nasa loob pa rin siya ng katawan ng pugita, at unti-unti nang natutunaw ang kanyang kasuotan.

Lumingon-lingon si Finn Doria sa kanyang paligid. Tanging liwanag ng kanyang asul na enerhiya lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Wala siyang makita sa malayuan kaya naman umasa nalang siya sa kanyang pakiramdam.

"Kailangan kong mahanap ang magic crystal ng halimaw na ito. Ang magic crystal ang kahinaan ng bawat Vicious Beast at kahit gaano pa kalakas ang pugitang ito, hindi siya makaliligtas kung madudurog ko ang kanyang magic crystal," nakangiting sabi ni Finn Doria habang naglalakad-lakad.

Nananabik si Finn Doria habang iniisip na maaari siyang makapatay ng isang Ninth Grade Vicious Beast. Isa itong malaking tagumpay para sa tulad niyang katatapak palang sa Legend Rank.

Naglakad nang naglakad si Finn Doria at nang mainip siya, lumipad siya at agad na naghanap kung saan matatagpuan ang magic crystal ng pugita.

Pero, dumaan na siya sa isang itim na tinta at lamang loob ng halimaw pero hindi niya pa rin matagpuan ang magic crystal ng Eight-Eyed Mad Octopus.

Nauubusan na siya ng pasensya. Ang kanyang katawan nababalutan na ng itim na tinta. Umuusok at unti-unti na ring natutunaw ang kanyang damit. Naiinis na siya at dahil na rin sa kanyang matinding inis, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang espada at itinuon ang kanyang enerhiya rito.

Makahulugan siyang ngumiti at para bang baliw na nagsalita, "Kaysa naman mahubuan ako rito nang walang ginagawa, tatadtarin ko nalang ng mga atake ang iyong lamang loob hanggang sa matamaan ko nang matamaan ang iyong magic crystal, halimaw!"

--

Samantala, habang si Finn Doria ay may binabalak sa pugita, sina Gin naman ay hindi alam ang kanilang gagawin. Kasalukuyan nilang iniiwasan ang mga atake ng pugita. Hindi sila umaatake ngayon dahil natatakot silang baka mahagip ng atake nila si Finn Doria.

Ginagawa rin ni Melissa ang lahat para pigilan si Crypt sa binabalak nitong pag-atake sa halimaw. Kanina pa gustong atakihin ng sugatang si Crypt ang pugita, gayunman, pinipigilan siya ni Melissa, Gin, Gris at Zivalgo.

Si Seventh, Elena at Python na ang nag-aagala kina Grey, Zed at sa kambal. Sugatan ang mga ito kaya naman inilayo nila ang mga ito upang makaiwas sa pagwawala ng dambuhalang pugita.

"Ano pang hinihintay natin?! Aantayin pa ba natin na tayo ang mamatay dahil sa pugitang iyan?!" nanggagalaiti sa galit na tanong ni Crypt kay Gin habang pilit na kumakawala mula sa kanyang pagkakagapos. "Kung mamatay ang basurang iyon dahil sa mga atake natin, kasalanan niya iyon! Sino bang may sabi sa kanya na magpakain sa pugitang iyan?"

Punong-puno ng inis at panghahamak ang mga salita ni Crypt. Hindi niya gusto ang sumusunod sa utos nina Gin at Gris pero wala siyang magawa dahil pinipigilan siya ni Melissa.

Isa siyang 6th Level Heaven Rank habang si Melissa ay 5th Level Heaven Rank na malapit nang tumapak sa susunod na antas. Totoong mas malakas siya kay Melissa, gayunman, kakarampot lang ang lamang niya rito. Isa pa, nasa karagatan sila kaya naman mas lalong wala siyang magawa kung hindi magpumiglas habang ang kanyang katawan ay nakagapos sa gumagalaw na tubig.

Hindi pinansin nina Gris, Gin at Melissa ang pagpupumilit ni Crypt. Kasalukuyang nakakunot ang noo ni Gin habang iniiwasan ang mga galamay ng pugita. Nakatingin siya sa pugita ngayon at mababakas ang bahagyang pagtataka sa kanyang mukha.

"Kanina pa nakatapak si Finn Doria sa Legend Rank... bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkukumawala at pilit na gumagawa ng labasan upang makalabas siya sa katawan ng pugita?" nagtatakang tanong ni Gin.

"Marahil may rason si Finn Doria kung bakit siya nananatiling walang kibo roon, hindi pa naman siguro naghihirap si Finn Doria sa loob ng katawan ng pugita, hindi ba?" nag-iisip na sambit naman ni Gris. "Nararamdaman ko pa rin na maayos ang kanyang awra mula rito."

Tumango si Gin at suman-ayon. Umatras siya at inilagan muli ang atake ng pugita bago magsalita, "Sa ngayon, maayos pa ang kalagayan niya. Pero... nasa loob pa rin siya ng katawan ng halimaw na iyan kaya ang kanyang buhay ay nasa alanganin pa rin."

Nawala sa konsentrasyon si Melissa dahil sa biglaang pag-atake ng galamay ng pugita. Nabitawan ng kanyang kapangyarihan si Crypt at dahil dahil dito, tuluyan na itong nakawala sa pagkakagapos.

"Si Crypt!"

Suminghal si Crypt at agad na sumugod patungo sa nagwawalang pugita. Hindi niya pinansin ang pagsigaw ni Melissa, Gin at Gris. Aatakihin niya na sana ang pugita pero napahinto siya nang mapansin niyang mas lalong nagalit ang pugita. Umatungal ito nang umatungal, mapapansing nakararamdam ito ng matinding paghihirap.

Nagtaka si Crypt sandali pero hindi nagtagal, naintindihan niya na rin kung ano'ng nangyayari. May nararamdaman silang marahas na enerhiya na namumuo sa katawan ng pugita. Nakaririnig din sila ng mahihinang pagsabog at nagkakaroon din ng maliliit na sugat sa labas ang halimaw.

Mas lalong nagalit ang pugita. Halos namumula na ang mga mata nito habang walang tigil na inihahampas ang kangang mga galamay sa karagatan. Nadala ng malalakas na alon ang «Raven» habang ang mga miyembro naman ng Dark Crow ay tumilapon dahil sa sobrang lakas ng atungal ng pugita.

"Inaatake ni Finn Doria ang lamang loob ng pugita!" gulat na bulalas ni Melissa. "Pero paano niya ito nagagawa..? Mapanganib na mababad ang kanyang katawan sa asido at tinta sa katawan ng pugitang iyan. May lason ang tintang tinataglay ng Mad Octopus..."

Mayroon siyang kaalaman sa mga Mad Octopus dahil unang-una, kalahati ng kanyang buhay ay sa ilalim siya ng tubig nakatira. Kakaunting nilalang lang sa ilalim ng tubig ang hindi alam ni Melissa, at kabilang na roon ang mga nilalang sa Dark Sea na maging ang kanyang ninuno ay walang alam kung ano ang mga iyon.

Pagkatapos ng ilang sandali, bigla nalamang lumapit si Seventh kina Gin. Buhat-buhat niya ang sugatang si Zed sa kanyang likuran. Pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik, nagsalita siya, "Hindi ordinaryong adventurer lang si Finn Doria. Ilang himala na ang napagtagumpayan niya kaya hindi na ako magtataka kung nagagawa niya ang nagagawa niya ngayon."

Napatango si Gin, Gris at Melissa. Napasimangot naman si Crypt. Gustong-gusto niyang sugurin ang pugita pero dahil nagwawala ito, hindi siya makalapit. Kung aksidente siyang matatamaan ng galamay ng pugita, siguradong malubha siyang mapipinsala.

Habang tumatagal, parami nang parami ang natagamong sugat ng pugita. Hindi pa rin tumitigil ang sunod-sunod na pagsabog sa loob ng katawan nito. Nagkukulay itim na rin ang karagatan dahil tumatagas na ang itim na tinta ng pugita. Nag-aalala na sina Zed. Nanghihina pa rin siya at gusto niya sanang tulungan si Finn Doria pero hindi siya hinahayaan ni Seventh.

Pagkatapos ng ilang sandali, bigla na lamang lumala ang pagwawala ng pugita. At sa pagkakataong ito, inaatake na ng pugita ang sarili niyang katawan.

Nagkakaganito ang pugita dahil sa kasalukuyan, inaatake na ni Finn Doria ang kanyang magic crystal. Nakararamdam na nang panganib ang pugita kaya naman gagawin niya ang lahat para maalis ang binata sa loob ng kanyang katawan.

Walang pakundangang inatake nang inatake ng pugita ang sarili niyang katawan. Binutas-butas niya ang kanyang katawan at umabot pa sa puntong maging ang kanyang mata ay inaatake niya na.

Mas lalong nawala sa katinuan ang pugita dahil sa ginawa niyang ito. Gusto niyang alisin ang binatang nasa loob ng kanyang katawan pero hindi niya sinasadyang matamaan ang sarili niyang magic crystal.

Nang makita ito ni Finn Doria, nanlaki ang kanyang mga mata. Mayroong naipon na marahas na enerhiya habang ang maliit na magic crystal ay unti-unting nagkakaroon ng maliliit na bitak.

"Hindi.."

May nakaambang pagsabog, at ito ang napagtanto ni Finn Doria kaya agad siyang lumipad palayo upang makaligtas mula sa pagsabog.

"Baliw nga talaga ang halimaw na ito!" sambit ni Finn Doria habang patuloy na lumilipad palayo.

Kapag nawasak ang isang magic crystal, magkakaroon ng mapanirang pagsabog dahil ang magic crystal ay imbakan ng marahas na enerhiya. Kapag kumawala ang enerhiyang ito mula sa lalagyan, lahat ng limandaang metro ang lapit dito ay madadamay sa pagsabog.

Wala nang oras si Finn Doria. Hindi niya inasahan na aatakihin ng pugita ang sarili niyang magic crystal. Hindi siya nakapaghanda at masyado siyang nagulat sa nangyari. Dahil dito, hindi agad siya nakalipad palayo.

"Hindi ako aabot!" nangangambang sabi ni Finn Doria. Dahil alam niya nang hindi siya aabot, hinarap niya nalang ang direksyon ng magic crystal at itinuon ang kanyang atensyon sa paggamit ng kanyang Foundation Art.

Ilang sandali pa, isang malakas na pagsabog ang umalingangaw sa bahaging iyon ng karagatan. Huminto na sa pagwawala ang pugita. Umusok ang katawan nito. Naging blanko kanyang mga mata at unti-unti itong nawalan ng buhay.

"Si Finn Doria!" nag-aalalang sigaw ni Seventh.

Lahat sila ay sumugod sa katawan ng pugitang unti-unting lumulubog sa karagatan. Nakaramdam sila ng kaba dahil wala silang makitang kahit ano sa tubig, napakaitim ng tubig at maliban kay Python at Melissa hindi naman nila basta-basta maaaring suungin ang tinta ng pugitang may halong lason.

"Ako na ang maghahanap kay Finn Doria. Buhay pa sss siya, nararamdaman ko iyon!" sigaw ni Python.

Hindi niya hahayaang mawala si Finn Doria dahil kapag nawala ang binata, wala nang magtuturo sa kanya para maging Soul Chef.

Ang dalawang paa ni Python ay bigla na lamang nagbago. Naging buntot ito ng ahas. Isa siyang adventurer na may katangian ng ahas. May kakayahan din siya na hindi siya tinatablan ng ilan na mahihinang lason.

Lulusungin na sana ni Python ang maitim na tubig, pero nahawakan siya ni Melissa sa kanyang braso. Magtatanong pa sana si Python pero bigla na lamang may itim na pigura ang lumipad paangat. Nagmula ito sa maitim na tubig at mapapansing nababalutan ito ng itim na tinta ng pugita.

Pagkatapos makawala sa katawan ng pugita at makalanghap muli ng hangin, tumingin si Finn Doria sa mga miyembro ng Dark Crow. Ang tanging suot niya nalang ay ang kwintas, dalawang singsing at ang itim na tinta.

Iniharang niya sa kanyang katawan ang malapad na espada at pilit na ngumiti. Mababakas ang pagod sa kanyang mukha. Ang kanyang katawan ay mahapdi at puno ng mga sugat. Ilang saglit pa nga, dahil sa sobrang pagod, tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Bumagsak si Finn Doria. Hawak niya pa rin ang espada at dahil sa bigat nito, mabilis siyang bumulusok pababa at muntikan na siyang lumubog muli sa karagatan.

Pero, agad siyang nasalo ni Gin at may hawak-hawak na itong makapal na balabal.

Binalot ni Gin si Finn Doria ng makapal na balabal, humarap sa kanyang mga kasama at pilit na ngumiti.

"Hindi ba't nakakahiya na iniligtas tayo ng isang adventurer na nasa 1st Level Legend Rank lang?"

--

Continue Reading

You'll Also Like

145K 6.6K 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyo...
376K 72.9K 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn...
9.8K 186 19
She's been rejected by their expectations, she can't cope up with her brother who loves her dearly. Parents' decision can't decide her freedom. She r...