✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57.1K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

UNDEQUINQUAGINTA

628 58 0
By NoxVociferans

Nang madaan ako sa magulong lansangan ng Eastwood, doon ko nakita ang naging epekto ng panggugulo ni Anteros. Some parts of the streets were still flooded while a few individuals cried their hearts out. Parang dehydrated na rin ang ilan sa kanila. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng lyre ni Orpheus. Damn. Paano naman kaya nakuha ni Anteros ang musical instrument na 'yon?

This is all messed up.

Bakit ba palagi na lang Eastwood ang napagdidiskitahan ng mga imortal?

The only thing that puts me at ease was Adonis' assurance that the situation was not as bad a yesterday.  Mabuti na rin 'yon bago pa tuluyang maging lawa ang bayan.

'But am I an asshole to admit that I don't give a damn anymore?'

Oo, inaamin ko.. sa bigat ng nararamdaman ko ngayon at sa dami ng mga emosyong gumugulo sa'kin, I don't think I can give sympathy to anyone, anytime soon. Sunud-sunod ang mga problema at parang gusto ko nang sumuko. Kaya kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ko subukang ayusin ang mga bagay sa paligid ko. I sighed. "You're just a little depressed, Rein. Lilipas din 'to."

Alam kong para akong lutang nang umuwi ako sa dormitoryo namin. Nang makapasok ba ako sa loob, nadatnan kong walang katao-tao sa may sala. Malamang may klase pa ang iba naming dormmates.

"Kenopsia." I was surprised by how emotionless my voice sounded.

Pagod na nga siguro ako.

Anyway, "kenopsia" is what you call that eerie and empty atmosphere of a place that is usually filled with people. Halimbawa, kapag pumunta ka sa eskwelahan sa araw ng walang pasok, para kang maninibago kasi nasanay ka nang marami estudyante at buhay ang paligid. Pero dahil walang katao-tao roon, pakiramdam mo parang pinakaitan ng buhay ang lugar. The absence of people gave the place a negative atmosphere.

Yup, that's kenopsia.

Huminga ako nang malalim. "Iba talaga ang epekto sa'yo kapag nawala na ang 'nakasanayan' mo."

And then, I remembered my feelings for Pamela. Hanggang ngayon, hindi ako makapagdesisyon kung nasanay na lang ba talaga ako sa kanya o kung malalim talaga ang nararamdaman ko. Damn. I hate doubting what I feel. This is crazy. Ano bang nangyayari sa'kin?

"Sleep. I just need to sleep."

Hopefully, I'll wake up next century without any angry gods trying to ruin my life.

Pero nang maglakad na ako sa direksyon ng kwarto ko, agad akong napahinto nang bumukas ang pinto. Desmond was still whistling when he waltz out of my room with a few of my ballpens in hand. Nang mapansin niya ako, he froze on the spot and quickly hid the pens behind his back.

"Rein, my friend! Hey, kailan ka pa nakabalik?"

"Kani-kanina lang."

Pagak siyang natawa, "Saan ka ba kasi nagpunta? Kung hindi pa kita hinanap kay Medu---"

"I don't want to talk about it, Mond. Gusto ko na munang magpahinga."

I know I'm being a jerk to my bestfriend, but I find it really difficult to sort out my emotions after all the craziness that had happened. Nang mapansin na rin Desmond na wala ako sa mood makipagkwentuhan sa kanya, marahan lang siyang tumango at umalis sa daanan ko. Nang dumako ulit ang mga mata ko sa hawak niyang mga ballpen, napakamot lang siya ng ulo.

"Yeah. I-I was just cleaning your bedroom.. tapos nakita ko ang mga 'to. H-Hihiramin ko lang sana? Hehehe.."

In other words, ibebenta niya.

'Same old Desmond. Bukod sa paghanga ko kay Pamela, ang pagiging negosyante lang yata ni Desmond ang hindi na magbabago.' Sa huli, walang-gana akong tumango at nilampasan siya. "Be my guest. You probably sold most of my stuff, anyway."

Bago pa man siya makasagot, isinara ko na ang pinto.

*

It's ironic how your own room suddenly feels like a foreign land to you. It's like I'm seeing it in a different light, and the shitty thing is, I don't exactly know what changed.

At hindi ko alam kung 'yong kwarto o ako ang nagbago.

Napabuntong-hininga na lang ako at naupo sa kama. Sinilip ko ang braso ko na halos mabali na noong inatake kami nina Deimos at Phobos. Mabuti na lang talaga at mukhang maayos na ito. Still, I can see the tiny scars left by the bite marks. Gustuhin ko mang kalimutan ang nangyari, alam kong palagi na itong magsisilbing alaala para sa'kin.

Ting!

My eyes suddenly followed the source of the familiar sound. Lihim akong napangiti nang makita kong nakapatong sa study table ko ang cellphone ko. Kalaunan, mahina akong natawa dahil mahirap isiping hindi pa ito naibebenta ni Desmond. I was actually expecting him to sell my phone the moment he finds me missing.

"Baka nga nagbabagong-buhay na ang isang 'yon."

Or maybe he just felt guilty because he already sold three of my cellphones before.

Ting!

Another text message notification. Ayoko man sanang basahin ito, pero nanaig pa rin ang kuryosidad ko. 'Sino bang magte-text sa'kin ng ganitong oras? Sina Desmond pa lang naman ang nakakaalam na nakabalik na ako.' Eventually, I ended up unlocking the screen. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung gaano karaming text messages na ang naroon.

Over a hundred messages were sent by one particular sender.

Pamela Lavista.

'S-Si Pamela?'

Nagpakurap-kurap ako. Paulit-ulit kong binasa ang pangalan sa inbox ko dahil baka nananaginip lang pala ako. Well, I never expected Pamela would be this worried about me. Nakakapanibago.

Binasa ko ang ilan sa mga ito.

From: Pamela Aristello

Rein, itxt mo ko agad pag nakabalik kana sa dorm nyo. Please? Miss na kita.. 😭

Rein, nandyan ka na?

Psst.

Rein marami tayong assigns ngayon sa klase ni dad. Hinahanap ka nga nya kanina pero sabi ko may sakit ka.. i-tutor n lng kita pag nakabalik kana.

Dami kong gustong sabihin sayo :(

Good morning, Rein! Missyouuu! Uwi ka na ❤️😭

Nabitiwan ko ang cellphone ko. Kinailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pamela. Sweet, pretty, kind, and smart Pamela. THE Pamela Lavista I had a crush on for as long as I can remember.. is finally being sweet to me in a "girlfriend"-like manner! Holy crap. Nabunggo ko kaya 'yong ulo ko sa chariot ni Apollo bago kami mag-landing dito?

Just then, I remembered her confession before I was even kidnapped by Lady Medusa's sisters.

She likes me too.

"The feeling is mutual", kumbaga.

Kaya dapat lang siguro na abot-tainga ang ngiti ko ngayon, at nagtatatalon na ako sa tuwa.

Pero bakit may maliit na bahagi sa'kin na hindi pa rin kayang maging masaya?

*

Ipinatong na lang ni Desmond ang mga ballpen na hiniram (pero wala na talaga siyang planong ibalik) kay Rein at naupo sa gilid ng kama. The purple sheets still had ketchup and soda stains from when he had experimental breakfast in bed last month. Hindi siya nagpapa-laundry dahil namamahalan siya sa isinisingil sa kanya. It's not worth wasting money for.

Pero bukod sa pag-iisip kung paano niya maipupuslit ang kanyang labada kina Bart, naalala na naman ni Desmond ang ekspresyon kanina ni Rein.

He still couldn't decide whether Rein's expression was pissed off or depressed. O baka naman combination?

"Tsk! Baka may LQ lang sila ng seksi niyang boss."

Speaking of "LQ", naalala niyang kailangan pa nga pala niyang i-text si Pamela. Paniguradong matutuwa ito kapag nalaman niyang nakabalik na si Rein. Desmond sighed, "Dati naman sini-ship ko sila, pero 'di ko naman kasi alam na sobrag kulit ni Pamela eh! Damn that girl."

Ilang beses ba siyang ginambala nito dahil lang hinahanap at nag-aalala siya kay Rein? Kamuntikan pa siyang mawalan ng buyer nang maudlot ang pag-uusap nila sa telepono. Katok kasi ng katok ang babaeng 'yon. Yup, she's pretty, sweet, kind, and all.. but Desmond personally thinks Rein's boss is hotter. Medyo nagsisisi na nga siya kung bakit hindi na lang siya pumayag na maging PA nito.

Tamad na kinuha ni Desmond ang kanyang cellphone at binuksan ito.

Pero kasabay nito, isang kulay itim na pana ang lumabas mula sa screen.

"Shit!" Gulat na napaatras si Desmond, pero huli na. He was a second too late. The obsidian black arrow had already shot into his forehead and vanished in a wisp of smoke. He sat motionlessly as he felt his mind slowly losing control of his own body.

Damn. His whole body felt numb!

'Oh, shit. Sinasapian na ba ako?!'

"It's amazing how useful Anteros' black arrows are, isn't it? Bukod sa kaya nitong parusahan ang sinumang mortal na ayaw suklian ang pag-ibig ng iba, the arrows can even be used to corrupt and control the human mind."

The god of war, Ares, suddenly materialized from thin air and calmly stood beside Desmond's still body. Walang-awang tinakapan ng diyos ang cellphone niya at napailing. "Virtual arrow transmission. It's a new trick Anteros mastered to adapt to modernization. Consider yourself lucky because you're its first victim. Mukha namang matagumpay ito."

Sunod na inapakan ni Ares ang paa ni Desmond.

Wala siyang naramdamang sakit kahit pa naririnig na niya ang pagkabali ng kanyang mga buto sa paa. Desmond was still conscious but his body felt like it had been turned into stone. Hindi siya makakilos. Nakatitig lang siya sa mapanganib na nilalang sa kanyang silid.

This is bad. Very bad.

Ares glared at him and spoke again, "Kilala mo naman siguro ang halimaw na si Medusa, hindi ba? I need you to do something for me, you greedy human..."

---

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
Adrasteia By CG

Paranormal

192K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
13.7M 479K 42
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow