Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter XLII

8.6K 968 112
By GinoongOso

Chapter XLII: Danger!

Ang paligsahan sa pagitan nina Finn Doria, Zed at Grey ay kasukuyang nagaganap sa kusina ng «Raven». Malawak ang kusina. Maraming lutuan na puwedeng puwestuhan at marami ring lamesa't upuan na puwedeng paghintayan. Natural lang naman iyon dahil ang orihinal na nagmamay-ari sa mamahaling barko ay isang imperyo.

Hindi na nakapagtataka kung may malawak itong kusina na para sa mga Soul Chef na nagtatrabaho para sa maharlika.

Kahit hindi naman kailangang kumain ang mga adventurers, mayroon pa ring mga pumapasok sa propesyong Soul Chef para sa kasiyahan at pagkakontento. Marami pa rin ang adventurer na gustong tikman ang iba't ibang putahe na umiiral sa planetang ito.

Sa kabilang banda, sa kasalukuyan, halos kalahating oras na ang nakalipas nang magsimula silang gumalaw. Nakapili na sila ng mga sangkap at kagamitan. Abala na ngayon ang tatlo, at mapapansing pare-pareho silang malapad na nakangiti.

'Isa na namang tagumpay para sa akin!' sa isip ni Zed habang sumusulyap kay Grey at Finn Doria.

Bumaling din sa kanya si Grey at nakangiting kinausap ang kanyang sarili, 'Dalawa silang matatalo ko? Hindi na rin masama.'

Habang ang dalawa ay iniisip na sila ang mananalo, si Finn Doria naman ay malapad na nakangiti habang gising na nananaginip.

'Magic crystals..' sa isip ni Finn Doria habang nagniningning ang kanyang mga mata.

Sabay-sabay na umiling ang tatlo at itinuon na ang buo nilang atensyon sa pagluluto.

Ang mga hurado naman, kasama si Seventh na ayaw maghurado ay kasalukuyang nakaupo sa isang mahabang mesa. Pinapanood nila ang bawat kilos at mga inilalagay na sangkap ng tatlong kalahok sa paligsahan. Tinitingnan nila baka mayroong lason na inilagay ang tatlo sa mga pagkain na titikman nila mamaya.

Habang abala ang tatlo, hindi na napigilan ni Python na bumaling sa katabi niyang si Seventh.

"Sss. Seventh. bakit ayaw mong maghurado? Ayaw mo bang sss makisali sa kasiyahan?" tanong ni Python.

Napatingin sa kanya si Seventh bago kay Zed. Agad siyang umiling at pilit na ngumiti, "Ayos na ako sa pagtikim nalang. Hindi ko hilig ang paghuhurado."

Napatango nalang si Python. Bumaling na ulit siya ngayon sa tatlo at sa pagkakataong ito, itinuon niya ang kanyang buong atensyon kay Finn Doria.

"Sss. May karanasan kaya sa pagluluto si Finn Doria? Bakit kanina pa sss siya nakangiti ng malapad. Wala ang buong atensyon niya sss sa pagluluto at para bang kumpyansa na siya na siya ang mananalo..." pabulong na sabi ni Python.

"Soul Chef? Si Finn Doria?" naibulalas naman ni Seventh. "Hindi imposibleng isa ring Soul Chef si Finn Doria... pero malabo dahil bukod sa isa siyang Alchemist, siya rin ay Blacksmith, Formation Master at Inscription Master."

"Hindi ako makapaniwalang napagsasabay-sabay niya ang mga propesyong ito habang nananatiling nasa katanggap-tanggap na antas ang kanyang antas at ranggo. Malabong pasukin niya pa ang larangan ng pagluluto... hindi naman pangunahinh propesyon ang Soul Chef kaya hindi ito marahil pagsasayangan ng panahon ni Finn Doria," dagdag pa ni Seventh. Pero, kahit na sinabi niya ito, kitang-kita naman ang pag-aalinlangan sa kanyang ekspresyon. Hindi rin siya kumpyansa sa kanyang mga sinabi.

Hanggang ngayon, habang iniisip ang mga propesyon ni Finn Doria, hindi pa rin niya lubusang maisip kung paano ito napagtagumpayan ng isang binata.

Lumipas ang mga minuto. Sumasabay na sa hangin ang mabangong amoy na niluluto ng tatlo. Nakuha ng amoy na 'yun ang atensyon ng mga hurado. Interesado silang bumaling sa bawat kalahok, lalong-lalo na si Python na interesadong maging kusinero.

Natigilan si Seventh. Muli siyang napatingin kay Zed at napakunot ang kanyang noo, 'Natuto na ba talaga siyang magluto ng pagkain?'

Hindi nagtagal, nagwakas na rin ang paghihintay ng mga hurado. Magkakasunod na natapos ang tatlo. Nauna si Zed na sinundan ni Grey habang panghuli naman si Finn Doria. Nagsukatan ng tingin sina Zed at Grey habang si Finn Doria naman ay kalmado at malapad na nakangiti lang. Iniisip niya pa rin ang maraming magic crystals na mapapanalunan niya sa paligsahang ito.

Bawat hurado, kabilang si Seventh ay may mga walang laman na lalagyan sa kanilang harapan. Nakatingin sila sa dala-dalang putahe ng tatlo. Natatakluban pa ito kaya hindi nila makita o mahulaan kung anong hitsura ng niluto ng tatlo.

Dahil si Zed ang naunang natapos, siya ang unang nagpasikat sa mga hurado. Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakataklob at hindi nagtagal, nang makita ng mga hurado ang niluto ni Zed, natigilan sila at napatingin sa binata. Blanko ang ekspresyon nila habang si Seventh naman ay marahang napahalakhak.

"Marunong ka bang magluto, Zed? Sa nabasa ko, isang sining din ang pagluluto. Hindi lang dapat mabango ang iyong niluto, dapat kaaya-aya itong tingnan hindi gaya ng sa 'yo na parang dinaanan ng bagyo," taas-kilay na sabi ni Madison habang nakatingin sa umuusok na pritong isdang inihanda ni Zed.

"Tingnan mong mabuti. Ang pagkakahiwa ay hindi pa pare-pareho. Pagkain ba talaga 'yan?" dagdag pa ni Elena habang umiiling-iling. Nakangiti siya pero halata namang hinahamak niya si Zed at ang kanyang niluto.

Suminghal si Zed at mapapansing nanggagalaiti siya sa galit habang nakatingin sa mga nanghahamak sa kanyang niluto. Masama niyang tiningnan sina Seventh, Python, Elena, Madison, Mason at Gin. Nakita niyang sinusundot-sundot ni Gris ang kanyang niluto kaya naman mas lalo siyang nagalit.

"Hindi mahalaga kung pangit o magulo ang pagkakaluto! Ang mahalaga ay ang lasa ng pagkain... dahil mga hurado kayo, nararapat lang na tikman niyo ang niluto ko para mabigyan niyo ng perpektong grado," nanghahamak na sabi ni Zed.

Tumingin ang lahat kay Gris. Ito lang ang nakikialam sa niluto ni Zed kaya naman ngumiti sila kay Gris. Tinapik ni Gin ang balikat ni Gris at marahang nagsalita, "Ipapaubaya ko na sa 'yo ang isang ito, Gris."

Ngumiti si Gris at sinabing, "Walang problema. May punto si Zed sa kanyang sinabi. Pasarapan ang labanan kaya dapat lasa ang ating huhusgahan hindi ang hitsura ng pagkain."

Tininidor ni Gris ang pritong isda. Kumuha lang siya ng kaunting bahagi pero maaamoy na agad ang napakabangong amoy ng isda.

Bawat naroroon ay pinanood si Gris habang isinusubo nito ang pritong isda ni Zed. Napalunok sila dahil sa kaba. At nang maisubo na ni Gris ang pritong isda, nagbago ang kanyang ekspresyon. Napayuko siya at bigla niya nalang iniluwa ang isinubo niyang isda.

Pilit na ngumiti si Gris kay Zed at sa iba. Inilayo niya ang pritong isda ni Zed at sinabing, "Iyon na marahil ang pinaka mapait na pagkaing natikman ko sa buong bubay ko... pero baka katanggap-tanggap naman ang lasa kapag kayo na ang tumikim."

Inalok ni Gris ang kanyang mga kasama, gayunman, agad na umiling ang mga ito. Kilala nila si Gris, nasasabi niya lang ito dahil mabait siya. At alam din nilang base sa reaksyon ni Gris, kasuklam-suklam ang nilutong isda ni Zed.

"Babase nalang ako sa gradong ibibigay mo, Gris. Hindi ako mahilig sa mamantikang pagkain," sabi ni Gin.

"Ako rin!" sabay-sabay na sabi ng ibang miyembro ng Dark Crow.

Pilit pa ring nakangiti si Gris sa kanyang mga kasama. Bumaling siya kay Zed at nakita niyang madilim ang ekspresyon nito. Nanginginig ang katawan ng binata at pakiramdam nila ay sasabog na ito dahil sa matinding galit.

Bumuntong hininga si Gris at marahang nagsalita, "Ang perpektong grado ay sampu, hindi ba? Bibigyan kita ng gradong pito kung gayon."

"Lima lang sa akin," komento ni Gin.

"Gaya lang din ng grado ni kapitan," sabay-sabay na sabi ng iba pang hurado.

Mas lalong nanggalaiti sa galit si Zed. Walang humpay sa paghalakhak sina Grey at Seventh habang si Finn Doria ay napailing nalang.

"Paano kayo nakapagbibigay ng grado kung hindi niyo pa naman natitikman?!" inis na sabi ni Zed. Hinablot niya ang kanyang niluto at tinikman ito.

Pagkatapos ng ilang minuto, namula ang kanyang mukha. Napaluhod siya at nanlulumong iniluwa ang kanyang isinubong pagkain.

"Dapat inihaw ko nalang... ang pait nga..."

Mas lalong pinagtawanan ni Grey si Zed. At dahil mas malaki na ngayon ang kumpyansa niya sa kanyang sarili, agad niyang ipinasikat sa mga hurado ang kanyang niluto.

Isa itong sinabawang isda. Maganda ang pagkakaluto at mabango ang amoy. Kumpara sa ginawa ni Zed, mas katanggap-tanggap ang hitsura ng pagkaing ito.

"Sinong titikim ng pinaka masarap na luto ko?" tanong ni Grey.

"Ako! Ako!" sigaw ni Mason. Agad siyang kumuha ng kutsara at sumalok sa sabaw. Isinubo niya ito at s'yempre, nagkaroon din ng pagbabago sa kanyang ekspresyon.

Biglang nangasim ang mukha ni Mason at ilang saglit pa, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili. Idinura niya ang sabaw at masamang tumingin kay Grey.

"Ang asim ng niluto mo! Sino sa tingin mo ang makakakain ng ganyan kaasim na pagkain, ha, Grey?!" sigaw ni Mason.

Nagulat ang lahat, kabilang na si Grey. Minsan lang nila makitang ganito si Mason. Minsan lang ito magalit pero ang minsan na 'yun ay nangyari sa pagkakataong ito.

Hindi na nagsalita si Grey o nagreklamo pa. Tinikman niya ang niluto niya at nangasim din ang kanyang mukha. Napaluhod siya at tumulo ang kanyang laway dahil sa napakaasim na lasa ng kanyang sinabawang Flying Fish.

Kinabahan ang mga naroroon. Para bang nagkaroon ng kasuklam-suklam na aura ang parehong niluto nina Zed at Grey. Natatakot na sila ngayon na tikman ang mga niluto ng dalawang ito.

"Anong grado mo, Mason?" tanong ni Gin.

"Pasensya pero gradong tatlo lang, kapitan," naiinis na tugon ni Mason habang umuupo sa kanyang upuan. Naiinis siya dahil akala niya ay masarap ang niluto ni Grey dahil sa hitsura at amoy nito, gayunman, nalinlang siya ng panlabas na hitsura ng pagkain.

Pero, hindi naman iyon ang pinaka nakakasukang pagkain na natikman nilang dalawa ng kanyang kambal na si Madison. Marami pang iba.

"Puwede ko na bang ipatikim ang niluto ko?" singit na tanong ni Finn Doria. Tumingin siya sa dalawa niyang koponan at napailing nalang dahil dismayadong nakaluhod pa rin ang mga ito.

Bago pa man maipakita nang lubusan ni Finn Doria ang kanyang nilutong pagkain, tinanong na agad siya ni Elena.

"Bago mo buksan iyan, gusto naming malaman kung makakain ba ang pagkaing iyan," seryosong tanong ni Elena.

Kumpyansang ngumiti si Finn Doria at sinabing, "Kung nagdududa kayo, ako muna ang titikim sa pagkaing niluto ko."

Nagkatinginan ang mga naroroon. Tumango si Elena at tumugon, "Ikaw ang may suhestyon niyan."

Dahan-dahang tinanggal ni Finn Doria ang taklob ng pagkain. Sa pagbukas ng taklob, mayroong liwanag ang mapapansing nagmumula sa loob ng pagkain. Nagulat ang mga naroroon at muling nagkatinginan. Hindi sila makapaniwalang lahat sa kanilang nasasaksihan.

Ang putaheng niluto ni Finn Doria ay nagliliwanag. Naglalabas ng ginintuang liwanag ang kanyang pagkain!

Napalunok ang lahat nang maamoy nila ang pagkain. Naglahong bigla ang inis ni Mason, huminto na ang dalawa ni Zed at Grey sa pagmumukmok. Umayos sila ng tayo at interesadong pinagmasdan ang pagkaing niluto ni Finn Doria.

At doon, nakita nila na isa lang itong simpleng isda na pinainitan. Mayroon ding sauce sa ibabaw ng hiwang isda. Kahit simple, napakaganda ng pagkakaayos ng pagkain. Tingin at amoy palang ay nakakabusog na.

Titinidurin na sana ni Finn Doria ang kanyang niluto, pero, bigla siyang hinawakan ni Python sa kamay upang pigilan. Lahat ay napabaling kay Python. Makikita sa kanilang mukha ang pagtataka at pagtatanong.

"Sss. Ako na ang titikim," seryosong sabi ni Python. Kahit hindi pa sumasang-ayon si Finn Doria, bahagya niya nang kinuha sa binata ang tinidor. Nanginginig ang kanyang kamay ng humiwa siya ng maliit na bahagi ng pagkain.

Dahan-dahan niya itong isinubo. Napanganga ang mga naroroon at napalunok.

Nang maisubo na ni Python ang pagkain, naghintay sila sa reaksyon nito, at nabigla sila nang biglang nanlaki ang mga mata ni Python.

Inaasahan nilang iluluwa ni Python ang kanyang isinubo, gayunman, nabigla sila ng mabilis na kinamay ni Python ang lahat ng pagkain na nasa pinggan ni Finn Doria. Mabilis niya itong isinubo nang hindi nililingon ang kanyang mga kasama. At kahit sa pag-upo nito, nakapikit pa rin ang mga mata nito habang nakangiti.

"Python...?" nahihiwagaang tawag ni Gin kay Python.

Nagtagal ng ilang minuto bago imulat ni Python ang kanyang mga mata. Inihampas niya ang kanyang dalawang palad sa lames at tumayo. Nagniningning ang kanyang mga mata nang tumingin siya kay Finn Doria.

"Finn Doria... turuan mo akong magluto!" biglang sigaw ni Python.

--

Nagwakas ang paligsahan at malinaw naman kung sino ang nanalo. Dahil marami namang niluto si Finn Doria, natikman din ng iba ang kanyang nilutong Steamed Flying Fish. At dahil sa tinataglay nitong sarap, walang pag-aalinlangang binigyan nila ng perpektong grado ang binata.

Nagkaroon pa ng pagtatalo sa natira pero nagalit si Gin kaya kinumpiska niya ang lahat ng ito at nagkunwaring galit na umalis.

Sa kabilang banda, ang dalawa ni Zed at Grey ay hiyang-hiya nang matikman nila ang niluto ni Finn Doria. Wala pa sila sa kalingkingan ng galing ng binata sa larangan ng pagluluto. Ang alam lang pala talaga nila ay mag-ihaw at ilang putahe na hindi kailangan ng mga sangkap. Hindi sila marunong maglagay ng karampatang sangkap kaya umabot sa gano'n ang lasa ng kanilang pagkain.

Dahil sa pagkapanalo, nagkamit si Finn Doria ng napakaraming magic crystals at papuri sa bawat miyembro ng Dark Crow, lalo na kay Python. Wala namang panghihinayang na ibinigay nina Zed at Grey ang kanilang mga magic crystals na nakuha mula sa napatay nilang mga Ghost Sharks.

Hindi sila nakukulangan sa mga kayamanan, at katiting lang iyon sa kasalukuyan nilang yaman.

Pagkatapos ng maliit na paligsahang iyon, marami ang nangyari. Inatake sila ng iba't ibang uri ng Vicious Beast. Mula sa himpapawid man o mula sa karagatan. At s'yempre, sa mga pagkakataong iyon lang lumalabas si Crypt upang makilahok sa labanan. Hindi siya nakikisalamuha sa iba maliban sa paglaban sa mga halimaw.

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang umalis sila sa Sacred Dragon Kingdom at ngayon, nalalapit na ang pagpasok nila sa Endless Sea, sa delikadong karagatan na pinamamahayan ng mga kapangi-pangilabot na Vicious Beasts.

Mas nakilala rin ng lubusan ni Finn Doria ang bawat miyembro ng Dark Crow. Nalaman niya ang bawat pag-uugaling tinataglay ng mga ito. Naging pinaka malapit sa kanya si Python na maya't mayang nagpapaturo sa kanya na magluto. Pinagbibigyan niya naman ito dahil ikinokonsidera niya na rin ito bilang libangan t'wing hindi siya nagsasanay.

Sa nagdaang mga buwan, bukod sa pakikipaglaban sa mga umaatakeng Vicious Beasts at paggabay kay Python, walang ginawa si Finn Doria kung hindi magsanay at magnilay-nilay. Nagkaroon ng bunga ang natural na pagsasanay niyang ito dahil ngayon, tumaas ang antas niya mula 8th Level patungo sa 9th Level Sky Rank.

Kaunting-kaunti nalang ay makakatapak na siya sa susunod na ranggo.

At sa kasalukuyan, nagsasanay si Finn Doria kasama sina Grey at Zed. Pinagtutulungan ngayon ni Finn Doria at Zed si Grey.

Water Sage Art: Water Ray

Sumugod ang maraming tubig na animo'y karayom dahil sa nipis at talas. Sumugod ito kay Grey na kasalukuyang nakikipaglaban kay Zed.

Nang maramdaman ni Zed na palapit na ang atakeng ito ni Finn Doria, ngumiti siya at agad na umatras. Itinutok niya rin ang kanyang palad kay Grey at pinaulanan niya ng itim na bolang apoy si Grey.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na pagsabog ang umalingawngaw sa silid-pagsasanay. Pinaikot ni Grey ang kanyang scythe upang salagin ang atake ng dalawa. Isa na siyang 7th Level Legend Rank at kahit na dalawa ang kanyang kalaban, nakalalamang pa rin siya.

"Talo ka na Grey!" nakangiting sabi ni Zed habang unti-unting bumababa sa sahig. Tumabi ang binata kay Finn Doria at nagpatuloy, "Nakalimutan mo na bang bawal gumamit ng kahit anong sandata sa laban? Dahil hindi ka sumunod sa patakaran, talo ka na."

Bumaba rin si Grey mula sa itaas. Umupo siya sa sahig at nakasimangot na nagsalita, "Paano ko sasalagin ang maninipis na atake ni Finn Doria? Gusto mo bang magkabutas-butas ang perpekto kong pangangatawan?"

Suminghal lang si Zed. Umupo siya sa harap ni Grey at sumunod naman sa kanya si Finn Doria.

Tumingin si Grey kay Finn Doria bago kay Zed. Mayroon siyang naalala kaya naman agad niyang tinanong si Zed.

"Siya nga pala, bata. Nabanggit mo na ba kay Finn Doria kung paano tayo nabuo?" tanong ni Grey.

Umiling agad si Zed at nagsalita, "Kahit na gustuhin kong ikuwento, hindi maaari. Naikuwento ko na kay Finn Doria kung ano ang nakaraan ko pero hindi ko nabanggit ang tungkol sa inyo."

Naintindihan ni Grey ang ibig sabihin ni Zed. Kahit hindi sabihin ng binata, malinaw naman na nirerespeto nito ang pagkatao ng ibang miyembro ng Dark Crow. Wala itong karapatang ikuwento ang buhay ng iba, gayundin naman siya.

"Bakit hindi mo ikuwento kay Finn Doria ang buhay mo noong hindi ka pa miyembro ng Dark Crow?" hayag ni Zed.

Malapad na ngumiti si Grey at marahang nagsalita, "Hindi naman gano'n ka-interesado ang buhay ko noon. Isa akong ulilang lubos na lumaki sa kagubatan. Naging Rogue Adventurer na ang pangunahing trabaho ay mangaso ng mga Vicious Beasts."

Naging interesado si Finn Doria kay Grey. Pero, nalungkot din siya sa bahaging ulilang-lubos na rin si Grey gaya ni Zed. Tumingin ang binata kay Grey at nagtanong, "Kung gayon, paano ka napasama sa Dark Crow?"

"Gaya ni Zed, iniligtas din ako nina kapitan at ng iba pang miyembro ng Dark Crow mula sa kamatayan," tugon ni Grey. "Tumanggap ako ng misyon noon. At ang misyon na iyon ay kailangan kong protektahan ang nag-iisang anak na babae ng isang konde. Pagkatapos ng misyong iyon, gusto nila akong permanenteng magtrabaho para sa babaeng iyon. Pero, siyempre, tumanggi ako dahil ayokong matali sa maharlikang pamilya."

Habang nagkukuwento, nananatiling kalmado at nakangiti si Grey. Si Zed naman ay tahimik lang na nakikinig.

"Dahil tumanggi ako, nagalit sila at inakusahan nila ako ng krimen na hindi ko naman ginawa o planong gawin," dagdag pang sabi ni Grey. Suminghal muna siya bago magpatuloy, "Paano nila nasisikmura na akusahan ako ng gano'ng klaseng krimen? Sinubukan kong halayin ang mala-halimaw na babaeng iyon? Hindi ako baliw para gawin iyon!"

"Kung kamukha pa ni Melissa, Elena o Madison ang babaeng iyon, marahil pinag-isipan ko pa," namumula at tila ba nananaginip na sambit ni Grey.

Nagkatinginan ang dalawa ni Finn Doria at Zed. Magsasalita pa sana si Zed pero naging seryoso muli si Grey.

"Napakayabang at mapagmataas nila. Pero, dahil maharlika sila at ang salita nila ang batas, nagawa nila akong iharap sa publiko upang bitayin sa harap ng napakaraming tao. At kung hindi dahil kina kapitan, marahil wala na ako ngayon," makahulugang ngiting sabi Grey.

Maraming paghihirap ang naranasan ni Grey sa kamay ng mga maharlika. Isa lamang siyang Rogue Adventurer noon na ang hangarin ay magtrabaho para makuha ang mga gusto niya. Pero, dahil sa maharlikang hindi tumatanggap ng pagtanggi, ang kanyang buhay ay naging impyerno.

Hindi agad siya iniharap sa publiko upang bitayin. Nakaranas muna siya ng matinding paghihirap sa kamay ng anak ng maharlika. Kahihiyan ang nararamdaman niya noon. Ilang beses siyang ipinahiya pero wala siyang nagawa para ipagtanggol ang sarili niya.

Mahina lang siya noon at walang sumusuporta sa kanya. Hindi na siya umaasa noon na mabubuhay pa siya, sumuko na rin siya ng mga oras na iyon pero dumating ang grupo ng Dark Crow para iligtas siya.

Kahit na narinig na ni Zed ang kuwentong ito ni Grey, hindi niya pa rin mapigilan na maramdaman ang nararamdaman ni Grey. Pareho lang silang nakaranas ng kawalang pag-asa, gayunman, mas malala ang kay Grey dahil una palang naghihirap na siya para mabuhay sa Dark Continent.

Noong iligtas ng Dark Crow si Grey, wala pa si Zed dahil siya ang pinaka huling miyembro na iniligtas ng Dark Crow bago sila tuluyang maglakbay patungo sa Ancestral Continent.

Pagkatapos ng sandaling katahimikan, tumayo si Grey. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa kanyang scythe. Tumingin siya sa dalawa at nagsalita, "Tama na ang drama. Isang subok pa. Labanan ninyo ako ulit dahil sa pagkakataong ito, hindi na ako matatalo!"

Tumawa si Zed at tumayo. Nanghahamak siyang tumingin kay Grey at sinabing, "Umaasa ka lang sa wala. Hindi mo kami matatalo ni kaibigang Finn."

Nang si Finn Doria na ang tatayo, bigla nalamang yumanig ang buong silid. Ito na ang pinaka malakas na pagyanig na naramdaman nila mula nang umalis sila sa Ancestral Continent. Isa pa, nakararamdam sila ng sobrang kapangi-pangilabot na aura, at ilang saglit pa, habang yumayanig, isang napakalakas na atungal ang narinig ng tatlo.

ROAAAR!

Nagkatinginan sila. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa. Sanay na sila sa ganitong sitwasyon kaya agad silang lumabas ng silid at nagpunta sa taas upang tingnan kung ano ang nangyayari.

At nang makarating sila sa taas, natigilan sila at napanganga. Isang napakalaking halimaw ang bumungad sa kanila. Malaki ng tatlong beses kaysa sa kanilang sinasakyang «Raven». At ang mas nakakatakot pa, ang walo nitong mata at walong galamay. Tama, ang halimaw na ito ay isang napakalaking pugita.

"Ninth Grade Vicious Beast! Isang Eight-eyed Mad Octopus!"

--

A/N: PLEASE VOTE :>

Continue Reading

You'll Also Like

104K 4.3K 137
Rafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to...
109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
63.6K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
145K 6.6K 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyo...