Kaylan nyo sasabihin sa kanila?
Kapag nakapagpahinga na po at safe na po talaga si Paris at si baby
Naguusap kami ng biglang nagising si Paris
Love! Anong nangyari? Okay lang ba si baby?
Yes Love, safe na kayong dalawa ngayon
Thank God!
Magpahinga ka lang ah! Wag ka nang mag-isip ng kung ano, from now on bawal ka ng ma-stress, okay?
How about you Love? Okay ka lang ba?
Umupo ako sa tapat nya at hinawakan ang kamay nya
Yes Love, bukas pa naman ulit yung treatment ko. Don't worry about me, kaya ko 'to! Yung safety ng baby natin ang dapat nating unahin ngayon
Lumabas si Kuya Tope para tawagin ang Doctor. Si Dad naman lumapit kay Paris
Paris, okay ka lang ba?
Yes po. Tito I'm sorry po!
Okay na Paris, hindi ako galit sayo, galit ako sa ginawa nyo pero wala na tayong magagawa, pasaway talaga kayong dalawa! Ano pa bang magagawa ko andyan na yan, tsaka apo ko yan, matatanggihan ko ba yan?
Umiiyak nanaman si Paris
Thank you Tito!
Love, wag ka ng umiyak, please! Kanina ka pa umiiyak baka nalulungkot na si baby!
Hindi ko mapigilan Love eh!
Try not to think of anything for now, okay? Magpahinga ka lang ah! Lahat ng worries mo matatapos din, aayusin natin 'to sa parents mo soon!
Sumingit si Dad
Paguusapan natin kung pano nyo 'to sasabihin sa parents mo,Paris. magpalakas ka na muna,okay? Stop worrying, gagawa tayo ng paraan para maayos nating masabi sa kanila
Yes po Tito,thank you po!
Thank you Dad!
Tumayo ako at niyakap ko si Daddy, he hugged me back. Umiiyak sya
Hay nako anak! Napaka-pasaway mo! Hindi ko gusto 'tong ginawa mo. Sa totoo lang gusto kitang saktan ngayon pasalamat ka may sakit ka ngayon!
Naiyak narin ako
Hindi ko mapipigilan yung mga mangyayari once na malaman ng mga Salazars 'to but rest assured anak na andito lang ako to support you on this! Alam kong responsable kang tao at malalampasan mo 'to ng maayos. You're a Dad now kaya dapat mas lalo akong magpalakas huh?
Yes,Daddy. Thank you for assuring me na I always have you, na never na kong magiisa. You're one of my sources of strength Dad. Thank you!
Kumalas sya sa pagkakayakap
I can't belive Lolo na ako ngayon! Yung Mommy mo kakaiba din, kinakausap ko sya, sinabi ko na kung next time may surprise sya sana naman magandang surprise, eto na ata yun, binigyan nya ko ng apo!
Pagdating ng Doctor, inultra sound si Paris, dun namin nakita si baby for the first time.
Grabe yung iyak ko nung narinig ko yung heartbeat nya. Hindi pa sya fully developed pero yung puso ko naguumapaw na sa saya.
Ganto pala yung feeling ng mga first time Dad? Nawala lahat ng takot ko nung nakita ko sya. Para akong nabuhayan ulit. Kakaibang saya yung nararamdaman ko ngayon sa pagdating nya. Parang sasabog yung puso ko sa saya.
Anak, kapit ka lang kay Mommy ah! Magpapalakas at magpapagaling ako para sa inyo ng Mommy mo!
Umalis din kami after makuha yung ultrasound result ni Paris. Hindi na sya pinabalik ni Dad sa unit nya, dito na sya samin magpapalipas ng gabi.
At once na nasabi na namin sa mga Salazars, kukunin na namin ang mga gamit nya para dito na sya samin mag stay.
Hindi ko inexpect na magkaka-Leukemia ako at magiging Daddy at the same time, grabe yung pressure ng pakikipaglaban sa buhay ngayon, kahit si Mommy pa ang mag-aya sakin hindi ako sasama, I have to live for my child and for Paris. Gusto kong maging tatay sa sa anak ko hanggang sa tumanda sya.
I can't die now. I must not
Paris' POV
Pinayagan na kami ni Tito na mag stay sa isang room. Wala na syang dapat ipagbawal samin ngayon dahil nagawa na namin yung iniiwasan nilang mangyari.
Masaya ako na nasa iisang room na lang kami, mas makakasama ko sya ng matagal at mas mararamdaman ko sya. Ngayon kasi parang mas gusto ko na palaging naka dikit sa kanya, nawawala kasi lahat ng worries ko kapag nakikita ko sya.
Kapag kasama ko sya nakakaramdam ako ng kapayapaan, na kahit napakagulo ngayon nagiging panatag ako kapag katabi ko sya. He really is my safe haven.
Humiga na ako sa kama, niyakap ko sya agad
Love, ano sure ka na ba na bukas na natin sasabihin sa parents mo?
Oo, nasabi narin ni kuya na mag video call daw bukas. Kinakabahan ako Love. Natatakot ako.
Ako din, pero bahala na! Let's set aside our worries for now, okay? Ang mahalaga magkasama tayo ngayon. Ikaw, ako tsaka si baby!
Napangiti ako sa sinabi nya
Noon ikaw at ako lang, ngayon may baby na! Hindi parin ako makapaniwala na there's a life inside me! Tingin mo, kaya ko na bang maging Mommy? Hindi ko nga alam kung pano ilalabas 'to eh!
Sa tingin ko kaya mo naman Love! Matututunan naman ang lahat diba? Tsaka nakaya mo ngang gawin yan eh, edi makakaya mo rin syang ilabas!
Madali lang sabihin para sayo kasi hindi naman ikaw yung manganganak, magaling ka lang gumawa!
Captain Paul eh, sharpshooter! Bawal sumablay!
Baliw!
Inaantok na ko pero nagsasalita parin si Paul
Love, sorry ah!
Bakit nanaman?
Kasi hindi ka na makakasali sa Binibini, gusto mo yun diba? Hindi mo na magagawa yun kasi magkakaanak ka na
That's fine Love! Baka hindi lang talaga para sakin yun. Mas worthy yung title na goal ko ngayon
Ano naman yun?
Super Mom!
Niyakap nya ko ng mas mahigpit
Sorry, I made you a Mom at 23
Kila Daddy mo sabihin yan
At tuluyan na akong nakatulog