Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

936K 92.1K 12.1K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter XL

8.4K 858 90
By GinoongOso

Chapter XL: Saved

Katahimikan ang nanaig sa pagitan ng tatlo. Nakakuyom ang kamao ngayon ni Zed at nanginginig ang kanyang mga braso. Matalim ang kanyang tingin kay Crypt lalo na nang marinig niya ang huling salitang binitawan nito. Gusto niyang tumugon dito pero nang maalala niya ang paalala lagi sa kanya ni Gris at Gin, pinilit niya na lamang na manahimik.

Samantala, si Finn Doria naman ay medyo naiintindihan na ang sitwasyon ng Dark Crow. Napagtanto niyang hindi pala gano'n kalapit sa isa't isa ang mga miyembro ng Dark Crow. Mayroon pa ring gaya ni Crypt na hinahamak pati sarili niyang kasama.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagpapalitan ng masamang tingin, bumukas muli ang pinto ng silid-pagsasanay. May pumasok na pigura sa loob ng silid at dahan-dahan itong pumagitan sa tatlo.

Si Gris na payapang nakangiti habang hawak-hwak sa kanyang kamay ang kanyang libro.

"Zed, Finn Doria," panimula ni Gris. Matamis siyang ngumiti sa dalawa at marahang nagpatuloy, "Umakyat muna kayo sa taas at magpahangin. Naghahanda ngayon si Grey sa taas kasama ang ibang miyembro. Nagbabalak silang manghuli ng mga isda."

Tumango si Zed bilang tugon. Tumingin siya kay Finn Doria at nagsalita, "Halika na, kaibigang Finn. Siguradong magpapasikat na naman si Grey sa ibang miyembro."

Tumango si Finn Doria. Binigyan niya nang huling sulyap sina Gris at Crypt bago tuluyang sumama kay Zed palabas ng silid.

Nang makalabas ang dalawa, umiling ng bahagya si Gris at bumuntong hininga. Tumingin siya kay Crypt at malumanay na nagsalita, "Hindi mo dapat tinatakot ang dalawang bata, Crypt. Lalong-lalo na ang ating panauhin."

"Nangangaral kana naman ba?" singhal na tanong ni Crypt. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ako natutuwa sa mga pangaral mo, pastor?"

"Iba nalang ang pangaralan mo dahil wala akong pakialam sa mga sinasabi mo."

Malinaw na makikita sa mukha ni Crypt ang inis habang nakatingin kay Gris. Pero, hindi ito pinansin ni Gris, nanatili lang siyang payapang nakangiti kay Crypt.

"Alam mong gusto ka lang naming tulungan, Crypt. Mapagkakatiwalaan mo kami, ako. Magtiwala ka lang sa amin," hayag ni Gris. "Takasan mo na ang nakaraang iyon, Crypt. Kabilang ka na sa Dark Crow at pare-pareho lang tayo ng hangarin kaya hindi mo kailangang ilayo ang loob mo sa amin."

"Tumahimik ka nalang," malamig na sabi ni Crypt. Mas lalong naging malamig ang ekspresyon niya nang marinig niya ang tungkol sa nakaraan niya. Malinaw na hindi niya ito gustong marinig, ayaw niya itong marinig dahil naaalala niya ang madilim niyang nakaraan.

Bumuntong-hininga si Gris at sinabing, "Kung hindi mo kayang makihalubilo sa ating panauhin, h'wag mo nalang siyang galitin o kalabanin. Nasabi na namin sa 'yo ang tungkol sa misteryosong pagkatao niya at sa tatlo niyang protektor."

"Malakas sila, at hindi namin gusto na mapahamak ka, Crypt," dagdag pang sabi ni Gris.

"Kaya ba isinama niyo ang mahinang iyon sa paglalakbay na ito dahil natatakot kayo sa mga protektor niya? Nasaan ba ang mga protektor niya? Wala," marahas na sabi ni Crypt. "Nagdagdag lang kayo ng pabigat sa paglalakbay na ito. Dagdag responsibilidad."

"Umaasa lang siya sa mga protektor niya. Hindi siya karapat-dapat na bigyan ng sobrang pansin."

Umiling si Gris at itinama si Crypt, "Hindi mahina si Finn Doria, Crypt. Ayon kay kapitan, siya ang pinaka talentadong adventurer na nakilala niya, at sa totoo lang, mas talentado pa kay Zed."

Bukod sa sulat, naikuwento na rin ni Gin kay Gris ang tungkol sa Craftsman Alliance at kung sino ang henyo na nasa likod ng lahat ng ito. Ipinakita rin ni Gin kay Gris ang nakuha niyang Skill inscription na gawa ni Finn Doria, at maging siya ay humanga nang sobra sa binata.

"Kung gusto mong ipaintindi sa akin ang mga salitang iyan, h'wag ka nang mangaral pa," makahulugang sabi ni Crypt. Binalutan ni Crypt ang kanyang sarili ng kulay berdeng enerhiya. Mayroong hangin na pumapalibot sa kanya at makahulugan siyang nagsalita muli, "Labanan mo ako, pastor."

Bilang tugon, umiling si Gris at sinabing, "Ayokong saktan ka."

Hindi binigyang pansin ni Crypt ang sinabi ni Gris. Naglaho ang kanyang pigura at agad na sinugod si Gris. Umiling lang si Gris at pabulong na nagsalita, "Kung ito ang ikasasaya mo, pagbibigyan kita, Crypt."

--

Nang makaakyat sina Finn Doria at Zed sa taas, sa bukas na bahagi ng «Raven», nakita nila ang ilang miyembro ng Dark Crow na abala sa kani-kanilang ginagawa.

Naabutan ng dalawa si Grey na nagbabanat ng braso, binti at ulo. At s'yempre, kahit siya ay nag-e-ehersisyo hindi nawawala ang kanyang itim na scythe sa kanyang tabi.

Lumapit agad ang dalawa kay Grey. Kinulbit siya ni Zed at pinanliitan ito ng tingin, "Narinig ko kay Second na mangingisda raw kayo. Asan ang mga isda? Bakit ka nagbabanat ng mga buto riyan?"

Huminto si Grey sa pag-e-ehersisyo. Tumingin siya kay Zed na para bang tumitingin siya sa isang payaso.

"Interesado ka bang mangisda? Gusto mo bang makipag-kompetensya sa akin, ha, Zed?" malapad na ngiting hamon ni Grey kay Zed.

Suminghal si Zed at nanghahamak na nagsalita, "Kailan ba ako umatras sa hamon mo? Sabihin mo kung paano tayo maglalaban. Duelo o paguwapuhan?"

"Kung yung pangalawa sa sinabi ko, hindi ko na kailangang magbanat ng buto dahil awtomatikong ako na ang panalo," nagmamalaki ang ekspresyon sa mukha ni Zed habang hinahawak-hawakan niya ang kanyang mukha.

Napangiwi si Grey, maging si Finn Doria ay itinuturing na biro ang sinabi ni Zed.

"Kailangan mo nang bawasan ang mga walang kuwenta mong sinasabi," tugon ni Grey. Nagniningning ang matang tumingin si Grey sa babaeng natutulog hindi kalayuan sa kanya.

At nang bumaling sina Zed at Finn Doria sa tinitingnan ni Grey, nakita nila si Melissa na nasa isang magarang higaan habang nakangiting natutulog.

"Sabi ni Melissa kanina, may hukbo ng lumilipad na isda ang makakasalubong natin sa karagatan. Lumilipad ang mga isdang iyon at magandang uri ng pagsasanay kung manghuhuli at papaslang tayo ng mga gano'ng isda," paliwanag ni Grey. "At iyon ang ating magiging laban. Paramihan ng mapapatay na isda, at s'yempre walang dayaan."

Napataas ang isang kilay ni Zed. Malapad siyang ngumiti kay Grey at sinabing, "Yun lang ba? Mukhang makakatikim ka na naman ng pagkatalo."

Hindi na hinintay ni Zed na magsalita si Grey. Bumaling siya kay Finn Doria at nakangiting nagtanong, "Kaibigang Finn, gusto mo bang sumali?"

Nananabik na tumango si Finn Doria at tumugon, "Isali niyo ako sa kasiyahan niyo. Gusto ko ring subukan ang karne ng sinasabi n'yong lumilipad na isda."

Sandaling napaisip si Finn Doria bago magpatuloy, "Pero hindi ako makikipag-kompetensya sa inyo. Sasali lang ako para makisaya."

Nagkatinginan sina Grey at Zed, pero agad din silang umiwas ng tingin sa isa't isa. Pagkatapos noon, nagtalo ang dalawa kaya naman nagising si Melissa.

Mayroong namuong tubig sa ibabaw ng dalawa nina Zed at Grey at ilang sandali pa, bumagsak ito at nabasa ang dalawang nagtatalo.

Magrereklamo pa sana ang dalawa pero nang marinig nila ang sinabi ni Melissa, tumahimik nalang sila.

"Kung ako sa inyong dalawa, itutuon ko nalang ang atensyon ko sa panghuhuli sa mga isda. Malapit na sila, at talagang napakarami nila," sabi ni Melissa at ilang saglit pa, bumalik na ito sa pagtulog.

Sa lahat ng naroroon, ang tatlo lang ang interesado sa mga isdang sinasabi ni Melissa. Ang kambal na sina Mason at Madison ay nakatanaw sa asul karagatan habang nagkakatuwaan. Wala silang pakialam sa kapanapanabik na mangyayari dahil abala silang nanonood ng mga malalaking isda na sumasabay sa kanilang sinasakyan.

Si Python ay nasa gilid lang, nakayuko habang nagninilay-nilay. Wala roon si Gin at ang isa pang miyembro ng Dark Crow na nagngangalang Zivalgo.

Sumugod ang tatlo nina Finn Doria, Zed at Grey sa dulong bahagi ng «Raven». Narinig nila ang malakas na pag-agos ng tubig at malakas na ihip ng hangin. At hindi kalayuan, nasaksihan nila na may napakaraming isda ang para bang lumilipad ang papalapit sa kanila.

Malalaki ang mga isdang ito, mas malaki ng sampung beses kaysa sa isang ordinaryong tao.

Nagniningning ang mga mata ni Grey habang tinatanaw ang mga papalapit na isda. Dinilaan niya ang kanyang labi at sinabing, "Tingnan n'yo ang mga pakpak ng mga lumilipad na isda. Parang mga hiyas na kumikinang habang nasisinagan ng sikat ng araw. Sigurado akong masarap ang mga isdang iyan!"

"Sa puntong ito, sumasang-ayon ako sa 'yo. Matagal na rin mula nang kumain ako... at mukhang mapaparami ako ngayon habang pinagmamasdan ko ang magiging pagkain natin," sabi naman ni Zed. Inilabas niya ang kanyang sibat, ang sibat na ipinalit ni Finn Doria sa sinirang sibat ni Eon.

Tumingin si Grey kay Zed. Hinawakan niya rin nang mahigpit ang kanyang scythe at naghanda na sa pagdating ng mga isda.

Kahit na malayo, napagtanto ni Finn Doria na napakarami ng mga isda. Libo-libo ito at kung hindi sila nagkakamali, ang bawat isa sa mga isdang ito ay may antas na nasa pagitan ng Fifth Grade at Sixth Grade. Napakarami nito at talaga namang nagbibigay ito ng kaunting takot sa binata.

Wala siyang sandata ngayon, at wala siyang suot na kahit anong armament. Pero nang maalala niya ang pangmamaliit sa kanya ni Munting Black, muling naging determinado ang kanyang ekspresyon.

Dahil abala ang dalawa ni Zed at Grey sa paghihintay sa mga lumilipad na isda, hindi nila napansin na walang sandatang gagamitin si Finn Doria. Naghihintay na silang dalawa pero hindi kalaunan, hindi na nakapaghintay si Grey. Sinugod niya ang hukbo ng isda at malakas na sumigaw.

"Narito na ako, aking mga pagkain!" sigaw ni Grey habang inihahanda ang kanyang scythe sa pag-atake.

Sumimangot si Zed at suminghal. Lumipad din siya at sumunod kay Grey habang ang kanyang katawan ay nababalutan ng naglalagablab na itim na apoy. Itinuon niya ang kanyang enerhiya sa kanyang sibat at buong lakas itong iwinasiwas.

SWOOSH!

Dahil sa matalas na hanging nagmula sa sibat ni Zed, ang ilan sa mga lumilipad na isda ay nahati sa dalawa. Umabot sa isandaan ang natamaan ni Zed at lahat ng nahating isda ay naglahong parang bula. Inilagay ni Zed sa kanyang interspatial ring ang mga namatay na isda habang malapad na nakangiting nakatingin kay Grey.

Sa kabilang banda naman, napangiwi si Grey dahil naunahan siya ni Zed sa pag-atake. Pero dahil likas na hindi siya madaling nagpapatalo, pinakot niya sa kanyang kamay ang kanyang scythe at inihampas sa kanyang harapan.

Mayroong napakanipis ngunit malawak na enerhiya ang namuo at sumugod patungo sa mga lumilipad na isda. Lahat ng mahahagip ay nahahati sa maraming piraso. At sa atakeng ito ni Grey, mas marami siyang napatay kaysa sa napatay ni Zed.

Nang magkatinginan ang dalawa, para bang mayroon nanamang namuong kidlat sa pagitan nila. Suminghal sila sa isa't isa at inabala nalang nika ang kanilang sarili sa pagpatay ng maraming isda.

Si Finn Doria ay nanood lang muna sa dalawa. Ilang beses siyang napapailing habang pinagmamasdan ang walang pakundangang pagpaslang ng dalawa.

Bumuntong hininga siya at sinabing, "Sinasayang nilang dalawa ang mga sangkap... hindi dapat ganyan... mali.."

Maya't mayang bumulong si Finn Doria sa kanyang sarili. Siya ang nanghihinayang sa ginagawa nina Zed at Grey. Hindi ganoon ang tamang hakbang sa pangangalap ng sangkap, ito ang nasa isip niya habang pinanonood ang labanan ng dalawa.

Bilang Soul Chef, hindi niya mapigilan ang mainis sa dalawa. Basta-basta nalang hinahati ng dalawa sa maraming piraso ang mga isda. Para sa binata, mayroong tamang paghahanda at hakbang upang mas maging masarap ang isang putahe.

Dahil sa kanyang inis at pananabik na rin, lumipad na siya sa ere at ginawang patalim ang kanyang mga braso.

Water Sage Art: Water Blade

Naghanap si Finn Doria ng kanyang mabibiktimang isda, at nang makahanap siya, agad niya itong sinugod at mabilis na inatake. Pinutol ng binata ang dalawang pakpak ng isda at pagkatapos, agad itong dinala sa «Raven».

Ang mga isdang ito ay tinatawag na Blue Flying Fish. Wala itong gaanong kakayahan na umatake at mahina rin ang pag-iisip ng mga isdang ito kaya kahit na Vicious Beast ang mga ito, hindi pa rin nila nagagawang magsalita.

Ang mapanganib lang sa mga isdang itl ay ang matalas nilang mga pakpak. Para itong mga patalim at mapanganib itong salubungin.

Dahil tama lang ang bilis ng «Raven», hindi mabilis, hindi mabagal, madali lang na nakakolekta si Finn Doria ng limang malalaking isda. Hindi na nagpupumiglas ang mga isda dahil ginamitan na ito ng skill ng binata.

Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan ang sariwa at maayos tingnan na limang isda. Para siya ngayong kusinero na nakatingin sa mamahalin at masasarap na sangkap.

Dahil abala pa rin sa pagtutunggalian sina Zed at Grey, hindi nila napansin na tapos na wala nang balak si Finn Doria na pumatay pa ng isda. Si Python na nagising mula sa pagninilay lamang ang kasalukuyang nakatingin ngayon kay Finn Doria habang nakangiti.

"Para kang si Grey na tumitingin sa kanyang scythe sss habang pinagmamasdan mo ang mga isdang iyan," sabi ni Python. Tumingala ang taong-ahas at nang makita niyang nagtatalo nanaman ang dalawa, bahagya siyang natawa at napabulalas na lamang, "Sss. Nangongolekta sila ng napakaraming isda... ano naman kaya ang gagawin nilang dalawa sa mga isdang nakolekta nila?"

Nagkibit-balikat lang si Finn Doria at pabulong na sinabi, "Sa narinig ko, magluluto silang dalawa gamit ang mga isdang kinokolekta nila."

"Magluluto?" kunot-noong ulit na tanong ni Python. Bumaling siya kay Finn Doria at nagtanong, "Ikaw? Sss. Lulutuin mo rin ba ang mga isdang iyan?"

"Oo. Kaya lang..." hindi natapos sa pagsasalita si Finn Doria. Tumingin din siya kay Pythong at nahihiyang ngumiti, "Puwede bang itabi mo muna ang mga ito sa iyong interspatial ring, Python? Hihingi rin sana ako ng kaunting tulong para sa pangangalap mamaya ng sangkap."

"Yun lang ba? Sss. Maaari kitang bigyan ng interspatial ring kung gusto mo," sabi ni Python habang dumudukot sa kanyang bulsa.

Agad na tumanggi si Finn Doria. Umiling siya at sinabing, "Gusto ko lang muna na ipatago ang mga iyan sa 'yo... kung ayos lang."

Nagtatakang binawi ni Python ang kanyang kamay. Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang interspatial ring at tumango na lamang, "Sss. Walang problema..."

Inilagay ni Python ang mga isda sa kanyang interspatial ring at nang mailagay niya ito, bigla na lamang yumanig ang «Raven». Napasimangot si Python habang ang kambal naman ay napatigil sa kanilang pagtanaw sa karagatan. Si Melissa ay nagising at mapapansin sa kanyang mukha ang matinding inis.

Agad na umalis si Python at inimbistigahan ang nangyayari kasama si Melissa. At nang bumalik sila, mapapansin pa rin ang inis sa mukha ni Melissa.

"Inaatake tayo ng mga Ghost Shark," anunsyo ni Melissa. "Mayroong tatlong Eighth Grade Ghost Shark ang nangunguna sa pag-atake."

"Eighth Grade Ghost Shark?" napabulalas na sabi ni Finn Doria. "Maihahalintulad sa Heaven Rank Adventurer..."

Pagkatapos sabihin ni Finn Doria ang mga salitang ito, bigla na lamang mayroong tumalon na malaking itim na pating mula sa karagatan. Mabilis ang pating na ito at pasugod ito kay Finn Doria.

Isa ito sa Eighth Grade Ghost Shark at binabalak ng pating na kainin ang pinakamahinang adventurer na nakasakay sa «Raven».

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi namalayan ni Finn Doria na may pasugod na sa kanya. Nahagip lang ito ng kanyang mga mata kaya naman dahan-dahan siyang napalingon dito. At pagkalingon na pagkalingon niya, bumungad sa kanyang harapan ang bunganga ng dambuhalang itim na pating.

Napakalapit na ng bunganga ng pating kay Finn Doria at wala na siyang oras para makaiwas mula rito.

"Finn Doria!"

Mawawalan na sana siya ng pag-asa pero isang pigura ang lumitaw sa kanyang harapan. Isang pamilyar na pigura na ngayon niya lang nakita ng harapan.

Iwinasiwas ng pigura ang kanyang hawak na malaking espada patungo sa itim na pating. At ilang sandali pa, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa bahaging iyon ng «Raven».

BANG!!

GROWL!!

Direktang tinamaan ng pigura ang dambuhalang pating. Hindi ito namatay, bagkus, tumilapon lang ito at bumalik sa karagatan. Gayunman, siguradong nagtamo ito ng malubhang pinsala dahil direkta itong nataaman sa bunganga.

Ligtas na si Finn Doria. Aalis na sana ang pigura upang tulungan sina Melissa na labanan ang iba pang Ghost Shark pero nagsalita si Finn Doria.

"Maraming salamat, ginoong Zivalgo," magalang na sabi ni Finn Doria.

Tama. Ang nagligtas sa binata ay walang iba kung hindi si Zivalgo, ang taong may dugo ng demonyo. Ang ikalimang miyembro ng Dark Crow at ang dating miyembro ng Demon Mountain.

Natigilan si Zivalgo. Hindi niya na naituloy ang kanyang pag-alis. Tumingin siya kay Finn Doria at nahihiyang tumango, "Walang anuman."

"Mag-ingat ka. Magiging mapanganib na ang paglalakbay natin mula ngayon... malapit na tayong makarating sa Endless Sea kaya marami na rin tayong malalakas na halimaw na makakasagupa," paalala ni Zivalgo habang nahihiyang nakangiti.

Tumango si Finn Doria bilang tugon. Napagtanto niya rin kung gaano kadelikado ang paglalakbay nilang ito. Kung hindi siya iniligtas ni Zivalgo, marahil patay na siya ngayon.

Pinagmasdan ni Finn Doria ang likuran ni Zivalgo habang unti-unti itong lumalayo sa kanya.

'Kahit na may dugo ng demonyo ang dumadaloy sa kanyang ugat, mabuti pa rin siyang adventurer. At bukod kay Zed, pakiramdam ko ay mapagkakatiwalaan ko talaga siya,' sa isip ni Finn Doria.

--

Continue Reading

You'll Also Like

556K 32.3K 42
Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin. Mat...
192K 5.8K 72
Life is too cruel When I woke up one morning there are two strange man who are standing in front of our door saying that I need to go with them. I lo...
827K 147K 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga...
856 127 16
THE FIFTH VOLUME OF THE NOVEL ENTITLED "War Of Ranks Online". Please read the previous volumes in sequence in order to understand the smooth flow of...