Paris' POV
Love, where do you want to ride first? Tanong ni Paul
extreme rides agad Love!
Wag muna Love, napagod ako sa pag-drive eh, baka mahilo ako
Huh? Dati naman kahit nagdadrive ka, extreme rides yung una nating sinasakyan eh
Let's do the other way now, Love!
Nauna syang naglakad
San muna tayo ngayon, Love?
Let's stroll na lang muna, okay lang ba?
Oo naman. Bakit ba pagod ka agad? di pa nga tayo halos nagsisimula eh!
I'm not tired. Look, mahaba pa yung pila sa space shuttle, ikot na muna tayo!
Okay
Love, take my hand. Baka mawala ka!
Don't worry Love, di ako mawawala. Dito lang ako sa tabi mo!
Anong nakain mo? Bakit ang sweet mo, Love?
I'm just happy kasi dinala mo ko dito ngayon! Hehe
Nag-ikot lang muna kami ni Paul, naglaro ng dart at shooting nang mapagod kami, nagdecide na muna kami na umupo. Hinihingal sya kaya inabutan ko sya ng tubig
Love, you look and act different!
Huh? Pano mo nasabi?
Ang putla mo eh! Okay ka lang ba? Are you sick?
Hindi ah. Kulang lang siguro ako ng tulog kagabi
Huh? Eh aga mo nag goodnight last night eh. So hindi ka pa natulog nung nag good night ka? Ikaw ah, naglilihim ka na sakin!
Love, hindi ah, why would I lie to you? Maaga naman talaga akong natulog kagabi pero feeling ko kulang padin yung tulog ko.
Bigla syang tumayo
Tara na nga!
Saan?
Sumakay na tayo sa mga extreme rides, umiinit na ulo mo eh! Haha
Hindi ka na pagod?
Love, hindi nga ako pagod. Let's go!
Nagpunta kami sa space shuttle at agad na pumila
Paris' POV
After ng last ride namin, bumili kami ng food at naghanap ng pwedeng maupuan
Love, 1hour na lang fireworks display na! Let's wait for it before we leave, huh?
Oo naman. We always watch it before remember?
Yes. Thank you for bringing me here, sobrang nag enjoy ako Love!
Are you happy?
Sobra! Thank you!!! Hopefully next time pwede na tayong mag disney land diba?
Sana nga magawa natin yun!
Magagawa natin yun Love! Not soon but in the near future! Let's plan it!
Love, for now let's just live in the moment. Sulitin natin yung mga oras na magkasama tayo ngayon nang walang inaalalang kahit na ano. Let's not worry about the future and seize the moment while it lasts
Wow! Ang lalim naman nun Love!
I'm just saying what's on my mind and what I feel right at this moment, Love.
Love, are you sure you're okay? Ang weird mo eh
Ginilid nya yung mga food namin at nahiga sa lap ko
May hindi ka sinasabi sakin. Ginagawa mo yan pag bothered ka eh.
Love, wala. I'm just tired!
Kanina ka pa pagod. Ano bang ginagawa mo lately, stressed ka ba sa work? Nag ooverwork ka ba?
Hindi Love.
Eh ano?
Love, kahit anong mangyari tandaan mo mahal kita
Alam ko naman yun, Love!
Pano kung mawala ako, anong gagawin mo?
Hahanapin kita
Wag, magpatuloy ka sa buhay mo Love.
Pano kung a special part of me is missing?
Lahat ng nawawala nawala dahil destined nilang mawala.
Love, lahat ng nawawala hinahanap at may mga nawawala na gusto nilang may makahanap sa kanila.
Ikaw naman ang naging malalim ngayon!
Ikaw kasi eh, sinimulan mo! Bakit ba kasi nag-o-open ka ng ganung topic?
Wala lang, nagiisip lang ng mga scenarios.
Nagsasalita ako ng mapansin ko na nakatulog na pala sya.
I pat his head.
Love, nararamdaman ko may hindi ka sinasabi sakin. You're hiding something. What's on your mind? What are you feeling? What's bothering you?
Tell me.
Love, wake up! Fireworks display na!
Bumangon sya at nag-unat
Nakatulog pala ako Love! Sorry tinulugan kita.
Okay lang! Are you feeling better now na nakatulog ka?
Medyo. Thanks Love!
Tumayo kami at pinanood ang mga fireworks.
Ang gandaaaa!
Love! Pwede bang kalimutan mo na ko?
Huh? What are you saying?
Hindi ko na kayang tuparin yung mga pangako ko sayo Love! I'm sorry!
Anong ibig mong sabihin Love? Naguguluhan ako!
I'm sorry Love. Pero please let's stop this.
Huh? Are you breaking up with me?
Yes
But WHYYYY?
I'M DYING!!!
WHATTT? Anong dying? Pagod lang mamamatay na agad?
Fuck! Wala na, I ruined it. Hindi ko dapat sasabihin sayo eh, kaso hindi ko kayang magsinungaling sayo.
Hindi kita maintindihan. Ano bang nangyayari? Anong mamamatay?
Almost a week ago, I was diagnosed with leukemia. I'm sick, no not just sick. I'm severely, critically ill. Lately, madali na kong mapagod, may mga pasa narin ako in different parts of my body, I can't function normally, I just want to rest and I spend most of my time sleeping kasi dun lang ako hindi nakakarammdam ng sakit.
Umiiyak na sya sa harapan ko
I'll understand if you will leave me, ako na mismo magpapalaya sayo. Umalis ka na sa buhay ko, iwan mo na ko, I'm begging you please!
I slapped him
Makikipag break ka dahil gusto mong itago sakin 'to?
Love, please lumayo ka na bago pa kita masaktan. Mahirap yung pagdadaanan ko, I don't want you to suffer because of me. Ako na lang Love, spare yourself from this, I want you to live your life, wag mo na kong isipin, please!
I can't believe na balak mong itago sakin lahat ng 'to! You're so selfish, Paul!
Love, I just want all the best for you. I'm at my worst now Love, hindi ko na kayang maging tamang tao para sayo. Hindi na kita masasamahan sa mga plano mo, hindi na kita mapagda-drive, hindi na kita mapagluluto, yung mga plano natin hindi ko na magagawa, I'm nothing but a burden to you. So please, hayaan mo na ko, mag break na tayo, please!
Yun lang ba yung tingin mo sakin? Na mahal lang kita dahil the best ka? Kung oo nakakalungkot naman. God knows, I love you more than that, Paul!
Nanginginig na ang boses ko dahil di ko na mapigilan ang mga luha ko
Worst? Nakita ko na yun dati diba? And sadly bumitaw ako and now this, another worst mas worst pa nga ata dahil balak mong itago sakin 'to pero I'm here standing in front of you....
Lumapit ako sa kanya and I cupped his face in my hands
look at me! look straight into my eyes ngayon mo sabihin sakin na you don't need me!
Love, if you will choose to stay masasaktan ka, maghihirap ka, hindi ko kakayanin yun.
Love, kung makikipaghiwalay ka sa tingin mo hindi ako masasaktan knowing na you're out there fighting for your life? Kung tinuloy mong ilihim 'to sakin at nalaman ko late na sa tingin mo hindi ako masasaktan?
Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata ko
Mas masakit yun, Paul. Hindi lang masakit, torture yun. I will forever blame myself. Diba nga dapat walang what ifs, no more secrets and you promised me we will make this relationship work. Paul, wag mo kong ipagtabuyan. I'm willing to walk through an unknown future with you. Ngayon mo ko mas kaylangan, hindi mo ko basta matataboy sa buhay mo coz I'm part of your life at wala akong balak na umalis, dito lang ako sa tabi mo worst or best I will stay with you!
Love, natatakot ako. I don't want to die, I don't want to leave you!
I hugged him, eto na ata yung pinaka-mahigpit na yakap ko sa kanya. Parang ayoko na syang bitawan.
Kung kaya ko lang alisin lahat ng takot at sakit sa puso nya gagawin ko pero wala akong magawa all I can offer is my love and full support and I think yun yung kaylangan nya to get through with all of this
Natatakot din ako, ayoko! You can't die! You must not, Love! Lalaban tayo! Wag kang bibitaw ah! No matter how hard the situation will be don't let go of my hand, okay?
I'm sorry Love! Ako dapat yung malakas sating dalawa pero ako yung palagi mong sinasalo.
Sinabi ko sayo diba, hindi ka nag-iisa. Mas matigas ang ulo ko sayo, kahit ipagtabuyan mo ko hindi ako aalis.
I'm sorry Love! I'm so sorry for being sick, I'm sorry for everything. Nung nalaman ko na may sakit ako, ikaw agad naisip ko, ayaw kitang madamay, ako na lang ang magtitiis, I want you to have your own life away from me.
Kumalas ako sa pagkakayakap and I looked straight into his eyes
Do you really want me to to stay away from you?
No, pero kakayanin ko ng wala ka wag ka lang mahirapan.
Love, pwede ba wag mo na munang isipin yung mga mangyayari, isipin mo muna yung ngayon. Eh ano kung hindi mo na ko mapagda-drive, edi ako naman ang driver, hindi ka makakapag-luto? edi ako na, kaya nga ko nagaaral diba? I'll take care of you, I promise!
Nang matapos ang fireworks display, hinawakan ko ang kamay nya at naglakad na kami papunta sa parking area, nang nakarating kami sa kotse pinigilan ko muna syang pumasok
Love, promise me one thing
What is it?
Please, wag mo kong iiwan ah! Don't die please! I can't imagine life without you, sinanay mo kasi ako na pag may Paris may Paul. Kaya Love, please laban lang huh?
Yes Love, kaya ikaw magpakabait ka habang wala ako huh?
Wala ka? Why? Aalis ka?
Yes Love, we decided to go to LA dun ako magpapagamot
Huh? Kelan ka aalis?
10days from now, Love!
Malapit na yun, hanggang kelan ka dun Love?
Sabi ng Doctor 2years max na yun
Ahh, buti na lang di pa expire yung visa ko
Bakit?
I'll go with you!
No Love. Wag please! Ipagpatuloy mo yung buhay mo
Pano ako makaka-focus dito kung nasa malayo ka and you're sick?
Kasama ko si Dad at si Kuya Tope, dalawin mo na lang ako dun, mag video call tayo, I'll update you everyday. Wag mong ilaan yung buong oras mo sakin Love, gusto ko na gawin mo parin yung mga gusto mong gawin
Okay, pero I'll visit you often. Pero Love kaya ba natin LDR?
Kakayanin, basta mag behave ka habang wala ako, okay?
Okay! I promise, let's go?
Yes, uwi na tayo!
I'll drive Love!
Kaya mo na?
I guess, yes? Ako na, para you can take a rest.
Okay, thanks Love!
Paris' POV
Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila Paul, wala kasing traffic dahil almost midnight na.
Paglabas namin ng kotse, nakita kong naka-park ang kotse ni kuya sa tapat ng bahay nila Paul.
Agad naman syang lumabas ng kotse, lumapit sya samin
Kuya, kanina ka pa ba? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Tanong ni Paul
Hindi na, baka kasi nagpapahinga na yung Dad mo. Halos kararating ko lang din naman
Lumapit ako kay kuya
Kuya, bakit naisip mong sunduin ako?
Bakit ayaw mo na bang sinusundo kita?
Hindi naman.
Let's go home na Paris. Midnight na, Paul magpahinga ka na, masama ang nagpupuyat
Sige kuya. Salamat! Tumingin sya sakin Love, pasok na ko. Good night!
Niyakap ko sya and I quickly kissed his left cheek
Good night Love!
Pagpasok ni Paul sa loob, inaya na ako ni kuya na umuwi
Are you okay Paris? Bakit namamaga mata mo?
Yung sakit at lungkot na kanina ko pa tinatago kay Paul ay bigla ng kumawala.
Umiyak ako at niyakap si kuya
Kuya, si Paul. He's sick. Natatakot ako!
Kuya hugged me back
I know. Don't be afraid Paris, hindi ibibigay ni Lord kay Paul ang pagsubok na 'to kung hindi nya kaya. Okay?
Kuya, alam mo?
Oo. Umuwi na tayo, sa kotse na tayo magusap baka makita pa tayo ni Paul dito
Agad naman kaming pumasok sa kotse
How are you? Are you okay?
I'm not kuya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit kaylangang mangyari kay Paul 'to? Hindi pa ba enough yung mga pinagdaanan nya noon? Bakit parang ang unfair naman ng mundo sa kanya?
Paris, walang makakaintindi sa mga nangyayari, Diyos lang nakakaalam kung bakit kaylangang pagdaanan ni Paul 'to. All we can do now is to accept it and be strong for him. Lalo ka na, ngayon ka nya kailangan
Nakakainis, bakit ang complicated ng relationship namin? Yung iba naman ang saya-saya lang, chill lang tapos kami parang roller coaster ride.
Don't compare Paris
I know kuya. Pero kasi gusto ko lang naman ng masayang buhay kasama siya pero bakit parang ang hirap nun ngayon?
Natatakot ako, pano kung kunin sya sakin? Pano na kuya? Hindi ko kakayanin yun.
Ayan ka nanaman sa pagiging OA mo. Think positive, hindi makakatulong yang mga sinasabi mo.
I'm trying kuya. Pero kasi ang hirap. Parang things will never be the same after I learned about this. I know I have to be strong for him pero pano?
Hindi ko din alam. Pero Paris andito lang si kuya huh? Kapag gusto mo ng kausap andito lang ako, sila Mommy, Daddy si Tokyo.
Alam nadin ba nila Mommy yung tungkol kay Paul?
Yes, sinabi samin ni Paul kahapon lang.
Tapos hindi nyo sinabi sakin?
Nakiusap sya na wag sabihin sayo, binalaan ko na sya na kapag hindi pa nya sinabi ako na mismo magsasabi sayo. Buti na lang talaga sinabi nya sayo ngayon. Ang plano lang kasi talaga nya hiwalayan ka dahil lang sa may sakit sya, ayoko namang mabuhay ka sakasinungalingan noh!
Ewan ko ba kay Paul, ayaw nya na nahihirapan yung mga tao sa paligid nya. Ayaw nyang maging burden, as if naman matitiis ko sya.
So anong plano mo ngayon?
Kung susunod ako sa kanya sa LA, papayag ka ba kuya?
Bakit kita pipigilan? Kung yan ang gusto mo gawin mo. Treasure every moment with him coz we never know what will happen next
Kuya naman eh, para namang sinabi mong mamamatay sya.
Ikaw ang nagiisip nyan. Basta kung anong plano mo I'll support you! Tahan na, ang pangit mo na oh! Pakatatag Paris!
I leaned my head sa car window at napatingin sa kawalan
Pakatatag Paris... This too shall pass... hindi sya mawawala.... hindi ka nya iiwan....