Paris' POV
Sobrang sakit ng ulo ko, ayoko pang bumangon pero kelangan. Malamang parating na yun si Kuya. I can't wait to see him and congratulate him again.
Masaya ako na finally, okay na sila ni Ate Gail. Hindi pa ko ready na ikasal si kuya pero kelan ba ko magiging ready? eh darating din naman talaga sa point na mag-aasawa kaming lahat.
Grabe, ang bilis ng panahon! Noon studies lang iniisip namin ni kuya, tapos ngayon pagaasawa na. Well, sa kanya oo, ako? ayun....
Yung matagal ko ng pinagiisipang gawin, nagawa ko na. Maraming beses ng sumakit yung ulo ko kakaisip kung pano ko sasabihin kay Paul na sinasagot ko na sya, alak lang pala magpapa-amin sakin.
Oo, naalala ko lahat. Nahihiya nga ako kasi bakit lasing ako nung sinabi ko. I guess, nakaka-dagdag talaga ng lakas ng loob ang alak. In my case, yes.
Wala na kong kawala. I'm taken again and I'm happy na with the same person. Wala naman na kong ibang nakikitang mamahalin kundi sya lang.
Nasaktan nya ko noon pero willing akong mag take ng risk sa love, basta sya. Natatakot pa ko, pero I need to face this fear, pagkakatiwalaan ko yung pagmamahal nya sakin kasi yun yung nanatiling totoo sa kabila ng lahat ng nangyari samin noon.
Pagkakatiwalaan ko din 'tong puso ko na lagi sya ang pinipili. Oo na, panalo ka na, hindi ka na kayang kontrolin ng isip ko. Pasaway na puso ka talaga!
Excited ako sa mga mangyayari samin ni Paul. Parang new chapter 'to for us. May kaba, may takot pero bahala na basta mahal ko sya yun lang sapat na para sumubok ulit.
This time, hindi lang sya ang kaylangang bumawi, ako rin. Babawi din ako sa kanya.
Paris' POV
PARIS!!!!!! Ano di ka ba bababa dyan? I'm bacccck!
Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ko ang boses ni kuya. Nandito na sya.
Kahit masakit ang ulo ko dali-dali akong bumaba.
Pagkababa ko, ako na lang pala ang wala.
Mukang naparami ata inom mo last night ah! Bakit ngayon ka lang nagising? tanong ni kuya
Lumapit lang ako sa kanya at yumakap ng mahigpit
I missed you kuya and congrats!!!
Hindi na nakapag-ayos si kuya dahil hinarang agad sya nila Tokyo para sa buong details ng mga nangyari sa Canada.
As usual umiyak nanaman si Mommy pero nagulat ako na pati si Daddy naiyak narin, ngayon lang daw kasi nag sinked in na engaged na si kuya.
Excited ang mga kapatid ko, si Currie at Vienna nagiisip na kung anong susuutin, tanungin na daw is ate Gail kung anong theme ng wedding.
Naliwanagan na din si Austin sa mga nangyayari, pinaliwanag na ni kuya. Nagulat kasi sya sa team chat namin, si kuya kasi, di daw nya naalala na bata pa pala si Austin haha
Paris, have you thanked Paul? Hinatid ka nya dito kagabi
Hindi pa Dad, pero magkikita naman po kami mamaya
Pupunta sya dito? Tanong ni Icy
Susunduin nya lang ako, may paguusapan lang kami
Alam mo ba anak, natatawa kami ng Daddy mo sa kanya kagabi. Naka-boxer shorts lang kasi sya, nagmamadali daw kasi sya kaya di na nakapag pants
Seryoso ba yan Mom? Mas malala pa yun dati ah! first meeting namin susunduin daw nya si Paris, magkaiba yung tsinelas nya. May saltik talaga ex mo minsan noh?
Nagtawanan ang mga kapatid ko except kay Icy
Teka, bakit kayo magkikita ulit, kakakita nyo palang kahapon ah
Wala ka na dun kuya? Atupagin mo love life mo!
Sumasagot ka na ng ganyan ngayon ah.
Paul's POV
I'm on my way para sunduin si Paris. The long wait is over, eto na paguusapan na namin ng maayos yung tungkol samin.
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sobrang excited ako sa araw na 'to.
Walang paglagyan yung saya ko ngayon. Tagal ko din kasing nagdasal, nanalig at naghintay, at ngayon eto na.
Nagpapasalamat talaga ako na binigyan nya ko ng chance ulit. And this time I'll do my best to make her happy nang higit pa sa mga nagawa ko sa kanya noon.
Pagdating ko sa house nila ipinaalam ko sya sa parents nya, hinanap ko si kuya Chianti para i-congratulate kaso tulog daw.
Dinala ko si Paris sa abandoned building na tambayan namin. Dumerecho agad kami sa rooftop
Wow! May couch na! Kelan mo 'to nilagay?
Last week, naisip ko kasi na mukang mapapadalas na tayo dito ngayon eh. Nagustuhan mo ba? Papa-design ko pa yan sa ngayon, yan lang muna!
Pwede na!
Naupo agad sya sa couch
Sarap ngang tambayan 'to!
Eto ang secret/private place natin!
Private place ka pa dyan! Open kaya 'to!
So gusto mo closed talaga? Grabe! anong balak mo sakin Love? Na-miss mo talaga ko noh?
Hinampas nya ko ng unan sa mukha
Yung mga nasa isip mo talaga minsan puro kaharutan.
Nginitian ko lang sya at hinawakan ang kamay nya
Love, thank you! Sobrang saya ko kasi tayo na ulit! Babawi ako, promise!
Wala akong ibang gusto kundi maging maayos yung relasyon natin. We'll make this work, right?
Yes, we will make this work!
Promise?
Promise!
Babawi din ako sayo Captain!
Sige nga, pano?
Pipilitin kong maging mas sweet na girlfriend, hindi na ko masyadong magiging selosa, I'll try! Tsaka Love dapat lahat ng nasa isip natin sasabihin natin sa isa't-isa ah!
Tama, no more secrets, okay?
Tsaka ikaw wag mong sarilinin lahat, I'm here to support and be with you always! Iisa na tayo ngayon, okay?
Yes, Love! Hinigpitan ko ang pagkakahanwak ko sa kamay nya and I kissed it
Tumayo sya at biglang umupo sa lap ko, niyakap ko naman agad sya
I missed this! My safe haven! I love you!
Wow Love! Parang gusto ko yung Paris ngayon, mas clingy na kasi tsaka extra sweet
Humarap sya sakin and cupped my face on her hands
Kasi you deserve it!
Love, I will always thank God for you! You are my greatest blessing! I love you