Nerdy Delinquency

By GoofyXycho

1M 40.9K 4.3K

Queen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Queen
Chapter 2: A Shocking Turn of Events
Chapter 3: Karma is a Bitch
Chapter 4: Ironhead University
Chapter 5: A cup of karma
Chapter 6: To Detention
Chapter 7: To Tame Wild Dogs
Chapter 8: Unfortunate Encounter
Chapter 9: Her Knight in Shining Armor
Chapter 10:King of Jerks
Chapter 11: Nicholas Kaizen King III
Chapter 12: Misfortunes, a Failed Revenge and Abs
Chapter 13: Stuck in the Middle
Chapter 14: The Amateur Bitch Queen
Chapter 15: The Queen Gatecrashes
Chapter 16: The Crazy Side
Chapter 17: Texts
Chapter 18:The Mystery Sender
Chapter 19: His Obsession
Chapter 20: Challenging the King
Chapter 21: The One That Will Loose
Chapter 22: Kidnapped
Chapter 23: His Birthday Gala
Chapter 24: How to Save Good Wine
Chapter 25: Jealous? Hell No
Chapter 26: Another Nerd
Chapter 27: New Transferee
Chapter 28: The Fallout
Chapter 29: A younger brother
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32: Each other's Secret
Chapter 33: His Confession
Chapter 34:The Plan
Chapter 35:At Enemy Base
Chapter 36: Effort not Recognized
Chapter 37: Her so called Lesson
Chapter 38: Her Deadly Plan
Chapter 39: Art of Stalking
Chapter 40: Collateral damage
Chapter 41: Devil in Disguise
Chapter 42: Zia Justisya
Chapter 43:Special Treatment
Chapter 44: Coal
Chapter 45: New Look
Chapter 46: It's Mine
Chapter 47: Determination
Chapter 48: Crazy Cashier
Chapter 49: The Hot Brit
Chapter 50: End of the Bet
Chapter 51: Maria Clara's Ibarra
Chapter 52: Ignored
Chapter 53: Love Sick
Chapter 54: Moments
Chapter 55: The Act
Chapter 56: A Moment of Weakness
Chapter 57: Wala Kang Jowa
Chapter 58: Taking Out the Trash
Chapter 59: Her Comeback
Chapter 60: The Truth
Chapter 62: The End
Epilogue
GX's Note
Eliza's Special Chap#1: Hallways are Hell

Chapter 61: Gameover?

15K 597 137
By GoofyXycho

Dad calling...

Saglit kong tinitigan iyong screen ng cellphone ko.

Kinakabahan ako habang pinakikinggang tumunog iyong ringtone ko. My fingers finally pressed the reject button. 

Sinubukan kong lunukin iyong kaba ko at nilingon si Lizzy.  "Let's go Lizzy, how about we go shopping?" suhestiyon ko. Ayokong mas lalong masira ang araw ko pag sinagot ko iyong tawag. Gusto ko munang mamasyal at kalimutan muna ang lahat. I'll be skipping class again. Sa nangyari ngayon, malamang wala na talaga akong balak um-attend sa klase sa hapon.

Parang may gusto pang sabihin si Lizzy pero hindi niya tinuloy at tumango nalang. I can feel that she's bothered with something na may koneksyon sa tinanong niya kanina. Duwag man pero iniiwasan ko rin iyong tanong na iyon. Natatakot ako at baka kung saan pa iyon mapunta. Everything just became complicated, maging iyong namamagitan sa amin ni Cole ay lumabo. Sa ngayon, gusto ko muna iyong takasan.

Umalis na kami sa rooftop at nakatagpo namin sina Grace na naghihintay lang pala sa amin. Nang marinig ni Grace iyong salitang shopping ay agad nagliwanag iyong mga mata niya.

Palakad na kami palabas na sana ng eskwelahan ng may tumawag sa pansin ko.

"Boss Lady!" napalingon ako at nakitang papatakbong lumapit sina Yohann at William sa amin.

"You know these guys?" tanong ni Stanley na tinanguan ko nalang.

Tuluyan ng nakalapit iyong dalawa sa amin na mukhang hinahabol pa iyong hininga nila. "Boss Lady! Nakita namin iyong nangyari sa cafeteria kanina, nagulat talaga ako, pero ang cool mo---woah." Agad napatigil si William at pansin kong parang halos magkorteng puso iyong mata niya. Biglang nalaglag iyong panga niya

"Tol, bakit? Anong---woah." ganun din si Yohann. Sinundan ko ang tingin sila at napadpad iyon kay Grace. Agad nanlaki ang mata ko. Wag mong sabihing na-love at first sight ang dalawang to sa kay Grace?

"Tol! Yung puso ko, ang bilis tumibok. I think I'm in love." sambit ni William habang hinihimas iyong dibdib niya.

"Yung the one ko, nakita ko na!" pahayag naman ni Yohann kaya nalaglag din iyong panga ko.

Hindi ko yata to inasahan sa tanang buhay ko.

"Oh giliw ko." ani William sabay lapit kay Grace.

"Aking diwata." ganon din si Yohann.

"Aking sintang walang humpay na ligaya." muling sambit ni William.

"Binibining marikit na dalangin ko." sabi din ni Yohann na parang nagpapaligsahan sa mga itatawag kay Grace.

Napakunot naman ng noo si Grace. "Uh, sorry I didn't understand a word you just said."

Nagkatinginan ang dalawa. "Oooh, english spokening, dude ikaw mauna." tulak ni Yohann kay William kaya humakbang ito papalapit kay Grace. Sinuklay ni William iyong buhok niya gamit ng kamay niya. "Good day, madam byutipul. I'm William Hyde, but you can call me mine." sabi nito sabay kindat pa.

Kunwaring inayos naman ni Yohann iyong neck tie niya."Yohann Carpio, Miss Binibini, at your service."

Naalala ko iyong nagpakilala sila sa akin noong naipit ako sa gulo sa pagitan nila at ng isang grupo ng dahil sa teritoryo, ganun rin yata ang linyahan nila.

Kinuha nila ang magkabilang kamay ni Grace at hinalikan. Muli namang napakunot ang noo ni Grace na parang walang naiintindihan sa nangyayari. "Beyney...beyney? What is that?"

Bago pa man makasagot ang dalawa ay umeksena si Maxim. "Mga ulol, ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" untag nito na kararating lang.

Agad akong naalarma at napalibot ng tingin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi ko nakita si Cole. Nandito ang barkada niya kaya baka baka nandito rin siya. It's good to know that he's nowhere near. Hindi ko pa siya kayang makaharap.

Muli akong napabaling kina Yohann at William na ngayo'y nakabaling ang tingin kay Ichabod na kasunod lang ring dumating kay Maxim. Lumawak ang mga ngisi nila sa labi habang tinatawag nila ang pansin nito. Mukhang naging trip na talaga nilang asarin si Ichabod.

"Ganda ng timing mo Ichabod, masdan mo kung paano kami mamingwit ng chicks. Watch and learn, totoy." taas-noong saad ni Yohann.

Sumang-ayon naman si William. "Oo, matuto ka sa mga pro. Alam naming salat na salat ka sa lablyp kaya, kumuha ka ng papel at magsulat ka ng notes, ituturo namin sa iyo kung paa--"

"Oh my! Ichababes!" Halos mabingi ako sa tili ni Grace kaya napahinto William sa sinasabi niya.

Pero parang nabingi yata ako dahil kung anu-ano nalang ang naririnig ko. Am I hearing her right?

"I-Icha.."

"B-babes?" tuloy ni Yohann sa sinabi William.

"Fuck."

Agad namutla ang mukha nang dalawa pero mas lalong lalo na si Ichabod. Mukhang ngayon ko lang yata siyang narinig na magmura.

"It's really destiny~" Tumakbo si Grace palapit kay Ichabod at lumingkis pa sa braso nito.

"D..desti..." -William

"ny...?" -Yohann

"Shit." -Ichabod

"I can't believe I found my prince charming again today." muli na namang sabi ni Grace habang hinigpitan pa ang pagkakalingkis nito sa braso ni Ichabod.

"P...prince..."

"Cha..charming?"

"Damn."

Magsasalita na sana ako nang narinig kong tumunog uli iyong cellphone ko. It was still from Dad again kaya muli kong ni-reject at muling itinuon ang pansin sa nangyayari.

"Wait, Grace, you knew him?" turo ko kay Ichabod na singpuntla na ng papel.

"I met him at a bar last year, remember when you all stood me out. I went partying alone. We met and had fun." maligaya niyang sabi na parang nagbabaliktanaw pa.

"Fun?" tanong ko.

Nagkatinginan naman ang dalawang ugok. "Funanghalian?

"Fundesal?"

"Funsit canton?"

"Funsilog? Hotsilog? Puta. Pansit
,pandesal at hotdog na may itlog? It all interconnects!" bulalas ni Yohann.

"Miss, I think you're mistaking him over someone. Ichabod Orteja and fun don't blend well." singit naman ni Maxim kay Grace na pansin kong nag-iingles ng derederetso. Gaya sa reaksyon nung dalawa ay halatang gulat din ito.

"Oo tama! Yes! Yes! He's right." pagsang-ayon naman ng dalawang ugok na wagas makatango habang tinitignan si Grace ng puno ng pag-asang babawiin niya ang sinabi niya.

Umiling naman ito. "Oh no, I clearly remember. He had a mole on the left side of his abdomen."  Walang sabi-sabi ay itinaas ni Grace iyong damit ni Ichabod at ibinalandra sa amin ang kanyang tiyan na may six pack abs. "Stay still, Ichababes." sabi pa niya ng nagpupumiglas ito. Itinuro niya iyong sinasabi niyang nunal at totoo ngang meron nga.

Nanlaki iyong  mga mata naming lahat. Nagtanong na rin ako dahil nacucurious din ako. "Why would you even know there was a mole was there? Unless..."

Grace winked. Nakawala naman si Ichabod kay Grace pero hindi naman siya nakatakas sa dalawa.

"Traydor ka Ichabod!" paratang ni William.

"Isa kang malaking traydor. Tinuruan ka namin pano pumick-up ng chicks noon tapos ito ang igaganti mo sa amin?" sambit naman ni Yohann habang tinitignang masama si Ichabod.

"Wala kang konsensya, akala ko kaibigan ka namin. Last year mo pa pala kaming niloloko. Taena, ang sabi mo family vacation ang pagpunta mo sa Amerika, nanabotahe ka na pala ng lablyp." nang-aakusang pahayag muli ni William. May topak talaga sa isip ang dalawang to, sigurado na ako.

Ichabod looked like he wants to explain himself pero nahihirapang sabihin iyon sa pinakamailkling pangungusap.

"Tol! Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Paano bang mabuhay muli? Hindi na ako mabubuhay ng wala siya." baling ni Yohann kay William.

"Taena, gumuho mundo ko. Hindi na ako sasaya muli. " sambit din ni Yohann tsaka nagyakapan sila.

"Ayoko na magmahal ulit."

"Ako rin." sang-ayon ni Yohann.

"Tambay nalang tayo sa pornhub tol, liligaya pa tayo."

I face palmed myself. I envy Grace, sana hindi rin ako nakakaintindi ng tagalog. Nakikita ko iyong reaksyon ni Maxim na parang ikinakahiya niyang kaibigan niya ang dalawang ito.

Napabuntong hininga ako. "Hey Lizzy, wag kang makinig sa kanila, okay? Mawawasak ang buhay m--" napahinto ako nang namalayang nawawala si Lizzy sa tabi ko. Medyo naaliw ako sa kanilang Grace at Ichabod na hindi ko namalayang wala na pala siya sa tabi ko.

Saan na ba iyon? Mukhang nakasanayan na yata niyang bigla bigla nalang mawala. I asked Derrick and Stanley who was just watching us the whole time. Tinuro naman nila ako sa direksyon kung saan nila ito napansing umalis.

Naglakad na ako upang hanapin siya. Mamamasyal pa kami. Ayokong mag-aksaya pa ng panahon. Iginala ko ang tingin ko habang naglalakad nang nakita ko siya.

Mistulang naipako ako sa kinatatayuan ko. Biglang nanghina ang tuhod ko nang mahanap si Lizzy. May kausap siya at parang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

She was talking to Cole.

I closed my eyes and opened them again hoping I was just seeing things wrong pero wala paring nagbago.

Another knife pierced through my heart. Why would they be talking? Malamang kasi sila naman talaga dapat, ang kanser kong utak naman ang sumagot para sa akin.

I bit my cheeks. Nag-iinit na iyong gilid ng mga mata ko. Damn it.

Muling tumunog iyong cellphone ko. It was still Dad calling.

I stared at it for quite some time at tumutunog parin ito. Napabuntong hininga ako. I finally pressed 'answer'.

It's game over, Helena.
.
.
.
The next day...

[******* International Airport]

"I can't believe we're leaving so early. I really hate this, we just got here a day ago." maarteng maktol ni Grace.

Nandito na kami sa tapat ng entrance gate sa airport at hinihintay sina Derrick at Stanley na bumalik sa hotel na tinuluyan nila dahil nakalimutan iyong ticket nila, off all things.

"Are you even listening? I just found my prince, and you're taking me away from him." reklamo niya habang nakabusangot pa.

Napaikot ako ng mata. "You'll get over him. Just like each and everyone of your exes."

"They're flings! My Ichababes is different." muling maktol niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ugh, wake me up when those doofuses arrive ." umupo siya sa isang bench at isinuot iyong sleeping mask niya. Mukhang napuyat siya kagabi, and the boys still have hangovers kaya siguro lutang ang mga iyon.

After I had the talk with dad, the four of us went partying in a bar last night like it was our last. I went home late at hindi ko na nakausap pa si Lizzy. Hindi ko rin siya nakausap pa kaninang umaga.

I just sighed.

Inilabas ko iyong phone ko para sana tawagan sina Stanley at Derrick at tanungin kung nasaan na sila nang may bumangga sa akin.

I glared at the bastard pero sa halip ay nagulat ako. "Z-zach?" bulalas ko. Siya iyong pinsang hilaw ni Cole.

Ginantihan naman niya ako ng kunot ng noo. "I'm sorry but do I know you? I'm sure you're not one of my flings because I never forget a face like yours."

Agad naman akong natauhan. Naalala kong nakilala niya pala ako bilang Eliza kaya malamang hindi niya ako makikilala.

"Uhm. Forget it, I thought you were somebody else." dahilan ko at agad na tumalikod na pero napaigtad naman ako nang bigla niya akong akbayan.

"That was a joke of course." sabi nito kaya nagugulahan akong napatingin sa kanya.

"I'm leaving for England today so I went to the hideout yesterday. Maxim told me everything. I didn't expect you're this beautiful." tugon niya ng mapansin ang reaksyon ko.

Napadako naman ang tingin nito sa maletang hawak hawak ko. "I see, so you're really leaving? Does Cole know about this?"

I bit my lips at nag-iwas ng tingin. Ayoko munang pag-usapan si Cole ngayon. "Don't---"

"Don't worry I won't tell him." singit niya sa akin atsaka kumindat pa. "I respect a lady's decision, besides why would I ruin this perfectly good chance? I told you I was going to steal you away from him." nakangisi niyang sabi.

"It'd be good if you just shut up, Zach." sinamaan ko siya ng tingin.

Ginantihan lang naman ako nito ng tawa. " You're really fun to tease but since you and my cousin aren't a thing anymore, wanna go out with me? I'm good at long distance relationships you know, with you being in America and me in UK." taas-babang kilay pa niyang sabi.

Muli ko siyang sinamaan ng tingin. "Zach, people stay handsome if they shut the fuck up and stop annoying people, dapat alam mo yun."

Lumawak naman iyong ngisi niya."So you think I'm handsome?"

Napaikot nalang ako ng mata. Pansin ko namang napatingin siya sa relo niya. "Tss. Let me borrow your phone for a bit." biglang sabi niya kaya napadugtong ang kilay ko.

"Aanhin mo?"

"Just give it to me." Napabuntong hininga nalang ako at ibinigay iyong cellphone ko, matigil lang siya sa pangungulit sa akin. Zach was grinning from ear to ear and suddenly put his arm around my shoulders.

"Say cheese!"

Hindi ko iyon napaghandaan hanggang sa may narinig nalang akong click ng camera at flash.

"Anong ginagawa mo?" untag ko sa kanya habang tinitignan siyang kinakalikot uli iyong cellphone ko.

"Relax, babe. I'll just forward this to my phone. I look handsome here, just let me send this through messe--...o-oh." bigla siyang napahinto na para bang may maling nagawa.

Mas nagdugtong iyong dalawang kilay ko. "What do you mean, o-oh, anong ginawa mo?" Bigla akong kinabahan.

"I accidentally sent it to Cole. Sorry " sabi niya habang nakangisi. He doesn't even look sorry at all. Parang sinadya pa nga niya. "Don't worry though, you look good in the pic, Kaizen won't be turned off that easily." kumbinsi pa ng kumag.

Nanlaki ang mata ko. "I'm gonna kill you." Pinilit kong abutin iyong phone ko pero inilayo niya ito sa akin habang pinipindot sa phone ko. Considering his height, I wasn't successful in getting my phone back.

"Relax, I'll take care of it." komento pa niya pero wala na akong tiwala sa kanya.

"Parehong pareho talaga kayo ng pinsan mong walang kwenta." di ko mapigilang pahayag sa inis.

"I'm hotter than him though." sambit niya naman.

"Wag kang mangarap, mas gwapo si Cole kesa sayo. Mas matigas iyong abs niya. Mas walanghiya ka--"

"and sent..." putol niya sa akin.

Mas nanlaki ang mata ko. "Don't tell me you just recorded it and sent it to him?" kinakabahan kong tanong. Taenang bibig to, walang silbi.

Humalakhak naman siya. "I won't."

"Give me my phone back, Requim bago kita patayin." I glared daggers at him. Gusto ko siyang ipasagasa o ihulog sa eroplano, o kaya ay ipasok sa propeller nito. Ang daming pumapasok sa aking ideya kung paano siya patayin.

I kicked him on the knees. I was about to knee him right on his babymaker pero agad niya na itong tinabunan ng isang kamay niya. "It's a joke. Geez. Don't end my bloodline. This world needs my genes." ninenerbyos na sambit niya at mabilis na isinauli saakin iyong phone ko.  Tinignan ko iyong messages and I felt like being strucked by lightning when it has already been seen. Agad kong iblinock iyong number ni Cole pati narin sa lahat ng numero nina Yohann. After that ay pinatay ko na ito. Kumakabog parin ng malakas iyong dibdib ko.

Di ko maiwasang manggigil sa irita kay Requim kaya agad ko siyang siniko sa dibdib at sinigurado akong talagang masasaktan siya. Agad naman siyang dumaing. Taena. Nakapeace sign pa ang hinayupak sa picture. Mas malala ay sinend niya pa iyong recording sa sinabi ko. Nagpupuyos ako sa galit. Di ako nakuntento at sinabunutan pa siya.

"Ouch. Ouch. I'm sorry. Ouch." daing niya muli. Napatigil naman ako nang biglang dumating na sina Derrick at Stanley.

"Who's this guy?" tanong ni Stanley nang makalapit sa amin.

"Zachary Elliot, mate. I'm an acquaintance." pakilala naman nito sa sarili tsaka isa-isang kinamayan ang dalawa. Makapal talaga ang mukha ng lalaking ito.

"So what time do you leave?" tanong nito na parang ang lapit lapit na nila sa isa't isa. Sinagot naman siya ni Stanley and then they proceeded to chat along with Derrick. Hinayaan ko naman sila hanggang sa ibang topic na sila napadpad.

"Uhm favorite Pokemon?" rinig kong tanong na naman ni Zach. Napansin kong parang humahaba na yata ang usapan nila.

"Hey morons, time to check in." paalala ko sa kanila sabay turo sa relo ko dahil parang nakalimutan na yata nilang nasa airport kami.

"Wait! Don't leave yet!" napansin kong parang nagtaas iyong boses ni Zach. Pansin kong pabalik balik ang tingin niya sa relo niya.

Lalakad na sana ako para gisingin si Grace na himbing na himbing na natutulog sa bench nang humarang si Zach.

"What's the thing Zach." Napaekis ako sa mga braso ko sa dibdib ko. "Spill it." I narrowed my eyes at him at mariin siyang tinitigan.

Napakamot naman siya ng batok. "He's coming. I called him a while ago when I coincidentally spotted you. I was just stalling you to buy time."

"You what? Who's coming?" untag ko at biglang kinabahan. Tell me he wasn't referring to Cole!

Bumuntong hininga siya at sumeryoso iyong mukha niya.
"I know how head over heels Kaizen is for you. You both suit each other and I won't let this ship sink, not on my watch. Both of you just needs some talking if you'll hear him out.  So you're not leaving this country Helena, heck I won't let you leave this damn spot."

Magsasalita na sana ako nang may narinig akong sigaw na nangingibabaw sa kabilang dulo ng kinatatayuan namin. Hindi ko makita kung sino dahil sa dami ng tao pero kung hindi ako nagkakamali sa mga boses na iyon, galing iyon kay Yohann at William, ang dalawang ugok na kinakalyo na ang mukha sa sobrang kapal.

"Boss Lady! Yohooo!"

"Umalis kayo sa daan! Wag kayong pakalat kalat, bumili kayo ng eroplano niyo!"

"Wag kayong humadlang sa forever, bwisit bat andaming tao? Ang hirap manghanap ng tao, leche."

"Boss Lady! Nasaan ka?"

"Lenny!" mas nagulat ako nang narinig ko iyong boses ni Lizzy.

Papalapit nang papalapit iyong tawag nila sa akin. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o mahihiya. Mula sa mga taong nagkalat ay nakita ko na sina William, Yohann at Lizzy. Nang makita nila kami ay agad akong tinuro ng dalawang ugok. "Ayun!"

"Boss! Nandito si Boss Lady!" rinig kong sigaw ni Yohann.

Nagtitinginan na iyong mga tao sa amin lalo na sa akin dahil sa akin sila nakaturo.

I palmed my face then I looked at them with a shocked expression. Hindi ako makapaniwalang pumunta sila dito. People are staring at us and it's starting to make me embarrassed and uncomfortable. I looked at the crowd that's starting to form pero parang agad din silang naglaho sa paningin ko nang magtagpo iyong tingin namin ni Cole.

To be continued...
...

Cliffhanger again hehehe. Sinusulit ko lang ang mga maliligayang araw ko. Epilogue na next chap.

-GX

Continue Reading

You'll Also Like

639K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
57.5K 3K 60
[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana m...
413K 14.5K 63
Izy Lavelle Cerrez is a girl with cold expression and chilling personality. She is fearless and the kind of woman who can slay, literally. Despite be...
40.3K 1.3K 21
Bampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?