✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57.2K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

QUADRAGINTA

780 85 4
By NoxVociferans

"MARKUUUUUS!"

Natatarantang napabalikwas ng bangon ang binata nang umalingawngaw ang matinis na boses ni Caprissa sa kanilang warehouse. Dahil dito, nawalan siya ng balanse at tuluyan nang bumagsak mula sa pagkakahiga niya sa malalaking drum.

"Shit!"

Napadaing siya sa sakit nang tumama ang kanyang likod sa semento. He cursed under his breath and glared at the twelve-year-old kid. Can't a genius have some peace and quiet for once?

"Damn it, Caprissa! 'Di ba sabi ko sa'yo 'wag mo akong guguluhin kapag nagpapahinga ako?!"

Napasimangot naman ang bata. "Nagbibiro ka ba? Buong umaga ka na kayang tulog diyan! Hindi na nga ako magugulat kung wala ka nang pulso eh. Hmph!"

"Hindi pa ba nakakabalik sina Lady Medusa?"

Nang maalala ang kanilang amo, napabuntong-hininga na lang ang batang babae at naupo sa sahig. She nervously placed her college books beside her and played with her pigtails. Ramdam ni Markus ang pag-aalala nito. Here in the mortal world, it's equivalent to half a day. Pero kung tama ang hinala ni Markus, sa oras ng Underworld, isang buong araw na ang lumipas.

'Magkasama na siguro sina Lady Medusa at Rein.'

Time inside the Underworld is unstable. Palagi itong nagbabago. Lady Medusa would always call it the "paranormal clock". Sometimes, one paranormal year is just a mortal day. Minsan naman, sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagkakabaliktad ang katumbas nito at mas nagiging maikli ang oras ng mga mortal. Either way, it's unpredictable.

"Babalik rin sila, Caprissa. Lady Medusa can handle her sisters. Isa pa, hindi naman siguro papabayaan ni Rein ang boss natin."

Ngumiti nang pilit ang bata. "Sana nga. Ibibitin ko talaga nang patiwarik si Kuya Rein kapag pinabayaan niya si Lady Medusa!"

Mahinang natawa si Markus. Hindi na siya magugulat kung kasalukuyang nag-aasaran na naman ang dalawang 'yon. "Ano nga palang emergency? Para kang hinahabol ng aswang kanina sa lakas ng boses mo."

Humikab ang emo at inayos ang nagusot niyang damit. Markus was wearing a maroon Sleeping with Sirens shirt with the words "YOU MADE ME HATE MY OWN REFLECTION" printed in front. Dumako ang mga mata niya sa koleksyon ng mga sapatos ni Lady Medusa na nakasilid sa mga kabinet na gawa sa salamin. '29 pairs down, 72 pairs left to polish later,' he thought in defeat.

Panandalian niyang nakalimutan ang tungkol sa naghihintay na naman sa kanyang trabaho nang mapansing hindi mapakali si Caprissa. What she said literally made him wish that he never woke up from his little nap earlier.

"Ang daming umiiyak! Everyone on the streets and even Kuya Rein's bestie.. they were all crying when I saw them!"

"A-Ano?!"

Kinakabahang tumango si Caprissa. She started pacing around in circles, "Hindi ko rin maintindihan. Pati nga mga estudyante. Kanina nang pumasok ako sa university, naabutan kong naglalampaso ang janitor sa mga hallway dahil literal na bumabaha ng luha.. D-Do you think Ares and the other gods have something to do with this?"

"Probably."

"Huhuhu! Baka bumaha sa buong Eastwood kapag hindi natin ito napigilan, Markus!"

Flooding Eastwood with tears? That's crazy.

Napalunok na lang si Markus. Ano na naman bang kababalaghan ang nangyayari sa bayan nila? Sumabay pa talaga kung kailan wala rito sina Lady Medusa. Malamang nga, pakana na naman ito nina Ares para manggulo sa mga mortal. Those desprate gods can do anything with their powers.

Damn.

'Ano nang gagawin namin?'

*

Tartarus.

Hindi ko alam na posible palang magbago ang hitsura ng isang lugar sa loob lang ng ilang oras. Kanina nang dinala ko rito si Lady Medusa, the place looked dull, dangerous, and a tad bit mysterious. Ngayong tuluyan nang lumalim ang gabi, mas nagmukhang kahali-halina ang binansagan nilang "sentro" ng Underworld.

The sky turned a shade darker and the evening breeze was cold enough to send a shiver up my spine. Bumungad sa'min ang samu't saring mga ilaw na lumulutang sa paligid. Kumukutitap ang mga ito at may iba't ibang kulay. Naalala kong bigla ang mga Christmas lights namin sa Eastwood. Napangiti ako at nilapitan ang isang ilaw. As I stared longer at the floating red light, it felt as if it was enchanting me on purpose.

Pero bago pa man ito dumampi sa palad ko, Lady Medusa pulled me back.

"Don't touch those." Seryoso niyang sabi sa'kin na agad kong ipinagtaka. What the hell?

"They look harmless!"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya nag-aalala. I mean, what's so dangerous about these lights? They look cool and magical.

Ilang sandali pa, ngumisi na lang ang amo ko at nagkibit ng balikat.

"Fine. I'll just educate you that those 'harmless' lights are actually flesh-eating pixies. Kaya kung gusto mong magpakamatay, hawakan mo sila. Basta tatandaan mong hindi kasama sa benepisyo mo bilang empleyado ang gastos sa libing mo. Ciao!"

At nauna na siya sa paglalakad. Her heels echoed against the cobblestone ground, leaving me speechless.

'A-Ano raw? Flesh-eating pixies?!'

Kinakabahan kong tinitigan ang isang asul na ilaw na lumilipad papalapit sa'kin. Ngayon ko lang napansin na mga pixies nga ang mga ito! They look like tiny people with dragonfly wings and sharp teeth. Kulay itim ang mga mata nila at para bang gustong-gusto na nila akong pagpistahan. Namutla ako nang mapagtanto kong napapalibutan na nila ako.

Oh, shit!

"S-SANDALI LANG, LADY MEDUSA!"

Patakbo akong sumunod sa kanya at kumapit sa braso niya. Err...baka kasi matakot siya sa pixies kaya nagmabuting-loob na lang akong humawak sa kanya. Para naman hindi siya tumakbo papalayo sa takot.

Humagalpak naman siya nang tawa. Her laughter rang inside my head. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikaasar o hindi. Tsk!

"HAHAHAHAHA! Stop being naive, Rein. Nasa Tartarus tayo, kaya hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang mga nakikita mo. Everything here is dangerous." Naaaliw niyang sermon sa'kin.

Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso niya---pero syempre, naglalakad pa rin ako malapit sa kanya dahil isa akong maginoong mortal. Baka kasi matakot siya sa pixies. Mabuti nang maipagtatanggol ko siya.

"Everything here is dangerous.. even you?"

Napahinto sa paglalakad si Medusa at humarap sa'kin. Her normal green hair rested on her shoulder as she eyed me under her thick eyelashes. Seryoso siyang sumagot.

"Especially me, Aristello."

Hindi na lang ako umimik doon at hinayaan na lang siyang manguna sa paglalakad.

Kamuntikan ko nang makalimutan na binago nga pala niya ang buhok niya kanina. Lady Medusa is still wanted by the gods of Olympus, so it'll raise even more chaos is she's gonna waltz in here with snakes on her head. Huminga na lang ako nang malalim at pinasadahan ng tingin ang paligid.

'This place is crazy.. but in a good way.'

Tama nga ang sinabi ni Lady Medusa kanina. Para bang may fiesta dito sa Tartarus. The streets were flooded with vampire acrobats. Gumagawa sila ng stunts at tumatambling ere. In a split second, they would transform into bats and fly towards the amazed spectators. May streetdancers rin na pawang mga tikbalang at aswang. Hindi ko na lang pinansin ang dugo doon sa damit ng aswang kasi magaling naman siyang mag-hiphop. Napaubo ako nang makaamoy ako ng kakaibang usok. Nang lumingon ako sa mga gilid ng kalsada, doon ko napansin ang mga kapreng nagpapa-sampol ng kanilang mga vape sa ilang mamimili.

Aside from that, an undead marching band played in a distance. Napangiti ako nang makitang nahihirapang umihip doon sa trumpeta ang isang kalansay. One of them even used a human thigh bone as a drumstick. It was weird and amusing at the same time.

Buhay na buhay ang mga lansangan ng Tartarus sa kabila ng katotohanang karamihan sa kanila ay mga patay na.

'Nice irony.'

Since my boss wanted to shop for clothes first, I followed Lady Medusa to a ghost boutique ("BOO-tique" ang nakalagay sa semi-transparent nitong karatula). Noong una, nanibago pa ako dahil si Lady Medusa lang ang nakakakita ng mga multong sales ladies.

"You're one of the living, Rein. Hindi mo talaga sila makikita pwera na lang kung magpakita sila sa'yo o kung may third eye ka." She boredly explained while handing me some clothes. Hindi na lang ako nagkumento nang pinipilian rin niya ako ng underwear at sapatos. Dakilang alalay lang ako sa kanya habang namimili siya.

'Bakit ba ang tagal niyang mag-shopping? Kung ako siguro ang bibili, kukunin ko na lang agad ang anumang mahawakan ko.'

Finally, when she was inside the fitting room, hindi ko maiwasang magtanong.

"Pwede mo bang i-request sa mga sales lady na magpakita sa'kin? Ano bang hitsura nila?"

Naiilang na kasi ako. Pakiramdam ko kanina pa may nakatitig sa'kin tapos ilang beses na rin akong napapagalitan ni Lady Medusa dahil "aksidente" kong natatapakan ang paa ng ilang mga multo.

Ilang sandali pa, sumagot si Lady Medusa.

"Most of them are covered in blood and have no eyeballs. May isa pang sales lady na labas ang bituka at may kutsilyo pang nakabaon sa dibdib... But if you want to see them, sige. Ire-request ko---"

"WAG NA! I-I mean.. baka kasi maabala pa sila. Nakakahiya naman mag-request." Napakamot na lang ako ng ulo ko.

Ini-imagine ko pa lang ang hitsura ng mga multong dine-describe ng boss ko, para na akong nanlalata.

Ilang sandali pa, biglang bumukas ang kurtina ng fitting room at lumabas mula rito si Lady Medusa. Not that I'm exaggerating things, but I think I forgot how to breathe again.

Hindi tulad ng mga damit niyang hapit na hapit sa katawan, now she wore a fine Grecian dress. Iyong classic white dress na madalas na suot ng mga diyosa? Yup. That's the one. It's white chiffon material clung loosely to her figure, but it was enough to accentuate her curves. Tinernohan pa ito ng gintong belt at ilang gold accessories niya. She smiled sweetly at me and did a pose.

"So, how do I look?"

Amazing.

Nag-iwas ako ng tingin. "Ayos lang."

Mula rito sa kinauupuan ko, nararamdaman kong nagpipigil na lang siya ng inis. Kahit kailan talaga, pikon itong boss ko.

"Ayos lang? Sa ganda kong ito, 'ayos lang' talaga ang ikukumento mo?! You worthless fool! Parang kanina lang naglalaway ka na sa'kin, eh!"

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Wait, is this one of your many attempts to seduce me again?"

"Depende. Tumatalab na ba?"

Oo!

"Hindi."

Tumayo na ako at kinuha ang mga damit na pinili niya para sa'kin. Hindi ko talaga alam kong anong trip sa buhay nitong amo ko kasi mummy-printed pa ang boxer shorts na kinuha niya (and it was exactly my size). Well, atleast I'd finally get out of this itchy robe.

I stared at the shirt and pants she chose. Mabuti na lang at may men's wear rin sa boutique na ito.

'Paano niya kaya nalamang green ang favorite color ko?'

A bit suspicious, but I'm not one to complain. Siya naman ang magbabayad eh.

Nang mapansin kong nangingitngit pa rin sa inis si Lady Medusa, I playfully kissed her nose and winked at her.

"Better luck next time, Lady Medusa."

Bulong ko sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa fitting room.

---

Continue Reading

You'll Also Like

472K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
17.9K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...