✔Sold to Medusa

Por NoxVociferans

56.9K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... Mais

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

UNDEQUADRAGINTA

747 82 5
Por NoxVociferans

Paano ba mag-sorry?

'Dati naman, hindi ka nahihirapang humingi ng tawad tuwing 'aksidente' mong matatapakan ang paa ni Keifer kapag nilalandi niya si Pamela eh... What changed?' pang-aasar na naman ng medyo matinong parte ng utak ko

Minsan talaga hindi ko alam kung kinakampihan ba ako nito o talagang gusto lang akong konsensiyahin sa mga kalokohang ginawa ko noon. Either way, I decided to push that annoying voice aside and lock him up in the back of my mind. Wala rin naman siyang naitutulong sa'kin.

Kung bumalik kaya ako sa Tartarus? Siguro naman sa laki ng lugar na 'yon, may bookstore sila.

Plano ko sanang maghanap ng "How to Apologize to Medusa Without Saying Anything Stupid That Might Potentially Get You Killed" manual. Of course, even if I do find something like that, babalik na naman tayo sa isang malaking problema:

Wala akong pambayad.

Huminga ako nang malalim at sumulyap kay Lady Medusa. The light coming from the bonfire we set up half an hour ago made her look divine and a little less dangerous. Her deep brown eyes looked softer as her face settled on a serene expression. Ngayon ko lang napagtantong mas gumaganda pala siya kapag hindi niya pinapairal ang pagiging maldita niya.

Ilang talampakan lang ang layo ko sa pwesto niya kaya naririnig ko pa rin ang tunog na nililikha ng mga ahas sa kanyang ulo. Siguro kung hindi nga lang sa mga ahas na 'yan, baka mapagkakamalan kong isang diyosa si Lady Medusa.

Isang diyosang kanina pa nakatitig sa kawalan habang nakayakap sa kanyang mga binti. Involuntarily, I gulped and tried to focus on my words..

"Lady Medusa, I'm so---"

"Magtitigan lang ba tayo dito buong magdamag? Nagugutom na ako. Make yourself useful and get me something to eat, Aristello. Para naman hindi sayang ang pasahod ko sa'yo."

Nagpakurap-kurap ako. 'What the hell? Lintek na 'yan, mukhang sinasapian na naman ng kasupladaan ang amo ko!'

Hindi ko talaga alam kung dapat ba akong matuwa. Bakit ba kasi ang moody ng mga babae?! Kanina lang parang anghel si Lady Medusa nang kargahin ko siya. She even thanked me and kissed my neck! And yes, I would be lying if I told you I didn't like that kiss.. tapos ngayon, tinatarayan na naman niya ako? Damn it.

'Medusa will always be Medusa.'

Napasimangot na lang ako sa kanya. "You must be crazy! At saan naman ako kukuha ng pagkain? We're in the middle of a forest here in the Underworld and I don't even have money with me!"

"And how is that my problem? Iniligtas na nga kita mula sa pangit kong mga kapatid. Mahiya ka dapat na ang boss mong maganda pa ang nagligtas sa'yo! Geez. I should've stayed in Eastwood. Nasisira na ang manicure ko rito."

She studied her fingernails as if they were the most important things right now.

Langya. Naii-stress yata ako sa boss ko. Mas nakaka-stress pa pala si Medusa kaysa bigla kang maputol sa paglalaro mo ng mobile games dahil nawalan ka ng signal!

"Tsk! Gustuhin ko mang mangaso para sa'yo, kung hindi mo pa napapansin, medyo hindi angkop ang suot ko ngayon, Lady Medusa."

Napahinto si Medusa at tuluyan nang humarap sa'kin. She eyed me from head to toe as if seeing me for the first time. Kalaunan, umirap na lang siya at napailing.

"Oh, right.. naka-boxer shorts at bathrobe ka nga lang pala. Kawawa ka naman."

"Your crazy sisters kidnapped me while I was sleeping! Nakalimutan yatang i-describe sa Greek myth books na agresibo pala kayong mga Gorgon."

"Even me?"

"Especially you."

Before I knew it, red lips sexily smirked at me, paired with a mischief that danced in her eyes. Gustuhin ko mang iiwas ang mga mata ko sa kanya, pero hindi ko ito magawa. 

"At paano naman ako naging agresibo? I'm not doing anything to you yet, Rein.."

Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako nang malamig dahil sa tono ng kanyang boses. Pilit kong inaalala kung may nabanggit ba sa libro na may kapangyarihan si Medusa para mang-akit ng mga mortal, but I can't seem to concentrate with the seductive look she was giving me.

Napalunok ako nang sunod-sunod at napalinga-linga sa paligid. Baka kasi nagtatago lang pala dito sa Eros at pinagti-tripan lang na naman ako. Oo, sisisihin ko siya dahil siya ang Greek god of love and desire.

"Bakit parang kinakabahan ka, Rein?"

"B-Bakit naman ako kakabahan? Tsk!"

"You can't fool me, mortal.. kahit pa ilang beses mong itanggi, I know my charms affect you." She purred.

Hindi talaga nakatulong sa sitwasyon ko ang katotohanang hapit sa katawan ni Medusa ang suot niyang damit. Ayoko na ring isipin na nabibiyayaan niya ako ng magandang tanawin ng kanyang cleavage. Why the fuck does she have to wear something as revealing as that?

'Stop being such a pervert, Rein!'

Sa huli, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa apoy na nasa harapan namin. Kukumbinsihin ko na lang muna ang sarili ko na ang apoy na 'yan ang dapat kong sisihin kung bakit umiinit ang paligid.

Pero nang akala kong nagtagumpay na ako sa pagsasawang-bahala kay Lady Medusa, nabigla ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang gilid ng mukha ko at pinilit akong tumingin sa kanya. I found myself drowning in her deep brown pools as I had to remind myself to breathe.

"Habang nasa Gorgon Island ka, anong nalaman mo tungkol sa'kin?"

Alam kong agad rumehistro ang pagkabigla ko sa tanong niya. Pakiramdam ko lalo akong natuod sa kinauupuan ko nang makita ko ang seryosong ekspresyon ni Lady Medusa. Bumalik na naman sa alaala ko ang mga naikwento sa'kin ni Chiron. Gustuhin ko mang sabihing "wala" at umasang hindi na ako uusisain ni Medusa, I also know that she'd kill me if I lie to her. Like what she said before, she hates liars.

Nang hindi niya pa rin binibitawan ang mukha ko, huminga ako nang malalim.

"Chiron told me about your.. bad relationship with Stheno and Euryale. Naiinggit daw sila dahil ikaw lang ang ipinanganak na mortal at palagi ka nilang inaabuso. Iyon raw ang dahilan kung bakit ka pumunta sa templo ni Athena."

She nodded, "Did Chiron also tell you that I almost destroyed the whole island?"

Marahan akong tumango.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya ngayong alam ko na ang ilang parte ng malungkot niyang nakaraan. Well, not fully. I still don't know what happened to her in Athena's temple, but base from what Chiron told me, it must've been bad---Screw that. It's definitely bad! Hindi ko pa rin lubos maisip na ginahasa siya ni Poseidon dahil lang sa alitan nila ni Athena.

How do those fucking gods go unpunished? Kung ako si Zeus, baka matagal nang naging fish crackers si Poseidon.

Bukod doon, hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko ang tungkol sa mortal na minahal noon ni Medusa. Ang lalaking kapangalan ng matalik kong kaibigan.

"Desmond."

I noticed how Medusa's jaws clenched when she heard that name. Before I could even stop myself, nasabi ko ang hinalang matagal-tagal ko na ring kinatatakutan.

"Yung Desmond na minahal mo noon at...ang kaibigan kong si Desmond. A-Are they the same person?"

Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako sa isasagot niya. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako nang malamig. Hindi na rin ako magtataka kung naririnig na rin ni Lady Medusa ang mabibilis na pintig ng puso ko.

Makalipas ang ilang segundo, malungkot na ngumiti ang boss ko.

"No," she avoided eye contact and stared at the fire again. Alam kong sinasadya niya ito para hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. I know she hates feeling vulnerable.

"Mula nang malaman kong Desmond rin ang pangalan ng kaibigan mo, I had Markus investigate his ancestry. It was a mere coincidence. Isa pa, matagal nang patay ang mortal na minahal ko noon. He died a very long time ago. Even Morgana confirmed that his soul wasn't reincarnated."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sagot ni Lady Medusa. Iniisip ko pa lang kasi na posibleng may reincarnation na nangyari, parang sumasakit na ang ulo ko. Well, atleast now I know that Desmond and my boss' ex-lover isn't the same person.

"Hmm. What would you do if you found out otherwise?"

Hey, I'm just curious! Gusto ko lang malaman kung anong gagawin ni Lady Medusa kung sakali palang iisang tao lang ang Desmond niya at ang kaibigan kong Desmond na ipinaglihi sa pera.

Pero nang matitigan kong maigi ang reaksyon niya, kamuntikan na akong mapaatras sa takot.

Her snakes hissed at me while a sardonic smile twisted her red lips. Sa kabila ng sakit, kapansin-pansin na lalong naging mapanganib ang aura ni Medusa.

"Hindi mo magugustuhan ang sagot ko, Aristello. So, it's best if you change the topic now."

Namutla ako sa pagbabanta sa boses niya. Sheesh! What's the matter with her? Akala ko ba mahal niya ang lalaking 'yon? 'Baka hindi maganda ang paghihiwalay nila.'

Ninenerbyos na lang akong natawa. Delikado na. Baka mamaya magbago bigla ang isip ng boss ko tapos gawin niya pa akong estatwa.

At ngayong nakuha ko na ang atensyon niya, I guess this is the right time for an apology.

"I'm sorry.."

Napataas siya ng kilay sa'kin. "What are you apologizing for? Be specific, Aristello. Marami kang kasalanan sa'kin eh."

Huminga ako nang malalim. Wala nang atrasan 'to, "I'm apologizing for my behavior back when... um.. you caught me and Pamela k-kissing in your bedroom. Hindi dapat kita sinigawan at lalong hindi dapat kitang tinawag na halimaw. I-I didn't know about your story. Napangunahan ako ng emosyon ko, at aminado akong may kasalanan rin ako. That wasn't very professional of me."

Sigurado akong may nasira akong ethics sa pagiging empleyado. Hindi na rin ako magtataka kung tanggalin na ako ni Lady Medusa sa pagiging personal assistant niya.

Parang kailangan ko nang maghanap ng panibagong part-time kapag nakabalik na kami sa Eastwood.

Pero nagulat na lang ako nang ngumisi siya.

"Sa lahat ng empleyado ko, ikaw lang talaga ang nagbibigay sa'kin ng sakit ng ulo. Subukan mo pang ulitin 'yon at baka ipagbuhol ko kayo ni Pamela. Tsk!"

"Err.. so, you forgive me?"

Humalukipkip siya, "I should really kill you for being a disrespectful employee! Kung hindi lang ako sumulpot, siguro ginawa niyo pang motel ang kwarto ko.." maya-maya pa, nag-iwas ng tingin si Lady Medusa, "..pero dahil pinagamot mo ako kanina sa Tartarus, I'll let this slip. Tsk! Pero 'wag mong abusuhin ang kabaitan ko, mortal. The next time you do something stupid, I'll turn you into stone!"

Pero nang titigan kong maigi ang mga pisngi ni Lady Medusa, nagulat ako nang namumula ang mga ito. 'Holy shit! Is she blushing?' Hindi ko na napigilan ang malawak na ngiting pumunit sa labi ko.

"Lady Medusa, you're blu---!"

"Say it aloud and I'll murder you."

Naitikom ko na lang ang bibig ko nang sinamaan niya ako ng tingin. Kahit kailan talaga, ang suplada ng boss ko. Tsk!

"Err.. so, what else do you want to talk about?"

Umirap siya sa'kin, "I'm still hungry."

Nababaliw na nga ang babaeng 'to. Baka akala niya kaya kong magsalamangka ng pagkain?

"Wala tayong pagkain." I pointed out the obvious to her. Baka-sakaling matauhan siya sa kalagayan namin ngayon.

"Hindi naman pagkain ang gusto ko, Rein..."

Nanuyo ang lalamunan ko nang bigla siyang kumandong sa'kin. Shit! Sinubukan kong kumawala sa pwesto namin, but her thighs were straddling me in place. Isang nakakakilabot na ngiti ang sumilay sa mapupulang mga labi ni Lady Medusa. I shivered when her sharp fingernails slowly grazed my jawline. Her torn dress rode up, exposing her smooth legs. Alam niya ang epekto niya sa'kin at alam kong nawiwili siyang asarin ako. Damn it, Medusa!

"G-Get off me, Lady Medusa..."

Maawa ka sa'kin, lalaki pa rin ako!

"Iyon ba talaga ang gusto mo?"

No.

"Y-Yes."

Liar.

"Well, your body is telling me a different story, sweetie... I know a sexually aroused man when I feel one." At talagang kumindat pa siya sa'kin!

'Damn you, hormones!'

Her arms then slithered around my neck. Nang tuluyan na akong hindi makakilos, mala-kontrabidang tumawa ang amo ko. Pilya lang siyang ngumiti at mas inilapit ang sarili sa'kin. Napapikit na lang ako habang nilalabanan ang tukso.

"Iconophile, a p-person who loves icons, illustrations and pictures... A-Arctophile, a person who loves teddy bears... Turophile, a person who l-loves cheese..."

Lady Medusa's sweet laughter filled the night. "You're nervous, aren't you?"

Damn it. I hate my mannerism!

'Smooth move, Rein. Nagmumukha ka lang tanga sa harapan ng boss mo.'

Huminga na lang ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. Walang takot kong sinalubong ang pilya niyang mga mata. Just then, I remembered the word "opia".

"Opia" is what you call the intense and arousing feeling when you're suddenly locked in a mutual gaze with someone. Yung tipong pakiramdam mo nagkakaroon kayo nang malalim at "initimate" na koneksyon sa pamamagitan lang ng pagtitig sa isa't isa.

As disturbing as it sounds, but this is what I feel right now. Marahan akong umiling para matauhan ako.

This is wrong.

Seryoso ko siyang hinawakan sa magkabila niyang hita at bumulong sa tainga niya. Sa mga sandaling ito, wala na akong pakialam sa mga ahas sa kanyang ulo.

"We shouldn't do this, Lady Medusa. Pareho lang tayong masasaktan. H-Hindi ikaw si..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang lumapat ang mga labi niya sa'kin. Lady Medusa's warm and soft lips pressed against mine, and that was enough to make me freeze on the spot. Ilang sandali pa, namalayan ko na lang na hinahalikan ko na rin siya. Unlike our first kiss, this one was a bit more innocent. Para bang may gusto siyang ipahiwatig sa'kin sa halik na ito. And I don't know what I should be afraid of more.. the unspoken words she's conveying in this kiss or the warm feeling that crawled inside my chest?

Ilang sandali pa, siya na mismo ang lumayo. Naroon pa rin ang nakakalokong ngiti ni Lady Medusa. Pero bakit parang may nag-iba?

"Hindi ako si Pamela.. I know. You don't need to remind me, Aristello."

"L-Lady Medusa---"

Tumayo na siya at inayos ang kanyang damit. "Nagugutom pa rin ako. Tsk! Let's go to Tartarus. I've heard that they have nightly festivals there. Pero bago 'yon, I need to buy new clothes, at sana bukas pa rin ang parlor ni Morgana."

Kumunot ang noo ko at tumayo na rin. "Wala tayong pera."

But that only made her smirk. Then, with a snap of her fingers, her emerald purse materialized out of nowhere. Napanganga ako nang bilangin niya ang gintong barya doon at nauna na sa paglalakad. Nang maramdaman niyang hindi ako sumusunod, she rolled her eyes again.

"Oh, stop looking at me like that, you silly mortal! I just needed to rest. Bilisan mo at bibitbitin mo pa ang shopping bags ko."

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. May magagawa pa ba ako?

She's Lady Medusa.

---

Continuar a ler

Também vai Gostar

2.7K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...
6.1M 266K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...