Perfectly Imperfect (Editing)

Galing kay LianGuevara

31.3K 2.5K 202

Lian's life is all about FREEDOM. She just need to follow every single rules na gusto ng kanyang ina at pabab... Higit pa

Babala
Chapter 1: How it all started
Chapter 2: The first time I saw you
Chapter 3: The perfect guy
Chapter 4: Lian's birthday
Chapter 5: Thou shall not surrender
Chapter 6: Closer to him
Chapter 7: Our kind of holiday
Chapter 8: I want to get to know you more
Chapter 9: First kiss
Chapter 10: So it's true
Chapter 11: Challenge
Chapter 12: Never expect. Never assume. Never ask. Never demand.
Chapter 13: My summer love
Chapter 14: Vacation, Family and History
Chapter 15: Unforgettable night
Chapter 16: Meet the family
Chapter 18: You love me; friends or more than friends
Chapter 19: Beside you
Chapter 20: Holding hands
Chapter 21: I want a new guy
Chapter 22: Ako din crush kita Bryle
Chapter 23: Status: In a relationship
Chapter 24: Take chances
Chapter 25: Greatest pain
Chater 26: It's always a choice
Chapter 27: Hindi ako bitter
Chapter 28: Move on
Chapter 29: I wish I had never met you
Chapter 30: I want to talk to you
Chapter 31: Stay
Chapter 32: Sudden change of plan
Chapter 33: It's him always, over everyone
Chapter 34: There's always a way
Chapter 35: Advantage
Chapter 36: It's complicated
Chapter 37: I'm stupid
Chapter 38: You lose your pride
Chapter 39: He's not into you
Chapter 40: I just realized
Chapter 41: Condolence
Chapter 42: Your one of my inspiration
Chapter 43: Right time
Chapter 44: We'll meet again someday.
Wakas: The one that got away
Author's Note

Chapter 17: BFF vs. Handsome vs. Missing in action

515 53 3
Galing kay LianGuevara

Author's note: Guys please vote and comment.

Missing in action

July na ngayon at hindi na kami muling nagkita ni Jake. Hindi ko alam ano ng nangyari sa pagkakaibigan namin o kung meron ba talaga o may iba pa masyado ng confused at preoccupied ang isip ko at ayoko ng dagdagan to dahil napapagod din ako sa halos araw araw na text at paanyaya ko sa kanya na hindi man lang niya sinasagot.

"Lian oh yung posporo mo!" Pasigaw na bigay sa akin ni Dylan.

"Ano ba kaseng gagawin mo dyan?" Nagtatakhang tanong ni Eymard na kasabay na dumating ni Dylan. "Wag mo sabihing tototohanin mo sunugin tong skul?" Parang wala na hulog niyang ideya.

"Gaga! ano ko tanga? ayan oh cake obviouly gagamitin ko pang sindi." Iritadong paliwanag ko. "Tyaka sino ba nagsabing bumili ka ng posporo huh Dylan?! ang sabi ko lang magdala ka ng panindi."

"Malay ko ba tsaka kabibili ko lang ng lighter ko baka hindi mo na ibalik." Ani Dylan.

"Bakit sino bang reregaluhan mo ng cake?" Maayos na tanong ni Kristin na kadadating lang na inakbayan ni Dylan napatingin lang ako sa kanila at nag make face na para bang nangdidiri.

"Si Bff Jarrell birthday niya kaya isu-surprise ko sa room nila at sasamahan niyo ako."

Nandito na kami ngayon sa building kung saan nagkaklase ang may mga course na related sa business.

"Bilis sindihan niyo na!" Utos ko sa mga kaibigan ko na sinuhulan ko pa ng pizza para lang sumama.

Pagkasindi nila sa kandila ng cake ay mabilis akong pumwesto sa gilid ng pinto ng classroom ng bestfriend ko.

Pagbukas ni Eymard ng pinto nahihiya akong nagpaalam sa isang prof na may kailangan lang ako kay Jarrell na pumayag dahil kilala niya din ako.

Pagtayo palang ni bff para lumapit sakin ay nag umpisa na akong kumanta ng happy birthday song habang hawak ng cake na inabot ni Kristin buong akala ko ay sasamahan ako ng mga kaibigan ko sa pagkanta, pero paglingon ko sa likod ko nagtago na pala sila dahil daw sa kahihiyan na ginagawa ko.

Paglapit palang niya ay napakamot na siya sa ulo at nagpasalamat sa akin.

"Bff thank you kala ko talagang hinahanap mo lang ako dahil baka hindi ako pumasok." Ngisi niya habang sinasabi to sa akin.

"KISS!!!!"

Napalingon ako sa sumigaw sa hallway at nagulat ako na lahat ng tao sa floor na yun ay nasa labas na at nanonood sa aming dalawa.

Natapos ang buong araw ko na puro kantyaw sa mga kaklase ko dahil nabalitaan nila ang eksena ko kanina sa kabilang building.

Pagkagaling sa University dumiretso ako sa village kung saan nakatira si Nic, bff Jarrell at iba pa naming barkada.

Si Jarrell kasi ay kaibigan ko na highschool palang kagaya ni Nic ay common friend din kami na nauwi sa pagiging mag enemy na naging mag schoolmate sa college at naging mag bff siguro nangyari ito dahil varsity player siya sa school namin at ako naman ay mahilig manood ng basketball. Simula nun ay naging tawagan nalang namin ang bff dahil narin sa nanay niya na bff ang tawag sa akin kapag nagkakausap kami sa chat or viber.

Gabi na ngayon at nasa tapat kami ng bahay nila Jarrell at nag iinuman para sa celebration ng birthday niya, kagaya ko ay mag isa lang din siya sa bahay dahil nasa ibang bansa ang mama niya at kamamatay lang ng papa niya noong January.

"Bff thank you! salamat sa inyo ni Ate Nic!" Nahihiyang pagpapasalamat niya sa effort na ginawa ko.

Nang gabi din na yun nakatanggap ako ng text galing kay Jake kung gusto ko daw sumunod sa kanya sa isang bar na napuntahan na namin.

Ako: ayoko gabi na walang taxi dito..nakainom na din ako dito kila Nic

Mr. Perfect: walang taxi? ayos Madam. Dyan nga dumadaan mga taxi ako mgbabayad magtaxi kanalang

Lasing na talaga ako at hindi ko na kaya para lang pumunta pa kung nasan siya at para saan pa kung kelan nawawala na siya sa isip ko at nagfofocus ako sa ibang tao ay magpaparamdam nanaman siya tapos mawawala uli.

Kinabukasan ay sabado at nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ryan na niyayaya kami manood sa gig niya sa isang sinaunang bar.

Pumunta kami ni Nic at naisip kong imbitahan si Glenn para maipakilala siya ng personal dahil ilang beses na akong tumanggi sa mga invitation niya sakin.

Pagdating namin ni Nic sa bar ay umorder lang siya ng alak at pulutan. Hindi rin naman kami masyadong nakausap ni Ryan dahil marami siyang inaasikaso na iba pang kaibigan na sumuporta sa bagong tinutugtugan niya.

Dalawang oras ang nakakaraan nakatanggap ako ng mensahe galing kay Glenn napaparating na siya sa bar.

"Madam hindi ko siya type para sayo." Bulong ni Nic sa akin habang pinag mamasdan si Glenn.

"Bakit?"

"Tataba kayo parehas ang lakas niyo kumain."

Natawa nalang ako sa sinabi niya pero hindi ko rin siya masisi dahil kapag si Glenn ang kasama ko hindi kami nalalasing sa alak kundi sa pulutan.

"Seryos bakit nga?" Pagseryoso ko kay Nic.

"Parang isip bata pa kilala ko mga nagustuhan mo lahat may edad sayo alam kong matured mag isip ang mga gusto mo gwapo siya pero.... hindi ko gusto ang ugali." Sabi niya pa.

"Ang judgmental mo naman bat hindi kanalang nag judge sa dance contest?" biro ko kay Nic gamit ang mga salitang namana ko pa sa classmate kong bading. " Hindi ko naman sya jojowain huh at wala siyang sinabing gusto niya ako niyaya ko lang okay naman siya diba tsaka isa pa alam mo naman kung sinong gusto ko."

"Ay leche hayaan mo na yun masyado kang umaasa sa isang yun sinabi ko na sayo dati diba iba si Jake kung ganyan ka ng ganyan e kay Glenn kanalang." Inis na sagot ni Nic ng mapag usapan si Jake.

Natapos ang gabi na hindi ako masyadong nag enjoy na madalang mangyari.

"Lian mag eastwood pa kami gusto mo sumama hahatid nalang kita mamaya?" Pagyaya ni Glenn sakin.

"Ayoko na medyo hilo na ako pahinga na." Sagot ko habang magkasabay kaming naglalakad habang si Nic ay kasabay ang ibang kaibigan ni Glenn.

Bihira akong tumanggi pero, di ko maipaliwanag ang pagkawalang gana ko ngayong gabi parang may kulang pakiramdam ko hindi na ako sanay.

"Sumama kana ayos lang naman ako parang gusto kapa kasama ni Glenn kesa magmukmok ka." Pagpilit ni Nic habang pinapanood si Glenn na nakatayo at inaantay ang desisyon ko.

"Hindi ayoko narin talaga, uwi na tayo."

Nagpaalam lang kami sa mga nakasama namin ngayong gabi at nagpasalamat.

"Promise next time sasama talaga ako." Pangako ko kay Glenn.

"Yan kana naman, nung nakaraan araw araw kitang tinetext lagi kang tumatanggi." Sumbat ni Glenn.

"Fourth year na kaya ako, malamang busy. Aral aral din kasi pag may time." Biro ko pa sa kanya.

"Bakit di ka sumama? ayaw mo ba talaga o pinipigilan mo na mafocus kapa sa iba?" Tanong ni Nic habang nasa taxi kami.

"Sus! pagod lang ako, tyaka tama kana man talaga sa sinabi mo, gwapo siya at kaibigan ko siya pero hindi kagaya niya ang magugustuhan ko."

Ilang araw pa ang nagdaan at hinayaan ko nalang maging abala ang sarili ko, pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi magparamdam kay Jake.

"Madam alam mo mag pamiss ka din minsan, wag mo kulitin yung tao dahil baka busy lang." Ani Nic na nandito sa bahay at kainuman ko.

"Busy? ilang linggo na? bakit ganun Madam? sinubukan ko naman kalimutan siya pero pag nakakalimutan ko na siya bigla siyang nagpaparamdam, parang sinasadya niya." Nagdadamdam kong paliwanag kay Nic.

"Ilan beses naba namin sinabi na mag focus ka sa ibang bagay, tao at kung ano ano pa. Ikaw nang nagsabi dati ang hirap hirap niya basahin."

"Natatakot ako Madam, natatakot ako na pag nakaligtaan ko magparamdam sa kanya kahit na isang araw lang, makalimutan niya ako."

"Paano ka kakalimutan nun? e magkaibagan kayo at nasa iisang circle of friends tayo."

"Ayun na nga e, hindi ko alam kung kaibigan din nya ako! wala naman ako narinig sa kanya na magkaibigan kami at iba ang trato niya sa akin at trato niya sa inyo alam mo yan."

Hindi na nakasagot si Nic sa rason ko sa kanya at iniba nalang ang usapan. " Masyado kang faithful."

"Oo, faithful ako. Faithful ako masyado sa taong hindi naman sa akin." Sinabi ko nalang. "Gusto ko naman talaga sumama tyaka lumabas sa iba, makipag kilala pa sa iba, dahil bata pa ako at kailangan ko ienjoy ang buhay, pero paano kung dumating yung time na marealized niya na gusto niya ako, ayokong magkaroon ng alaala kasama yung ibang tao, gusto ko siya lang." Salita ko kay Nic na alam kong pinipilit akong intindihin.

"Madam, baka naman mahal mo na si Pogi."

"Sa palagay mo love na to?"

"Hindi ka magkakaganyan kung hindi mo siya mahal, mas malala pa yan kaysa nung sa inyo ni Ryan.

Hindi ko masagot si Nic hindi ko kayang gamitin ang salita para maipaliwanag kung ano na 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong irarason ko.. at umaasa na ata talaga ako sa taong missing in action na sa buhay ko.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.1K 150 26
WARNING: DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T READ THE FIRST BOOK, WHICH IS "THERE'S NO WAY OUT." As the students of Ravenwood University (the lost school)...
75.6K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
93.5K 2.2K 43
Seven years after the tragic incident that fell upon Genesis.
106K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...