Chapter 23: Status: In a relationship

475 40 4
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Status: In a relationship

"Ohh tapos anong nangyari?" Nagmamadaling tanong ni Nic sa akin. "Nagpahalik kaba?"

"Uo." Nanlaki ang mata ni Nic pero sinundan ko kaagad ang sagot ko dahil ayoko siyang mag isip ng iba pa.

"Pero umiwas din ako kaagad hindi ko kaya Madam kinikilig ako sa kanya natutuwa ako siguro kase na excite nalang ako sa feelings na maging special din naman ako pero nung hahalikan na niya ko parang babaliktad sikmura ko hindi ko kaya para bang hindi kaya tanggapin ng sistema ko pag may nakahalik sa akin na iba hindi ko talaga kaya. Mahal ko si Jake kahit walang pag-asa and sorry din kase hndi parin ako tumitigil itext siya kahit na di naman niya ako sinasagot o naaalala.

"Hay sinasabi ko na nga ba hindi ako naniniwala pag sinasabi mong okay kana at nag eenjoy ka."

"Happy naman ako nakita mo naman swerte ako kay Bryle mabait na ang gwapo pa. Parang tumama ako sa lotto pero Madam hindi ko mapigilang hindi umasa hindi ko mapigilan hindi siya mas mahalin habang mas lalo niya ako nilalayuan. Naiisip ko pa paano kung biglang maisipan ni Jake na gusto niya ako ayoko isipin na may nakakuha ng atensyon ko bukod sa kanya. Madam natatakot ako magkagusto sa iba parang mali kahit na alam ko na hindi naman parang faithful ako sa tao na hindi ko naman karelasyon baka nga siya kung kani-kanino nanaman nakikipag landian." Mapait kong sinabi sa kaibigan ko.

"Hay Madam wala na ako masabi sayo basta sabihin mo nalang sa akin pag hindi mo na kaya ilang beses ko na narinig sayo yan." Disappointed niyang sabi sa akin.

Ilang araw nalang ay balak na bumalik ni Bryle sa kanila dahil tapos na ang bakasyon niya. Nandito kami sa may terrace at nag uusap.

"Alam mo Bryle alam ko madami ka pang hindi sinasabi sa akin sabihin mo na sigurado ko naman parehas tayo ng iniisip eh." Pagkumbinsi ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Gusto naman kita pero hindi kita kayang bigyan ng relasyon hindi pa ako ready siguro after one year or mahigit pa we can be in a relationship kung gusto mo uuwi lang ako sa Isabela tas sasabihin ko kila Mama mag aaral na ako dun sa school niyo ni Jarell tas dito na ako sa Manila mag iistay para malapit sayo." Alok niya sa akin.

Natuwa ako or I would rather say na nakakataba ng puso yung sinabi niya pero hindi ko matatanggap dahil kagaya niya ay hindi ako ready sa relasyon at hindi ko masasabi na hindi ako makakatigil kay Jake at ramdam ko na naguguluhan lang si Bryle kagaya ko.

"Hindi na may text and call naman may fb, viber, whatsapp tsaka nandito kalang din sa Pinas hindi mo kailangan pilitin sarili mo. Ang bilis bilis kaya ng pangyayari baka nabibigla kalang pwede ka naman magbakasyon dito tas magkita tayo minsan."

Alam kong medyo selfish ako dahil walang alam si Bryle kay Jake pero alam ko na may tinatago din siya sa akin at isa pa kagaya ng sa iba kung kami ay kami talaga pero sa lahat siya ang pinaka malabo dahil alam ko na nag enjoy lang talaga kami sa company ng isat'isa.

Ilang araw pa ang nakalipas ay inaasar at tinatanong ako ng mga kaklase ko at ng iba pa tungkol kay Bryle pero hindi na ako nag aksaya ng panahon magpaliwanag dahil wala silang maitutulong.

"Madam may sinabi sa akin si Bryle nung paalis na siya." Ani Nic sa akin dahil magkasama kami ngayon.

"Ohh ano?"

"Sabi niya nung sinubukan ka niya halikan  nakikita niya sa mata mo iba ang gusto mo."

"Paano niya nagawa yun nakapikit ako huh?" Biro ko nalang.

"Ewan ko sa'yo. Sabi niya pa kung umiyak ka nung nag paalam siya hindi na daw siya uuwi." Dagdag niya pa.

"Madam alam mo baka nabigla lang kami ang lakas maka isang linggong pag ibig pero seryoso wala rin kami pag asa ni Bryle para rin siyang ako parang si Jake ayun nga lang mabilis siyang magbalik kung anong ibigay mo sa kanya." Medyo malalim kong paliwanag kay Nic.

"Di ko magets linawin mo."

"Madam inlove yata si Bryle sa iba o kung hindi man for sure hindi pa siya nakaka move on or bitter pa yun. Nag stalk ako sa facebook niya madami akong nalaman baka nabigla lang yun siya na rin nagsabi sa akin mag aantay pa ako ng isang taon or more bago niya ako mabigyan ng relasyon although hindi ko naman hiningi yun pero ayun yung gusto nya o kung gusto niya ano bakit hindi pa ngayon diba? gets mo ba Nic? nag enjoy siya kasama ako pero ang totoo gusto niya na mag move on gagawin niya akong rebound ng hindi niya alam walang sense kahit na hindi na siya bumalik sa Isabela dahil ganun parin. Mas mabuti kung magkikita uli kami at parehas na kaming okay." Mahaba kong paliwanag kay Nic.

Dahil sa umpisa palang alam ko na may something din sa kanya pero pasalamat parin ako dahil nabigyan niya ako ng chance mag enjoy kahit na parehas lang naman talaga kami ng sitwasyon.

Perfectly Imperfect (Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat