Chapter 41: Condolence

444 30 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Condolence

Nandito ako kila Ate Jenn wala siyang trabaho ngayon, ako naman ay mag uumpisa na sa training ko sa isang araw.

"Ate excited na ako sa trabaho sana madaming gwapo sa floor."

"Nako madami talagang gwapo sa call center kaya lang gwapo din ang gusto yung iba naman may asawa na." Napanguso nalang ako sa sinabi niya.

"Sabihin mo may problema ka no? ilang araw kana nagtetext sa akin busy kase ako kaya hindi ako nakakasagot." Basang basa niya rin ako.

"Masama lang loob ko kay Jake tapos feeling ko yung family niya iba na yung tingin sa akin baka akala nila kaya lang ako nakikisama sa kanila dahil kay Jake."

"Tigilan mo na yang pag punta punta mo doon sa Pampanga. Wag mo na sila isipin. Oo ne mahalaga na magustuhan ka nila dahil dagdag points sayo pero tama din si Nic magustugan ka nila o hindi ay hindi na mahalaga. Kung mahal ka ni Jake wala na silang magagawa. Tsaka alam mo sa sarili mo na naging totoo ka sa kanila totoo ang mga pinakita mo kaya wala kang dapat ipag alala."

Totoo naman ang sinabi ni Ate Jenn kilalang kilala niya ako. Hindi ako yung tipo ng tao na mapag panggap dahil kapag ayoko sa tao ipinapakita ko ipinapahalata ko na kaagad at kapag gusto ko sila ipinapakita ko naman kung sino talaga ako at sila ng bahala kung tatanggapin nila ako o hindi.

"Ate be honest with me lahat pinrangka na ako ehh ikaw din. Sa palagay mo minahal ako ni Jake?"

"Minahal ka non di nga lang kagaya ng pagmamahal mo maaring nagustuhan ka niya pero hindi sapat para maging kayo. Tsaka kung di ka talaga niya nagustuhan aabot ba ng taon yung paganyan ganyan niyo. Para ngang naging kayo e, unofficially yours."

"Siguro nga pero naisip ko baka ako lang rin nagpilit sa sarili ko sa kanya."

"Hindi! kahit ipinilit mo lang kung ayaw niya sayo ayaw niya talaga hinayaan ka rin niya sa gusto mo."

Iba iba yung sinasabi sakin ng mga tao isa pa to sa natutunan ko. Maaari akong humingi ng advice sa kanila pero hindi ko pwedeng ibase lahat doon dahil kami ang nagkakasama ako at si Jake lang ang nakakaalam ng totoo at sa huli ako parin ang magdedecide sa dapat kong gawin sa sarili ko.

Maaaring may pagkakahawig ang story namin sa iba kaya nakakarelate sila at nakakapag bigay ng advice pero magkaiba ng version. Walang magkaparehas na storya.

Nagpasya akong wag matulog sa bahay nila Ate Jenn kahit late na ay umuwi parin ako pakiramdam ko kasi ay may hindi magandang mangyayari.

Jane: Madam kamusta na?

Jessie: condolence

Nic: madam mag online ka bilis

Jan: kung ako si tito hndi na kita pakakawalan

Tanghali na ako nagising ano kayang meron sa mga tao ngayon ang weird ng mga text. Anong hindi pakakawalan ano ba ako ibon? condolence? sinong namatay?

Nag online nalang ako para mag chat kay Nic.

Me: bakit?

Nic: tgnan mo fb ni Jake

Me: bakit nga?

Kinakabahan ako patay na kaya si Jake? condolence ang sabi ni Jessie. Madalas pa naman magmaneho ng sobrang lasing si Jake at ngayon gusto ni Nic na tignan ko ang wall nito.

Nagdesisyon ako na tignan. Kinakabahan ako kung anong makikita ko pero mali ako ng hinala.

Ehem.. ehem.. I love you Ms. Bianca Mae.

Hindi nag sink in sakin yung post niya kaya nag scroll ako at binasa ang mga comment ng mga nang aasar dahil finally he's inlove.

Tama si Jessie. Condolence sa puso kong patay na patay kay Jake.

Perfectly Imperfect (Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora