Chapter 1: How it all started

3.3K 160 27
                                    

I remember It was summer before my last year in College when it all started...

How it all started

"Ayoko nga sumunod! tinatamad ako baka pwedeng tantanan niyo muna ako at may pasok pa ako bukas aba ang dami niyo nang text at missed call!" Bungad ko agad pagsagot ko palang sa tawag ng napaka kulit kong mga kaibigan.

Kung simpleng araw lang to siguradong sumunod na ako sa mga kaibigan ko, pero hindi ito simpleng gabi para sa akin, sigurado ako na sila nanaman ang tutugtog sa bar na madalas namin puntahan.

Napalingon ako sa cellphone ko dahil sa pagtunog nito.

"Paniguradong si Nic ang nag text." Sa loob loob ko.

Madam Nic: Madam! may ipapakilala daw sakin si Ryan. Nameet ko na di naman gwapo kahit ikaw makakita di mo mata-typan haha

Ako: Haha talagang hindi noh! Alam mo naman anong gusto ko eh. Ano ba itchura nian?

Madam Nic: Matangkad, mejo maputi tas chinito, kasama nga niya yung schoolmate ko dati! ang liit ng mundo.

Ako: Osha sge matutulog na ako, my pasok pa ako bukas. Haha malay mo makatuluyan mo yan! pa choosy ka pa ingat kayo pag uwi. Mwah

Madam Nic: Hindi na no, alam mo naman hindi pa aq ready hehehe

Nagdahilan lang talaga ako kila Nic na may pasok ako bukas dahil hanggang ngayon naiilang parin ako humarap kay Ryan at sa buong grupo. Napabuntong hininga nalang ako habang naaalala ko ang lahat.

Si Andrea Nicole "Nic" Nabong bestfriend ko for one year common friends lang na nauwi sa pagiging mag bestfriend at sa isang taon na yun masasabi ko na marami kaming napagdaan.

Nakilala namin ang Ecnelis Band at nagustuhan ko at ni Nic ang vocalist pero yun ang akala ko at ng iba pa, lingid sa kaalaman namin ang gusto niya pala talaga ay yung guitarist ng band na si Clint.

Medyo naging mabilis nga lang ang pangyayari sa pagitan ni Ryan at Nic naging sila pagkatapos ng isa't kalahating buwan na ligawan at tumagal lamang ng dalawang linggo ang relasyon nila.

At sa mga panahon na'yon parang gusto ko din talaga si Ryan.

Nagkaroon naman ng pagkakataon na nakakapag usap kami ni Ry sa pamamagitan ng BBM at pakiramdam ko yun ang mundo para saming dalawa, inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko  dala narin siguro ng mga sweet talk niya at sila pa ng kaibigan ko noon.

Alam kong ganun lang talaga siya makitungo sa lahat, pakiramdam ko para na akong nagtataksil kay Nic dahil magkaibigan kami at hindi dapat kame nag uusap ng boyfriend niya ng palihim at kahit sino pang makaalam alam kong iisipin nila na mali ang ginagawa ko.

Pero may pangyayari na tatapos pala sa relasyon na inuumpisahan palang nila...

"Susunod ako dun, promise." Sabay halik niya sa noo ni Nic. "Sige pre kayo na bahala sa kanila ihahatid ko lang tong isang guest lasing na lasing na iniwan ng mga kasama." Ani Ryan habang nakatingin kay Chris, Clint at Peter.

Nakasimangot si Nic ng gabing yun dahil hindi sumabay ang boyfriend niya para mag punta sa tambayan. Pero sa kabila ng hindi pag sama ni Ryan alam kong masaya siya dahil may pagkakataon na silang mag kausap ni Clint.

Nag inuman kami simula madaling araw hanggang umaga, at dahil na rin siguro sa tama ng alak sa akin ay may mali akong nasabi.

"Diba Madam si Clint naman talaga gusto mo? sayang nahuli siya ng isang set e di sana kayo na ang magjowa at hindi si Ryan hahaha!" Di ko alam anong sumanib sa akin pero desperado ako ng mga panahon na yun at naiisip ko na gusto naman ako ni Ryan at ang gusto ni Nic ay si Clint bakit hindi ko subukang ayusin.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now