Chapter 28: Move on

376 36 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Move on

Maliwanag na pero nandito parin kami sa bar.

Ang sakit na ng mata ko kakairap kay Jake na kanina pa nakangisi sa akin.

"Naiinis ako sa mukha mo akala mo ang gwapo mo."

"Gwapo naman talaga ako kaya ka nga nagkakaganyan."

"Hay nako gusto niyo ba ng kutsilyo?" Alok ni Nic na kunwaring naiinis.

"Pogi kumakain kaba ng gulay?" Pag iiba ko sa usapan.

"Oo madam parang hindi mo naman alam na kumakain ako ng gulay. Ikaw pa." Confident niyang sagot.

Alam ko na ayaw na ayaw niya ng amplaya kaya ito ang tinanong ko sa kanya. "Ehh ampalaya kumakain ka?"

"Lahat ng gulay kinakain ko pwera lang dyan." Seryoso niyang sagot.

"Ako kase paborito ko yun araw araw ako kumakain ng ampalaya kaya araw araw bitter ako." Madiin kong sinabi sa kanya.

"Yun lang Madam itigil mo na pagkain niyan hindi mabuti sayo yan." Sagot niya na akala mo ay hindi naiintindihan ang sinabi ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko si Nic na parang umiiling iling habang pasimpleng nakatingin kay Jake.

"Teka mag restroom lang ako." Nag excuse ako dahil sa palagay ko ay may gustong sabihin ang kaibigan ko kay Jake.

Pagbalik ko ay dala dala na ni Jake ang bag ko at nag hihintay sa akin.

"Tara na Madam alas siyete na." Hahatid ko na kayo."

Tahimik lang kami habang nasa byahe ng magsalita si Jake. "Madam kantahan mo nga ako."

Tumingin ako kay Nic tumatawa lang ito at tumango sa akin bilang pag sang ayon.

Sinaksak ko yung auxiliary cord sa sasakyan at naghanap ng pwedeng kantahin para kay Jake.

Mabuti pa sa lotto...
May pag-asang manalo...
Di tulad sayo... impossible...
Prinsesa ka... ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita... wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta...
Pangrap lang kita...

Sinabayan ko ang bawat lyrics ng kanta. Damang dama ko dahil totoo naman na pangarap nalang yata yung story na para sa aming dalawa.

Ang hirap maging babae
Kung torpe iyong lalaki
Kahit may gusto ka... di mo masabi
Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari
At kahit mahal kita... Wala ako magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita

Hindi ako kagaya nito baliktad ang sitwasyon namin malakas ang loob ko kaya nasabi ko sa kanya noon na gusto ko siya.

Dati kapag sinabi ko na gusto ko ay gusto ko, pero dun ko natutunan na may mga bagay pala talaga na hindi para sa akin.

At may mga feelings na mas mabuting hindi na ipinapaalam lalo na kung wala namang patutunguhan.

At kahit mahal kita,
Wala ako magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta, pangarap lang kita

Tinanggap ko na wala akong magagawa sa ngayon para masuklian niya yung feelings ko pero hindi ibig sabihin nun ay sumusuko na ako inisip ko nalang na baka hindi pa talaga ngayon yung tamang panahon.

Suiran wo hen ai ni
Wo mei pan fa gaosu ni
Wo xin zhong yi you oh ~ qinai
Danshi xi wang ni de ai

At kahit mahal kita (da ai ni)
Wala akong magagawa (wo zhen de mei fanfa)
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangarap lang kita

Pangarap lang kita, pangarap lang kita...
Pangarap lang...

Tumigil na ako sa pag kanta, dahil unang una ang pangit ng boses ko at pangalawa nanginginig na ako parang babagsak na yung luha ko. Totoo na to magmu move on na ako.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now