Chapter 13: My summer love

539 59 12
                                    

My summer love

Huling dalawang araw ko na dito sa Pinas bago ako umalis papuntang ibang bansa para doon ubusin ang natitira kong araw bago mag pasukan para sa huling taon ko sa kolehiyo.

Andito kaming lahat sa bahay ko para daw sa despedida kuno na gustong gawin ni Ford at Nic sagot daw nila ang alak pero hindi parin ako ligtas dahil sagot ko ang pulutan.

"Wow Madam mas madami kang handa ngayon kesa nung fiesta dito!" Puna ni Nic sa mga niluto ko. "Dapat pala laging invited si Jake para masipag kang magluto eh."

"Hoy! lage naman ako naluluto parang prinsesa ka na nga dito."

"Ang sinasabi ko bakit sobrang dami mong niluto lahat masarap." Turo niya isa isa sa mga niluto ko.

"Ang gago mo! sige pag si Jake kana araw-araw kita ipagluluto ng mga yan."

Bandang ala sais ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Jake.

"Madam pwede paba ako magpark jan?" Tanong niya sa akin na mukhang papunta na ngayon dito.

"Oo meron pa dito san kanaba?"

"Papunta na pero may laro kame mamayang alas otso."

"E di aalis ka din dito?" Pero nagbabaka sakali ako na hindi ang isagot niya.

"Uo eh."

"Wag kana pumunta dito, ala sais na tas aalis ka din naman pala sayang lang punta mo, wag na." Sabi ko sa kanya, pero pinapanalangin ko na wag niyang patulan ang hamon ko.

"Ayaw mo ba ako magpunta dyan bago ako maglaro."

"E aalis ka din naman eh."

"May sinabi ba akong hindi ako babalik?" Bara ni Jake sakin.

"Ang tanong babalik kaba talaga ikaw pa!"

"Gusto ko nga din sana yayain dyan mga tropa ko kaya lang wala na pag paparkan ng auto nila."

Pag kaend ng call ay sinabi ko sa nag aabang na si Nic na aalis din si Jake pero babalik din naman at sinabi niya na kung ayaw ko ba daw siyang makita bago ang laro.

"Madam kinikilig ako baka eto na talaga malay natin." Ani Nic. "Tapos gusto kapa makita bago mag basketball." Tukso niya pa.

"Baliw! ang sabi niya kung ayaw ko ba siya makita wala siyang sinabi na gusto niya ako makita bago magbasketball."

"Ganun din yun ano kaba." Pagpapaintindi pa ni Nic.

Sana nga ganun dahil parang lahat ng nasa paligid ngayon ay lalo akong itinutulak palapit sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang pag busina ng sasakyan niya lumabas agad ako para samahan siya kung saan pwede mag park. Maya maya lang din ay dumating na si Ford kasama ang bf niya na may dalang mga alak.

Halos lahat ng barkada ko dito sa lugar namin ay nandito ngayon, nakikipag kamustahan na kay Jake dahil nakilala naman na nila ito nung birthday ko.

"Pogi tikman mo lahat yan niluto ni Madam para lang talaga sayo." Sabi ni Nic kay Jake.

"Yun ohh pumapag ibig." Singit pa ni Maezon.

Inirapan ko nalang sila lahat pasimple at sinenyasan ng lagot sila sakin mamaya.

"Pogi ano tuloy ba yung game niyo?" Tanong ni Nic.

"Uo nagtetext na nga eh."Sagot ni Jake.

Sumabat ako sa usapan nila at pataas taas pa ng kamay na parang bata. "Sama kame! sama kame!" Sigaw ko habang nakatingin kay Nic para sumang ayon.

Perfectly Imperfect (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang