Chapter 19: Beside you

470 44 4
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Beside you

Ilang linggo pagkatapos ng nangyari sa bar ay hindi ko na muling nakita si Jake.

Naalala ko nalang na pagkatapos niya akong yakapin ay nag desisyon na ang lahat na umuwi na sinubukan pa ni Jake alukin si Nic na siya na ang maghahatid sa amin pero tumanggi na ang isa dahil alam ni Nic na hindi naman nakakabuti sa akin.

"Dre aga mo mag daydream ah." Puna ni Dylan.

"Baliw! Tigilan mo ko."

"Si Jake nanaman puro ka Jake... Jake... sabi namin sayo humanap ka ng pagkakaabalahan hindi puro pag asa! tang*na dre hayup! laging kang sawi. Hahaha." Pag aasar pa niya.

"Gago ka hindi naman ako aasa kung wala siyang ginagawa diba tsaka niyakap niya ako nun sabi niya mahal niya ako tas lasing pa siya kaya for sure totoo yun."

"Bakit sinabi ba niya anong klaseng pagmamahal?" Ani Eymard.

"Malay mo dre mahal ka niya bilang kaibigan, kapatid o tropa." Sabi pa ni Dylan.

"Lasing nga siya nun lasing so nagsasabi siya ng totoo." Pagpilit ko pa.

"Kaya nga Lian lasing nga siya kaya niya sinabi yun pero di niya sinabi anong klaseng pagmamahal." Paliwanag ni Eymard habang umiiling nalang dahil sa kakulitan ko.

"Isa pa dre kung gusto ka nun di niya na patatagalin niligawan ka na dapat." Singit pa ni Dylan na alam kong nakukulitan na sa katangahan ko.

Byernes na ngayon at three hours ang vacant namin bago ang susunod na subject at naubos na yun kakapaliwanag nila sa akin at sa realidad. Weekend na bukas pero hindi ako maaaring gumimik dahil may klase ako bukas ng hapon.

"Yaan mo na kasi yun si Jake madami pa naman dyan. Sabi ko sayo dun ka maglalaan ng effort at time sa taong kaya din gawin sayo yung ginagawa mo sabi mo dati diba give and take." Ani Kristin.

"Ganun naman ako dati Tin di ko alam ano na nangyare parang nakasanayan na ng sistema ko sa si Jake ang hinahanap."

"Masokista kana sa ginagawa mo lalo kang nasasaktan lalo kang lumalapit sa kanya." Seryosong sabi ni Eymard.

Natapos ang buong araw ko sa school ng walang nagawa kundi damdamin ang mga bagay na hindi na dapat pinag tutuunan ng pansin.

Napapayag ako ni Nic na uminom kami kahit sa bahay lang. Dahil wala rin naman ako gagawin hindi na ako tumanggi.

"Madam text mo nga si Jake di ako nirereplyan." Utos ko kay Nic. "Tanong mo na rin asan siya pero kunyari kaw naghahanap huh di niya ko nirereplyan eh." Paliwanag ko nalang.

Maya maya pa tumunog ang cp ni Nic at nakita ko na si Jake ang nagtext.

"Nasa inuman daw Madam."

"Ah okay buti kapa nirereplyan ako hindi na samantalang dati kung makapag text siya."

"Madam kelan mo ba balak tigilan si Jake wala ka mapapala dun sa tao sige sabihin na natin na at some point medyo naging paasa siya pero hindi sapat yun para mag ganyan ka mas malala kana ngayon." Inis na sabi sa akin ng bestfriend ko.

"Madam kase kahit saan ako magpunta hinahanap nila sa akin si Jake siya rin naman may sabi one time pumunta siya sa bar hinanap din ako ng mga tao sa kanya. Na gets mo ba ako pag andun siya dapat nandun din ako o kung ako ang andun siya naman ang hinahanap sa akin. Parang nakakabit na siya sa sistema ko parang konektado na kami. Gusto ko lang naman kahit reply lang eh di ko alam pero parang nag iba na lahat. Hindi naman niya ako nakuha para balewalain niya ako at alam ko wala siyang balak. Ikaw na nagsabi nirerespeto niya ako." Pigil luha ko na sabi sa bestfriend ko.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now