Chapter 27: Hindi ako bitter

365 33 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Hindi ako bitter

Nandito kami ngayon ni Nic sa loob ng bahay nila Ryan at hindi muna nakihalubilo sa mga tao sa labas dahil abala rin naman siya sa pakikipag kwentuhan sa iba pang dumalo sa binyag ni Kit.

Tinext ko si Jake dahil ninong din siya at saka okay na kami hindi ko na siya kinukulit o pinipilit na lumabas kasama ko.

Me: San kana? tara na. Gutom na ako inaantay kita dumating bago kumain.

Jake: kumain na kayo baka mamaya pa ako,
di rin ako mgtatagal jan may lakad kami ng tropa ko

Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon almost two months ko siyang hindi nakita o nakasama isa pa ay ibinuhos ko nalang ang oras at panahon ko kay Jarell dahil kami ang madalas magkasama.

Pakiramdam ko ay humupa na yung nararamdaman ko sa kanya. Confident ako bago dumating tong araw na to.

Pero ngayong nandito na ako at nalaman ko na pupunta siya ay bumilis yung tibok ng puso ko, nakaramdam ako ng excitement at nung sinabi niyang dadaan lang pala siya ay parang nanlumo naman ako.

Halo halo yung emosyon ko kapag tungkol sa kanya, nagulo na naman yung sistema ko hindi ko na yata siya maiaalis dito.

"Okay kana diba? bat kailangan pang antayin si Jake bago kumain." Nakataas ang isang kilay na sabi ni Nic.

"Syempre para may kasabay siya kumain, friend natin yun." Yun ang tamang definition kung anong meron kami. "Friends".

Pagkatapos kumain nagpasya kami ni Nic na huwag na muna umalis sa sala at makipag laro nalang kay Kit.

"Madam kailangan kaya ako magiging ninang sa anak mo di kana nakabuo baog ka yata." Pang aasar ko sa bestfriend ko.

"Ikaw kelan kaya ako maniniwalang naka move on kana." Ganti niyang asar sa akin.

"Hoy!! ayos kayong dalawa VIP lang? dun kayo mag shot sa labas andoon silang lahat." Bulyaw ni Ryan na kinukuha na ngayon si Kit sa akin.

Kinalaunan nakatanggap ako ng text kay Jake na sinabing lumabas nalang kami ni Ryan at kunin yung bigay niya kay Kit dahil nagmamadali na siya.

Habang naglalakad kami ni Ry ay hindi siya tumigil sa pang aasar sa akin hanggang sa matanaw niya ang sasakyan ni Jake. "Friend ayun si Jake ohh tignan mo may kasamang lalaki boyfriend niya ata. Hahahaha!"

"Baliw ka talaga tropa niya yan kilala ko sya nakainuman ko na ilang beses."

"Ui pre.. Madam." Bati niya kay Ryan at sakin.

"Pasensya na may lakad pala ako ngayon, eto pala bigay ko sa inaanak. Try ko humabol mamaya dyan." Paghingi niya ng despensa.

"Pre kahit kumain muna kayo di mo man lang nakita yung inaanak mo." Pagimbita ni Ryan.

"Pre nagmamadali na rin kami basta subukan kong sumunod mamaya." Nagmamadaling sinabi ni Jake at sumakay na sa sasakyan na hindi ko man lang nakausap.

"Atat na atat umalis bonding siguro nila ng boyfie niya." Sabi ni Ryan ng makalayo na kami.

"Baliw ka talaga no! kayo nga magkasama lagi noon baka ex ka ni Jake."

"Haha selos ko naman! kami nagkatabi na matulog kayo hindi pa."

"Yun ang akala mo." Sa isip ko nalang.

Kulitan, tawanan, basagan, asaran at pag alala sa mga kalokohan na ginawa namin noon ang naganap sa inuman dito ngayon, hanggang sa matapos kami ng bandang alas dos.

Nakareceive ako ng text galing kay Jake.

Jake: Madam anjan pa kayo?

Me: Bakit susunod ka? lasing kana for sure

Jake: Hindi na patapos na ata kayo

Me: di pa mag Ritz kame sunod ka

Dahil sa tama ng alak ay nawala na naman sa isip ko ang mga pangako ko na titigil na ako sa pagsama kay Jake.

Dinamay ko pa ang bestfriend ko para lang makasama siya pero nung sinabi ko ito kay Nic sumang ayon siya at hinayaan ako na isama siya.

"Madam pag wala kang alcohol sa katawan sinasabi mo okay kana pero pag nakainom ka lumalabas yung totoo. Dapat magkausap na kayo dapat magkalakas ka na ng loob tanungin siya ng mga gusto mong malaman."

Nagpaalam na kami kila Ryan, nagsinungaling ako at sinabi na uuwi na kami nag alok sila na ihatid kami.

"Hindi na kaya na namin. May taxi naman sa labas." Tanggi ko.

"Si Madam pa kahit ala una, alas dos o ala sais ng umaga basta si Jake ang nagyaya kaya niya magbyahe." Nilakihan ko siya ng mata dahil ayoko ng sabihin kila Ryan ang balak ko.

"Sus!! sabi na ehh may balak pa kayo o sige na layas na ng makapag pahinga na kami." Biglang taboy nila.

Pagdating sa Ritz ay mangilan ngilan nalang ang customer doon.

Kasabay ng pagdating ng order ko ay nagtext si Jake na 5 minutes ay darating na sya.

Pagdating niya ay lumipat kami sa katabing bar bitbit ang inorder kong alak dahil ilang minuto nalang ay magsasara na sila.

Habang nasa kalagitnaan kami ng inuman ay hinanap ni Jake ang iphone ko. "Madam wala kanabang iphone?"

"Bakit mo hinahanap? eto ohh." Sabay pakita ko sa kanya.

"May facebook ka pa?" Makahulugan niyang tanong sa akin pero kay Nic siya nakatingin na humahagikgik na ngayon.

"Meron." Inosente kong sagot dahil parang alam ko na kung ano ang patutunguhan nito.

"Talaga para kasing hindi na kita nakikita sa fb."

"Talagang hindi mo ako makikita dahil ununfriend kita!!!!." Naiinis kong sinabi.

"Kaya pala hindi na kita nakikita haha tsaka yung mga post mo na para sa akin naman talaga." Mayabang niyang sinabi.

"Ang kapal mo naman paano mo nasabing para sayo yun? may pangalan mo ba?"

"Bakit may iba ka pabang gusto?" Naghahamon niyang tanong na lalong nag pairita sa akin.

Hinampas hampas ko siya ng lalagyan ng tissue na nadampot ko dahil hindi ako makatanggi sa tanong niya.

"Masakit na yan? masakit na yan!!!" Tuloy tuloy kong sinabi habang iniinda niya ang hampas ko.

"Hahaha ano pogi masakit na ba yang hampas ni Madam? mukhang kulang yan sa mga ginawa mo sa kanya." Ani Nic kay Jake na tawa ng tawa.

"Hindi ko alam Madam na masakit na pala." Sarkastiko niyang sinabi sa akin.

"F*ck you. Mabuntis mo sana yung katulong namin." Napamura na ako dahil hindi ko mapigilan ang naipon kong emosyon.

"Sige nga ano mararamdaman mo kung mabuntis ko si Manang? hindi kaba masasaktan." Laban niya sa sinabi ko.

Napansin ko ang paglapit ng bouncer sa table namin, hindi para umawat kundi para makichismis dahil kanina pa siya nakikinig.

Napatigil ako sa pagmumura ng makalapit na sya. Magsasalita pa lang sana ako ng unahan ako ni Nic.

"Don't mind them. Mag ex kase sila ngayon lang nagkita uli. Bitter pa sa isa't- isa." Parang walang pakialam na sagot ni Nic kahit na may ibang nakakarinig.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now