Chapter 22: Ako din crush kita Bryle

395 37 2
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Ako din crush kita Bryle

"MADAM!!" Sigaw ni ni Nic akin. "Kanina kapa tulala may sinasabi sayo si Bryle".

"Ano yun?"

"Bff type ka daw ng pinsan ko nagulat sa'yo kakaiba ka daw hahaha." Biro ni Jarell kaya napatingin ako kay Bryle na nakangiti sa akin.

"Ako din crush kita Bryle." Sagot ko na parang wala sa sarili.

"Sigurado ka Madam? agad-agad?" Biglang tanong ni Nic na parang hindi naniniwala.

Isang malakas na tawa nalang ang isinagot ko sa kanila.

Naisipan maglaro ni Jarell ng mga mind games hanggang sa may bigla siyang ipinasagot kay Bryle.

May mga maliliit na stick na nakakalat sa lamesa.

"Paano niyo gagawing store to?" Tanong niya sa lahat. "Sagutin mo nga to matalino ka naman e." Aniya kay Bryle.

"Stick gagawing tindahan?" Naguguluhan na tanong ni Nic.

Nakita ko na nakahawak si Bryle sa baba niya na tila ba nag iisip talaga. "Pag nasagot ko to hahayaan mo makilala ko pa si Lian?" Hamon ni Bryle sa pinsan niya.

"Bahala ka nasa sayo naman yun eh at nasa sa kanya kung papayag siya." Sagot ni Jarell.

"Okay." Ani Bryle at ngayon ay may ginagawa na sa stick.

Inilinya niya ang maliliit na piraso ng stick at ginaya ang sign ng seven eleven na isang convenient store.

"Ayy gets!" Nagkasabay pa naming sigaw ni Nic.

Natapos ang inuman at nagkapalitan kami ng number ni Bryle. Sumagi nalang sa isip ko na bakit ba hindi ko subukan mag entertain ng iba at wag lang kay Jake mag focus.

Kinabukasan ay ganoon uli ang nangyari, pumasok ako at kasama nanaman ni Jarell si Bryle at nangulit nanaman ang mga kaklase ko patungkol sa kanya.

Pagdating ng uwian ay derecho na sila sa bahay pati na rin si Nic.

Nang maiwan kaming dalawa ni Nic ay tinanong niya ako about Bryle. "Madam anong trip mo kala mo si Pogi gusto mo?"

"Bakit pogi naman siya huh." Painosente kong sagot.

"I mean si Jake."

"Madam naisip ko bat di ko subukan mag enjoy kasama ang ibang tao siguro nga masyado na ako na focus kay Jakefor a change naman siguro."

"Hay thank you Lord nalinawan na yang isip mo." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

Hindi na nila namalayan ang oras dahil sa mahabang usapan dito sa bahay, at sa walang tigil na pagsabi ni Bryle sa akin ng mga pick up lines niyang si Nic lang ata ang natutuwa.

Dumaan pa ang maraming araw at nag assume na ang lahat na naka move on na ako ng ganun kabilis at nabaling na ang atensyon ko kay Bryle maliban kay Lhavmic na may sinabi sakin kaya naguluhan ako.

"Nay gusto mo na yan? Okay sana siya ka age mo, parang gusto ka naman pero hindi ka mukhang masaya iba ang dating mo pag si Jake ang kasama mo."

Hindi ko alam lahat ng tungkol kay Bryle at hindi rin ako nagtangka magsabi ng mga tungkol sa akin. Basta inenjoy namin ang company ng isat'isa.

Hanggang sa dumating ang birthday ni Ford na pinaghandaan niya talaga dahil nagulat nalang ako ng pagdating ko sa kanila galing sa pagbili ng cake ay nandito na ang lahat pati na rin si Bryle at Jarell na hindi ko alam paano niya naimbita.

Nang nasa kalagitnaan na ng inuman ay naging parang stag party ang bahay ni Ford dahil sa pagsayaw na ginagawa niya.

"Madam ang galing talaga ni babes." Tuwang tuwa si Nic sa panonood kay Ford na walang tigil sa pag giling.

"Bakla sayawan mo daw si Nic haha." Sigaw ko na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Dali daling lumapit si Ford sa malaking sofa kung saan kami nakaupo at nag umpisang sayawan si Nic habang dahan dahan hinuhubad ang saplot niya sa katawan, pulang pula si Nic at nagmukhang kamatis dahil sa ginawa ni Ford.

Lumalim na ang hating gabi ng mag umpisa ng magdrama ang mga kaibigan ko.

"Pre gusto mo ba talaga si Lian nag iisang babae namin yan dito bago pa niya ipakilala si Nic. Kababata namin yanalam na alam namin kung seryoso yan at hindi sana wag mong lokohin." Madramang speech ni Maezon.

"Baliw hindi ko bf to no." Sabi ko sa kanilang lahat na gusto ko pa sanang sundan ng "parang nalimutan niyo na si Jake."

"Oo hindi syempre kaya nga nagustuhan ko siya iba sa lahat baka nag iisip palang ako na lokohin siya e alam na niya kaagad tsaka andito na ako sa harap niyo sabihin niyo na lahat para alam ko." Matapang na sabi niya sa mga kaibigan ko habang naramdaman ko ang pagsaklop niya sa mga daliri namin.

Naramdaman ko ng gabi na yun na siguro ay special ako kay Bryle pero hindi parin sapat para maging masaya ako kagaya pag si Jake ang kasama ko.

Ilang araw pa ang nakalipas walang pasok at nag decide kami na mag inuman sa bahay. Apat lang kami ng gabi na yun ako, si Nic at ang magpinsan. Nakaapat na bote na kami ng biglang umulan ng malakas habang nasa parte na kami kung saan nag uusap kami tungkol sa katatakutan.

Nagpaalam si Jarell na magbabanyo, habang ako naman ay pumasok sa loob ng bahay para kumuha ng yelo ng biglang kumulog ng napakalakas kasabay ng pagkamatay ng mga ilaw.

"AHHHHHH!" Nagulat ako sa sigaw ni Jarell na nakalapit na sa akin at nakayapos.

"Ano ba ang laking lalaki mo e!!" Bulyaw ko sa kanya.

"Bff may matanda sa banyo." Takot na takot niyang sinabi at sa palagay ko ay namumutla na siya sa kaba.

Kasunod niya ay si Nic na takot na takot na din at si Bryle na naghahanap kung meron akong kandila. Dahil malalim na ang gabi ay nagpasya nalang kami na tapusin na ang inuman.

"Bff uuwi na kami ayoko dito magstay." Paalam ni Jarell.

"Ako dinuuwi na ako." Pagdamay ni Nic sa sarili niya.

"Aba matinde talagang iiwan niyo ako ha!"

"Sasamahan kita mag stay ako dito kahit sa sofa lang ako matulog." Boluntaryo ni Bryle sa kanyang sarili.

"Bahala kayo uuwi na kami ayoko na mangialam." Nagmamadaling sabi ni Jarell kasama si Nic na kahit malakas ang ulan ay sinugod ito at tuluyang iniwan ang pinsan niya.

Tinulungan nalang ako ni Bryle na ayusin ang mga ginamit namin sa bahay dahil ayoko nga ng may maiiwang kalat pagkatapos nun ay nagpasya nalang kami na magkwentuhan sa sala.

May mga nalaman pa ako sa kanya pero masyado siyang misteryoso sa akin masayahin siya at palaging nagbibiro pero alam kong may kulang sa mga sinasabi niya at tama siya sa binanggit niya sa mga kaibigan ko dahil iniisip palang nya ay parang nababasa ko na siya alam ko na may hindi siya sinasabi sa akin. Hindi kagaya ni Jake na ginawa ko na ang lahat ay wala parin akong nalaman wala parin akong naintindihan at sa kanya lang ako natatanga.

Sa buong pag uusap namin ay wala siyang ginawa kung hindi ang paypayan ako para hindi raw ako lamukin na malabo dahil naka screen ang buong bahay.

Habang nagbibiruan kami ay hindi sadya na nagkatitigan kami at hindi ako mangmang para hindi malaman ang kasunod nun pumikit nalang ako at napaisip na maybe he's another chance for me to start a new. Crush ko na siya.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now