Chapter 2: The first time I saw you

1.4K 131 12
                                    

The first time I saw you

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng alarm clock kasabay ng pag halik ng mga aso ko sa mukha ko, na tila ginigising talaga ako.

Sabado ngayon pero may klase ako sa pinapasukan ko na University. Nagmadali na akong kumilos kung hindi ay mahuhuli na naman ako sa klase ko ng alas otso hanggang alas tres ng hapon.

Pag pasok ko palang sa room ramdam ko na agad ang tingin ng tatlong malalapit kong kaibigan si Dylan, Kristin at Eymard.

"Ano Lian mukhang okay kana huh?  ano naisip mo na ba na bukod sa pag atupag sa love life mo eh marami kang pwedeng gawin na mas makabuluhan?" Ani Dylan ang pinaka matalino ngunit mapang asar sa aming apat.

"Kristin may mas makabuluhan naman pala kesa sa lovelife eh bakit hindi mo nalang hiwalayan si Dylan at hanapin ang mas dapat atupagin?" Pang asar ko na sagot habang nakatingin pabalik balik sa mag kasintahan.

Bigla naman sumabat si Eymard ang pinaka emo saming apat. "Alam mo kase Lian wala naman masama na magka gusto ka sa tao ang problema lang sayo sobra ka umasa daig mo pa ang pinangakuan ng kasal! hindi ka nga nabigyan ng relasyon at lalong walang ginawa yung tao sayo para umasa ka ng ganyan."

Umismid lang ako sa kanya at naisip na hindi naman ako humingi ng relasyon kahit kanino pero napangiti narin dahil alam kong kahit gaano ako kakulit at paulit ulit na masaktan, andyan lang ang mga kaibigan ko para sa akin.

Alam ko rin na nag aalala lamang sila lalo na't ako lang mag isa sa bahay at walang mapag sabihan ng problema.

Mabilis na natapos ang araw na wala naman kakaiba bukod sa naka oo ako kay Nic na sasama ako sa kanya sa bar na madalas namin pag inuman.

Pag uwi ko sa bahay agad kong pinakain yung mga alaga ko at nagwalis na rin sa mga balahibong nagkalat sa sahig ng bahay ko. Agad din ako nag ayos ng sarili ko at nag suot ng plain white shirt, maong shorts at ang bagong bili kong red vans na pinalagyan ko pa ng doodle.

Pag dating ng alas otso ng gabi ay nakita ko kaagad si Nic sa convenience store na madalas na tagpuan ng grupo kapag pupunta kami sa Ritz bar, kung saan kami madalas uminom.

Habang nag lalakad, hindi ko alam bakit mabilis ang tibok ng puso ko, akala ko ay dahil sa kaba na nararamdaman ko matagal tagal nadin kasi akong hindi nagpakita sa buong barkada.

"Nic pwede ba sa baba tayo mag inom? nakaka-suffocate kasi sa taas." Tanong ko kay Nic na parang walang narinig at abala sa pag tetext.

"Sige ikaw bahala, kahit saan naman ako ayos lang basta ba masisilayan ko si Clint." Tatawa tawang sabi niya habang nakatingin sa akin dahil alam niyang pagagalitan ko siya.

Pag dating namin sa bar nagpaalam agad ako kay Nic na aakyat ako saglit at mag papakita sa barkada.

"BAAABBYYY!!" Sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa lamesa kung saan sila nakaupo na malapit sa gilid ng stage na tinutugtugan nila, sabay yakap at beso ko kila Peter.

"Baby bat hindi mo kasama si Nic?" Tanong ni Chris sa akin sabay lingon nya kay Clint na mukhang wala na talagang pakialam sa isa.

"Andun sa baba inaantay na ako sabi ko kase gusto ko dun mag pwesto ayoko dito sa taas nakaka-suffocate eh." Sabi ko sabay tingin kay Peter na nangungulit na hindi na dapat maghiwa-hiwalay at doon na rin dapat kami umupo sa lamesa kung nasaan ang buong barkada at ng may kasama narin si Chell ang asawa ni Frank na basist ng banda.

Napapayag narin nila ako at nag paalam na bababa muna at tatawagin si Nic pero bago pa ako bumaba naramdaman ko na may dalawang pares ng mata na parang kanina pa nakatingin sa akin, pag tingin ko sa bandang kaliwa nakita ko na may iba pa pala sa lamesa namin, nakatingin siya at nakangiti na para bang manghang mangha sa pagdating ko. Pero hindi ko siya pinansin at pinag patuloy ang pagbaba para tawagin si Nic.

Pag akyat namin dala dala ko ang isang supot na may lamang donut na pasalubong ni Nic saken, dahil alam niyang paborito ko ang Choco Butternut.

Nang mag umpisa ng tumugtog ang banda, at kaming apat nalang ang natira sa table ay agad pinakilala ni Chell ang may ari ng dalawang pares ng mata na kaninang nakatingin sa akin.

Agad ako siniko ni Nic at ibinulong. "Siya yung pinakilala sa akin ni Ryan."

"Aah okay hindi ko nga rin mabebetan." Walang interes kong sagot.

Agad nakuha ng matabang babae and pansin ko na umakyat sa stage at mukhang makiki jam kila Ryan habang patuloy ako sa pagkain ng donut at nag bibida kay Chell na mayroon pa akong isang taon sa kolehiyo bago maka graduate.

Dahil sa taglay kong kamalditahan hindi ko napigilan ang bibig ko. "Ang taba ni ate parang hindi kakayanin ng stage." Natawa ang dalawa sa biro ko.

Pero biglang may sumabat. "At magiging ganyan ka din pag hindi mo tinigilan ang pagkain mo ng donut hanggang sa maka graduate ka sa susunod na taon." Sabay ngisi sa mukha ko na parang walang sinabing nakakainsulto, gulat na gulat ako.

Ang nagsabi sa akin ay yung lalaking kasama namin sa lamesa na hindi ko naman kilala.

Ngayon naman ay tatanong kung anong gusto ko na pulutan, sumenyas ako kay Nic at sinabi ko sa kanya na si Nic nalang ang tanungin pero hindi parin siya tumigil, sinagot lang ni Nic ang tingin ko ng isang pag katamis tamis na ngiti.

Habang abala ako sa pakikinig sa kumakantang si Ryan sa harap ng stage hindi ko maiwasang hindi bumilib, ngunit nasira ang focus ko. "Ano ba! kalabit kanaman ng kalabit eh!" Bulyaw ko sabay irap sa lalaking katabi ko na ngayon.

"Ang sungit mo naman sasabibin ko lang sana na iabot mo tong isang bote ng San Mig kay Ryan." Nakanguso niyang sagot na parang nakakaloko na.

"E di ikaw mag abot alam mo na ngang kumakanta yung tao tas aabutan mo ng alak sige nga ikaw kaya ang kumanta habang umiinom." Natawa nalang siya sa sagot ko at hindi na nangulit pa.

Naalala ko pala na imbitahan si Chell sa birthday ko sa susunod na sabado. "Ate Chell baka gusto niyo sumama, birthday ko na kasi sa thursday pero gaganapin ng sabado, swimming tayo sagot ko na lahat bukod sa entrance."

"Oo ba sasama kami basta update mo lang ako thru text si Jake hindi mo ba iimbitahan? Tanong ni Chell sakin habang nakatingin sa lalaking makulit.

"Sige lang te sama niyo siya wala naman problema sakin eh."

"Be cp ni Jake yan lagay mo number mo dali para mag text text din kayo." Dagdag pa niya.

"Huwag na te itext nalang kita tas itext mo siya para ma-update din." Hindi ko tinanggap ang cp dahil hindi naman namin kailangan mag text sa isa't-isa dahil para lang makasama siya at isa pa kakakilala ko lang naman sa kanya at ayoko sa kanya.

Natapos ang tatlong set ng pag tugtog ng banda at mag kakasama na kaming nag iinom ngayon, biglang nagsalita si Ryan.

"Oi si Jake nga pala kilala niyo naman na lahat to diba? tropa to."

Pero biglang sumabat si Nic "Si Madam di pa yan kilala haha!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Nilahad ko ang kamay ko sa lalaking nakakainis at nagpakilala. "Lian.... Lian Guevara, nice meeting you." Pero sa isip ko naiinis ako lalo na kapag naalala ko nanaman ang donut incident kanina.

Sino ba ang matinong tao na biglang mang aasar sa taong wala mo pa atang isang oras kilala. Siguro nga meron at siya lang yun. Siguradong sigurado ako.

"Jake Montano." Sabay ngisi ng nakakainis.

Hindi ko alam pero may kakaiba sa taong to, bumilis ang tibok ng puso ko ng maglapat yung kamay namin at sigurado ako na dahil to sa inis ko sa kanya sa unang pagkikita namin.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now