Chapter 21: I want a new guy

450 36 2
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

I want a new guy

Nandito ako ngayon sa isang convenient store at kanina pa nakatingin sa relo ko dahil wala parin si Jarell. May usapan kasi kami na magkikita ng maaga para sabay na maglunch bago pumasok sa University. Tinext ko siya dahil mahigit fifteen minutes na ay wala pa siya.

Ako: bff asan kana? gutom na ako!!

Jarell: malapit na sorry natagalan dumating kase pinsan ko ok lang ba isama natin siya?

Ako: malamang kasama mo na diba hehe bilis!!

Pag angat ko ng ulo habang nakikipagtext kay Jarell ay natanaw ko na silang palapit dito sa store kaya tumayo na ako para salubungin sila.

"OMG! ang gwapo." Naisip ko nalang ng nakalapit na sila sa akin.

"Bff si Bryle pinsan ko galing Isabela Ate niya yung model nakilala mo na yun nung lamay ni Papa." Mahabang intro ni Jarell. "Bryle si Lian bestfriend ko."

"Hello tara na maya na mag usap gutom na ako."

Nakarating kami sa malapit na mall para kumain ng tanghali dahil parehas naman hapon ang pasok namin ng Jarell.

"Malapit na tayo sa school paano tong si Bryle?" Tanong ko sa kanya.

"Edi dun muna kami sa hollyw-

"Hindi pwede may pasok ka!" Putol ko kay Jarell. "Alas dos pa naman pasok ko ako muna sasama sa kanya tas lumabas ka nalang after ng klase mo nakailang absent ka na isusumbong na kita kay Tita."

Walang nagawa si Jarell dahil alam niyang pag sinasabi ko ay ginagawa ko.

Pagbaba palang namin sa Hollywood yung mall and condo na tabi ng University ay pinagtitinginan na kami dahil pogi talaga itong kasama ko mas gwapo pa kay Jake kung tutuusin.

"Bryle ohh." Abot ko sa kanya ng sigarilyo na pinabili ni Jarell. "Ilang taon kana pala tsaka taga saan kaba?" Tanong ko sa kanya dahil mukhang naiilang siyang kasama ako.

Nalaman ko na kapatid nga siya nung model matanda lang siya ng one year sa akin at galing siya sa Isabela at naisipan lang magbakasyon dito.

"Bat di kanalang mag aral dito? uhm tas kila Jarell ka tumira."

"Ayoko dito tumira bakasyon lang siguro okay na isa pa masaya naman sa Isabela kahit malayo dito. Baka iniisip ko na promdi ako dahil galing ako ng sa Isabela city rin yun at hindi province. Hahaha." Nagulat ako dahil sa sinabi niya at hindi naman ako ganoon mag isip.

"Hindi ahh tinatanong ko lang tsaka hindi ka nga mukhang taga province eh kaya nga nagulat ako ang layo ng pinanggalingan mo. Nag aaral ka paba? or may work?"

"Nag stop na ako." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pero hindi dahil sa financial dahil parang yun ang iniisip mo may sakahan ang parents ko doon at may negosyo pang iba si Mama ayoko lang mag aral mas gusto ko magtrabaho." Paliwanag niya sa akin.

"So may work ka ganun?"

"Wala baka pag naisipan ko ng bumalik sa amin."

Tinitigan ko lang siyang mabuti at hindi ko talaga mapagkakaila na gwapo siya, matangkad, medyo maputi, makapal ang kilay niya, parang laging nakangiti ang mga mata niya, matangos ang ilong at mukhang masayahing tao siya. Maayos din siya kausap, parang matalino siya. Akala ko nga ay galing din siyang ibang bansa pero sa bagay nakita ko na ang Ate niya at napaka ganda naman talaga.

"Lian di kapa aakyat mag tatime na." Bati sa akin ni Jess ka blockmate ko na nakatambay din sa Hollywood.

"Teka sasabay na ako." Sigaw ko sa kanila na nag aabang sa akin sa may hagdan. "Bryle dito ka muna ah may klase ako maya maya andito na yun si Jarell."

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now