Chapter 34: There's always a way

372 30 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

There's always a way

Hating gabi na ng makarating kami sa Pampanga gising pa ang mga tao kila Jake dahil sila ang nakatoka para sa pabasa ngayong holyweek.

Pagbaba ko sa sasakyan ay sinalubong kaagad nila kami. Masayang masaya sila dahil sa pagdating namin, pero dahil nakainom na kami, hinayaan nalang nilang matulog kami.

"Nak dun ka matulog sa kwarto namin." Sabi sa akin ni Tita. "Anak."

Hindi ako kayang mahalin ni Jake pero nabigyan niya ako ng pamilya sa katauhan ng family niya.

Gising na ang lahat ng magising ako sabay sabay kaming nag almusal. Masaya ako dahil parang kapamilya talaga nila ako.

"Madam kami ang magluluto ng pagkain sa pabasa anong gusto mong lutuin namin?" Tanong ni Jell

"Kahit ano kayong bahala."

"Si Madam paglutuin niyomagaling yan magluto." Sabi ni Jake.

"Magaling magluto? e di ka nga kumakain ng luto ko nakita mo naging peklat na tong mga talsik ko ng mantika dati." Kunyaring nagtatampo kong pinakita sa kanya.

Bandang alas dyis ng yayain nila akong mamalengke akala ko ay sasamahan kami ni Jake pero inabutan ako ng jacket ni Tita para suotin. Magmomotor daw kami ng mga kapatid ni Jake kaya kailangan ko magjacket dahil mainit sa labas.

Bago umalis ay pumasok ako sa kwarto niya at ginising siya.

"Pogi gumising ka mamamalengke kami."

"Sige madam bahala ka kung sasama ka pero mainit sa labas."

"Okay lang. Pengeng pamalengke." Hinila ko ang pera sa bulsa niya pakiramdam ko ay nagulat siya sa ginawa ko. At lahat ng ikinikos ko para siyang nagugulat.

Pagkauwi namin ay nagumpisa na silang ayusin ang mga rekado at ako daw ang magluto. Sotanghon ang napagkasunduan ng lahat.

Nang matapos ako magluto puro papuri ang natanggap ko dahil masarap daw.

Buong araw walang ginawa si Jake kundi kumain at matulog nang silipin ko sya sa kwarto at gising na ang mahal na hari.

"Madam patikim naman ng niluto mo dalhan mo ako dito."

"Aba matinde baka may balak kang tumayo, ano ka kain at tulog."

"Ganyang talaga siya Nak pag andito yang si Jake maghapon lang nakahiga yan pero ayos lang para makapag pahinga siya." Sabat ng Mama niya.

Dinalan ko siya ng sotanghon at hinintay ang hatol niya sa luto ko.

"Pogi masarap ba?"

"Lasang tubig dagat." Pintas niya sa niluto ko.

"ARAY!!" Nakita ko ang paghampas ni Tita sa kanya.

"Anong hindi masarap ang dami ngang nanghingi." Pagtatanggol niya sa akin.

"Baka daw masayang kasi tsaka nahihiya lang sayo." Inirapan ko nalang si Jake at umupo sa may tabi niya.

"Madam isa pa." Request niya sa akin.

"Akala ko ba hindi masarap? bat nanghihingi kapa." Pagtataray ko sa kanya.

"Oo nga lasang tubig dagat, pero sayang naman kung itatapon kaya kainin nalang natin pagtyagaan nalang."

Ibang klase din si Jake, isat kalahating talyase ang niluto ko, at sinasabi niyang hindi masarap. I wonder kung totoo ang sinasabi niya dahil paubos na ang niluto ko at walang nagreklamo kahit na isa.

Buong araw lang akong nakipag bonding sa mga kamag anak niya nag stroll kami kung saan saan sa lugar nila gamit ang motor, tinuruan nila ako magkapampangan, at nag inuman kami pero sa buong maghapon na yun hindi ko nakasama si Jake.

Hindi ko itatanggi na nag enjoy ako pero I'm disappointed at the same time. Akala ko ay magkakaroon ako ng panahon na makasama siya, na makausap siya ng seryoso pero walang naganap sa ineexpect ko.

Habang nag iinom kami tinawagan ako ni Ford.

"Hello madam! ang saya saya dito. May nagpafire dance sayang wala ka ang daming foreigner dito ang gugwapo pero walang maganda kung nandito ka kabog mo lahat."

Natawa nalang ako sa sinabi niya at nainggit, pero pinigilan kong ipahalata yung nararamdaman ko. Pero magbestfriend kami kahit hindi kami magkaharap alam alam niya kung anong nararamdaman at iniisip ko.

"Ano madam masaya kaba dyan parang iba kase yung boses mo para kang malungkot."

"Oo Ford masaya naman pero pamilya lang ni Jake ang kasa-kasama ko, ni hindi ako kinakausap ng isang yun. Kakausapin lang ako pag mang aasar tas maghapon nakakulong sa kwarto alam mo naman pasukin ko."

"Sabi na nga ba eh sana talaga sumama kanalang. Nako madam kung malapit lang ako susunduin na kita dyan o kung pwede lang kitang hilahin sa cellphone papunta dito gagawin ko."

Natapos ang usapan namin ni Ford sinabi ko na okay lang talaga ako at ienjoy niya nalang ang gabi sa Puerto.

Wala pa yatang ten minutes at tumunog nanaman ang cellphone ko. "Si Nic naman."

Maingay ang paligid ni Nic. "Madam ang ingay san ka?"

"Dito kami kila Rj lahat as in lahat."

"Kumpleto pala kayo."

"Hindi kami kumpleto wala ka at tsaka nag enjoy kaba dyan bakit parang hindi ka masaya." Isa pa siya alam na alam kailan ako masaya at hindi.

"Madam kasi naman inaasikaso ako ng mga kapatid niya pero siya hindi. I mean di man lang ako pinapansin hindi ako kinakausap! nakakukong lang sa kwarto!" Reklamo ko sa kanya naging tahimik sa paligid niya, siguradong nakikinig sila.

"Umuwi kana inaantay ka namin. Andito ang pamilya mo. Just go home please." Parang tutulo ang luha ko sa sinabi ni Kuya Rj.

"Kuya gabi na dito hindi ko alam paano umuwi mag isa. Sa umaga susubukan ko."

"Wag mong subukan gawin mo. Kung gusto mo talaga umuwi gagawa ka ng paraan." Si Clint naman ang kausap ko ngayon.

"Pero kaseeeeee." Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Hoy Madam sinong kausap mo?" Nagulat ako dahil nakasilip si Jake sa bintana.

"WALA!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Sige na tatawagan ko kayo mamaya itetext ko kayo kung anong plano ko." Hindi ko na hinintay na sumagot pa sila at inend ko na ang call.

"Madam okay kalang?" Tanong sa akin ni Jane pagbalik ko kung nasaan sila.

"Uo medyo inaantok lang." Pagsisinungaling ko.

"Magpahinga kana madam baka napagod ka madami kang ginawa kanina. Ilang araw pa naman kayo dito. Marami pa tayong gagawin para maenjoy mo dito." Nag aalala pero magiliw niyang sinabi.

Nagpaalam na ako sa lahat na matutulog na ako. Pag pasok ko sa kwarto ay humiga na ako kaagad ng makatanggap ako ng text.

Jake: kala ko pa nman nag eenjoy ka, hinayaan lang kita kse nakikita ko na masaya kang kasama yung pamilya ko, hindi naman pala.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now