Chapter 24: Take chances

436 35 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Take chances

"Sige na yayain mo na yang Jake mo malay mo sumunod." Pagkumbinsi sa akin ng pinsan ko dahil nandito kaming tatlo nila Nic sa Ritz at nag iinom habang inaantay si Kuya Mark.

Sinubukan ko siyang itext pero kagaya ng madalas mangyari hindi naman niya sinasagot ang mga message ko may mga pagkakataon pa nga na inuutusan ko si Nic magtext at nagrereply ito sa kanya at sa akin ay hindi para bang nananadya.

Kagaya ngayon na nakailang subok ako na tumawag pero hindi niya sinasagot. "Sige daw Madam susunod siya." Pag kuha ni Nic sa atensyon ko.

"Ayiieee makikita mo na uli siya dali retouch na hahaha." Pag aasar ni Ate Jenn sa akin.

"Para saan pa? ginawa ko na ata lahat wala parin, lahat na yata naipayo niyo sa akin."

"Sabi na may problema ka kaya ilang araw kana nagtetext sa akin." Napagtanto ni Ate Jenn.

"Hindi mo kailangan makinig sa mga payo namin sayo kung ayaw mo alam mo kung anong dapat mong gawin wag mo na isipin kung kelan ka magugustuhan ni Jake basta gawin mo nalang lahat ng gusto mo kahit nasasaktan kana kase at the same time siya lang rin naman makakapag pasaya sayo. Tsaka dadating yung panahon na magsasawa kanalang dahil ginawa mo ng lahat at kung wala parin at ikaw na mismo ang susuko." Dagdag niya.

"Yun na nga e gusto ko lang gawin lahat ng pwedeng magawa kase naisip ko magsasawa rin naman ako." Hinihiling ko talaga dahil pagod na ako pero hindi naman ako tumitigil.

Nakakatatlong bucket na kami ng dumating si kuya Mark para samahan kami at di nagtagal ay dumating na din si Jake.

"Ne andyan na yung inaantay mo si Mr. Perfect mo." Sabay kurot sa akin ng pinsan kong halatang tuwang tuwa.

Nakita ko na palapit na siya at naglagay sila ng upuan sa tabi ko lahat sila ay nageexpect na uupo siya sa tabi ko.

"Pogi dito ka na ohh." Turo ni Nic sa upuan.

"Hindi na dito nalang ako." Tinanggihan niya ito at umupo sa may dulo.

Binati niya kaming lahat pero iba na ang dating sa akin nito parang balewala lang ako. Hindi man lang siya tumingin sa akin. Hindi na rin ako nagtangkang kausapin siya o biruin. Si kuya Mark ang kausap niya na puro tungkol sa basketball at mga kacommon friends nila.

Pagdating ng alas dos ay nagpasya ng ihatid ni Kuya si Ate Jenn at naiwan kaming tatlo.

"Madam ano ba pagkakaiba ng bipolar sa schiz." Bigla niya ako kinausap kaya nagulat ako sinagot ko naman ang tanong niya pero hindi na ako makatingin sa kanyahindi na ako komportable. Naiilang ako.

Siguro ay magulo rin ako dahil araw araw ko siya tinetext pero kapag kaharap ko na siya parang natatakot ako sa kanya parang maling kilos ko ay aayawan niya ako lalo.

Nakita ito ni Nic kaya bigla siyang lumihis ng pag kakaupo na para bang sinadya niya para hayaan kami ni Jake mag usap.

Lahat ng napag usapan namin ng gabing yun ay puro tungkol sa psychology puro pag sang ayon lang ang ginawa niya na para bang tama lahat ng sinasabi ko sa kanya.

Dahil mag aalas kwatro na at may bagong rules sa bar na hanggang ganung oras lang ang mga customer nag decide kami na lumipat sa isang gasoline station kung saan pwedeng uminom at tumambay.

"Bilib din naman ako sayo Madam kanina sabi mo lasing kana nung dumating si Jake nawala tama ng alak sayo back to normal." Bulong sa akin ng magaling kong bestfriend.

Kami ang bumaba ni Jake sa sasakyan at bumili ng alak sa store nag paiwan si Nic dahil tinatamad daw siya.

Magkausap kami habang pumipili ng alak sa ref biglang nawala ang sama ng loob ko kahit wala naman kaming napag usapan tungkol sa issue ko kung bakit hindi niya pinapansin ang mga message ko o kung bakit nagbago na siya ng pakikitungo sakin.

Ang nangyayari kasi ay kapag nag decide na akong tumigil sa pangungulit sa kanya ay tsaka siya magpaparamdam at kapag okay na kami maglalaho nanaman.

Pakiramdam ko ay gusto niya lang na mahal ko siya kahit hindi niya ako gusto dahil nakakataas ng ego niya.

Pagbalik namin sa sasakyan nagpasya kami na dito na sa loob mag inom at magpatugtog nalang dahil tinulugan na kami ni Nic.

Hindi ko na namalayan na maliwanag na pala at madami nang motorist sa gasoline station kaya tinanong ko si Jake kung anong plano niya. "Uuwi kanaba pagtapos nito?"

"Hindi pa Madam nangako ako kay Romer na sasamahan ko siya sa Montalban dadalawin tito niya." Dahil sa sinabi niya nagpumilit nanaman akong sumama.

"Sama kamegusto ko makarating dun please." Pag mamakaawa ko sa kanya na isama kami kahit na alam kong hindi papayag si Nic.

Pumayag naman si Jake dahil alam niya na hindi ako titigil kapag hindi niya ako sinama. Alam ko na isa yun sa dapat kong baguhin ang ipilit ang sarili ko sa kanya pero hindi ko natutupad dahil sa kagustuhan ko na makasama siya.

Hindi alam ni Nic na isasama namin siya kaya pag dating sa masinag at nawala ang antok niya ng nilampasan namin ang village kung saan sya nakatira.

"Teka bababa na ako." Natataranta niyang sinabi saming dalawa.

"Hindi Madam sumama ka samin di ka makakababa nilock ko na yung auto." Ani Jake pero bigla kaming nagulat at napapreno ng bumukas ang pintuan kung saan nakaupo si Nic.

"Hindi mo nalock yung sa akinsige na kayo nalang. Dadalawin ko pa si Papa mamaya." Mabilis niyang paliwanag habang naniningkit ang mata sa sobrang antok.

"Sigurado ka? ihatid kanalang kaya muna namin baka kung anong mangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Jake.

"Hindi na kaya ko pa."

"Sigurado ka tignan mo nga bukas zipper mo tas baliktad slippers mo." Natatawang sinabi ko.

Narinig namin na bumubusina na ang mga sasakyang kasunod namin kaya wala na kaming nagawa kung hindi hayaan si Nic.

Ilang minuto habang nasa byahe kami naramdaman ko sa nag vibrate ang cellphone ko.

Madam Nic: Wag kana mag isip madam, ienjoy mo nalang, relaks lang. Isipin mo mga sinabi ni Jenn sayo....

Siguro ay tama sila hindi ko nalang iisipin ang magiging resulta ng mga ginagawa ko ang mahalaga masaya ako ngayon.

Ganun din naman iwasan ko siya o hindi ay masasaktan parin ako sa huli kaya mas mabuti kung siguraduhin ko nalang na magiging worth it naman ang dahilan kung bakit ako masasaktan.

I'm more than willing to risk myself and take chances because I really love him. It will all be worth it especially the pain.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon