✔Sold to Medusa

Von NoxVociferans

57.1K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... Mehr

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

TRIGINTA SEX

742 82 1
Von NoxVociferans

"Oh, so now you're calling me LADY Medusa?"

Hindi na ako nagulat nang irapan ako ng boss ko. I'm still guilty with all the harsh words I said to her, but for now, I'm just relieved to see her. Kamuntikan na akong patayin kanina ni Euryale kung hindi siya biglang sumulpot! At ngayong naaalala ko na ito, "Err.. saan mo nga pala nakuha ang frying pan na 'yan?"

Not that I'm complaining, of course.

Naalala ko lang bigla 'yong pelikulang "Tangled". Nakakawili talagang panoorin kung paano ginamit na weapon 'nong bidang babae ang isang frying pan. Nakakamangha talaga ang utak minsan ng mga babae. Akalain mo 'yon, akala ko talaga panluto lang yung kawali, tapos pwede palang maging super cool weapon? Mabuti na lang at hindi sa'kin naihampas ni Medusa ang kawaling 'yan, kundi baka mapaaga ang libing ko.

Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko, sinipat niya lang ako mula ulo hanggang paa. Humagalpak siya nang tawa na parang kontrabida sa mga teleserye. She should really audition for roles like that.

"HAHAHAHAHA! Seriously, Aristello? Naka-boxer shorts ka lang talaga? Tsk! Ikaw na yata ang pinakakaawa-awang nilalang na nakidnap." She stepped over Euryale's body and started removing the chains. Hindi pa rin nawawala ang pang-asar na ngiti sa mga labi ni Lady Medusa habang pilit pa rin akong sinusubukang tuklawin ng mga "babies" niya.

"Magpasalamat ka na lang at walang dress code sa pagiging damsel in distress."

Nang makalas na ni Medusa ang mga kadena, agad akong tumayo at hinawakan ang mga pulsuhan ko. Bullshit. Namaga pa yata dahil sa tagal ng pagkakakadena. Huminga ako nang malalim at sumunod sa kanya papalabas ng kweba. Euryale still laid unconscious at the foot of my stone throne.

"Paano ka naman nakaligtas sa mga patibong na pinalagay nila kay Chiron?"

"Oh, hush, darling! Sa tingin mo ba talaga kaya akong pigilan ng 'cheap' nilang mga patibong?"

Sa hindi malamang dahilan, napangiti na lang ako. 'I kinda miss her bitchy attitude.'

At hindi rin nakatulong ang paggalaw ng balakang ni Medusa habang naglalakad siya. Sa kabila ng paglalakad sa madilim at malamig na kwebang may mga estatwa pa ng mga mortal at mantsa ng dugo sa paligid, she still carried herself like a runway model. Napapailing na lang ako.

Ilang sandali pa, natanaw ko na ang bukana ng kweba.

From here, sunlight seeped in, chasing away the darkness of the cave. The air became less humid and our surroundings became a little warmer. Hindi ko alam kung paano nabubuhay ang mga Gorgon sa loob ng kwebang 'yon. Ilang oras pa nga lang akong nakakulong doon, pakiramdam ko tatakasan na ako ng katinuan. Damn, I miss the outside world!

Pero bago pa man kami makalabas, biglang lumitaw ang isang anino sa harapan.

The shadow was all too familiar.

'Shit! Nahuli niya kami!'

Hinawakan ko sa kamay si Medusa at pinigilan siya sa paglalakad. I went into a defensive stance and pulled her behind me. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong nakakunot ang noo niya.

"Ano na namang kalokohan 'to, mortal?"

"Damn it! Just stay behind me, Lady Medusa!"

Sinamaan ko ng tingin ang centaur na nakaharang sa daraanan namin. Ayoko sanang labanan si Chiron, pero kung mapapasabak talaga kami sa bakbakan, wala na akong magagawa. Alagad siya nina Stheno at Euryale, kaya't hindi ko rin siya masisisi kung pipigilan niya kaming makatakas.

Call me a sentimental bastard, but I feel sad that I need to go against a new-found friend.

"C-Chiron, dude, I don't want to fight you. Pero kung nandito ka para pigilan kami..."

Napangiti ang centaur nang makitang hawak ko ang kamay ng amo ko. 'Why does he look amused?' Pero mas nagulat ako nang marahan siyang umiling at lumapit sa amin. Maya-maya pa, iniabot niya sa'kin ang isang bathrobe na yari sa kulay itim na satin. The material looks expensive, clearly something that I wouldn't have the luxury of buying.

Still, I was confused.

"Um... Para saan 'to?"

"Malamig sa Underworld, bata. Kakailangan mo 'yan sa paglalakbay niyo pabalik sa mundo ng mga mortal."

Natahimik na lang ako. 'So, he's helping us?' Ang astig talaga! Pagkabalik namin sa Eastwood, ipagyayabang ko talaga kina Desmond na may kaibigan akong centaur--err.. kung maniniwala sila sa'kin. Baka kasi ipadala lang nila ako sa asylum, mahirap na. I nodded in gratitude and wore the black robe. Ngayon ko lang kasi na-realize na hindi pala kumportableng tumakas nang naka-boxer shorts ka lang.

"Salamat, Chiron. I really thought you were gonna stop us!" Napakamot na lang ako ng ulo.

The old centaur laughed heartily, "Of course not! Naninilbihan ako sa Gorgon sisters, kaya may obligasyon rin akong paglingkuran si Lady Medusa. Besides, Stheno and Euryale were really getting on my nerves. Walang-puso talaga ang dalawang 'yon."

Binalingan ko si Lady Medusa na walang-ganang sinisipat ang kanyang mga kuko sa kamay. She looked bored as hell, and didn't even addressed the centaur. "Well, ako naman talaga ang pinakamabait sa aming magkakapatid. You sure you don't want to come with us, Chiron? Mas magkakaroon ka ng silbi kung ikaw na lang ang magiging personal assistant ko. I'm gonna fire Rein Aristello, because he's such a useless human. Puro sakit ng ulo lang ang binibigay niya sa'kin."

"What the fuck? H-Hindi kaya!"

"Really? Sinong inutil na nagpa-kidnap pa talaga sa pangit kong mga kapatid? At talagang ako pa talaga ang nagligtas sa'yo! Tsk." She turned to the centaur, "Tulad nga ng sinasabi ko, Chiron, walang-kwenta ang nakuha kong PA. Gusto mong mag-apply?"

At nakangisi pa talaga siya!

Parang wala siyang pakialam kahit na katabi niya lang ako. Tsk!

Chiron kindly declined her offer. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Ayokong masibak sa pagiging PA ni Medusa, pero ayoko rin namang manatili siyang alipinin nina Stheno at Euryale. Those heartless monsters are really treating him like a slave.

"I'll be fine, Lady Medusa. Matagal ko nang tinanggap ang kapalaran kong dito na ako mamamatay sa paglilingkod sa mga kapatid mo. Kailangan niyo nang umalis bago pa magising ang mga kapatid mo." Humakbang paligid si Chiron para paraanin kami.

Napansin ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Medusa.

Alam kong mahirap mang-iwan ng kaibigan, pero wala na kaming magagawa. Kung sasama sa'min si Chiron, baka pati siya madamay sa galit nina Stheno at Euryale.

I turned at my boss, "Kailangan na nating umalis, Lady Medusa. Chiron will be alright."

Napabuntong-hininga na lang siya. Maya-maya pa, tumango si Medusa at nauna nang lumabas ng kweba, her head held high as she bid farewell to the old centaur. Hindi pa rin nawawala ng pang-aasar sa mga mata ni Chiron nang bumaling siya sa'kin, "Remember my advice, young mortal. Ang pagiging bulag sa nararamdaman ng puso ay ang pinakamabigat na kasalanan ng tao."

Yumukod pa sa amin si Chiron bago bumalik sa loob ng kweba.

Sa labas ng tahanan ng mga Gorgon, bumungad sa'min ang sandamakmak na mga patalim at ilang bear traps na nakalatag pa sa lupa. I gulped nervously and carefully avoided stepping on them. Isang maling hakbang lang at paniguradong mapuputulan ako ng paa!

"Careful not to step on the pink flowers. Nagsisilbing trigger ang mga 'yan para sa mga bombang nakatanim sa ilalim ng lupa."

Bilin sa'kin ni Medusa habang naglalakad. She effortlessly passed through the garden with flowers of various colors.

Mahina akong napamura nang kamuntikan ko nang maapakan ang isang kulay pink na bulaklak.

"Mukhang seryoso sina Stheno at Euryale na huliin ka. Hey, what happened to Stheno? 'Di ba magkasama sila ni Chiron kanina?"

Ngumisi naman nang nakakaloko si Medusa. The mischievousness reached her richly brown eyes, "Oh, she's probably still asleep. I knocked her out cold with this! Remind me to buy a truck of these magnificent frying pans when we return. Mas mabisa pa pala itong sandata kaysa sa katana ni Markus." At iwinagaygay pa niya ang maliit na kawaling ginamit niya rin kaninang panghampas kay Euryale.

"At sino naman ang uutusan mong bumili ng isang truck ng mga kawali?"

"Ikaw, syempre." She rolled her eyes again, "Para saan pa't kumuha ako ng PA? Tsk!"

Kinailangan ko pang lumayo sa kanya dahil malapit na niya akong matamaan ng kawali niya. She's crazy!

Pero dahil nagi-guilty pa rin ako sa mga nasabi ko sa kanya noon at sa pagligtas niya sa'kin mula sa mga kapatid niya, hindi na ako magrereklamo.

Enouement.

Iyan mismo ang nararamdaman ko ngayon. In psychology, "enouement" ang tawag kapag pakiramdam mo gusto mong bumalik sa nakaraan at sabihin sa sarili mong magiging okay lang ang lahat. Comforting our past selves and telling them there's nothing to be worried about. Right now, I want to go back in time and tell myself--the Rein who was tied up to that stone throne a few minutes ago--that I'm gonna survive. Everything's gonna be alright.

Because Lady Medusa saved me.

Gusto ko nga sanang tanungin kung saan siya nakakuha ng kawali, pero dahil hindi pa kami nakakaalis sa isla (oo, napagtanto ko na ring nasa isang malaking isla pala ang kweba ng mga Gorgon), I've decided to just save that question for later.

Sa di-kalayuan, natatanaw ko na ang dalampasigan. A few destroyed corinthian columns lined up the island. Nilulumot na ang ilang bahagi ng mga ito katulad ng napabayaang isla. Tuyo at naninilaw ang damong tinatapakan namin at napanganga na lang ako nang makita ko ang dambuhalang estatwa ng tatlong magkakapatid na Gorgon na nakatayo malapit sa isang altar.

When Medusa realized what I was looking at, she scoffed in irritation. "I still hate that stupid ogre sculptor. Nagmukha tuloy akong mataba diyan sa estatwa ko!"

'Mataba ka naman talaga, lalo na kapag pusa ka.'

Pero dahil mahal ko pa ang buhay ko, hindi na lang ako umimik. Nang marating na namin ang dalampasigan, napansin ko agad ang malabong tubig. Teka, bakit parang may mga puting isdang lumalangoy pa?

"Paano tayo makakaalis dito?" I asked.

"All we have to do is to summon Charon and order him to take us back to Eastwood. Konektado ang bahaging ito sa ilog ng Styx, kaya wala tayong magiging problema. But when the waters turn re---"

Pero habang nagsasalita si Medusa, hindi maalis ang atensyon ko sa umaangat na buhangin sa likuran niya. It's like something was emerging from the sands! Bago pa man ako makakilos, bigla na lang nagpakita ang dalawang pigura sa buhanginan. Their black shadow-like bodies solidified until they took the form of two monsters.

"L-Lady Medu---!"

"AAAAH!"

Shit!

Nanlaki ang mga mata nang bigla na lang bumaon sa tagiliran niya ang matatalas na mga kuko ni Deimos. I watched in horror as blood stained her expensive gray dress. Medusa's face twisted in agony. Bago pa man siya kaladkarin papalayo ni Phobos, mabilis ko siyang hinila papalayo sa dalawang halimaw.

"Damn.. these.. ugly monsters!" Gigil na sabi ni Medusa habang pilit tinatakpan ang dumudugong sugat. Damn! That wound looks too bloody.

'Anong ginagawa ng mga alagad ni Ares dito?!'

I glared at the monsters in front of us. Sinasabi ko na nga ba't hindi namin pwedeng pagkatiwalaan ang diyos na 'yon! Huminga ako nang malalim at natatarantang naghanap ng kahit anong pwede naming gamitin sa dalawang 'to. My eyes fell to the frying pan Medusa unconsciously dropped when Deimos attacked her.

Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko sa galit. Ilang sandali pa, mabilis akong tumakbo papasalubong sa kanila at sinadyang magpadausdos sa buhangin para makuha ang kawali.

I stood behind them and smacked the frying pan against their skulls.

Napasigaw sa sakit ang dalawang halimaw at binalingan ako. Iniangat ko ang kawali na para bang isa itong agimat at ngumisi sa kanila. 'Dapat nga yata mag-order na kami ng isang truck nito.'

"Ano, na-miss niyo ba ako? Come and kill me you useless monsters! Mukha kayong mga mukhang tinubuan ng kalyo!"

Hindi ko alam kung tatalab ba ang pang-aasar ko kasi unang-una sa lahat, wala naman silang mga mukha..at wala talaga akong ideya kung nagkakaroon ba ng kalyo ang mga halimaw. Pero nang unti-unti na silang lumapit sa'kin, pakiramdam ko gumana naman ang pang-aasar ko. Mabilis akong tumakbo papalayo, hinahabol na nila ako.

'Oh, shit! Nakababaliw ka na ba, Rein? Ano naman ang pwede mong i-stunt dito? Walang kariton at wala ring fire extinguisher sa isla na 'to!'

Natataranta akong naghanap ng posibleng makaligtas sa buhay namin. Just then, I saw the old corinthian columns. Ngumisi ako at pumito kina Phobos at Deimos.

"Hoy! Ang babagal niyong tumakbo! Mas mabilis pa ang lolo ko! Hahaha!"

They roared in anger.

Nang matapat na sila sa isang poste, mabilis kong ginamit ang buong-lakas ko at itinulak ito. Ilang sandali pa, bumagsak sa dalawang halimaw ang isang column. Naipit sila sa ilalim ng mabigat na bato habang pinipilit akong abutin kaya humakbang ako papalayo.

This will only slow them down, pero alam kong hindi magtatagal at makakawala rin sila dito. Agad akong tumakbo pabalik kay Medusa na halos mamaluktot na sa sakit ng sugat sa kanyang tagiliran.

"L-Lady Medusa?!"

"Y-Yung tubig... H-Hindi tayo makakatawid sa ilog kapag nagbago na ang kulay nito."

Nang lingunin ko ang direksyon ng dagat, para akong nanlata nang makita kong  kulay pula na ang tubig nito. 'May travel hours rin kaya sa ilog ng Styx?' I worriedly glanced at Deimos and Phobos. Idagdag pa ang katotohanang posibleng magising na mamaya-maya sina Stheno at Euryale. Damn!

"We really need to go. May iba pa bang daan palabas dito sa isla?"

Medusa weakly nodded, "S-Sa kabilang bahagi ng isla, doon nagtatapos ang ilog ng Styx. May talon doon na konektado sa iba pang bahagi ng Underworld."

"Wala na tayong magagawa kundi sumugal. Kaya mo bang tumayo?"

Of course, she just stubbornly answered, "O-Oo naman! Hindi ako mahinang kagaya mo, mortal."

I nodded. Hindi ko na lang pinapansin ang pangiwi niya sa sakit at ang dugong umaagos pa rin mula sa sugat niya. Nang makita naming malapit nang makakawala sina Deimos at Phobos, agad kaming tumakbo ni Medusa papunta sa kabilang dulo ng isla. We followed the red waters and avoided the traps Medusa's sisters set up for her.

We ran as fast as we can until we reached the end of the red Styx River. At halos mapamura talaga ako nang makita ko ang sinasabing talon ni Medusa.

"B-Bakit pataas ang tubig dito?!"

Nagpakurap-kurap ako kasi baka naman namamalikmata lang ako o aksidente akong nakahithit ng kung ano kanina habang tumatakas kami, pero hindi pa rin nagbabago ang hitsura ng waterfalls---nakabaliktad pa rin ito! Imbes na pababa, paitaas ang hulog ng tubig. Beyond the black ink sky, I couldn't see where it ends. Malay ko ba kung sa ibang planeta pala ang ending ng talon na 'to?

This really defies the laws of physics.

Medusa smirked at how pale and confused I am. H-Hindi ako duwag ha?

"We're in the Underworld, Rein. Nothing is normal here. Tsk! Kaya bago ka pa maihi sa pantalon mo diyan, tumalon na tayo."

"T- Tumalon? Paitaas?"

Hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayon. But when my eyes averted behind us, lalo akong nataranta nang makita kong palalapit na sa'min sina Deimos at Phobos. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Medusa.

She raised an eyebrow at me.

"A-Ah.. baka kasi matakot ka."

"Stupid mortal."

Aray. Namumuro na talaga sa'kin ang babaeng ito eh!

"Rein, on the count of three, tatalon tayo nang sabay. Awtomatikong hihilahin na tayo ng reverse gravity ng waterfalls na ito, kaya baka mahilo ka."

I nodded.

"One... Two---"

"TALON!"

Nanlaki ang mga mata ni Medusa nang bigla akong tumalon. Ang ending, pati tuloy siya nahila ng reverse gravity at bumaliktad na kaming dalawa. We were falling upwards, the noise of the water almost blurring out every single sound. Kamuntikan pa akong natawa dahil naririnig ko pa rin ang mga sigaw ni Medusa.

"TANGAAAAAA! ITINURO BA SA INYO SA ESKWELAHAN NIYONG MGA MORTAL KUNG PAANO MAGBILANG?! IBABALIK KITA NG KINDER, ARISTELLOOOOOO!"

I laughed and tried to forget all the nervousness I was feeling. Nakakaaliw talagang makita ang naasar na mukha ni Lady Medusa. Pero syempre, mas nakakaaliw pa ring mahulog nang paitaas! This is so damn awesome! Automatic kaming sumusunod sa paitaas na agos ng tubig. Lumalakas nang lumalakas ang ingay ng talon, kaya alam kong malapit na kami sa dulo nito. We passed by black clouds that made me cough.

The world tilted again.

Pakiramdaman ko, pababa na ang bagsak namin.

'Barophile, a person who loves gravity... Basiphile, a person who loves falling...'

Aksidente kong nabitiwan ang kamay ni Medusa nang bumulusok kami sa ibaba.

SPLASH!

We fell into the depths of cold red water. Sa lakas ng agos ng talon, para pa kaming hinihila pailalim. I struggled to catch my breath above the surface. Hinanap kong pilit si Lady Medusa dahil hindi pa rin siya umaahon.

"LADY MEDUSA!"

I called out, looking for any signs of her. Ilang sandali pa, biglang umahon sa tubig ang isang kulay kahel na pusa. I smiled and swam towards her. Hindi ko alam kung pinagmumumura niya pa rin ako dahil puro "meow" na lang ang naririnig ko, but I'm glad she didn't drown. Hinawakan ko siya at inilangoy papunta sa gilid ng sapa. I weakly laid on the ground, my black robe and boxers all wet. Sa tabi ko, napansin kong nanghihina na rin ang pusa.

'Mukhang ala-sais na ng umaga.'

I don't really know how time works in the Underworld, but that's the only explanation I have as to why Medusa transformed into a cat again. Teka, pareho kaya ang takbo ng oras dito sa takbo ng oras sa mundo ng mga tao?

"That was awesome, wasn't it, Lady Medusa?"

Pero agad ring nawala ang ngiti ko nang makita ko ang sugat sa tagiliran ng pusa. Dumudugo pa rin ito at iniinda pa rin ni Medusa ang sakit. I cursed under my breath.

I'm tired, but I can't rest now. Not yet.

I need to take care of her first.

---

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

23:57 Von RAYKOSEN

Übernatürliches

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
13.7M 479K 42
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...