✔Sold to Medusa

נכתב על ידי NoxVociferans

57K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... עוד

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

TRIGINTA QUINQUE

776 85 11
נכתב על ידי NoxVociferans

'Desmond?'

Ang mukhang pera kong kababata?

Nah. Baka naman kapangalan lang niya. Sigurado namang hindi lang siya ang "Desmond" sa mundo naming mga mortal, 'di ba? Baka nga libu-libong lalaki ay may pangalan na Desmond. What are the odds? Saka, kilala ko ang siraulong 'yon magmula pa noong mga bata kami. Hindi na nga ako magtataka kung bestfriends kami magmula pa noong nasa sinapupunan kami ng mga nanay namin eh.

I'm pretty sure psychology has a term for this. Ano nga ulit 'yon? Ah, oo. "Nodus tollens", ito yung pakiramdam na parang hindi mo na maintindihan ang mga pangyayari sa buhay mo. It is the realization that the plot of your own life doesn't make sense to you anymore.

I laughed dryly.

Umalingawngaw sa katahimikan ng kweba ang malakas kong pagtawa na ikinakunot naman ng noo ni Chiron. Nice. Pati tuloy ang isang centaur, nawi-wirduhan na sa'kin.

"Ayos ka lang ba, bata?"

"Hahahaha! N-Nakakatawa kasi.. kapangalan kasi ng kaibigan ko ang lalaking sabi mong iniiyakan noon ni Lady Medusa. Dude, what the fudge? Hahaha! Imposible 'yon..." Nang seryoso pa ring nakatitig sa'kin ang matandang centaur, bigla akong kinabahan, "...di ba? I-Imposible talaga--"

"Walang imposible kung napapalibutan ka ng mga diyos at diyosang kayang pahintuin ang mga delubyo at pabagalin ang kamatayan ng mga nilalang."

Literal na yatang nalaglag ang panga ko. Matagal ko na ring nakalimutan ang gutom at pangangawit ng pwet ko sa tronong kinauupuan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Chiron. Baka naman binibiro niya lang ako?

"I-Ibig sabihin ba nito..  yung lalaking minahal dati ni Medusa ay ang kaibigan kong si Desmond?"

Nagkibit ng balikat ang centaur.

"Hijo, hindi ko sinasabing oo, pero hindi ko rin sinasabing hindi. Ang sinasabi ko ang, posible ang mga bagay na ganito. Kung buhay nga ang mga diyos at diyosang madalas niyong nababasa lang noon sa mga aklat, sa tingin mo mayroon pang imposible sa mundo?"

Well, he has a point there. Unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit itinuturing na mga "dakilang" nilalang ang mga centaurs. Para silang matatandang tagapayo. Wise creatures, indeed. Still, it really doesn't make sense. Ano bang nangayari noon sa "Desmond" na minahal ni Medusa?

It's been hundreds of years! Dapat patay na ang dating boyfriend ni Medusa. Hindi ko talaga lubos maisip na "posibleng" ang Desmond na nabuhay noon ay ang Desmond na palagi akong binubugaw ngayon.

Damn. Baka naman may nangyaring "reincarnation"?

Sumasakit na nga ang ulo ko sa dami ng kababalaghang nangyayari sa'kin, dumagdag pa 'tong love life ng amo ko sa iniintindi ko. Ano ngayon kung si Desmond pala talaga ang dating kasintahan ni Medusa? Wala naman akong pakialam kung may relasyon pala sila noon. Hindi ko na dapat pinoproblema ang love life ng amo ko kahit na posibleng damay pala ang bestfriend ko dito.

'Past is past naman, 'di ba?'

Nababaliw na nga yata ako.

Nang bumalik ako sa kasalukuyan, napansin kong nakatingin pa rin sa'kin si Chiron habang nakangiti nang pang-asar. Medyo creepy na rin kaya napagdesisyunan ko nang magtanong.

"Ano?"

"Medusa's past love life bothers you."

Napasimangot ako. May pagka-tsismoso rin pala ang mga centaur!

"H-Hindi ah! I-It didn't bother me.. I...I was just a bit curious. Ang malas pala ni Desmond kung siya pala talaga ang karelasyon ni Medusa noon. Naghiwalay siguro sila dahil sa kamalditaan ng amo ko. Psh!"

Napabuntong-hininga si Chiron na para bang gusto na akong lunurin sa dagat.

"Denial will just make things worse... If you always make her flaws an excuse to restrict yourself from falling in love with her, you will never see the goodness in Medusa's heart. Iyan ang hirap sa inyong mga tao. Ang dami-dami niyong naiisip na dahilan para itakwil ang nararamdaman niyo, pero ni minsan, hindi niyo naisip na mas mapapadali ang buhay niyo kung tatanggapin niyo na lang ito."

Hindi na ako nakaimik. 'Great. Ngayon sinesermonan na ako ng isang centaur.' Napabuntong-hininga na lang ako.

"Malapit ko na talagang isiping isa ka ring love guru, Chiron. Baka naman dati ka ring love adviser ng mga diyos at diyosa?" Pagbibiro ko, pero kapansin-pansin na parang nagkaroon ng lungkot sa mga mata ng matandang centaur.

He smiled sadly, "Those who had already tasted the bitterness of love can give the most useful advice."

I agree with that.

Aminado naman kasi akong kulang ako ng kaalaman pagdating sa pag-ibig. Mind you, I never had a girlfriend before. Magmula noon, si Pamela lang ang pinagpapantasyahan ko. Magmula noon, si Pamela ang pinapangarap ko. Siya lang ang iniisip kong magiging girlfriend ko, magiging asawa ko (kapag tanggap na ni Prof Lavista ang relasyon namin), at magiging ina ng mga anak ko.

My heart had always been dedicated to her. So if love isn't Pamela, then what is?

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang mga ahas.

Soon, Stheno's giggled echoed throughout the cave. Hindi ko maintindihan kung anong ikinukwento nito sa kanyang kapatid. Their words came in muffled sounds as they approached. 'Mukhang tapos na silang mambiktima,' isip-isip ni ko at binalingan si Chiron na bahagyang yumukod sa dalawang magkapatid. I really don't want to imagine where the fuck those blood stains came from.

Iisipin ko na lang na hindi siya pumatay at kumain ng ibang nilalang.

Euryale wiped the blood off her lips and emotionlessly stared at the centaur, "Chiron, ihanda mo na ang mga patibong sa labas ng kweba. Anumang oras mula ngayon, darating na ang magaling naming kapatid. Let's make sure Medusa will get the warm and bloody welcome she deserves."

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Chiron na para bang napipilitan lang siyang sumunod sa kanila. He glanced at my direction before leaving.

Nang kami na lang ng magkapatid na halimaw ang naiwan, agad akong kinabahan. Stheno sat on my lap again, the snakes on her head dripping with blood. Napangiwi ako nang tumagaktak pa ito sa balat ko. She giggled, still with that crazed and creepy look in her eyes.

"Aww! Did our little human prisoner miss us? At bakit parang natatakot ka? Hahahaha!"

"Sinong hindi matatakot kung nakakandong sa'yo ang isang halimaw?"

Napasimangot si Stheno sa sinabi ko. Napasigaw ako sa sakit nang bigla niya akong kalmutin sa mukha. Nag-iwan ng sugat ang matatalim niyang mga kuko. Bago pa man niya ako saktan ulit, agad siyang sinabunutan ng kanyang kapatid. Stheno cried out in pain as Euryale dragged her away from me.

"How many times do I have to tell you to stop scaring him, sister?!"

"Aww! Sorry na, sorry na.."

Nasa lahi yata nila ang pagiging sadista.

Napapikit pa ako nang ibinalibag ni Euryale ang kapatid. Imbes na mapadaing sa sakit, tumawa pa nang malakas si Stheno. 'Nasa lahi rin yata nila ang pagiging baliw.'

"Tulungan mo na lang si Chiron sa pagset-up ng mga patibong natin kay Medusa. Baka nadiskrasya na ang isang yun dahil sa katandaan. Tsk! We really need to replace him one of these days."

Okay, mas malala pala talaga ang ugali ni Euryale.

Masaya namang sumunod si Stheno at lumabas na ng kweba. Napabuntong-hininga na lang ako nang makaharap ko ang naiwang si Euryale. Hindi ko talaga gusto ang ugali ng isang 'to. Kung walang-puso si Medusa, parang mas walang-puso siya.

Sinaman niya ako ng tingin.

"Kapag nahuli na namin si Medusa, mawawalan ka na ng pakinabang, mortal. Consider yourself lucky, because I am planning to serve you as the main course to celebrate our victory. Siguradong ikatutuwa ni Zeus ang pagkakadakip sa kapatid namin."

Zeus?

Oh, shit. Don't tell me...

"Si Zeus ang nag-utos sa inyong kidnapin ako? Para ano, mahuli niyo si Medusa?! Bullshit! You're her sisters! Wala ba kayong awa sa kapatid niyong ang dami nang pinagdaanan sa buhay?" Pagak akong natawa. Nakakagago talaga eh. Matapang kong sinalubong ang mga mata ni Euryale, "I've always thought Medusa was a monster...I guess I was wrong. Kayo pala talaga ni Stheno ang tunay na mga halimaw sa istoryang 'to.. Ano naman kaya ang ipinangako sa inyo ni Zeus para traydorin niyo ang sarili niyong kapatid?"

Kitang-kita ko ang pag-alab ng galit sa likod ng mga mata ni Euryale. Her snakes hissed at me dangerously.

"MEDUSA DESERVES TO ROT IN THE UNDERWORLD! ISA SIYANG KAHIHIYAN SA PAMILYA NAMIN!"

Malamig pa rin akong nakatitig sa kanya.

"Kung gusto mong makakita ng kahihiyan, tumingin ka sa salamin. Doon mo makikita ang walang-pusong halimaw na ipinagkanulo ang sarili niyang kapatid. Medusa is better than the rest of you combined.. yes, she's manipulative and has a bitchy attitude, but atleast she doesn't use people for personal gains. Mas malala kayo nang 'di hamak. Sa sama ng ugali niyo, nagmumukha pang anghel ang boss ko."

Napasigaw sa inis si Euryale.

'Good job, Rein! May masterals ka na rin sa pang-iinis ng mga halimaw.'

Napapitlag ako nang akmang sasakalin na ako ni Euryale. Hinihintay ko ang pagbaon ng matatalas niyang mga kuko sa leeg ko, pero makalipas ang ilang sandali, wala akong maramdaman. Just then, a loud "smash" jolted me in my seat as Euryale's body fell down.

"I always hated Euryale. Palaging nang-aagaw ng eksena eh! Tsk. Doesn't she know that no on can take the spotlight away from me?"

Nang lingunin ko ang nagsalita, I felt relieved to finally see her. Hindi ko na pinansin ang frying pan na hawak niya at ang punit niyang bestida. 'Does she still has to look sexy when saving my ass?'

Yup. Call me a bastard, but I miss those brown eyes and crimson red lips. Nakabusangot siya sa'kin nang mapansing nakatitig ako sa kanya habang nakangiti na parang nasisiraan ng bait.

"O, anong tinitingin-tingin mo diyan, Aristello?"

Hindi pa rin naaalis ang ngiti ko.

"I never thought I'd say this, but I'm glad to see you again, Lady Medusa."

---
 

המשך קריאה

You'll Also Like

17.9K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...