✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

TRIGINTA QUATTOUR

725 69 8
By NoxVociferans

Ares stood at the edge of the lake. Ilang oras na ang nakakalipas magmula nang nagtungo sa lagusan ng Styx ang halimaw na matagal na nilang tinutugis. His eyes narrowed at the water, a wicked smirk on his face. Kumislap ang kanyang baluti sa liwanag na nagmumula sa buwan. 'Malamang ay nagkita na sila ni Charon ngayon,' isip-isip ng diyos ng digmaan at kalmadong nilingon ang kasama.

In the darkness, Anteros' crimson red eyes looked devious. Nakasukbit sa kanyang balikat ang sisidlan na naglalaman ng kanyang kulay itim na mga pana. Black arrows that punish those who are not interested in love.

"Bakit hindi na lang natin siya sundan? Mas mapapadali pang matapos ang kaguluhang 'to."

"Hindi tulad ni Eros, hindi ka talaga marunong maghintay," napasimangot si Ares. "In the midst of a war, perfect timing is the most fatal weapon. Walang magagawa ang mga patalim at baril kung hindi ka naman marunong maghintay ng tamang oras para gamitin ang mga ito sa kalaban mo."

Pero sa kabila nito, kapansin-pansin ang pagbabago ng "mood" ni Anteros. Lalong tumalim ang kanyang mga mata. He pushed himself from the tree he was leaning on and balled his hands into fists.

"Don't fucking compare me to that idiotic brother of mine! Ang kabaitan mismo sa puso ng gagong 'yon ang dahilan kung bakit siya mahina.. kung bakit siya palaging kumakampi sa mga mahihinang mortal!"

"Ayon sa nakaraang Greek god rankings, mas malakas pa rin si Eros kaysa sa'yo. Nakakadismaya nga lang na 'neutral' siya sa digmaang ito, at mukhang kinakampihan pa niya ang halimaw na 'yon."

"Nagbibiro ka ba? That's just bullshit! Masyado siyang duwag kaya wala siyang kinakampihan. I'm sure gonna kill him one day and stab a black arrow in his damn mouth to shut him up. Masyadong nagmamagaling eh."

'After several hundred years, he still harbors hatred for his twin,' isip-isip ni Ares. Isinantabi niya ang impormasyong ito at napagdesisyunang magagamit niya ito balang-araw.

Ang isang mabisang estratehiya sa anumang digmaan ay alamin ang kahinaan ng mga kaaway at kakampi mo. You never know when you might turn their weakness against them and gain an opportunity for manipulation.

"Kapag nagtagumpay tayo sa pagbagsak kay Zeus, bibigyan kita ng pagkakataong patayin ang kakambal mo."

"And a room in Olympus?"

Ares nodded, "Of course. Katulad ng napag-usapan natin, kapag ako na ang kakaupo sa trono ng matandang 'yon, I'll make sure you'll be recognized among the ranks of an Olympian."

Ngumisi si Anteros. "Just making things clear. Oo nga pala, anong gagawin natin sa kanya?"

Dumako ang mata ng dalawang diyos sa binatang kanina pa natali at nakahiga sa damuhan. His hands and legs were bound and Anteros even used ducktape to shut him up. Nasa kanyang tabi ang lyre nito. Kahit anong pagpupumiglas ni Orpheus, it was useless.

Alam nilang kay Orpheus lang manghihingi ng tulong si Medusa para makapunta sa Styx. He made Anteros follow them through the forest earlier. When Medusa was gone, the god of unrequited love smashed the musician's head at a nearby tree and tied him up. Tumigil na ito sa pagpupumiglas. 'Good. He finally accepted defeat,' Anteros mused and watched Orpheus' blood trickle down the side of his neck.

Dumako ang mga mata ni Ares sa kanilang bihag.

"Store him inside a freezer or something. Magagamit din natin ang isang 'yan."

"Noted."

Tumalikod si Ares at akmang maglalakad na sana pabalik ng kagubatan nang may maalala siya. "Oh, and Anteros? Don't you dare touch his lyre. Alam nating pareho ang kapangyarihan ng instrumento niyang 'yan. It can almost cause as much destruction as Pandora's box."

Mahinang natawa si Anteros at inilahad ang kanang kamay na para bang nanunumpa. The mischievous glint in his red pupils didn't falter.

"I won't touch his lyre, promise."

But from Orpheus' perspective, he can clearly see the god of unrequited love cross his fingers behind his back. At sa pagkakataong 'yon, alam niyang walang planong tumupad sa pangako ang kakambal ni Eros.

*

Medusa thought she would waste a century walking down the dark tunnel under the lake. Ilang minuto lang siyang nagpatuloy sa paglalakad sa kadiliman. Nararamdaman niyang bato ang tinatapakan niya. The place felt damp and the scent of the air inside the tunnel brought back memories of her old home. Gustuhin mang kalimutan ni Medusa ang kwebang 'yon, alam niyang imposible.

You just can't forget where you came from.

"Nor can I forget those ugly sisters of mine." Inis na bulong ni Medusa sa sarili.

Noong mortal si Medusa, palagi siyang inaaway at inaapi ng dalawa niyang kapatid. Kinaiinggitan nila ang pagiging mortal niya, kaya palagi siyang pinapahirapan nina Stheno at Euryale. Hindi man nila sabihin, alam ni Medusa na gusto rin nilang magkaroon ng isang normal na pamumuhay---falling in love with a human, getting married, having kids, and being content with a normal  family. Yes, they might be hideous monsters, but these monsters are still women.

They wanted to break free from their chains of immortality.

Kaya nga't lagi iniisip ni Medusa noon na maswerte pa rin siya dahil hindi siya halimaw katulad nina Stheno at Euryale. Medusa was given the chance at a normal life, at isa pang bonus ang kagandahang iginawad ng mga diyos sa kanya.

Pero mukhang katulad ng ibang mga mortal, nabiktima rin ng maling akala si Medusa.

'Wala naman kasing nakapagsabi sa'kin na mahirap palang maging tao.'

The night Poseidon raped her, her whole life had been destroyed. All her dreams for a normal life suddenly scattered into a thousand fragments she can no longer hold on to. Nang isumpa siya ni Athena at ginawa rin siyang halimaw kagaya ng kanyang mga kapatid, hindi lang ang kanyang panlabas na hitsura ang nagbago. Para bang naging bato ang kanyang puso. Isang malamig na batong humaharang sa anumang pagmamahal na pilit ibinibigay ng iba para sa kanya.

That night, Medusa became the infamous monster in Greek mythology books.

And Stheno and Euryale finally backed away when they realized they can no longer bully her.

'Kaya wala akong nakikitang rason para kidnapin pa nila ang PA ko para lang mapabalik ako sa Gorgon Island.'

Kung tutuusin, mas okay pa ngang hayaan na lang niya si Rein. Tutal naman, halimaw ang tingin sa kanya ng lalaking 'yon, Medusa has an excuse to just let her sisters kill him. Mas magiging madali pa ang buhay niya kung mawawalan siya ng sakit ng ulo. It would make their search for Linae even more peaceful.

Then again, Medusa knows her conscience won't stop pestering her if she lets him die.

Sometimes, she just wants to stop giving a shit about people because investing too much concern only makes it more painful on her side.

"Magpasalamat ka talaga dahil bukod sa maganda at sexy, mabait rin ako, Aristello." Inis na sabi ni Medusa.

Ilang sandali pa, naramdaman na niya ang pagbabago ng paligid. Naramdaman ni Medusa ang pag-ihip ng malamig na hangin sa kanyang balat. From what she can feel from under her heels, it seems like the stone walkway came to an end. Nang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa kakarampot na liwanag, doon niya napansin ang bangkang nakadaong sa gilid ng isang malawag na ilog.

The river itself was a bit strange.

Kulay abo ang tubig nito at kapansin-pansin ang ilang puting isdang lumalangoy doon. Paminsan-minsang naglalaho ang mga isda na para bang may pinagtataguan. Nang silipin ni Medusa ang kanyang repleksyon sa tubig, nakita niyang malabo rin ang imahe nito.

"Styx River."

She smirked and gazed up at dark sky. Nagsilbing kisame ang kulay itim na mga ulap, at hindi maaninag ni Medusa ang kalangitan sa likod ng mga ito. She stood at the riverbank, where the land almost kissed the blurry waters.

'Nasa boundary na ako ng Underworld at ng Eastwood.'

Kalmadong nilapitan ni Medusa ang bangkang may nakapintang logo ng hari ng impyerno, si Haring Hades. The black boat looked old and unreliable, pero alam ni Medusa na ilang siglo na itong napapakinabangan at ilang siglo pa ulit itong magagamit ng sinumang mapangahas na tatawid ng ilog. 'Sinumang tangang tatawid ng ilog,' Medusa corrected and sighed.

Nang ilang pulgada na lang ang layo niya sa bangkay, napahinto si Medusa nang maramdaman ang talim ng isang punyal sa leeg niya.

She boredly crossed her arms and stared at the boatman who had just materialized from thin air.

"Wala akong oras sa pagbabanta mo, Charon. Take me to Gorgon Island. Kailangan ko pang iligtas ang personal assistant kong walang silbi."

Sinamaan siya ng tingin ng bangkero. 'He really looks like a zombie,' Medusa noted. Malapit nang magmukhang kalansay si Charon. His skin was deadly pale, thanks to the lack of exposure to the outside world. Nakasuot siya ng lumang uniporme ng mga kawal ni Hades, at nabulag na siya sa katandaan. His pupils turned white, and his high cheekbones were prominent admist his lanky appearance.

Umirap si Medusa.

"Ano bang kabayaran ang hihingin mo? Bilisan mo, at baka kinakatay na pala ng baliw kong mga kapatid ang pangit na 'yon. Ayokong malason sila sa mapait na lasa ni Aristello."

Ibinaba ni Charon ang patalim.

"Para iligtas ang buhay ng iyong pinakamamahal, nais kong hinging kabayaran sa paghatid ko sa'yo sa isla ng mga Gorgon ang isa sa iyong mga ahas at ang iyong mamahaling alahas."

'Pinakamamahal? What the fuck?'

Pero hindi na nakipag-away pa si Medusa. Masakit mang isakripisyo ang isa sa mga "babies" niya, wala na siyang magagawa. She nodded and stepped into his boat. Soon, her hair transformed back into a poisonous snakes. She pulled out one of them and handed it over to Charon. Sunod naman niyang kinuha ang kanyang kwintas na yari sa perlas at ibinigay rin ito sa bangkero.

Charon smiled creepily and ate both objects.

"Now, take me to Gorgon Island." Medusa demanded with sharp eyes.

Yumukod naman ang bangkero, hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. "Masusunod, Lady Medusa."

At sinimulan na nila ang kanilang paglalakbay sa maalamat na ilog ng Styx.

*

Even before she became a monster, Medusa had heard enough rumors about the Styx River.

Ipinangalan ang ilog sa diyosang tagapangalaga nito, ang Titan goddess na si Styx. Sinasabing ang Styx River ay ang "boundary" sa mundo ng mga mortal at ng Underworld. Sa mga tubig ng ilog na ito rin daw inilubog ni Thetis ang anak nitong si Achilles, kaya't nagkaroon ito ng pambihirang lakas at kapangyarihan. The waters of Styx River made Achilles invincible---well, almost.

When Thetis submerged Achilles in the water, she held him by the heel. Hindi nadampian ng tubig ang talampakan ni Achilles noong sanggol ito, kaya iyon mismo ang naging kaisa-isang kahinaan niya. Thus, "Achilles' heel" became a famous idomatic expression for anyone's most vulnerable spot.

'Ang katangahan ng nanay niya ang pumatay sa kanya,' walang-emosyong isip-isip ni Medusa habang nakaupo sa bangka.

Bukod sa kwentong 'yon, naaalala ni Medusa ng ilang mga usap-usapan noong naglilingkod pa siya sa templo ni Athena. Ang sabi ng mga tao, lahat daw ng mga tumatawid sa ilog ng Styx ay nawawala sa katinuan. Just like what Orpheus told her, whoever crosses this river eventually ends up being haunted by their own nightmares or they just simply lose their sanity.

Mahinang natawa si Medusa.

"Nananakot lang sila. Tsk! If anything, the river should be afraid of me!"

Nagpatuloy sila sa pamamangka sa tahimik na ilog. Nakaupo si Medusa sa dulo ng bangka habang si Charon naman ay nakatayo sa kanyang harapan. His back was turned to her as he rowed the boat. Sinundan ng tingin ni Medusa ang paghawi ng tubig sa bawat pagsagwan ng bangkero.

Everything was too silent.

Just then, Charon started humming an eerie song.

Kung mortal siguro si Medusa, baka nanindig ang balahibo niya sa nakakakilabot na tono nito.

The stillness of everything was too much to absorb. Masyadong tahimik.. at alam ng dalaga na ang ganitong katahimikan mismo ang pumapatay sa maraming nilalang. Bakit parang hindi na sila gumagalaw? Bakit parang may tumatawag sa kanya mula sa ilog?

Huminga nang malalim si Medusa at sumilip sa tubig. Hindi tulad kanina, malinaw niyang nakikita ang repleksyon niya.

And she saw a monster staring back at her.

Her skin turned to gray, and her eyes were pure black. Ngumisi sa kanya ang kanyang repleksyon habang nakalantad ang mga pangil nito. Sunod niyang narinig ang ingay na dulot ng mga nagwawalang ahas sa kanyang ulo---uhaw ang mga ito para tumuklaw. Medusa heard a faint laughter in a distance, and when she spun around, she saw someone standing on the surface of the river.

Nakita niya si Rein.

Duguan ang katawan nito habang nakamasid sa kanya. Kapansin-pansin rin ang tapyas sa balat nito sa leeg, as if he was trying to slice off the part of his skin where she left a black kissmark tattoo to mark him. Walang-emosyong nakatitig sa kanya ang kanyang personal assistant.

"Lady Medusa.."

Napalunok si Medusa nang marinig niya ang pamilyar na boses na 'yon.

It wasn't Rein's voice.

Nang lumingon naman siya sa kanyang likuran, she froze on the spot when she saw Markus holding Caprissa's head---yes, only her bloody head. Puno ng tuklaw ang mukha ni Markus, at unti-unting umagos ang dugo mula sa mga sugat nito sa mukha.

"You killed us, Lady Medusa.."

Naikuyom na lang ni Medusa ang kanyang mga kamao para maitago ang panginginig ng mga ito.

"H-Hindi ito totoo.. the river is just playing tricks on m-me! Bakit ko naman kayo papatayin, eh 'di nawalan a-ako ng tagapaypay at taga-manicure?!"

Hindi kumibo ang tatlo niyang tauhan. Medusa's heart pounded nervously inside her chest. 'Bakit parang hindi na gumagalaw ang bangka?' Nang lingunin ulit ni Medusa ang mga ilusyon sa tubig, nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing nakalubog na sila sa ilog na gawa sa dugo.

Papalapit sila nang papalapit sa direksyon ni Medusa habang nakangiti nang malawak.

Charon was nowhere to be found, but the song he was humming a few minutes ago still lingered in the air.

Hindi na napigilan ni Medusa ng kanyang takot nang abutin siya ng tatlo niyang tauhan. She screamed and waited for the nightmare to end.

Maybe the Styx River really did broke something inside all of us.

---

Continue Reading

You'll Also Like

27.2M 695K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...