Perfectly Imperfect (Editing)

Por LianGuevara

31.3K 2.5K 202

Lian's life is all about FREEDOM. She just need to follow every single rules na gusto ng kanyang ina at pabab... Más

Babala
Chapter 1: How it all started
Chapter 2: The first time I saw you
Chapter 3: The perfect guy
Chapter 4: Lian's birthday
Chapter 5: Thou shall not surrender
Chapter 6: Closer to him
Chapter 7: Our kind of holiday
Chapter 8: I want to get to know you more
Chapter 9: First kiss
Chapter 10: So it's true
Chapter 11: Challenge
Chapter 12: Never expect. Never assume. Never ask. Never demand.
Chapter 13: My summer love
Chapter 14: Vacation, Family and History
Chapter 15: Unforgettable night
Chapter 17: BFF vs. Handsome vs. Missing in action
Chapter 18: You love me; friends or more than friends
Chapter 19: Beside you
Chapter 20: Holding hands
Chapter 21: I want a new guy
Chapter 22: Ako din crush kita Bryle
Chapter 23: Status: In a relationship
Chapter 24: Take chances
Chapter 25: Greatest pain
Chater 26: It's always a choice
Chapter 27: Hindi ako bitter
Chapter 28: Move on
Chapter 29: I wish I had never met you
Chapter 30: I want to talk to you
Chapter 31: Stay
Chapter 32: Sudden change of plan
Chapter 33: It's him always, over everyone
Chapter 34: There's always a way
Chapter 35: Advantage
Chapter 36: It's complicated
Chapter 37: I'm stupid
Chapter 38: You lose your pride
Chapter 39: He's not into you
Chapter 40: I just realized
Chapter 41: Condolence
Chapter 42: Your one of my inspiration
Chapter 43: Right time
Chapter 44: We'll meet again someday.
Wakas: The one that got away
Author's Note

Chapter 16: Meet the family

464 57 2
Por LianGuevara

Meet the family

Pagbaba namin ng sasakyan iginaya niya ako papasok sa isang simpleng apartment na katabi ng Simbahan at nag umpisa ng kumatok si Jake.

"Huy!" Saway ko sa kanya. "Ang aga aga nang gigising ka."

Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki na mukhang may edad na.

"Ano Jake? lasing ka nanaman?" Sabay tingin sa akin ng lalaki na nagsermon agad kay Jake.

"Tito si madam. Madam tito ko." Pakilala niya na parang walang narinig na sermon at diretso pasok sa bahay.

"Tuloy ka. Pumasok kalang. Wag ka mahiya." Pagpapatuloy sa akin ng tito ni Jake.

"Good morning po pasensya na sa abala." Dahil may manners ako hindi kagaya ni Jake, binati ko muna siya bago pumasok.

"Wow Madam? biglang bumait? Kanina siga ka ha." Nang aasar na sinabi sa akin ni Jake.

"San ba kayo galing at ang aga aga niyo pumunta dito?" Biglang tanong ng tyuhin niya.

"Sinundo ko siya sa Airport nag inom kami di na nakauwi." Walang ganang sagot ni Jake.

"Hindi kapa umuuwi? Baka hinahanap kana sa inyo saan kaba galing?" Gulat na tanong ng tito niya na akala mo ay nagtanan na kami.

"Galing ibang bansa yan wala maghahanap dyan walang tao sa kanila." Si Jake na ang sumagot para sa akin.

Hindi na muling nagtanong ang tito ni Jake ilang minuto pa inimbitahan nila kaming mag almusal at naiilang ako dahil abala na talaga ang pagpunta namin ng sobrang aga.

Pagkatapo kumain babalik na sana kami sa salas ng magulat ako at ang daming tao. Agad akong nagtago ng bahagya sa likod ni Jake dahil may hiya naman ako kahit papaano.

"Tito sino yang kasama mo?" Tanong ng batang lalaki na mukhang nasa apat na taon.

"Si Madam yan."

Pag upo namin sa mahabang sofa sa sala nila ay agad akong dinumog ng mga bata.

"Madam diba mahilig ka sa bata?" Tanong ni Jake.

"Lagi kaba dito?" Biglaan kong naitanong sa kanya habang may karga kargang siyang baby na mukhang nasa ten months na at sobrang puti at taba.

"Uo lahat ng apartment dito kamag anak ko ang nakatira, motherside. Yang mga batang yan anak ng mga pinsan ko eto naman asawa ni Romer pinsan ko din." Turo niya sa nanay nung baby.

"Talaga buti hindi ka nakukulitan andami nito."

"Hindi naman nakita mo tong sofa na to." Turo niya sa kinauupuan namin. "Pag nakainom ako dito ako umuuwi dito ko natutulog gusto ko kasi pag gising ko marami ako makikita na bata."

Napangiti nalang ako sa nalaman ko tungkol kay Jake na mahilig siya sa mga bata. Wala kasi akong hilig sa mga bata bukod sa kapatid, pamangkin at anak ng mga kaibigan ko, pero mukhang dapat ko ng gustuhin ang pagkahilig sa kanila. Nakilala ko ang mga kamag anak niya sa Mother side at mukhang mababait naman idagdag pa na akala yata nila ay karelasyon ako ni Jake.

"Madam nakita mo to?" Tanong ni Jake sa akin na ipinapakita ang buhol buhol na tali habang tinatanggal niya.

"Oo manipis na lubid bakit magbibigti kana?" Pabalang kong sagot sa kanya.

"Baliw. Eto kase gusto ko! Challenge challenge madam.."

Napatahimik ako sa sinabi niya pakiramdam ko may pumitik sa dibdib ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi ni Jake sakin patungkol sa taling pinakita niya kanina.

Hindi niya ako nakuha pero wala parin akong challenge para sa kanya idagdag pa ang pagsabi ko na nahulog na ako sa kanya. Pakiramdam ko baligtad na ang sitwasyon dahil ako ang nachallenge kay Jake.

Kung dati ay ayoko sa pakiramdam ng nasa pagitan ng gitna at dulo dahil hindi natatapos, ngayon ay parang niyayakap ko na to. Walang tigil ang pag takbo ko kahit alam kong walang ending.

"Tita." Hila ng isang bata sa t-shirt ko.

"Why?" Napangiti nalang ako sa tawag nung bata sa akin. "Gusto niyo ng chocolate?" Alok ko sa kanila.

"Yehey!" Sabay sabay nilang sabi sa alok ko.

"Pogi akina yung susi kukuhain ko yung mga chocolates."

Pag dating sa sasakyan agad namin kinuha ang chocolates at tuwang tuwa ang mga bata.

Alas otso na ng umaga ngayon at nag paalam ako kay Jake na maghihilamos lang dahil ramdam ko ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko dahil sa puyat, pero hindi ko kaya matulog at baka hindi ako magising.

Paglabas ko galing sa c.r nakita ko na mukhang tulog na si Jake sa sofa at hindi nga ako nagkamali.

Sinubukan ko siyang tapik-tapikin pero hindi na talaga nagising.

"Ihaumakyat ka muna sa kwarto may aircon naman dun umidlip ka kahit saglit." Anang Tito ni Jake na paalis na daw at papasok sa trabaho.

"Nako wag na po hindi pa naman ako inaantok." Pagsisinungaling ko.

Nasa bag ko ang cellphone at susi ng sasakyan ni Jake. Dahil alam kong free ang load ng mga medrep kinuha ko ang cellphone niya, lumabas ako ng bahay at tinawagan ko si Ate.

"Hmmm." Mukhang wala sa wisyong sagot niya at di man lang tinanong kung sino ang tumawag.

"Te Jenn ako to! nakitawag ako kay Jake, tulog siya eh." Sabi ko sa Ate ko.

"Bakit? dyan mo pinatulog sa inyo? ayan ha! sabi ko november pa."

"Baliw kana! andito kame sa bahay ng Tito niya. Nako andameng nangyari kanina. Kwento ko sayo pag nagkita tayo." Paliwanag ko.

"So ngayon meet the family naman ang peg niyo? magulo din yan. Sige na matutulog pa'ko gisingin mo na yan kailangan pag gising ko ulit naihatid kana niyan." Sabi niya na kala mo ay nagbabanta.

Dahil babae ako ginawa ko ang gawain ng karamihan ang mangialam binuksan ko ang inbox niya na puro text at reply niya sa mga babae. Meron pa siyang pinangakuan na pupuntahan niya at nagalit ang babae dahil nagsisinungaling lang siya.

"Bwiset ka hindi ka talaga mapupuntahan dahil magkasama kami at hindi ka niya mapupuntahan." Inis na bulong ko sa sarili ko. Itinigil ko na rin ang pagbabasa ng messages dahil wala naman akong karapatan.

Pagpasok ko sa loob andoon na uli yung asawa daw nung Romer.

"Hi Ate." Pagbati ko, habang pabalik sa sofa kung saan natutulog si Jake para umupo sa paanan niya.

"Hello ano nga uling name mo?" Tanong niya sa akin.

"Lian po." Magana kong sagot pero hindi ko na tinanong uli ang pangalan niya dahil hindi ko rin naman matatandaan.

"Gf kaba ni Jake?"

"Nako hindi po friend lang kami." Sagot ko sa kanya habang parehas kaming nakatingin sa natutulog na si Jake sa sofa.

"Ito lang unang beses na nagdala yan ng babae dito I mean ng kaibigan na babae. Kahit gf wala akong nakilala simula ng dito na ako tumira nung ikinasal kami ng pinsan niya." Tuloy tuloy niyang kwento.

"Talaga walang pinapakilala yan? babaero kaya yan." Pabiro kong sinabi.

"Sabi nila Tito may gf yan datimatagal din sila, ayun lang ata naisama niya dito at ikaw." Sagot niya na lalong nagpaintriga sa'kin.

"Asan na daw yun wala kasing kinukweto si Jake samin eh."

"Nasa ibang bansa na ata matagal na silang wala."

"Ahh talaga sayang naman." Kunwari'y patay malisya kong sagot.

"Nakilala ka naba nila tita Sue?" Tanong niya uli.

"Sino yun?"

"Mama ni Jake mabait yun matutuwa yun pag nakilala ka lagi nilang hinahanapan kung may gf daw yan wala naman pinapakilala." Mahaba niyang sabi.

"Bat sa akin matutuwa hindi naman ako gf ni Jake hehehe sabihin mo te sa kanila walang gf anak nila bf meron." Patawang sagot ko nalang.

Ilang palitan pa ng kweto ng maisipan niyang bumalik saglit sa kanila.

Nang wala ng tao sa loob ng bahay kinuha ko ang susi ng sasakyan ni Jake at tinanggal ang kung anu-anong dugyot na nakasabit doon at pinalitan ko ang keychain nito ng isang D&G na key ring na may nakasabit na hard lace na kulay powder blue. Nang makita ko kasi ito sa London si Jake agad ang naalala ko. Agad akong napangiti ng makita kong maayos na tignan ang sabitan ng susi niya.

Ng wala na akong magawa lumabas ako sa may pinto at nakipag kwentuhan naman sa mga bata.

"Tita Gf kaba ni tito Jake?" Walang muwang na tanong ng batang babae sakin.

"Hindi po." Sagot ko.

"E diba tito namin si tito Jake tas tita ka namin? girlfriend ka niya." Paliwanag pa niya.

"Ganun ba yun? hmm magkaibigan kase kami ni Jake kaya tita tawag niyo sakin tsaka para respect narin kase mas matanda ako sa inyo." Paliwanag ko.

"Ayyyy ganun ba yun? sayang gusto kana sana namin gawing tita para gf ni tito Jake." Bakas sa mukha ang panghihinayang niya sa hindi naiintindihan na bagay.

Ilang minuto pa ay tumawag si Ate Jenn sakin.

"Hello ne! asan kana?"

"Andito parin tulog na si Jake eh." Natatakot na sagot ko sa kanya.

"Ano andyan kaparin! hindi na nga tayo umuwi ng tama sa oras aba hindi kapa umuwi sa tamang bahay." Pasigaw niyang sinabi sa akin.

"OA na huh kinabog mo si Vilma Santos anak lang ang peg ko sayo?"

"Hahaha sinusubukan ko lang naman. O sya gisingin mo yan pag ten minutes di mo nagising yan tawagan mo ako susunduin kita di mo na naisip mga aso mo." Pakonsensya niyang sagot sa akin.

"Ay oo nga pala. Teka sige wait lang." Nagmamadaling sagot ko ng maalala ko ang mga alaga ko.

Pagpasok ko sa loob agad kong tinapik tapik si Jake.

"Pogi gising na uuwi na ako."

"Hmmm! mamaya ng ten." Sagot niya lang sakin.

"Ten a.m na kaya."

"E DI MAMAYANG TEN ULIT!" Iritado niyang sagot dahil sa naistorbo ang tulog niya.

"Di na susunduin na ako ni Ate."

"Hindi ako maghahatid sayo. Mamaya na." Final na sagot niya.

Nag ring uli ang cp ko at sinabi ko kay Ate na sunduin na niya ako at pinaliwanag ko ang lugar kung nasaan ako, na malapit lang naman sa kanila.

"Nako wag ka munang umuwi hahanapin ka samin ni Jake."

"Hindi na po ako hahanapin niyan nagpaalam na ako." Pagkumbinsi ko sa kanila.

"Hindi niya matatandaan yan baka magalit yan pag gising niya." Nag aalalang sabi sa akin nung asawa ni Romer.

"Akong bahala mag tetext nalang ako sa kanya."

May isang matanda na lumabas sa may kusina at inalok muna akong kumain bago umali. "Iha kain ka muna nagluto kami dito sabi ni Jake eto daw ang mga gusto mo."

Narinig ko ang pagtunog ng cp ko at busina sa labas kaya hiyang hiya akong tumanggi sa kanila. "Pasensya na po andyan na kase yung Ate ko hinahanap na ako. Kukunin ko lang po yung mga luggage ko sa kotse ni Jeck tas ilalagay ko nalang sa bulsa niya yung susi." Nanghihinayang ako dahil pinaluto pa ni Jake ang pagkain para sakin.

Pag uwi sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga aso ko at ng katulong ko na nagbantay sa kanila habang nasa bakasyon ako.

Habang nasa kwarto kami ni Ate Jenn ay panay ang sermon niya sa akin na nauwi sa pagyaya niyang uminom daw uli. "Tara andame mo pang alak sa bag inuwi mo talaga yung mga hindi nabuksan ha."

"Teka maliligo muna ako baka kasing kapal na ng mukha ko yung dandruff ko sa tagal ko di naligo." Dahil two days ang byahe simula Grand Cayman hanggang Pinas idagdag pa na hindi ako umuwi kagabi pagkagaling sa byahe.

Pagkatapos ko maligo ay umubos lang kami ng tig'dalawang bote ni Ate Jenn at natulog uli.

Pag gising ko nakatanggap ako ng text galing kay Jake.

Mr. Perfect: Madam iniwan mo ko :-( hnanap kita dito, ihahatid ko nalang jan yung mga bagahe mo.

Natawa ako sa text niya dahil ibig sabihin pala ay hindi pa niya sinisilip ang sasakyan niya dahil di man lang niya nalaman na wala na ang mga gamit ko.

Ako: Hahaha hindi kita iniwan, nagpaalam ako sayo. Wala na kong gamit jan inuwi ko na lahat.

Mr. Perfect: wala naba? di pa ako lumalabas hahatid ko sana di mo rin ako iniwanan ng chocolates

"Dapat palai iniwan natin yung mga bagahe mo para pumunta dito yang Jake mo." Nagulat ako dahil gising na pala itong katabi mo na nagbabasa ng text ko.

"Hayaan mo na may chocolates pa siya dito baka kunin niya next time." Sabi ko nalang.

Maligayang maligaya ako dahil kahit pagod at puyat ay may dagdag alaala na agad akong ginawa kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko at kabilang na dito si Jake na kahit hindi niya sadya ay pinaparamdam sa akin ang kakaibang "thrill" ng buhay, lalo pa yata ako magnanais na makasama siya sa mga bagay na hindi ko pa nagagawa, gusto ko tandaan ang lahat ng yun pati narin ang pagbubukas niya ng pintuan para makita at makilala ko ang tunay na siya na lalo kong nagugustuhan.

Seguir leyendo

También te gustarán

1.1K 64 10
Pano kung ang isang gangster na babae na wlang pake alam sa mundo ay nakaroon ng kapangyarihan at responsibilidad bilang prinsesa Kaya nya pa kayang...
3.5M 75.6K 66
Cold Heartless Merciless ... A girl with different attitudes... Warning! Sinulat ko po...
498K 11.8K 60
Sa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of...
133K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...