✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57.1K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

TRIGINTA UNUM

820 79 3
By NoxVociferans

Hindi ko alam na posible palang makaranas ng hang-over kahit na hindi ka naman nagpakalasing noong nakaraang gabi.

'Nakakalasing kasi ang mga kabaliwang nangyari sa'kin kahapon.'

Well, I don't really know if this can be considered a hang-over, but I do feel like shit. Parang wala pa ako sa katinuan at pinipilit pa ring iproseso ng utak ko ang paligid. Para bang pilit mong hinahalungkat yung mga alaalang magiging tulay sa "mga nangyari noong may malay pa ako" at sa "langya, paano ako napadpad dito?".

Sigurado akong hindi ito ang apartment ko.

Para akong nasa loob ng isang kweba. Malawak ito at may mga stone formations pa sa paligid. Hindi ko na lang pinansin ang mga estatwa na mukhang masyadong "realistic" ang gawa. At lalong hindi ko na lang inisip na posibleng mga dating tao pala ang mga estatwang ito. That mere thought caused a chill to run down my spine as I struggled to see anything beyond my dim surroundings.

Huminga ako nang malalim at napansin na parang mas mataas ang moisture ng hangin sa lugar na ito. A few torchlight hung against the stone walls at sa di-kalayuan, may tumutulo pang tubig mula sa kisame ng kweba. Nang dumako ang mga mata ko sa mga kamay ko, I almost laughed when I saw the chains. Kaya pala hindi ko makagalaw nang maayos.

Nakaupo ako ngayon sa isang tronong gawa sa bato. Nakakadena sa armrest ang parehong pulsuhan ko.

Hindi na ako magugulat kung may TV screen o voice machine na bigla na lang lilitaw at sasabihin sa'king kailangan ko munang putulin ang mga binti ko para makaligtas sa lugar na 'to. O baka naman nasobrahan lang ako ng panonood ng horror movies?

'What the heck happened last night?'

Pero bago pa makapag-rewind ang utak ko, nakarinig na naman ako ng tunog ng mga ahas. Literal na yatang nanindig ang balahibo ko sa takot nang mapansin kong may aninong gumalaw sa gilid ng kweba. Shit! Then, the sound of hissing snakes only got louder as I silently cursed that damn feeling of being watched.

"L-Lady Medusa?"

Someone giggled.

By then, I knew for sure that whoever was hiding in the shadows wasn't Lady Medusa. Pinilit kong 'wag ipahalata ang takot na nararamdaman ko. Sinubukan kong kumalas sa mga kadena, pero mukhang mahihirapan ako. I don't know whether or not I should consider myself lucky---napagtanto ko kasing boxer shorts lang ang suot ko.

"Hello, mortal."

Mahina akong napamura nang biglang lumitaw ang isang babaeng may mga ahas sa ulo. Kulay abo ang kanyang balat at mga mata. She grinned like a psycho and inched closer to me. Kamuntikan pa akong matuklaw ng mga ahas sa ulo niya.

"Aww! You're trying to act brave.. how cute. Hindi mo ba alam na kanina pa namin naaamoy ang takot mo? Tsk!"

She glared at me, that psychotic smile still plastered on her black lips. Huminga ako nang malalim. Ilang sandali pa, may bigla namang nagsalita sa gilid ko.

"Stheno, stop scaring him. Hindi masayang kumain ng tao kapag nakaramdam siya ng takot. Nagiging mapakla ang lasa ng laman nila."

Nakahalukipkip siya habang sinasaway ang naunang babae. They both wore a black Greek goddess inspired dress. She scowled at me and rolled her eyes. Lalong naging agresibo ang kanyang mga ahas sa ulo niya na naging dahilan para umiwas ako ng tingin.

Stheno pouted. "Euryale naman! Hanggang ngayon ba ay iniisip mo ang kalidad ng karne nila? They taste the same!"

"Do I really need to remind you that we became sick for a week the last time we ate a scared human? Hanggang ngayon nga, sumasakit pa rin ang tiyan ko. Senyales 'yon na bobo pa ang taong nakain natin."

Napatigil ako.

Why do their names sound familiar? Stheno and Euryale.. nanlamig ang buong katawan ko nang maalala ko na. Bumalik ang mga mata ko sa dalawang halimaw na may pagkakahawig sa boss kong maldita.

"K-Kayo ang dalawang kapatid ni Medusa.. Stheno and Euryale."

Napamura na lang ako nang biglang kumandog sa'kin si Stheno. Kasabay nito, bigla na lang nalagas ang isa niyang ahas sa ulo at mabilis na pumulupot sa leeg ko. She grinned maliciously and giggled again, "Aww! You remember us! Akala ko talaga kulang kami ng exposure sa mga mythology books niyong mga mortal. Hahaha!"

Her skin felt cold. I glared at her and tried my best to look calm.

"I don't mean to be rude, pero dahil buhay ko naman ang nakasalalay sa tanong na 'to, I need to ask.. Papatayin niyo ba ako?"

"Aww! Oo sana. Pero sabi nga ni Euryale, baka maging masama lang ang lasa ng laman mo. Though, I really don't mind! You look delicious!"

"Err.. thank you?"

Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong isagot kapag pinuri ng isang Gorgon cannibal ang lasa ng laman mo. Heck, I don't even know they're cannibals!

'Parang kailangan ko yatang pumunta sa printing press sa Eastwood at ipa-edit ang Greek mythology books sa ECU library. Masyadong maraming kulang na info eh.'

Well, that is if I can make it out alive.

"As much as we want to eat your worthless human meat, busog pa kami," mataray na sagot ni Euryale, "Plus, hindi 'yon ang rason kung bakit ka namin kinidnap."

Kanina ko pa napapansing masama ang tingin niya sa'kin. Naalala ko tuloy ang kamalditaan ni Medusa sa kanya. Now it makes sense why I always hear the sound of hissing snakes. Pakiramdam ko matagal na akong sinusundan ng dalawang ito.

"Bakit niyo ako kinidnap? I'm pretty sure your sister won't appreciate you taking away her personal assistant."

Tumawa si Euryale at marahang napailing. Wala naman akong sinabing nakakatawa ah?

"Kaya ka nga namin kinidnap, Rein Aristello. Ilang buwan na namin gustong pabalikin dito ang kapatid namin, pero kung hindi mo pa napapansin, matagis talaga ang ulo ni Medusa. Now, she'll have no choice but to return to our little home."

"Bakit niyo naman siya gustong bumalik?"

Euryale smirked, "Let's just say, we have some unfinished business with our sister."

Kumunot ang noo ko. 'Bakit naman nila gustong pabalikin dito si Medusa?' Damn! I have a bad feeling about this. Siguradong may mabigat na dahilan si Medusa kaya ayaw niyang bumalik sa lugar na ito. Huminga ako nang malalim at matapang na sinalubong ang mga mata ni Euryale.

"Sorry to disappoint you, but your plan is useless. Hindi mag-aabalang pumunta rito si Lady Medusa para lang iligtas ang personal assistant niya."

In fact, I'm not even sure if I'm still her employee!

I sighed in frustration. Mapapahamak lang si Medusa kung pupunta siya dito. Gustuhin ko mang makaalis sa lugar na 'to, I fear that Medusa will walk right into her sisters' trap. Lalo lang akong magi-guilty sa mga pagkakataong naging masamang empleyado ako sa kanya.

But the two monsters looked unfazed with my words. Nagkatinginan sila at sabay pang natawa. Pinasadahan pa ni Stheno ng kanyang matatalas na kuko ang itim na tattoo sa leeg ko. Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

"Kilala namin ang kapatid namin, Aristello. She cares too much for her employees, and that's her biggest mistake since the night Poseidon raped her."

"Raped her?"

"Aww! Hindi mo ba alam? Magkaaway kasi lagi sina Athena at Poseidon. Para makaganti, pinagdiskitahan ng diyos ng karagatan ang priestess nitong si Medusa. He raped our sister on the steps of Athena's temple."

'A-Ang akala ko nagkaroon sila ng relasyon?' Minsan talaga, iba't ibang bersyon ng Greek myth stories ang mababasa mo, depende sa kung sino ang sumulat nito. Noong junior high school ako, wala akong pakialam kung alin ang totoo at alin ang hindi. Gagawa lang naman ako ng report, kailangan ko pa bang malaman kung ano ang totoo? As far as I'm concerned, mitolohiya lang ang mga ito. Greek gods and goddesses, and monsters like the Gorgon sisters aren't real. You just study them to pass a quiz in your English subject.

Pero ngayong sinabi ni Stheno ang katotohanan sa akala kong "relasyon" nina Medusa at Poseidon, parang lalo lang akong na-guilty. Inakusahan ko si Lady Medusa gamit ang masasakit na mga salita, kaya siya nawalan ng kontrol sa mga emosyon niya at naging halimaw.

It's ironic how you regret the things you say when it's too late---when the damage has already been done.

At ngayon, nanganganib ang kaligtasan ni Medusa dahil sa'kin.

Damn this.

---

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
284 83 13
Arayathena Maffer, the girl whoever would think is just a simple teenager who lived in the kingdom of Celestia. But to the opposite of it, despite of...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...