It's Dark Inside

Galing kay lalakingimpaktoo

5.3K 124 123

There's no way you can hide, because it's dark inside. Higit pa

Story One: Bloody Getaway
Bloody Getaway: Chapter 1
Bloody Getaway: Chapter 2
Bloody Getaway: Chapter 4
Bloody Getaway: Chapter 5
Bloody Getaway: Chapter 6
Bloody Getaway: Chapter 7
Bloody Getaway: Chapter 8
Bloody Getaway: Chapter 9
Bloody Getaway: Chapter 10
Bloody Getaway: Chapter 11
Bloody Getaway: Chapter 12
Bloody Getaway: Chapter 13
Bloody Getaway: Chapter 14
Bloody Getaway: Chapter 15
Bloody Getaway: Chapter 16
Bloody Getaway: Chapter 17
Bloody Getaway: Chapter 18
Bloody Getaway: Chapter 19
Bloody Getaway: Chapter 20

Bloody Getaway: Chapter 3

104 6 0
Galing kay lalakingimpaktoo

"Ugh..." sabi ni Angel habang nakahilata siya sa sahig ng second floor. Nahulog siya sa pagkabigla at dahil na din taranta. May narinig siyang isang matinis na boses na pagsigaw mula sa second floor ngunit hindi niya maisip kung kanino galling ang boses.

Pinilit niyang gumapang ngunit masakit ang kanyang katawan. May malaking punit ang damit na tumagos sa balat niya dahil sa pagkakaskas nito sa mga apakan ng hagdan.

"T-Tulong..." bulong niya, hindi na siya makasigaw. Hindi na siya makahinga. Nakarinig siya ng mga yapak mula sa isa sa mga kwarto sa palapag. Bumukas ang pintuan ng unang kwarto at lumabas sina Rosette at Danielle dito.

"S-Shit, Angel! Shit!" sigaw ni Rosette at hiniga si Angel sa ibabaw ng mga kamay niya. Tumingin siya kay Danielle. "T-Tawagin mo sina Angelo sa taas!"

Napaapak patalikod si Danielle. Ngayon niya lang nakita si Rosette na ganoon. "A-Ah, s-sige." sambit niya sabay takbo paakyat.

Umuubo si Angel.

"A-Angel, s-sandali lang," sabi niya dito. Tumingin siya sa kwarto nina January at Mae Lynn. "J-Januarryyyy!" sigaw niya, ang pinakamalakas na makakaya niya. "Mae Lyyyynnnn!" sumigaw siya nang mapagtanto niyang walang lumalabas sa kwarto. Ngunit matapos ang dalawang minutong paghahantay, wala din siyang napala.

Tumingin siya kayAngel na nanghihina na. "'Wag ka na munang gumalaw, baka sumirit pa ang dugo mo lalo."

Maya-maya'y bumaba na si Danielle kasama ang apat nilang kaibigang lalaki. Nagmadali ang mga ito na buhatin si Angel at dalhin sa salas, kung saan mayroong ilaw.

"A-Anong nangyari?" tanong ni John Dred. Kumakaripas na sila ng takbo pababa patungong salas.

"E-Ewan namin, eh. Narinig na lang naming siyang sumisigaw." sagot ni Danielle.

"Ang laki ng sugat niya sa likod. May first aid ba siya dito?" tanong ni Angelo nang mahiga na nila si Angel sa sofa.

"H-Hindi ko alam. Si January ang may alam dito sa resort nila, eh." sagot ni Rosette.

"Shit," ani Angelo. Tumingin siya kay Yaj. "Yaj, puntahan mo nga sina January at Mae Lynn sa kwarto nila. Eto oh, flashlight." sabi niya habang hinahagis ang maliit na flashlight kay Yaj. Madilim ang corridor dahil namatay ang mga ilaw dito. Umalis na si Yaj paaakyat at iniwan ang pito sa salas.

"Bakit pala sa corridor namatay ang ilaw?" tanong ni Emmanuel. Tumingin-tingin siya sa iba't-ibang sulok ng bahay. Tumingin naman sa kanya ang mga natira sa salas.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jerwin.

"Sa corridor lang patay ang ilaw, sa mga kwarto naman natin, wala, maayos naman. Kaya akala natin walang nangyayari sa labas." paliwanag ni Emmanuel.

May katahimikan na namukod-tangi sa pagitan ng pito.

"O-Oo nga, 'no," sabi ni Danielle. "Bakit 'di natin naisip 'yon?"

"Nagpanic kasi tayo kaagad. Nice job, Emmanuel." sabi ni Angelo, tinapik ang ulo ni Emmanuel. Bumalik ang tingin nito kay Angel, na naghihingalo pa din. "Kailangan na talaga natin ng first-aid kit. Baka may masama pang mangyari kay Angel."

Sandali lamang at dumating na si Yaj kasama ang mukhang bagong-gising na si January.

"Shit...A-Anong nangyari sa kanya?" tanong ng huli sa mga kasama sa salas.

"Mamaya na lang naming sasabihin, alam mo ba kung saan nakalagay 'yung first aid kit?" tanong ni Angelo.

Napaisip si January, tinatandaan ang pwesto nito. "Aha! Oo, nasa may drawer 'yun sa may banyo." sagot nito. Agad namang tumakbo papunta sa banyo si Angelo. Sinundan lamang siya ng tingin ng pito niyang kasama.

"Si Mae nga pala, nasaan?" tanong ni Rosette.

"Ah, wala siya doon. Si January natutulog nang abutan ko eh." sagot ni Yaj.

"Hala...nasaan na kaya siya?" humalukipkip si Danielle.

"H-Hindi namin alam..." sagot ni January.

"Ay! Shit!" sigaw ni Angelo. Napatakbo sina Dred, Emmanuel, Yaj, January, at Jerwin papunta sa banyo, naiwan sina Danielle at Rosette upang bantayan saglit si Angel.

"A-Anong meron?" tanong ni Jerwin habang tumatakbo.

Nakita nila si Angelo at si Mae Lynn na magkasama. Nakatapis lamang si Mae Lynn at may tuwalya ito sa buhok.

"M-Mae Lynn?" tanong ni Yaj. "A-Anong ginagawa mo sa banyo?"

"Obvious ba? Malamang naliligo." sagot ni Mae Lynn.

"Hindi," tuloy pa ni Yaj. "I mean, may nangyayari na dito tapos naliligo ka lang?"

Kumunot ang noo ni Mae Lynn. "What do you mean na 'may nangyayari dito tapos naliligo ka lang? Is there some kind of sorcery happening right now?"

"'Wag mo nga kaming daanin sa pa-English English mo. Tss. Si Angel nahulog sa hagdan ta's ikaw paligo-ligo lang?" tanong ni January.


"Hala. Baka alam ko, diba?" ani Mae Lynn.

"Hep hep hep! Tama na! Mamaya na 'yan. Nasa bingit na 'yung kaibigan natin oh ta's kayo mag-aaway pa!" awat ni Dred sa maaring mag-away na kaibigan.

Pumasok na si Angelo sa loob at kinuha na ang box ng first-aid kit. Tinawag niya si Jerwin. "Jerwin!" sigaw nito. Lumapit naman si Jerwin sa kanya. "Kumuha ka ng tubig, ilagay mo dito sa garapon na 'to." utos niya.

"O sige." sagot naman nito.

Umalis na sila at naiwan si Jerwin sa banyo.

*****

"Ba't ka ba nasa banyo?" tanong ni Emmanuel kay Mae Lynn, tapos na nilang gamutin si Angel. Nasa kwarto na siya ngayon. Ang siyam ay nagusap-usap sa salas.

"Tch. Gan'to kasi, pagka-assign sa'min ni Angel ng kwarto. Inilapag ko lang 'yung maleta ko sa kama ko at kumuha na ng damit at dumiretso na sa banyo." sagot ni Mae Lynn. "Diba January?"

"Oo."

"Oh, so may tanong pa ba kayo sa'kin? Weird man, pero, ayon talaga ang totoo eh. Reality is weird." sabi ni Mae Lynn.

"W-Wala na..." sabi ni Jerwin.

"M-May narinig ka bang parang matinis na sigaw?" tanong ni Danielle.

"M-Matinis na sigaw?" pagtatanong ni Mae Lynn. Tumango lang si Danielle. Nag-isip si Mae Lynn nang matagal. "W-Wala. Kumakanta lang kaya ako sa shower. Lol." sabi niya sabay tawa.

"Pero...papaanong..." sabi ni Danielle.

"Hay nako. Guni-guni mo na lang 'yon. 'Wag mo nang isipin, baka kung ano pang mangyari sa'yo eh." sabi ni Angelo kay Danielle, tinatapik ito sa likod.

"Alas-kwatro na pala. Ang bilis naman." sambit ni Dred sa ilalim ng kanyang hininga.

"Kayanga eh. Magsi-swimming pa naman tayo mamaya." sang-ayon ni Emmanuel.

"Tsk, tsk, tsk..." ani Jerwin.

Tumayo si Rosette. "Matutulog na lang muna ako. Kailangan ko talagang magpahinga."

"S-Sige." sabi ni Angelo.

"Sasama na ako!" sigaw ni Danielle at sumunod na siya kay Rosette.

"Tara na." aya ng huli at dumiretso na sila pataas.

Naiwan ang pito sa salas, walang kumikibo, walang nagsasalita.

Tumayo si Angelo.

"Magtitimpla na ako ng kape."

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

696K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...