✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

56.9K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

TRIGINTA

718 81 3
By NoxVociferans

"Tumakbo ka na! Kami nang bahala dito!"

Narinig ni Medusa ang boses ni Markus, pero nahihirapan pa rin siyang intindihin  ito. She can hear the words, but her mind refuses to let anything else sink in. Ang namamayani na lang sa kanyang katawan ay ang kagustuhang pumatay---ang kagustuhang patayin ang personal assistant niyang si Rein Aristello.

'Damn it.. h-hindi ko na makontrol ang sarili ko!'

She hated this.

Medusa had always hated not being in control. She hated feeling weak. Huli niya itong naramdaman noong mga panahong naglilingkod pa siya sa templo ng bruhang si Athena. Kahit na gaano kaganda si Medusa, the goddess of wisdom would always keep her in check. Paulit-ulit na ipinapaalala sa kanya ni Athena na sa loob ng templo, siya ang masusunod.

"If you want to be a priestess in my temple, you need to follow my rules. Hindi mo pwedeng pairalin ang yabang mo dito, Medusa."

That's why Medusa doesn't like her.

Killjoy palagi sa mga gustong gawin ni Medusa sa buhay. Unlike the other goddesses, Athena was simply too prideful and manipulative. Kung sabagay, ano pa nga bang aasahan niya sa diyosa ng kaalaman, literatura, at sining? Sa lahat ng mga diyosa, siya ang paboritong anak ni Zeus. That's why goody-two-shoes Athena doesn't tolerate mistakes.

'She's still a bitch.'

Pagak na natawa si Medusa kahit pa nararamdaman na niya ang pagpulupot ng kadena sa kanyang katawan. The cold metal chains Markus used on her squeezed her body until the Gorgon gritted her teeth in pain. Napaluhod si Medusa habang unti-unting nabibingi sa ingay na nililikha ng mga ahas niya sa ulo.

Caprissa and Markus restrained her. Nahihirapang pa ring huminga si Medusa habang pinipilit niyang kontrolin ang mga emosyon niya. Hindi na niya alam kung paano niya malalabanan ang halimaw na nagpupumiglas kanyang puso. It was stupid. How can she kill the darkness in her heart if nobody gave her a speck of light to fight it with?

Natatakot na rin siya sa kanyang sarili.

The monster within her wanted to just murder everyone, but Caprissa's voice stopped her.

"Lady Medusa, papatunayan mo bang totoo ang sinabi ni Kuya Rein? Are you going to be a monster?"

Bahagyang kumalma si Medusa.

'Am I really a monster?'

Most people believe it.. so it must be true.

Pero nang magtama naman ang mga mata nila ni Markus, the lazy emo just smiled sadly. "Lahat naman tayo, mga halimaw, Lady Medusa.. nasa atin na lang yun kung magpapakontrol ba tayo sa mga halimaw na nasa puso natin. You can spend the rest of your life hurting because they call you a monster, but always remember that it will not make you less of a person. Sa huli, ikaw mismo ang nakakakilala kung sino at ano ka talaga.. kampihan mo ang sarili mo. Kung alam mong hindi ka halimaw, patunayan mong mali sila. Wag mo hahayaang pati ang sarili mo, traydorin mo."

Hindi na namalayan ni Medusa kung kailan bumalik sa normal ang kulay ng balat niya. Hindi na niya alam kung paano bumalik sa dati ang kanyang kulay tsokolateng mga mata at kung paano kumalma ang makamandag na mga ahas sa kanyang ulo. Higit sa lahat, hindi na niya alam kung kailan dumausdos ang luha mula sa mga mata niya.

Dahil sa mangilan-ngilang pagkakataon magmula nang isinumpa siya ni Athena ilang daan taon na ang nakakaraan, Medusa wanted to think that she's still a human, because monsters don't bleed.

*

Nang kumalma na si Medusa, buong magdamag siyang nagkulong sa kanyang silid. Barney was sleeping soundly under her bed as she refused to eat or drink the food Markus was offering her.

The hours passed by, but she was still wide awake.

"Malamang hindi na babalik dito si Rein. Tsk! That stupid mortal. Sumusobra na talaga eh. Who cares if he doesn't return? Mas okay na 'yon dahil baka ipakain ko pa siya kay Barney."

Masama ba ang ginawa niya?

Well, yes. She was a little bit bitchy with Pamela, pero masisisi mo ba talaga si Medusa? Nakakairita kayang makita silang naglalandian sa sarili mong kwarto! Damn. That dull looking girl should even thank her for leaving this place alive! Sobrang bait pa nga ni Medusa dahil hindi niya ito ginawang bato. 'Besides, she would make a very ugly stone statue. Hindi siya pasok sa standards ko, sorry.'

But now that Medusa is thinking about this, she can't help but wonder...

Bakit nga ba hindi niya pinatay si Pamela?

Napasimangot si Medusa nang may sumulpot na sagot sa kanyang isipan. She doesn't like answer, because that particular "answer" just called her a monster and triggered her demons last night.

'Damn you, Rein Aristello!'

Lumipas ang ilang oras ng pagninilay-nilay ni Medusa.

Nang malapit nang mag-umaga, napabuntong-hininga na lang si Medusa at lumabas ng kanyang silid. She pulled her green (normal) hair into a tight ponytail and walked down the hallways in her jade green heels.

'I can't believe I'm doing this.'

Nang makarating siya sa tapat ng isang lumang silid, huminga nang malalim si Medusa at kumatok doon.

Knock! Knock!

Again, she must be stupid to do this. Pero bago pa man siya magbago ng isip, mabilis na bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang humihikab pang si Caprissa. The twelve-year-old girl wore her bunny printed pajamas. Magulo pa ang kanyang buhok at napansin ni Medusa ang panis na laway sa kanyang pisngi. It was a good thing that she sleeps here often instead of staying with her family. Alam ni Medusa na katulad ni Markus, hindi masaya si Caprissa sa loob ng tahanan nila.

That's why when they took headquarters in this abandoned warehouse, ni-request nilang dalawa na magkaroon ng sari-sariling silid dito. Caprissa's room was at the opposite end of the warehouse, while Markus sleeps in the building's old stock room.

Nang makita siya ni Caprissa, she blinked the sleepiness away and smiled.

"Good morning, Lady Medusa! Ay, halaaaa! Hindi pa nga pala umaga dahil hindi ka pa pusa." Caprissa tilted her head to the side, "May iuutos ka po ba sa'kin? Magpapa-deliver po ba ako ng paborito mong Italian food?"

Napalunok si Medusa. Humalukipkip siya at nag-iwas ng tingin. "Tapos mo na 'yong potion na pinapagawa ko sa'yo, 'di ba?"

"Ah! Yung anti-kitty serum po ba? Opo!"

"Good. Gagamitin ko na."

"Po?! P-Pero Lady Medusa, hindi pa po natin nate-test yun! Ang sabi mo--"

"Ang sabi ko, gagamitin ko na, Caprissa. Bring it to my room. Gumamit ka ng wineglass para sosyal ng kaunti. Oh, and make sure to add some sugar and a cute little paper umbrella."

Hindi na nagtanong pa ang bata. "Y-Yes, Lady Medusa!"

Mukhang gising na gising na ito.

Caprissa saluted and immediately ran out of the room to prepare her drink. Walang-gana namang bumalik sa kanyang silid si Medusa. 'I can't believe I'm doing this,' she cursed under her breath and slammed the door shut.

*

It was another ordinary day at Eastwood Central University. Sa magagarbong hallways ng College of Engineering, may mangilan-ngilan pang mga estudyanteng tumatambay at naglalampungan. Ilang sandali pa, natigil ang kanilang tawanan nang biglang umalingawngaw ang tunog ng isang trumpeta.

"Saan galing 'yon?" Tanong ng isang babae habang nagpapalinga-linga.

Nagkatinginan sina ng mga kasama niya dahil alam nilang imposibleng magkaroon ng trumpeta sa College of Engineering. Maiintindihan pa nila kung College of Music sila, lalo na't madalas daw may mga pakulo ang music students doon. So, how in the world would they hear the sound of a trumpet in this building?

"OMG! T- Tingnan niyo!"

Sigaw ng isang dalaga habang nakaturo sa may bukana ng hallway. Napanganga na lang silang lahat nang bigla na lang sumulpot ang isang batang babae at mabilis na inilatag ang nakarolyong red carpet sa pasilyo. The twelve-year-old girl smiled and went back to shower flower petals.

"Get out of the way, mortals! Wag kayong humarang sa daanan ng isang magadang nilalang!"

Caprissa giggled and scattered rose petals in the air. Ilang sandali pa, biglang naglakad sa gitna ng red carpet ang isang babaeng nakasuot ng kulay itim na heels.

The boys' jaws dropped when she passed them by.

Ngumisi si Medusa. Mabuti na lang talaga at ang paborito niyang itim na dress ang suot niya ngayon. It was a satin black dress with diamond studs on its hem. She wore a white fur cardigan over it and wore her green hair in curls. Naka-shades pa si Medusa at ni hindi man lang pinansin ang nagtatakang mukha ng mga estudyanteng nadaanan niya.

Sa kanyang likuran, hinipan ulit ni Markus ang trumpeta at humikab. Walang kagana-gana niyang binasa ang codigo niya, "Tumabi kayo, mga mortal, kung ayaw niyong maging bato.  Na-sampolan na kanina yung guard sa gate."

Markus turned to Caprissa, "Hey, tumawag ka na ba ng ambulansya?"

Caprissa innocently blinked. "Eh? Yung funeral services na agad ang tinawagan ko."

Napapailing na lang si Markus.

Meanwhile, Medusa stopped in her tracks and snapped her fingers. Agad-agad na pumunta sa tabi niya ang dalawang alalay.

"Sa aling kwarto sa walang kwentang building na 'to nagpapaka-plastic sa pag-aaral ang pangit na mortal na crush ng PA ko?"

"You mean Pamela Lavista."

She glared at Markus, "I'm not asking her name, and I simply don't care. Room?"

"Second floor, sa pinakamalapit na classroom mula sa hagdan, Lady Medusa!" Caprissa chirped in.

Medusa nodded and started taking the stairs. 'Wala man lang bang elevator dito? Damn humans.'

It was a little past nine in the morning, but Lady Medusa hasn't turned into a cat yet. Mukhang mabisa ang potion na pinagawa niya kay Caprissa noon, the one that has asphodel flowers for an ingredient. Hindi alam ni Medusa kung saan nanggaling ang book of potions na nahanap nina Caprissa at Markus noong nakaraang buwan, pero wala na siyang reklamo rito.

Nang mabasa nilang may "temporary anti-feline transformation serum" agad na inatasan ni Mesusa si Caprissa para pag-aralan ang paggawa nito. Ang sabi sa descriptions, kaya nitong panandaliang alisin ang "cat curse" ng sinumang nilalang, kaya nagbaka-sakali sila. And right now, Medusa is loving every second of its effects.

Sana nga lang ay medyo matagal-tagal ang epekto nito.

Nang marating na ni Medusa ang classroom, agad siyang pinagbuksan ng pinto ni Markus. She barged inside and ignored the teacher. Nagulat ang buong klase nang bigla na lang siyang pumasok. Inangat ni Medusa ang kanyang sunglasses at hinanap ang nakakairitang mortal na 'yon.

"Excuse me, mortals, but I would like to speak to the ugliest girl in this class."

Ilang sandali pa, nahihiyang tumayo ang isang babaeng maraming tigyawat.

"A-Anong gusto mong pag-usapan natin?"

Humalakhak si Lady Medusa. "HAHAHAHA! Hindi ikaw. Don't be too assuming, sweetie. Ang pagiging assuming ang ikinamamatay ng kalahati ng populasyon niyong mga tao."

Bumalik sa pagkakaupo ang babae.

Napailing na lang tuloy si Medusa. She scanned the room again. 'Bakit parang wala rito si Aristello?' Agad na isinantabi ni Medusa ang iniisip. No, she doesn't care about that asshole.

Her eyes narrowed when she spotted Pamela. Wala naman nang nagawa ang dalaga at sumama kay Medusa. They walked out of the room for privacy.

Bakas ang takot at pagkabigla ng dalaga nang makaharap na niya si Medusa.

"Bakit mo ako gustong kausapin? Hindi pa ba sapat yung pamamahiya mo sa'kin kahapon? Y-You're crazy."

Oops. Ginalit ba ni Medusa ang mabait at mahinhing crush ni Rein Aristello?

She rolled her eyes at the mortal. "Kung may anti-kitty potion, dapat pala meron kang 'anti-kati' potion. Baka-sakaling tumalab."

Pamela frowned, "Pasensya na kung naghalikan kami ni Rein sa kwarto mo. And despite the bad start, I have to thank you for allowing me to rest there when I was feeling ill. I still respect you as his boss, but I don't know if I can respect you as a person. Lalo na sa mga masasakit na salitang sinabi mo kay Rein."

'Wow! Ako pa talaga ang masakit magsalita?' Pero imbes na maging sarkastiko, huminga na lang nang malalim si Medusa at isinantabi na muna ang "bitterness" niya sa nangyari. She reminded herself why she came here in the first place.

"I'm sorry."

Kapansin-pansin ang gulat sa ekspresyon ni Pamela.

Again, Medusa rolled her eyes. "Don't make me say it again, mortal. Kasalanan niyo naman talaga na sa kwarto ko pa talaga ang venue ng paglalandian niyo ng personal assistant ko, but I have to admit, I shouldn't have poured my expensive wine on you. Sayang yung wine."

This is crazy. Kailan pa nagpakumbaba si Medusa at na-guilty sa mga kalokohang ginawa niya?

Silently, Medusa knew the answer again.

'Rein Aristello.'

Masakit mang isipin, pero mahalaga ang simple at pangit na babaeng 'to kay Rein. At pagkatapos niyang pagnilayan ang nangyari kagabi, Medusa somehow guessed that Rein said some "hurtful" words to her because Medusa did some "hurtful" things to his crush. Pero sa kabila nito, she still won't forgive him---pareho silang may kasalanan. Pareho silang nakapagsalita ng masasakit na salita.

At ang masasakit na mga salitang lumabas mismo sa bibig ni Rein Aristello ang nakapagpa-"trigger" ng halimaw sa loob ni Lady Medusa.

Crazy, indeed.

Hindi na hinintay pa ni Medusa ang isasagot ng dalaga. She still doesn't like this simple and boring slut. 'Ang lakas talaga ng loob ng lalaking 'yon para ikumpara ako sa kanya!' Isinuot na lang muli ni Medusa ang kanyang sunglasses at umalis. Sa tapat ng hagdan, hinihintay na siya nina Markus at Caprissa.

Medusa felt a little bit better after that (somewhat) apology.

Pero hindi ibig sabihin nito ay dapat na nilang abusuhin ang kagandahan at kabaitan niya. Nang makalabas na sila sa building, uutusan na sana niya si Markus ba payungan siya nang bigla nilang nakita ang isang pamilyar na binata.

He stopped in front of them and tried to catch his breath.

Napataas ng kilay si Medusa, "Ikaw yung nagbenta kay Rein sa'kin. Tsk! Wala bang refund ng bayad? May sira 'yong kaibigan mo eh."

But Desmond didn't laugh. At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nito inintindi ang tungkol sa anumang may kinalaman sa pera.

His next words froze them on the spot.

"N-Nawawala si Rein.. "

---

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
15.3K 2.3K 49
Neverwoods never die... "Save yourself, human!" Everick Neverwood is anything you want him to be---a sadist, a womanizer, an immortal crow-shifter...
39.3K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
572K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...