✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

DUODETRIGINTA

694 75 9
By NoxVociferans

I can't feel my legs anymore.

Para bang may pumapatay sa mga ugat ko sa paa hanggang sa tuluyan nang mamanhid ang mga ito. Bukod doon, nagiging malamig ang balat ko habang unti-unti itong tumitigas na parang semento. Hindi ko na kailangang tingnan ang mga binti ko para malaman kung anong nangyayari...

My boss is turning me to stone.

'Shit!'

Hindi ko maialis ang mga mata ko kay Medusa. Her emotionless gaze glued me on the spot. Her soul speaks a thousand words behind those dark brown eyes, and I can't help but feel terrified of her. Nahihirapan na akong huminga at pakiramdam ko bumabagal na rin ang tibok ng puso ko. Patuloy pa rin akong inaabot ng mga ahas niya sa ulo, pilit akong tinutuklaw.

'Great. Mula sa pagiging PA niya, promoted na ako sa pagiging estatwa!'

Kung alam ko lang sana na sa ganito lang din pala magtatapos ang buhay ko, sana nakapagtabi na ako ng perang gagamitin para sa pamburol ko. Pero dahil alam kong malakas ang "radar" ni Desmond sa anumang may monetary value, baka hindi rin ako makapagtabi ng kahit piso.

"You disrespectful bastard... Stop comparing me to that ugly mortal! Wala kang alam sa sitwasyon ko!" Asik sa'kin ni Medusa. Her blood red lips curled into a frown. Damn it! Hindi man lang ba siya naaawa sa'kin?

I really like her better when she's a chubby orange cat. Kapag pusa siya, oo, mabigat siya, pero hindi niya ako pwedeng gawing estatwa. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi porke't boss ko siya, pwede na siyang umakto na parang pagmamay-ari niya ako. I mean, yeah---my shitty bestfriend just sold me to Medusa, pero hindi niya nabili ang kaluluwa ko!

At lalong hindi niya nabili ang puso ko.

Sa ngayon, galit pa rin ako sa kanya sa pagtaboy at pamamahiya niya kay Pamela. She scared the shit out of my crush! Anupaman ang rason niya, sinira niya pa rin ang "moment" namin ni Pamela. Why does she have to be so fucking heartless?

"Nauubusan na ako ng pasensya sa'yo, Aristello. Kung alam ko lang na puro sakit ng ulo ang ibibigay mo sa'kin, sana pala pinatay na lang kita.."

"Go ahead and kill me. Patunayan mong tama lang ang nakasulat sa libro naming mga mortal tungkol sa'yo, Medusa! You're a monster, and that's the reason why no one loves you." Ngumisi ako.

Pagak na natawa ang halimaw. "At ano naman ang iba pang nakasulat sa mga libro niyong puro kasinungalingan?"

"Tatlo kayong magkakapatid, pero ikaw lang ang ipinanganak na mortal. Maraming naiinggit noon sa kagandahan mo. Eventually, you became a priestess in Athena's temple," huminga ako nang malalim at hindi ininda ang pagkirot ng braso ko, "Nagkaroon ka ng relasyon kay Poseidon. Kahit na alam mong bawal, nakipagrelasyon ka pa rin. Kaya pinarusahan ka ng diyosang si Athena."

"Damn it! H-Hindi mo alam ang--"

"Hindi ba totoo? Since then, you started living with your monstrous sisters and turned anyone who stared at you to stone." Pagak akong natawa, "Alam mo kung bakit ayaw mong ikinukumpara kita kay Pamela? Hindi mo kasi kayang tanggapin na may mas lamang sa'yo. Akala mo makokontrol mo ang lahat dahil lang sa mayaman ka't maganda. You use your looks to seduce men. Ganda lang naman ang habol nina Poseidon at Adonis sa'yo, and I'm pretty sure you love the attention."

"S-Stop..."

"Hindi ikaw si Pamela, kaya walang nagmamahal sa'yo, Medusa."

Lalong sumiklab ang galit sa mga mata niya. It looks like I hit a sore spot.

Maya-maya pa, biglang nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Unti-unting nagbago ang histura ni Medusa. Ang makinis at maputi niyang balat ay naging kulay itim. Snake-like scales crawled up her neck until it completely devoured her face. Her sharp brown eyes lost their color and became a sinister black. It reminded me of those blackholes I used to see in sci-fi movies.

Lalong naging agresibo ang mga ahas niya sa ulo. Kinabahan lang ako nang masilayan ko ang pangil ng mga ito.

My heart started pounding nervously. Shit! Ano bang nangyayari sa kanya?

"M-Medusa..."

Parang hindi ko na kilala ang boss ko. Ilang sandali pa, napasigaw ako nang humapdi ang kulay itim na kissmark tattoo sa leeg ko. It burned my skin as I cried out in pain. Hindi ko na namalayang sinasakal na ako ni Medusa.

Wala pa ring emosyon sa kanyang mukha.

"D-Damn," napaubo ako habang pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa'kin, "Bitiwan mo ako!"

Bumaon ang matatalas niyang mga kuko sa balat ko hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na dugo mula rito. I started panicking when my torso was slowly turning to stone. Hindi na ako nagpumiglas.

"L-LADY MEDUSA!"

"Oh, shit. This is bad!"

Hindi ko alam kung paano nakalapit sina Caprissa at Markus sa halimaw naming amo. They started pulling her away from me, but Medusa only hissed like the vile creature she is. Nanghihina akong gumapang papalayo nang makakawala na ako sa mga kamay niya.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita kong bumabalik sa normal ang mga binti ko. The blood slowly returned to my legs as stone morphed back into human skin.

Nanlaki ang mga mata ko nang magwala si Medusa at sinubukang sakmalin si Caprissa. Her fangs almost killed the girl. Mabuti na lang at mabilis itong nakailag.

'Ano bang nangyayari sa kanya?'

"Tumakbo ka na! Kami nang bahala dito!" Seryoso sabi ni Markus habang sinisimulan na nilang ikadena si Medusa.

I weakly nodded and ran away from the warehouse.

At alam kong hindi na ako muling makakabalik pa rito.

*

Hindi ko na alam kung saan ako tinangay ng mga paa ko. I ran until I felt like my legs were about to give up. Hinihingal pa rin ako sa pagtakbo at hindi nakatulog ang pagkirot ng braso ko. Bukod pa roon, masakit pa rin ang pagkakabaon ng mga kuko ni Medusa sa leeg ko. Damn, how did I survive? I laughed dryly.

'Nice job, Aristello. Wala ka na namang trabaho.'

Siguradong hindi na ako pababalikin ni Medusa sa pagiging personal assistant niya. Alam ko namang may kasalanan rin ako sa nangyari, but I just couldn't help myself! Tinakot at pinahiya niya si Pamela. Anong aasahan niyong magiging reaksyon ko?

Ayos lang sana kung ako lang ang parusahan niya eh.

Medusa just ruined all my chances with the only girl I have ever loved.

'Pero masakit ka rin namang magsalita kanina,' paalala ng lohikal na parte ng utak ko. Dahil alam kong tama siya. Totoo pala ang sinasabi nilang kapag galit ka, 'wag kang magsasalita dahil mas magiging malala lang ang sitwasyon. Anger can sometimes make us unintentionally say terrible things.

"Ang gulo ng buhay ko," mapait kong sabi at napahawak sa itim na tattoo sa leeg ko. Naalala ko na naman ang pagbabagong-anyo ni Medusa. And now that I think of it, maybe her eyes weren't that emotionless at all.

Dahil sigurado akong may nakita akong katiting na "sakit" kanina sa ekspresyon ng halimaw kong boss.

It made me a bit guilty.

Did I say too much?

Huminga ako nang malalim at inilibot ang mga mata ko sa paligid. Pakiramdam ko talaga nang-aasar sa'kin ngayon ang tadhana dahil sa lahat ng lugar, talagang dito pa ako napadpad...

"Eastwood Cemetery."

Great.

Isang "sign" na ba 'to na wala talagang patutunguhan ang buhay ko?

Hindi ako isang "coimetrophile". Hindi ako mahilig sa sementeryo. In fact, I had always tried avoiding this place since I was a kid. Nagtataka nga noon ang mga magulang ko kung bakit ayokong bumisita sa mga namatay naming kamag-anak tuwing Undas. Kalaunan, nang maubusan ako ng mga maidadahilan sa kanila, inamin ko na rin ang totoo. I just simply don't like cemeteries.

'Kahit na normal na ang kababalaghan dito sa Eastwood, ayoko pa rin sa lugar na 'to.'

Malay ko ba kung bigla na lang may zombie na bumangon sa hukay niya tapos bigla na lang akong atakihin?

But then again, I surprised myself by slowly walking past the tall rusted gates of the cemetery. Tahimik akong naglakad-lakad at inisip ko na lang na HINDI nakapalibot sa'kin ang mga puntod ng mga taong posible bumangon sa libingan nila at maging zombies. Baka tuluyan na akong masiraan ng bait kung hahaluan pa ng ganoong mga nilalang ang kwento ko.

Anyway, I don't even know where I'm going.

Binabasa ko ang mga pangalan sa mga lapida, nagbabaka-sakali na mahanap ko yung sa lolo at lola ko.

'Why do I feel like someone's following me?'

Napalunok ako. Oh, please don't let it be another god or goddess who wants to have a dramatic fight with me. Masakit pa rin talaga ang katawan ko sa nangyari kanina!

Pero makalipas ang ilang minuto, wala namang umatake sa'kin. Maybe I'm just too tired.

I sighed. "Mas tahimik talaga dito. Mabuti na lang at nailigtas ako kanina nina Caprissa at Markus. Kung hindi, baka nakalibing na rin ako dito sa sementeryo."

As much as I want to go back and make sure Caprissa and Markus are alright, may tiwala ako sa kanilang kakayanin nilang pakalmahin si Medusa. Baka magwala na naman ang boss ko kapag nakita niya ako ulit. Puro sama ng loob lang ang maibibigay namin sa isa't isa.

Mukhang kahit kailan talaga, hindi kami magkakasundo.

Unless I stop seeing her as a monster and she stops seeing me as a useless human, Medusa and I will never be on the same page.

At sa huli, baka magsisihan lang kaming dalawa kung sinong may kasalanan kung bakit kami palaging nag-aaway. I guess I can never see her the way Caprissa and Markus sees her. Hindi ko pa kayang makita ang kabutihan sa puso ni Medusa, at iyon ang nakakalungkot doon.

"Tama na nga, Rein. Itulog mo na lang." Mahina kong bulong sa sarili ko.

But just when I was about to exit the cemetery, a headstone caught my attention. Maingat kong nilapitan ang lapida at binasa ang pangalang naka-engrave doon. Nanlamig ang buong katawan ko nang maaninag kong maigi ang pangalan. 'P-Paano nangyari 'to?'

Marunong naman akong magbasa, pero parang ayokong maniwala na ang pangalan niya ang nakasulat dito ngayon..

Linae.

---

Continue Reading

You'll Also Like

105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
15.4K 2.3K 49
Neverwoods never die... "Save yourself, human!" Everick Neverwood is anything you want him to be---a sadist, a womanizer, an immortal crow-shifter...
573K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...