Unforgettable night
Nandito na ako sa hongkong at nakikipag usap kay Nic sa facebook habang inaantay ang huling connecting flight ko pabalik ng Pilipinas.
Facebook Messenger
Nic: Excited na kame!
Me: Baka ikaw lang...
Me: Wag mo ako kalimutan paloadan after two hours para matawagan ko kayo kung asan nako.
Nic: Ang tagal mo pa! mnadali ko pa kumain si pogi baka mauna ka kc.
Tama kayo, si Jake ang susundo sa akin naging magulo ang usapan nung nasa bakasyon ako dahil hindi niya sinasagot ang mga message ko kahit na alam kong nababasa naman niya to kaya inisip ko nalang na ayaw nya akong sunduin.
Nagpasya ako na magpasundo nalang sa Ate ko at kay Kuya Mark pero gabi bago ang flight ko naiba ang plano nila, si Jake na daw susundo sa akin at diretso inuman na kami pag tapos.
Paglampas ko sa immigration agad kong tinawagan si Nic at hinanap kung nasaan sila.
"Nic san na kayo?"
"Madam bilisan mo! Andito kame sa tapat hangang 5 minutes lang pwede dito kse hindi na kami nag park." Nagmamadaling sabi ni Nic.
"Teka di ko pa nakukuha bagahe ko, wala pa ko nahanap na taga bitbit. Tyaka magpapapalit pa ako." Sagot ko sa kanya, at hindi ko rin mabibilisan dahil hindi pa lumalabas ang bagahe ko.
"Basta bilisan mo!" Utos niya.
Limang minuto pa at nakita ko na ang mga bagahe ko at nagpatawag ako ng porter.
Pagdating sa exit rinig ko kaagad ang pagtawag ni Nic. Niyakap niya ako ng mahigpit ng makawala na ako sa kanya ay lumapit ako kay Jake na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya.
"Pogi thank you sa pagsundo namiss kita." At niyakap ko rin siya.
"Mamaya na yan, yung mga bag ilagay niyo na sa likod kanina pa tayo pinapaalis ng guard. Di naman kasi parking to pang diretso pick up lang." Ani ni Nic sa amin.
Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan biglang nagsalita si Nic. " Oh bat dyan ka uupo? anong drama yan? dun ka sa harap pwesto ko tong likod." Taboy niya sa akin.
Sumakay ako sa harap at agad nang pinaandar ni Jake ang kanyang sasakyan.
"Pogi pwede ba daan tayo sa Tiende?" Tanong ko. "Dinner muna di na ako kumain sa Hongkong eh." Pagdadahilan ko pa kay Jake.
"Sige ikaw bahala Madam."
Pagdating sa Tiende doon agad ako dumiretso sa pinuntahan namin ni Jake dati at nag umpisa ng umorder. Natapos kaming kumain at nagpasyang magpunta na sa brick road dahil doon gustong mag inom ni Ate Jenn.
Saktong dating namin ay dumating na din sila ni Kuya Mark. Pagkababa ni Ate sa kotse ay nilapitan ko sila at binati ako ni Kuya Mark at sinabing aalis muna siya at babalik din mamaya.
Naiwan lang kaming tatlong babae at sj Jake.
"Te ano orderin natin? Beer nalang ha." Tanong ko sa Ate ko.
"Sige kaw bahala tyaka tatlong shot ng tequila."
Tinitignan ko ang kabuuan ng bar na pinuntahan namin at hindi na masama dahil nasa labas naman kami nakaupo ayoko kasi talaga ng kulob at nahihilo ako.
Umorder ako ng dalawang bucket ng beer, tequila shots at pulutan.
"Three days ka sa byahe nagpalit kaba ng damit?" Ani Ate.
"Hindi hahaha panty lang." Walang paking sagot ko kahit naririnig ni Jake dahil sanay naman na siya sa akin.
"Magbihis ka munanaka pang Kim Chiu kapa na dress tas iinom kalang naman." Pang aasar niya pa sa akin.
"Syempre dumaan ako ng London." Sabi ko kay Ate at bumaling naman ako kay Jake. "Pogi peram susi ng sasakyan magbibihis ako."
"Samahan na kita." Sagot niya sa akin.
Pagdating sa sasakyan agad ko hinalungkat ng bagahe ko at naghanap ng maisusuot nakita ko ang dalawang malaking tshirt na binili ko sa souvenir shop sa Cayman, isa para sa akin at isa para kay Jake.
"Pogi pili ka dito tig isa tayo ano gusto mo etong gray or black?"
"Patingin nga." Tanong niya na inaabot ang tshirt sa akin. "Gray nalang." Habang tinitignan niya. "Wag na pala maliit sakin yung black nalang."
Dahil hawak ko lang din naman nagpasya akong isuot na ang tshirt na binili ko at mag shoshort nalang ako.
Bumalik kami sa bar at dumiretso ako sa c.r para magpalit ng damit.
Paglabas ko narinig ko agad nagsalita si Jake. "Sakin yan huh bat suot mo?" Pabiro niyang sinabi sa akin.
"Sakin to no! sabi mo yung black sayo." Pikon kong sagot sa kanya.
"Ano yan couple shirt?" Pang aasar ni Ate Jenn samin.
"Walang couple dito!" Bitter kong sagot nakita ko ang pag tawa ni Jake sa sinabi ko.
Isang oras pa ang lumipas at nag paalam din si Jake na aalis muna at pupunta sa bahay ng kaibigan niyang doctor.
"Madam babalik din ako makulit sila doc eh." Paalam niya sa akin.
"Bahala ka ganyan ka naman eh pagbalik mo lasing kana naman." Nagtatampong sagot ko sa kanya.
"Babalik din agad ako."
"Hayaan mo na yan ne tayo nalang muna nila Nic." Saway sa akin ni Ate Jenn na parang may gustong sabihin.
Pag alis ni Jake at nag girl talk kaagad kaming tatlo.
"Parang gf peg mo kanina." Ani Ate Jenn.
"Tamang hinalang gf." Dagdag pa ni Nic.
"Eh kase naman eh kakadating ko lang tas iniwan agad tayo. Parang hindi niya naman palagi kasama yung mga medrep at doctor na yun." Reklamo ko sa kanila.
"Ayan ha nagiging demanding kana Madam." Sabi ni Nic. "Tyaka hindi kanaba nagsawa? ilang buwan ka nawala pero araw araw si Jake parin binabanggit mo. Akala ko ba titigil kana?" Dagdag pa niya.
"E kase naman eh anong gagawin ko gusto ko na ata talaga siya."
"Basta wag kang bibigay sa November na! hahahaha." Biro ni Ate sa akin.
"Baliw ka ate bat ako bibigay!"
"E kase patay na patay ka mamaya bumigay ka dyan dapat wag muna ngayon mga November na haha kelan lang kayo nagkakilala." Depensa pa niya sa idea niya.
Natawa nalang kami sa naisip ni Ate at baliw na talaga kaming tatlo. Alam ko naman na hindi seryoso ang pinsan ko sa biro niya at pinapatawa lang ako pero hindi ko maiwasan maisip na kailangan ko paba umabot sa ganung bagay.
Naka apat na bucket na kaming tatlo simula pa kanina kaya puro kalokohan na ang pinag uusapan namin. Maya maya pa narinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Jake na may isa pang kasunod na sasakyan.
Pagbaba palang niya ay ramdam ko na lasing na din ang isang to kumpara sa lalaking kasama niya ngayon.
"Hala baka bf ni Jake yan hahaha." Bulong ni Ate na rinig namin.
"Kaya pala ayaw sayo Madam haha." Sabat naman ni Nic at sabay silang nahagikgik na mukhang lasing na talaga.
Umorder pa ako ng apat na bucket ng beer sa waiter, dahil pag sinabi kong walang uuwing hindi lasing ay pinaninindigan ko talaga.
Paglapit ni Jake ay agad niya kaming ipinakilala sa isat'isa ."Pre si Madam, Nic at pinsan ni Madam. Si Migz tropa ko medrep din."
"Lian nalang tas si Ate Jenn ko nga pala tas si Nic." Sabi ko kay Magz na tinititigan ako.
"Ahh si Madam ikaw yung kasama ni Jake nung naglaro kami ng basketball. Ikaw pala yung sinundo nito sa Airport akala namen si ano na haha kaya kinukulit namin sa text." Tuloy tuloy na sabi ni Migz sa amin.
"Tama na yan shot na uli." Parang sigang utos ni Ate Jenn.
Buong inuman ay umikot lang ang usapan tungkol sa basketball pati narin ang walang tigil na pang babara ni Ate kay Jake.
"Alam mo ba yang kantang yan?" Tanong ni Ate Jen kay Jake na lasing na lasing na talaga.
"Uo alam ko yan." Sagot naman nung isa.
"O sige ano title niyan?" Hamon ni Ate.
Ilang segundo na ang lumipas ay hindi parin sumasagot si Jake hanggang sa chorus na ng kanta.
"Just give me a reason." Sagot ni Jake.
"Kita mo hindi mo naman alam, narinig mo lang yung chorus!" Nang aasar na sabi ni Ate.
"Bakit ano bang kanta yan?" Tanong ko dahil unang beses ko lang ito narinig.
"Ano hindi mo rin alam to? bagay nga kayo niyan." Parang iritadong sagot ni Ate Jen sabay ikot ng mata.
Konti nalang at mauubos na namin ay alak at kita ko sa mga kasama ko ang kalasingan, masasabi ko na ako na ang pinaka matino sa lahat ng gabi na yun ilang minuto pa dumating na si Kuya Mark sakay ng auto niya.
Lumapit agad ako sa kanya. "Kuya mukhang lasing kana ha kaya mo paba ihatid si Ate?"
"Ako pa ne nakaabot nga ako dito habang nag dadrive ng nakapikit eh." Na mukhang totoo dahil singkit na ang mata niya sa kalasingan.
Maya maya ay nagpaalam na sa akin si Ate at binilin na umuwi agad ako sa bahay ko. "Umuwi kana baka san pa kayo magpunta alas kwatro na. Yung bilin ko sayo sa November kana bumigay hahaha." Pabulong niyang sinabi.
At kasunod ng pag alis nila ate ay tumayo na si Nic at Magz para magpasalamat. "Pre una na kami ako na maghahatid kay schoolmate madam salamat." Ani Migz dahil schoolmate sila dati ni Nic.
"Oi Nic kala ko samin ka sasabay." Pilit na tanong ni Jake na lasing na talaga siya.
"Hindi na ayoko na sumabay sayo pag lasing ka si Madam lang magtatyaga sayo. Baka hindi na ako makauwing buhay samin." Tanggi ni Nic na mukhang dalang dala na kay Jake.
Naiwan kaming dalawa at nagbayad na ako sa waiter. Habang nasa sasakyan kami na nakapark sa mismong tapat ng bar ay tinanong ko si Jake kung gusto niya ba ng tubig o kape.
"Pogi anong gusto mo? water o coffee?" Paano mo ako maihahatid mukhang comatose kana?" Pag aalinlangan ko.
"Kuya!" Tawag ko sa waiter para lumapit dito sa sasakyan.
"Ano pogi anong iinumin mo?"
"Ayoko!" Sigaw ni Jake. "TANG*NANG YAN!!" Nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi niya at humingi nalang ako ng dispensa sa waiter na agad naman nakaunawa dahil lasing na itong kasama ko.
"Tara na! bahala kana mag drive patay kung patay." Pagyaya ko.
Paglabas palang ng brickroad ay kabado na ako dahil pag u-turn ni Jake ay halos sumampa na ang sasakyan sa gater pag dating naman sa Marcos Hiway ay hindi kami kumanan kahit na doon ang daan pauwi sa bahay.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan siya sa gusto niyang gawin dahil sa tingin ko ay hindi rin naman niya ako pakikinggan hiniling ko nalang na sana ay walang mangyaring masama saming dalawa at pumikit ako.
Pagdilat ng mata ko ay halos atakihin ako sa puso.
"WTF Jake! nasa Marcos Hiway tayo bat mo binuksan yang pinto ng sasakyan." Sigaw ko sa kasama ko na bigla nalang binuksan ang pinto habang nagmamaneho siya sa gitna ng hiway.
"Teka ayun yung kinakainan namin ni Ryan na bulaluhan, itigil mo dun bibili kita ng inumin." Utos ko.
"Ayoko! ayoko dyan!!" Sigaw niya sa akin pero nakaparada na kami sa bulaluhan.
Napailing nalang ako dahil Mr.Perfect is uncontrollable, showing his flaws and imperfections infront of me. This is an unforgettable night knowing this freaking side of him.
"Ohh inumin mo yan." Abot ko sa binili kong tubig para sa kanya. "San na tayo pupunta?"
"Uuwi na." Masungit niyang sagot.
"Saan? e ang lapit na kanina pauwi samin bat di mo dineretso dun?.."
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy na sa pag mamaneho. Kita ko ang pulang building na may logo ng babaing maputi ang mukha na mukhang nasobrahan sa chin chan su. Pumikit ako at hiniling na hindi naman sana at nakahinga ako ng maluwag ng makalampas kami sa makasalang pulang lugar na yun.
"San ba tayo dadaan? balak mo bang ubusin tong pinagasolina mo ha? baka makarating tayong Baguio pogi." Basag ko sa katahimikan.
Lumiko kami sa may mall na nadaan ng hiway at tinanong mo uli siya.
"Pogi ano ba kasing—
Nanlaki ang mata ko dahil ramdam ko kung paano kinaladkad ng kotse ni Jake lahat hg traffic cone sa may kalsada ng Mall.
"HOY!! TIGIL MO TO, SINAGASAAN MO YUNG TRAFFIC CONE." Hampas ko sa kanya.
"Huh? hindi kaya." Kunyaring walang alam niyang sagot.
Maya maya lang ay may nagpailaw na sa harap namin at sumenyas na tumigil kami.
Ako na ang nagbaba ng bintana at nagtanong sa guard kung bakit kami pinapatigil kahit alam ko ang totoo.
"Ma'am nasagasaan niyo po yung mga traffic cone baka pwede mahiram lisensya ng kasama niyo." Mahinahong pakiusap ng guard.
"Teka lang manong."
"Akin ng lisensya mo." Sabay hablot ko sa wallet niya. "Wag ka ng bumaba please lang." Inis na sa sabi ko kay Jake dahil alam ko na mapapaaway lang kami.
Nakayuko lang siya at iginalaw ang ulo niya bilang sagot sakin.
"Kuya pasensya na baka pwedeng bayaran nalang namin to tayo tayo lang naman nandito." Pacute kong sinabi sa mga guard.
"Ma'am kase ho kame ang sisitahin dito kailangan talaga ilagay sa reports yan." Paliwanag nila sa akin. Pero alam ko na pinapaikot lang nila ako para makahingi ng mas malaking halaga.
Biglang may umakbay sa likod ko at nakita ko si Jake na nakangiti at akala mo ay walang tama ng alcohol sa katawan.
"Boss sige na bayaran nalang namin, nagmamadali na kasi kame may susunduin pa. Pasensya niya medyo antok pa kasi ako hindi ko na nakita na may traffic cone, buti nga at nakita niyo e hindi talaga namin napansin pero tayo lang naman andito kunin niyo nalang tong one thousand tas tapos na tayo nagmamadi na kami." Maayos pero may halong pagkairita niyang sinabi.
Walang nagawa ang mga guard kung hindi tanggapin at isang libo at paalisin na kami ni Jake.
"San na tayo?" Baka pwede na akong umuwi three days na'kong walang tulog or kung hindi mo na talaga kaya baka pwedeng magpark ka kahit saan dyan kesa parehas tayong maaksidente." Pagkumbinsi ko kay Jake.
"Sige Madam baka pwedeng mamayang maliwanag na kita ihatid."
Nakarating kami sa Sumulong Hiway at pumasok sa isang Village na mukhang mga simpleng tao lang ang nakatira.
Ilang minuto pa ipinark niya ang sasakyan sa tapat ng hindi kalakihan na simbahan katabi ng mga apartment.
"Jake di kapa nagpo-propose kasalan na agad?" Biro ko sa kanya.
Ngiti lang ang isinagot niya sa akin, dahil mukhang pagod na talaga siya.
"Lord ayoko pang magpakasal." Natatawang pakiusap ko sa Dyos, dahil alam ko naman na malabo yun mangyari.