Paul's POV
Kuya Chianti messaged me, pumayag sila Tito na magdinner kami sa kanila.
Sinabihan ko nadin si Kuya Tope. Na-excite sya gusto nya kasi makilala ang mga kapatid ni Paris.
Mamaya na yung dinner na yun, nung sinabi ko nga kay Dad na kasama ko si Kuya Tope parang gusto nya rin daw sumama. Syempre di ako pumayag, baka magulat ang mga Salazars kapag sinama ko si Daddy, baka akalain nila mamamanhikan na kami. Advance pa naman magisip mga yun
Hindi pa alam ni Paris na okay na sa parents nya na ligawan ko sya, mamaya malalaman na nya, papakilala ko din si Kuya Tope as my cousin. For sure magugulat yun.
Paris' POV
Sinabihan ako ni Mommy na may bisita daw later, hindi nya sinabi kung sino, dito daw mag di-dinner. Sino naman kaya yun? Sila Ninang kaya yun?
Halos 2hours ding nag-prepare si Mom ng food, 7PM ng matapos sya.
After a few minutes, dumating na ang bisita narinig ko kasi yung kotse sa labas
Paris, pagbuksan mo sila ng pinto!
Okay, Mom!
Dali-dali kong binuksan ang pinto, pagbukas nagulat ako sa nakita ko, si Paul, hinatak ko kaagad sya palabas
Anong ginagawa mo dito? Hindi ko pa nasasabi kila Daddy na nanliligaw ka. Next time ka na lang dumalaw, may bisita pa naman kami ngayon. Umuwi ka na, please!
Love, teka lang pagsalitain mo muna ko
This is not the right time to explain, sige na umalis ka na, baka makita ka pa nila Dad!
Tinutulak ko na sya papasok ng car nya ng biglang may nagsalita
Let us in, Paris!
Nagulat ako ng makita ko si Nurse Tope.
Nurse Tope?! Ikaw ba yung bisita namin ngayon?
Lumapit sya samin at inakbayan si Paul
Kami! Kami ang bisita nyo!
Huh? Kayong dalawa? Teka! Magkakilala kayo?
Love, papasukin mo na muna kami please! Sa loob na kami magpapaliwanag okay?
Pagpasok namin sa bahay sinalubong agad si Paul nila Berlin at Currie.
Binuhat nya si Currie
You're back Kuya! Who's with you?
Sasagot palang sana sya ng biglang dumating si Dad at niyaya na sila sa dining area. Wala akong idea sa mga nangyayari kaya sumusunod lang ako sa mga kilos nila
Umupo si Paul sa tapat ko, si Nurse Tope naman sa tabi nya. Magkaibigan ba sila? Kelan pa?
Biglang nagsalita si Paul
Thank you po Tito and Tita sa pagpayag na bumisita kami ni Kuya Tope!
Wala yun, matagal na naming gustong ayain si Nurse Tope eh, kaya pumayag agad kami nung nalaman namin na kasama mo sya
Nagtataka na ko sa mga nangyayari, napansin yun ni Paul napangiti sya at nagsalita
Paris, Nurse Tope is my cousin. His Mom is my Dad's sister
What? Seryoso ba yan?
Yes, kahit ako nagulat din Paris. Ang liit ng mundo noh? Sagot ni Nurse Tope
Hindi ako makapaniwala sa mga nairinig ko. Grabe lang yung coincidence ng lahat
Biglang nagsalita si Mom
Let's eat first, lalamig na yung food. Teka, bakit may kulang? Where's Icy?
Tinawag ko na sya Mom kaso sabi nya hindi daw sya gutom . Sagot ni Tokyo
Tawagin mo na ulit, Tokyo kanina pa yun nasa room nya
Patayo na sana si Tokyo nang biglang may nagsalita
I'm here!
Kuya Icy, akala ko ayaw mo mag dinner? tanong ni Berlin
Nagutom ako bigla, tsaka I want to meet Nurse Tope
Kumaway naman si Nurse Tope kay Icy
Hi Icy, I'm nurse Tope!
Lumapit si Icy at kinamayan siya
Nice meeting you! Thank you for saving my ate!
Wala yun. Ikaw pala si Icy!
Why?
Wala naman, kumain ka na!
Thank you!
Umupo sya sa tabi ko nasa tapat sya ngayon ni Nurse Tope
Nagsimula na kaming kumain, marami kaming napagkwentuhan habang kumakain, si Icy tahamik lang.
Gusto ko sanang tanungin sila Dad kung okay na ba si Paul sa kanila kaso mamaya na lang andito kasi yung mga iba kong kapatid.
Yung mga younger siblings ko wala silang alam sa mga nangyari noon, baka magtaka sila kapag nagtanong ako about dun
After dinner, umakyat na ang mga kapatid ko sa rooms nila.
Kami naman naiwan sa sala
Gusto nyo bang mag-tea?
Alok ni Mom kila Paul, pumayag naman sila kaya nag prepare si Mom ng tea for us
Biglang nagsalita si Dad
Thank you for visiting us Tope and Paul
Thank you rin po, Tito ang sarap po ng food!
Nagulat ako nung sinabi ni Chianti na magpinsan kayo ni Paul. Paulit-ulit na kami pero salamat talaga sa pagligtas sa anak ko!
Paulit-ulit ko din pong sasabihin na wala po yun.
After a few minutes, dumating narin si Mom at kuya Chianti dala ang tea
Nang makaupo na kaming lahat, tinanong ko na sila Dad
Mom, Dad, Kuya, okay na ba si Paul na dumalaw dito?
Oo, anak. While you're in LA, kinausap nya kami na liligawan ka daw nya, hindi kami pumayag at first, pero pinayagan narin namin sya, we will leave it all to you anak, ikaw na ang mag decide dito kay Paul
Napatingin ako kay Paul
Ginawa mo yun? Humingi ka ng consent from them?
Oo, at nag sorry din. Di pa talaga nila ako napapatawad pero ginagawa ko lahat para makabawi hindi lang sayo pati sa family mo
Nilakad pa sya ng pinsan nya samin singit ni kuya Chianti
Haha baka lang naman kasi makalusot yung apila ko natatawang sabi ni Nurse Tope
May point naman talaga yung sinabi mo, nakatulong din sa decision namin
Paris, anak! Kung kami ang tatanungin just do what makes you happy, andito lang kami para sumuporta. You're old enough para pakealaman pa namin yung decisions mo lalo na when it comes to your love life. for sure marami kang natutunan sa mga nagyari at alam mo na kung ano ang mas tama na gawin ngayon
You're Mom is right, anak! Alam ko na sinabi ko noon na di na ako payag kay Paul, pero hindi ko naman hawak ang mga mangyayari, ayoko syang pag bawalan ng dahil lang galit ako sa kanya, mas gusto ko na na ikaw na lang ang mag decide
Thank you Mom and Dad! Tatandaan ko po ang mga sinabi nyo sakin ngayon tsaka yung mga advices nyo dati. Thank you kasi napaka-supportive nyo sakin!
After ilang minutes ng another kwentuhan, umakyat na sila Mom pati si Kuya.
Di narin kami magtatagal Paris ah! Salamat!
Teka, Nurse Tope may itatanong lang ako
Ano yun?
Curious lang ako, pano mo ko niligtas? Sabi kasi nung Doctor ang galing daw nung ginawa mo kasi stable daw akong dinala sa hospital
Napakamot sya sa ulo at napatingin kay Paul
Huh? Ayun, ginawa ko lang talaga lahat para i-save ka!Ang totoo kasi nyan...
Biglang nag salita si Paul
Love, ang kumplikado kasi kapag kinwento pa nya, ang mahalaga Love nakaligtas ka at buhay ka ngayon diba?
Oo, Paris. Komplikado nga!
Okay, sige! Salamat talaga Nurse Tope sa pag save sakin ah! Kapag nakikita kita naalala ko yung gabi na yun, di ako makapaniwala na naka-survive ako and it's all because of you
Ako din, kapag nakikita kita naaalala ko din yun gabi na yun....
Sumingit si Paul
Talaga ba Kuya?
Haha oo, akala ko kasi hindi na magigising si Paris nun, pero look at her now, parang walang nangyari, diba Paris?
I'm super fine now Nurse Tope!
Mabuti naman, Kuya na lang, wag na nurse!
Okay, kuya Tope!
Love, aalis na kami ah! Masyado nang nagiging madaldal 'tong Kuya ko eh!
Sige Paris, alis na kami ah
Hinatid ko sila hanggang sa gate