✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

56.9K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

VIGINTI SEPTEM

723 77 19
By NoxVociferans

Sa psychology, may tinatawag tayong "Hard-to-Reach Effect".

Sinasabi dito na natural sa ating mga tao na mas maging attracted sa mga bagay o mga taong "mahirap abutin". The more "high standard" something or someone is, the more desirable it tends to be for us---whether we are conscious about this or not.

Kaya siguro nagustuhan ko si Pamela.

Mula noong elementary kami, parang ang hirap-hirap na niyang abutin. Pamela Lavista is the kind of girl who would automatically be the center of attention. Maganda, mabait, mapagpakumbaba, matalino, at maganda. Oo, doble talaga ang "maganda". Hindi na nakakapagtakang siya palagi ang nagiging "muse" tuwing may election of officers sa klase namin. Sinubukan ko rin naman i-nominate noon ang sarili ko bilang "escort" para sana lagi kaming magka-partner ni Pam sa mga school pageants, pero palagi talaga akong natatalo.

Anyway, I've always been admiring her from afar (creepy, I know).

At sa mangilan-ngilang pagkakataon, naiisip ko na lang: may posibilidad ba talagang magustuhan ako ni Pamela?

"I-I rejected Keifer's affection because I like you, Rein Aristello."

Parang naglo-loading pa rin sa utak ko ang sinabi niya kanina. Ayaw nitong iproseso ang katotohanang may gusto rin sa'kin ang babaeng matagal ko nang hinahangaan.

Lalong ayaw iproseso ng utak ko ang katotohanang hinahalikan ko na siya.

'Kung nananaginip lang pala ako, sasapakin ko talaga ang sinumang gigising sa'kin.'

Para akong nakainom ng sampung bote ng beer. Ganito pala ang pakiramdam na malasing ka sa mga halik ni Pamela. Her soft lips felt like cotton against mine. Pamela wrapped her hands around my neck and deepened the kiss. Akmang hihilain na niya sana ako pahiga sa kama nang biglang lumitaw sa utak ko ang galit na mukha ni Lady Medusa.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang maalala ko kung nasaan kami at kung kaninong kama ang kamuntikan na naming mabinyagan.

'Shit!'

Bigla akong napaatras at lumayo kay Pamela.

Kumunot naman ang noo niya sa naging reaksyon ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama at pinasadahan ng kamay ang buhok ko. 'Mabuti na lang talaga at nakapagpigil ako! Damn it, Rein. You'll get yourself killed by turning your boss' bed into a love-making venue,' napalunok ako at mabilis na umiwas kay Pamela. Delikado na.

"U-Um.." I cleared my throat. Hindi ako makatingin sa kanya at paniguradong namumula pa rin ang mga tainga ko sa kahihiyan, "Ihatid na kaya kita sa inyo? B-Baka hinahanap ka na ng pamilya mo."

Nang hindi umimik si Pamela, napalingon ako sa kanya. She had this cute worried look on her angelic face when she asked, "Rein, anong problema? A-Ayaw mo ba sa'kin?"

Kamuntikan na akong humagalpak nang tawa. 'Is she seriously asking me if I don't want her?' Marunong din palang magbiro si Pamela.

Para na rin niyang tinanong kung ayaw ko ba ng oxygen.

Akmang sasagutin ko na sana ang tanong niya nang bigla akong nakarinig ng tunog ng mga ahas.

I spun around and tried to locate the noise. Kinakabahan kong sinilip ang ilalim ng kama ni Medusa para tingnan kung naroon ba ang sawa, pero nadismaya ako nang makitang wala ito roon.

'Why the hell am I hearing hissing snakes?'

*

Medusa's expensive heels clicked on the cemented floor as she pushed open the doors of the warehouse. Walang-gana niyang nilapitan sina Caprissa at Markus na natigil sa paglalaro ng chess.

"Lady Medusaaa! Ang ganda-ganda mo po tala---"

"Caprissa, save the compliments for later. Mamaya mo na ako bolahin." Bumaling siya sa tamad niyang tauhan. "Markus, kuhanan mo ako ng wine."

"Ngayon na po?"

"Oo, ngayon na."

Markus yawned and rubbed his eyes. Nakasuot pa rin ito ng kulay itim na My Chemical Romance t-shirt at ripped jeans. Bahagya pang kumalat ang itim niyang maskara bago siya yumukod sa kanyang amo, "One bottle of red wine, coming right awa--"

"Dalawa."

"Huh?"

Ngumisi si Medusa at inangat ang kamay para iwagayway ang dalawang daliri sa harapan ng kanyang empleyado. "Two glasses of wine. Hurry up or else I'll turn your lazy ass to stone!"

"O-Opo, Lady Medusa!"

At mabilis na tumakbo papalayo si Markus. 'Lazy idiot. Sana bilisan niya!' the woman's attention turned back to the twelve-year-old genius. "Pakikuha si Barney. Malamang tumatambay na naman 'yon sa basurahan sa labas. Isunod mo siya sa'kin. It would be a shame if she can't meet our guest, wouldn't it?"

The evil glint in Medusa's eyes was enough to give Caprissa a hint.

Ngumiti ang bata at mabilis na tumango. "Yes, Lady Medusa!" At mabilis na niyang sinundo ang sawa sa basurahang nasa labas ng kanilang warehouse. Malamang may nilalamon na namang manok ang sawa na 'yon. Hindi na nga magugulat si Medusa kung tao pala ang kinakain ngayon ng kanyang "munting" alaga.

'Sana may laman pa ang tiyan niya para kumain ng isa pang pangit na mortal.'

Medusa smirked deviously.

Ilang sandali pa, dumating si Markus na dala-dala ang pinakuha niyang wine. The lazy emo eyed her suspiciously. "Mukhang may pinaplano kang hindi maganda, Lady Medusa. I assume your personal assistant has something to do about this?"

"Watch and learn, Markus. Watch and learn."

Nang dumating si Caprissa dala-dala si Barney, agad nang sinimulan ni Medusa ang paglalakad papunta sa kanyang kwarto. She calmly sipped wine from one glass, and narrowed her eyes when she saw the two mortals inside her room.

'This is the reason why I hate humans. Masyadong marurupok.'

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ginawang normal na buhok ang mga ahas niya sa ulo. Her straight green hair fell neatly over her shoulders. Ngumisi si Medusa at nilapitan sila nang walang pasabi.

"Tapos na ba kayong maglandian?"

"Me---I mean, L-Lady Medusa."

Poor Aristello. Looking all too guilty. She smirked deviously...

"Who's the better kisser, Rein?"

Nanlaki ang mga mata ni Rein Aristello sa tanong niya. Kinakabahan itong nag-iwas ng tingin at mahinang napamura. Medusa laughed like an antagonist and glanced at Pamela. The poor girl is so damn confused! Akala ba niya makakalabas siya ng silid na 'to nang hindi nakakatikim ng pamamahiya ni Medusa?

'Stupid simple mortal.'

"Wait.. y-you two kissed?" Pamela stuttered.

"Oh? Nakalimutan bang sabihin sa'yo ni Rein na hinalikan niya rin ako? Such a  shame. Kung alam ko lang na mas masayang halikan siya sa kama, sana hindi namin sa banyo ginawa."

'Oops. Did I just turn on my bitch mode?' Medusa mentally praised herself.

Lumapit si Medusa sa babae at sinamaan siya ng tingin. Agad niyang nakita ang sakit sa mga mata ni Pamela. Kalaunan, huminga ito nang malalim at pilit itinago ang emosyon."S-Sino ka po ba?"

"Are you seriously asking me that?"

"...."

Walang-gana namang nagkibit ng balikat si Medusa, "Ako ang boss niya. I bought his loyalty for ₱250. Isn't that right, darling?"

Pero nang lingunin niya si Rein, nakita niyang naiirita na rin ito sa ginagawa ni Medusa.

"Stop this, Lady Medusa."

"Stop what? Wala akong ginagawa, Aristello."

"Pinapahiya mo si Pamela!"

"Don't care. Mukha naman siyang walang-hiya dahil siya pa talaga ang nag-first move sa'yo. Tsk! Such a slut."

Nakakuyom na ang mga kamao ni Rein na para bang pinipigilan na lang ang galit. Ngunit imbes na tumigil, lalong ginanahang panindigan ni Medusa ang kanyang pagiging "halimaw". Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kawawang si Pamela.

"Mukhang maraming hindi sinasabi sa'yo ang empleyado ko. Sigurado ka bang gusto ka rin niya? Masakit umasa."

"I-I..."

"Get out. Masakit ka sa mata."

Napasimangot ang dalaga at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo nito sa kanyang mamahaling kama na malamang mas mahal pa kaysa sa pagmamahal ni Rein sa dalagang 'to. But instead of getting out of her room, Pamela even held Rein's hand!

Napairap na lang si Medusa.

"How shitty dramatic!"

Ilang sandali pa, ngumiti nang matamis si Pamela. That angelic smile that can charm any creature. Bored, Medusa took a sip of her wine again.

"Hindi ka dapat nakikialam sa anumang namamagitan sa'min ni Rein. Yes, you are his boss, pero wala kang karapatang pakialaman ang love life ng mga empleyado mo. I don't like your attitude, miss."

"O, tapos?"

"Maraming salamat pala sa---"

SPLASH!

At parang sa mga telenobelang napapanood ng mga mortal, walang emosyong itinapon ni Medusa ang laman ng kanyang wineglass sa dalaga. Cold wine dripped on Pamela's face and clothes. Ngumisi naman si Medusa sa kaawa-awang kalagayan ng dalaga.

"Oops."

Tumalim bigla ang mga mata ng kanyang personal asssistant. And for the first time ever, Medusa can see pure anger in Rein's expression.

"Anong problema mo, Aristello?"

"WHAT THE FUCK WAS THA---?!"

SPLASH!

Kalmadong inilapag ni Medusa ang dalawang walang lamang wineglass sa kanyang nightstand at naupo sa gilid ng kanyang kama. She sat cross-legged and laughed at the two humans. Pareho silang naliligo sa mamahaling alak. The liquor drenched their clothes very well.

"There. Couple shirt? Oh, no! I call it a couple shit."

Akmang sasagot na sana si Pamela nang biglang nagbagong-anyo ang buhok ni Medusa. The snakes hissed at her. Bahagyang napaatras si Pam at kumapit sa braso ni Rein.

"This is crazy, Medusa! You really are a monster.."

"Didn't I tell you to call me 'Lady Medusa'?"

"Didn't I tell you that you might have my loyalty, but never my respect?"

Medusa's snakes hissed at him. Huminga nang mlalim si Medusa at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili, dahil baka gawin na niyang bato ang sarili niyang PA. Instead, she snapped her fingers and emotionless called.

"Caprissa, ibaba mo na si Barney."

"Okie dokie, Lady Medusa!" Masiglang pagsaludo pa sa kanya ni Caprissa bago ibinaba ang ahas na nakapulupot sa kanyang leeg.

"Hissss.."

Just then, the giant snake came slithering across the floor--towards a terrified Pamela.

"AAAAAH!"

Sa huli, nagsisisigaw na tumakbo papalabas ng silid ang crush ni Rein Aristello. Medusa laughed like an evil witch and picked up her pet. Bumaling siya kay Rein na para bang hindi pa rin makapaniwala sa mga ginagawa niya. Medusa checked her fingernails again and spoke without even glancing at him.

"Wag mong abusuhin ang kabaitan ko, Aristello. Hindi porke't pinayagan kitang dalhin dito ang babaeng 'yon, may karapatan ka na ring gawing motel ang kwarto ko. Tsk!"

"Tinakot mo siya!"

"Kasalanan ko ba kung duwag siya?"

Sinamaan siya ng tingin ni Rein. "Minsan, iniisip ko kung gumagana pa ba 'yang puso mo. O baka naman wala ka na talagang puso? Well, I wouldn't be surprised if your heart literally turned into stone just like the mortals you've killed before!"

Nararamdaman ni Medusa na unti-unti na siyang nauubusan ng pasensya sa lalaking 'to. How dare he disrespect her like this? Kung ang mga diyos nga lumuluhod sa harapan ni Medusa! Inis na tumayo si Medusa at naglakad papalapit kay Rein. Her sharp brown eyes glared daggers at him as her snakes hissed venomously.

"Say that again, Aristello."

Pagak na natawa si Rein. "Ang ano? Na wala kang puso? Wag mo sabihing nasasaktan ka. Ang alam ko kasi, wala namang karapatang masaktan ang mga halimaw na kagaya mo, Medusa."

"T- Tumahimik ka na."

"You're heartless.. That's the reason why I will always choose Pamela."

Lalong dumilim ang aura ng halimaw, at alam niyang senyales ito na may mangyayaring hindi maganda. Or worse---she'll lose control of herself again.

'No... No, I-I can't lose control.'

Huli na.

Maya-maya pa, bigla na lang nanigas ang katawan ng binata.

'A-Anong nangyayari sa'kin?!'

Rein's eyes shot wide in confusion when he felt his legs slowly turning numb. Lalo lang siyang nataranta nang makitang nagiging bato na ang kanyang mga paa at binti. Sinubukan niyang umiwas sa matatalim na mga mata ni Medusa, pero para bang hinihipnotismo siya ng mga ito. And in that moment, he felt like he was staring into her soul...

Her tired and lonely soul.

Those melancholic eyes will be the last thing he'll gaze at because Rein Aristello soon realized that she was turning him into stone.

---

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
39.2K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
571K 16.9K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...