THiS GiRL (Book 1, This Girl...

By JanelleVhie98

25.7K 3.2K 4K

Meet Jaeger Araneta isang bad boy and asshole extraordinaire. Jaeger has it all-looks, heir to a wealthy and... More

Prologue
The Adventure Begins
Hindi Interesado
Pabibo
Under
What A Day
Join The Club
Libre lait
Palag
Huwag kang makulit!
Selos Ka?
Show Time
Iyak
Bad Boy
Patay Gutom
Sapak
Pakiusap
Huwag Ka Nang Umiyak
Fuck Boy Alert 101
As You Said
Disguise
Gago Is Real
Muntikan Na
Together Again
Wala Sa Ayos
Bagsak Sa Standard
Buraot
Bawal Ka Dito
Duda
Nag-uumapaw
Wag Mo Hamunin
Partner In Crime
Bakit?
Pride
Pabor
Dinner Date
Fake News
Judgemental
Busted
Just Stop
Kapal Mo
Palayain
Birthday Bash
Attention Sucker
Tikiman Time
Kaba
Naked Truth
Share
This Girl
First Dance
Gaya Gaya Ka
Sweet Thought
Damn You
Hatid Sundo
Jealousy Or Envy?
How Dare You
Truce Na This?
Give or Take
Ano Daw?
Duwag
Pagkalito
So Many Layers
Unexpected Details
Uncertainty
Selfless
Curiousity
Self-Control
Confused
Complicated
Affected Much
Information
Rough Confrontation
Conflict
Intension
Clueless
To The Rescue
Instinct
Declaration
Sumbat
Hurt
He's Smitten
This Boy Confessed
Shady Situation
Secret Revealed
More Revelation
Face Your Fears
Real Feelings
Dangerous Mind
Seeing Red
Scattered Truth
Beggining Of The End

Master Of Trickery

234 26 33
By JanelleVhie98


ZEYN'S POV

NILAPITAN ko si Reid. Nagkataon din kasi na malapit na ang first period namin kaya kailangan ko na din pumasok sa room.

"Sorry about what happened yesterday sa event ni Tita." Nakangiting salubong niya nung makalapit ako sa kinatatayuan niya. "For you." Inabot niya sa akin ang kumpol ng bulaklak. Alanganin ko namang tinanggap yun. "I tried to ring you kanina but I couldn't reach you."

Si Totoy Bibo. Kaya pala siya napapamura kanina dahil pinagkakansel niya ang mga tawag ni Reid.

Nilingon ko si Totoy Bibo sa kinatatayuan niya kanina pero wala na siya doon.

"Sino bang hinahanap mo?" takang tanong ni Reid at napalinga sa paligid.

"Yung pinsan mo, sabay kasi kaming umakyat dito sa taas."

Agad nangunot ang kanyang noo. "Inaway ka ba?"

"Hindi," agap ko agad.

"Whera are the hair clips? Hindi mo na naman suot," himig nagtatampo niyang sinabi.

"Kailangan ba talaga na lagi ko suot yun?" sarkastikong tanong ko.

"Of course, para naman mas lalo kang gumanda oh aking prinsesa," pakanta niyang sinabi at tinapik ako sa ilong. "Amin na, isusuot ko sa buhok mo." Inilahad niya ang palad sa harapan ko. Kinuha ko naman ang hairclip sa bulsa ng aking bag.

"Ako na maglalagay," presenta ko.

"Ako na." Inagaw niya pa ang mga hairclips mula sa kamay ko.

"Sabay tayo maglunch button," sabi niya habang ikinakabit ang hair clip sa buhok ko.

"Uhm... D'vour tayo mamaya," tangong sabi ko.

Nagpaalam din siya dahil tumunog na ang bell para sa first period namin. Pagkapasok ko sa room. Naabutan kong nag uusap ang tatlo. Napako agad ang mga tingin nila sa akin.

"Nice bouquet Zeyn," nakangiting puna ni Rishy.
Tinanguan ko naman siya at agad akong nagtungo sa upuan ko.

"Hi Zeyn," nag aalangang bati ni Tessa, bahagya niya akong kinawayan. Pilit ko naman siyang nginitian.

Naupo ako sa upuan at agad tumanaw sa labas ng bintana.

"Nakakaloka talaga yong mommy mo Tess, ang tapang pala niya. But infairness to you Zeyn, napahiya mo siya. Sorry Tess, but I go with Zeyn this time," may himig ng pagtataray na sabi ni Summer. Napasiring pa ang mga mata sa kisame nung sulyapan ko.

"Can you imagine?" ani ni Rishy. "Ang yaman mo pala Zeyn, yung simpleng cake holder lang na yun. It's worth a lot of fortune."

Hindi ko sila inimikan, itinuon ko ang tingin sa blackboard na nasa harapan at tumitig doon.

"Nakalimutan pala namain sabihin sa'yo na sumugod si Maia dito sa room natin last friday," balita ni Tessa. "May kasama siyang isang babae."

Tinanguan ko lang siya. Dahil ayaw ko pag usapan ang mga bagay na yun at lalo na ang taong kasama ni Maia.

Agad naman natapos ang magkasunod na dalawang subjects.

*HISTORY SUBJECT

"Kayong mga kabataan, gusto ko lang ipaalala sa inyo," panimula ni sir. "Ang daming mga memes ako na nakikita patungkol sa mga bayani ng ating bansa sa social media. Ginagawa ninyong katatawanan ang mga bayani natin. Alam niyo ba na sobrang laki ng naiambag nila sa larangan ng ating kasaysayan, class? Kaya wag niyo balewalain ang mga naging paghihirap at sakripisyo nila. Para lang makalaya tayo sa kamay ng mga mapang api at mapang abuso na mga dayuhan. Tapos ngayong henerasyon niyo ginawa niyo lang silang katatawanan," panenermon niya pa.

Naghikab ako, medyo naboboryo na naman kasi ako. Kinuha ko ang notebook mula sa aking bag, gusto kong mag doodle habang nakikinig sa diskasyon ni sir upang hindi ako antukin.

Paghugot ko ng notebook mula sa bag may nalaglagan doon na kapiraso ng papel, dinampot ko yun at binuklat. May nakaipit pang tatlong talulot ng bulalak, at nakasulat na. "I REALLY LIKE YOU 🖤 TJ."

Pareho ang sulat kamay sa mga naunang I like you na nabasa ko; sa notebook ko at sa aking skateboard.

"Sa wakas may initial na talaga," pabulong na sabi ko. Agad akong napaisip.

May kilala akong JT pero wala akong kilalang TJ.

Matapos ang history subject namin. Umakyat ako agad sa taas upang puntahan si Totoy Bibo. Gusto kong itanong sa kanya kung siya ba ang nagsusulat ng I like you na ito. Naiinis na ako sa kanya. Ginagawa niya akong inutil at tanga.

Kung may gusto siya sa akin bakit kailangan pa idaan ako sa mga pagani ganito?

Hindi ka naman sigurado kung si Totoy Bibo nga ba ang nagsusulat niyan. Sabi ng isip ko.

"Itatanong ko lang naman," pabulong na sambit ko sa aking sarili. Pati sarili ko kinakausap ko na.

"Di ba yan yung babaeng nagbebenta ng balut sa fb?"

"Siya nga yun."

"Vendor pala siya ng balut, paano kaya siyang nakapasok sa school natin."

Bulungan pa ng ibang mga estudyante na nadadaanan ko. Hindi ko na sila pinansin pa. Hanggang hindi nila ako sinasaktan ng pisikalan wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Nakakapagod din kasi silang patulan. Dahil nakakaubos lang ng laway.

Umakyat ako sa floor nila Totoy Bibo. Laking gulat ko nung mamataan ko sa hallway si Luna. Mukha siyang tanga sa ginagawa niyang pag iikot ikot sa hallway.

"Ano bang ginawa mo dito sa labas Luna?" tanong ko nung makalapit ako sa kanya.

Nag angat siya ng tingin at napanguso. "Pinagduck walk at pinag pumping ako nung kupal na teacher namin sa Geography."

"Bakit?" takang tanong ko.

"Binato ko ng blackboard eraser si Brannie at yun ang eksenang naabutan niya. Ang ending ako ang may kasalanan," paliwanag niya. "Pikang pika na ako sa lalaking yun."

"Ano bang ginawa sa'yo?"

"Ipinagsigawan niya sa buong klase na tatay ko daw si Asiong Salonga at tiyuhin ko daw si Nardong Putik. King ina, mga gangster pa talaga ng Pilipinas ang napagtripan niya. Pinagtawanan at pinagtripan tuloy ako ng mga kaklase namin," mahabang kwento niya. Napailing na lang ako sa mga narinig ko.

Biglang may umingit at bumukas na pintuan ng isang classroom. Lumabas mula doon ang isang matangkad na lalaki, nakahawak sa strap ng backpack ang isang kamay at nakahawak naman ang isang kamay sa cellphone na nasa tainga niya habang nakayuko.

Si Totoy Bibo.
Panigurado nag away na naman siguro sila ni Afable kaya siya lumabas.

Nag angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. "Dinalaw kita sa hospital kanina at dinalhan kita ng bulalak dahil gusto kita makita kahit pa tulog ka." Nakatitig siya sa akin habang sinasabi yun sa kausap niya sa cellphone. "Besides, gusto ko din makipagbalikan sa'yo Maia." Pinagkadiinan pa ang salitang Maia habang hindi pa din inaalis ang malamig na tingin sa akin.

May bahagi sa kalooban ang bigla na lang nainis sa narinig kong yun. Tinapos niya din ang tawag, isinilid sa bulsa ng pants ang kanyang cellphone at nagtuloy siya sa paghakbang.

"Jaeger," tawag ko sa pangalan niya nung matapat siya sa kinatatayuan ko. Huminto naman siya sa paghakbang pero hindi niya ako tinignan. Nakatayo lang siya sa tabi ko habang nakapamulsa. "Ikaw ba ang nagsulat nito?" Binuklat ko ang piraso ng papel at ipinakita yun sa kanya.

Sinulyapan niya ang papel na hawak ko. "You're not my type. Kaya wag kang mag assume."

Medyo napahiya ako doon sa sinabi niya. Kanina lang gusto akong idate tapos ngayon hindi na naman type. Paiba iba ng prinsipyo at isip ng taong ito.

Tinalo niya pa ang may bipolar disorder.

"Ayos lang Jaeger, hindi din naman katulad mo ang mga type ni Zeyn," nang aasar na saad ni Luna. "Pero hinihiling ko sana isang araw magkahimala at ma-realize niya na ikaw na pala yung type niya." Sabay ngisi sa akin. Napahugot ako ng malalim na hininga sa pagpipigil.

"I'm everyone's type!" sobrang taas ng confident na singhal ni Totoy Bibo. Namilog naman ang bibig ni Luna sa narinig.

Paiba iba siya ng prinsipyo pero nananatili pa din talaga ang kayabangan niya.

Nilinga niya ako at tinapunan ng nagyeyelong tingin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko sa paraan ng pagtitig niya. Tumalikod siya at iniwan kami.
May kung anong lungkot akong naramdaman dahil sa pambabaliwala niyang yun. Napailing ako sa sarili. Parang nasanay na kasi ako na lagi niya akong kinukulit tapos bigla na lang siyang naging ganito ngayon.

Nilapitan ako agad ni Luna at hinawakan sa balikat ko. "Nag away ba kayo nun? Ayos naman kayo kahapon ah? Ayaw mo ba nun Bobo, siya na mismo ang naglalapit ng sarili niya sayo? Maswerte ka nga, dahil hindi kana mahihirapan pa sa deal niyo ni Kuya Kalvien kapag nagkataon at matutuwa pa siya sa'yo."

Paano na lang kaya kapag nalaman nila na pinalalayo ko si Totoy Bibo sa akin, imbes na palapitin?

"Pwede ba, wag mo na ipaalala sa akin ang deal namin ng tatay ko, pareho lang kayo ni Frankie," sabi ko habang nakatitig sa likod ng papalayong si Totoy Bibo.

Napanguso siya at napayuko. "Gusto ko lang naman makatulong. Hustisya ang nakasalalay dito Bobo. Kapag nabigo ka, sayang lang ang mga pinaghirapan mo."

"Hindi ko naman kasi yun inaway." Pag iiba ko sa usapan. Hindi kasi ito ang tamang oras para pag usapan ang isang pribadong usapin.

"Kanina pa kasi yun bad trip sa klase, hinamon ng sapakan si Reid nung palabas ako ng room." Napatda ako sa narinig. "Tapos sinagot sagot pa ang mga teacher namin na para bang ka level niya lang."

"Baka may topak lang," pagdadahilan ko.

Alam ko kasi ang dahilan, hindi man ako sigurado. Pero alam kong nagalit siya kanina dahil sa ginawa kung pagsalungat sa gusto niyang mangyari. Na mas pinili kong lapitan si Reid kesa manatili sa tabi niya.

Wala akong nagawa kundi bumalik na lang sa room.
Matapos ang last period namin na pang umaga. Pinauna ko na sila bumaba, sabay kasi pupunta sa D'vour at sasakyan ni Reid ang gagamitin namin.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko. Bigla kong narinig ang pagclick ng pintuan. Indikasyon na sinara yun. Nag angat ako ng tingin at si Maia ang aking nakita. Ang putla ng itsura niya, mukhang hindi nakapag make up. Pati buhok niya ang gulo, mukhang kakagising lang ata. Kami na lang din dalawa ang natira sa loob ng room.

"Ano palalayuin mo na naman ako sa boyfriend mo? Sinasabi ko sa'yo, wala akong gagawing hakbang dahil siya ang lapit ng lapit sa akin," kalmadong turan ko.

"Hindi ko na gagawin yun dahil kami na ulit ni Jaeger. Salamat na lang at hindi siya naakit sa'yo." Inarkuhan niya ako ng isang kilay. "Sayang, sana nandito si Trin, para may kasama akong awayin ka." Lihis niya sa usapan namin.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko at napalunok ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Nilapitan niya ako at agad napako ang kanyang tingin sa suot kong hair clip.

"Nice, magkapareho pa talaga kayo ni Cass ng hair clips. I'm pretty sure bigay yan ni Reid sa'yo," pagpapatuloy niya.

Natigilan ako sa sinabi niya at nanatiling nakapokus ang buong paningin ko sa kanya.

Suminghot siya at naghalukipkip. "I doubt, na  kaya ka lang nagustuhan ni Reid ay dahil may pagkakapareho ka kay Cass pati sa pananamit parehas kayo."

Kaya ba ganoon ako tratuhin ni Reid dahil lang sa may pagkakapareha kami ng ex girlfriend niya?

Hindi naman ako nasaktan, nadismaya nga lang ako sa kabila ng lahat. Isa lang pala akong pamalit.
Kahit hindi ko siya ganoon kagusto. Pero natutuwa kasi ako sa mga ipinaparamdam niya sa akin na mahalaga at special ako para sa kanya. Sobrang nakakapanibago yun sa pakiramdam ko.

"Masakit ba malaman ang katotohanan?"

"pa-SHOL k CHOR-tu Maia! (Go to hell Maia!)" gigil na mura ko sa kanya at tinalikuran siya.

"What chor chor?! We're not done yet!" sigaw niya at agad na pintaid ako sa paa. "Sa susunod wag mo na aakitin yong boyfriend ko kasi hindi ka naman nun papatulan. Pang beauty queen lang siya hindi pangmasa!" pang iinusulto niya. "Pati si Reid layuan mo siya."

Hinarap ko siya at pinatid din sa paa, napaigik pa siya. "Ang sarap gawing torta niyang utak mo. Akala ko ba sumasali ka sa beauty pageant, huh?" Sarkastiko ko siyang tinawanan. "Di ba beauty and brain ang labanan doon? Kung beauty ang pagbabasehan may laban ka naman pero pagdating sa utak, bagsak ka agad sa criteria..." Bigla akong tumigil sa pagsasalita at nagkunwaring nag iisip. "Umm, alam ko na, malakas ang kapit mo sa management."

"Walang hiya ka ang kapal ng mukha mong husgahan ako!" Itinulak niya ako sa balikat.

"Kahusga husga ka naman kasi Maia girl." Gumanti din ako ng tulak sa kanya at nilakasan ko yun kaya tumimbuwag siya sa mga desk na naroon.

"Wala kang alam sa pagkatao ko!"

"Wala ba?" Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. "Sige bibigyan kita ng sample. Si Arfran Norham Guh ang daddy mo di ba? May legal na asawa sa Malaysia at dalawang anak na lalaki." Nakita ko siyang na tense sa sinabi ko habang masama ang tingin sa akin. "Kumabit ang nanay mo sa kanya, nabuntis at ikaw ang naging bunga. Si Arfran ay isang business mugol sa Malaysia, na kasalukuyang nababaon sa utang at nalulugi na ang negosyo ngayon. Dahil gusto ng madaliang kita at hindi muna nag iisip. Nag invest ng malaking halaga sa isang pinakamalaking petroleum company sa Saudi. Ayon nag karoon ng crisis sa Saudi at nauwi sa pagkalugi. Ngayon mo sabihin sa akin na wala akong alam sa pagkatao mo." Hamon ko sa kanya. Hindi siya nakaimik. "Dahil kaya kong isa isahin ang bawat detalye ng buhay at pagkatao mo Maia. Kung gusto mo lang naman," pahayag ko.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo!" galit na aniya.

Nagkibit balikat ako. "Sabihin na natin na nagkausap kami ng daddy mo sa videocall Maia. Busy kasi ang tatay ko ngayon kaya ako ang inatasan niya na kumausap sa daddy mo. Nangungutang siya ng pera sa kompanya ng tatay ko pero hindi ako pumayag." Nginisihan ko siya. "Alam mo kung bakit? Duwag masyado yong tatay mo, mangungutang na lang ng pera idadaan pa kami sa videocall. Hindi niya kami kayang harapin." Napanganga siya at namutla pa lalo sa mga sinabi ko. Para siyang nakakita ng multo.

"Napakayabang mo!" Itinulak niya ako ng malakas, medyo nawalan ako balanse pero nakabawi din agad.

"Kailan pa naging kayabangan ang pagsasabi ng totoo, Maia girl?" Itinulak ko din siya ng malakas kaya tumimbuwag na talaga siya sa sahig na semento. Napabukaka pa, sakto namang naka dress lang siya kaya kita pati kaluluwa niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kwelyuhan ng dress niya. Dinakma ko naman ng isang kamay ang magkabilaan niyang pisngi at inipit yun sa mga darili ko. "Ang lakas ng loob mong sugurin ako dito sa classroom ko. Sa tingin mo ba aatrasan kita? Sanay na sanay ako sa gulo dahil lumaki ako sa gulo at mamatay ako sa gulo Maia." Tinampal ko siya ng bahagya sa pisngi niya. "Ano huh? Pumalag ka, lumaban ka. Ito gusto mo di ba? Pagbibigyan kita," hamon ko sa kanya. 

Pilit siyang nagpupumiglas upang labanan ako. Pero hindi ako nagpatinang dahil wala siya sa kalingkingan ng lakas ko.

🧐🧐🧐🧐🧐🧐

JAEGER'S POV

HINDI ako umattend ng last two subjects ng 4th Geography at Math. Muntikan ko na kasi suntukin ang pagmumukha ni Reid. Kung hindi lang dumating ang Geography teacher namin. Kaya lumabas ako, wala din naman akong interes na makinig sa mga lecture niya.

Tumambay ako sa rampa, naupo sa semento at nagyosi buong dalawang oras. My pack of malboro menthol was nearly gone, but that wasn't the reason for the heavy feeling in my chest right now, there's something else. Yun ay dahil hindi ko matanggap na mas pinili ni Pangit si Reid.

Hindi ko akalain na babalikan ko si Maia ng wala sa oras. Wala sa loob ko yun na sinabi sa harapan ni Pangit. Trick ko lang sana yun upang inisin at pagselosin siya kanina. At mukhang napasubo ako. But she only gave me her best blank look na hindi ko mabasa. Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko.

Kahit pa yata magpakamatay ako sa harapan niya. Wala pa rin siyang pakialam sa'kin.

"Damn bro, ano bang nangyayari sa friendship nating apat? Ibang iba na tayo sa dati. Bawasan mo kasi yang pagkamainitin ng ulo mo." Biglang sulpot na reklamo ni Brannie sa may likuran ko. I almost jumped from my seat.

"Don't you dare put the blame on me Brannie," I breathed slowly, but not meeting his gaze. "This is not a blame game situation."

"Who's the one to blame then? Ikaw lang naman ang nanghamon kay Reid kanina,"
Brannie said, seriousness in his voce. I didn't respond. "Tell me bro, there's something else happened, isn't there?"

My jaw clenched. "Get away from me Brannie before I throw this handfull of smashed cigarette butts at you, asshole!" Tukoy ko dun sa tumpok ng cigarette butts sa tabi ko.

Inis akong tumayo. Dinampot ang backpack at nagmamadaling umalis sa rampa. Hindi ko alam kung nakasunod ba siya, I couldn't careless.

I rushed across campus, and saw Tessa and Wynston in the hallway. Nagmamadali silang dalawa papasok sa front entrance ng building. Agad silang napahinto sa paghakbang nung makita nila ako.

"Tessa, bakit magkasama kayo ng lokong yan?!" utas ko agad at akmang susugurin si Wynston.

Tessa stood between us and pushed me a slightly. "Kuya, listen... I was looking for you awhile ago but I couldn't find you. Kaya si Wynston ang naisip kong puntahan."

"Why's that?"

"Si Zeyn kasi sinugod na naman ni Maia," she confirmed.

Oh, fuck! Not this shit again!

Nagmamadali kaming umakyat sa taas, hindi kami nag abalang gumamit ng elevator. Parang ayaw ko na din gamitin pa yun kahit na kelan. Maiinis lang ako sa tuwing naiisip ko ang ginawa ni Pangit kanina.

Dali dali kong binuksan ang pituan ng classroom nila. Nagulat ako sa naabutan kong eksena. Si Pangit nakaibabaw kay Maia at pinagsasampal ang mukha nun.

"Pangit, ano bang ginagawa mo kay Maia?!" sigaw ko at pinaghiwalay silang dalawa.

"Bakuran mo yang girlfriend mo Jaeger baka hindi mo alam pinapasok kana ng mga ahas," makahulugan niyang sinabi nung makatayo ng ayos at tinignan ng nakakaloko si Wynston. "Malay mo din baka mamaya nag me mènage à trois na yang girlfriend mong yan."

Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to sobrang nahihiwagaan na talaga ako sa mga sinasabi niya.

"What meñage à trois?" I asked totally confused.

"Alamin mo ang ibig sabihin ng hindi ka nagmumukhang tanga!" singhal ni Pangit.

"How dare you!" Maia screeched at sinugod niya ulit si Pangit.

"How dare yourself," ganti ni Pangit.

Itinulak niya si Maia at sinampal ng malakas sa mukha. Halos mayanig ang buong katawan ni Maia sa lakas ng sampal na yun ni Pangit. Napaupo siya sa sahig sapo ang kanyang pisngi. Napasinghap kaming lahat sa nasaksihan naming eksena. Nakaramdam din ako konting awa para kay Maia dahil sa ginawang yun ni Pangit.

"Pangit, that's enough," mahinahon na awat ko.

Kung dati kaya ko siyang saktan ng physical ng dahil kay Maia. Ngayon hindi ko na maattempt yun.

"Tang ina mo ka Jaeger," malutong na mura ni Pangit sa'kin.

What? First time ko siya narinig magmura, ako pa talaga napagtripan niya murahin.

"Bakit mo ako minura?" naguguluhang tanong ko. Ayaw ko siyang nagmumura.

"Dahil kamura mura ka," she said, and shot me a dirty look before leaving the room. 

I gripped her arm in one swift motion, my hands were trembling, so I gripped her arm slightly hard. "Pangit, you can't walk away just like that."

"Of course, I can," she said, and pulled her arm from my grip.

Sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong nasa pintuan si Reid, nakatayo. My blood instantly boiled with rage the moment I saw him. Nilagpasan siya ni Pangit. Napuno ng pagtataka ang mukha ni Reid na sinundan siya. Susundan ko na sana sila pero bigla akong hinawakan ni Maia sa kamay. Nakalimutan ko pala na nandito siya at nakahandusay sa sahig.

I crouched in front of her and stroked her hair, tying to soothe her. I stopped, suddenly. "Get up, Maia.''

"Don't believe what she said babes. She's completely delusional," she said between sobbing. Hawak pa din ang kabilang pisngi niya.

"I don't," I said and tried to sound convincing. I was not even sound convincing to myself.

Inalalayan ko siyang makatayo. Binigyan ko ng blangkong tingin si Wynston bago umalis sa room na yun. Nagpasya din akong ihatid si Maia sa kanila.

"Bakit ba bigla bigla ka na lang nanugod sa room nila Pangit?" inis kong tanong habang kinakabig ang steering wheel at nagmaneho paalis ng parking lot.

"Ikaw talaga ang sadya ko babes, sobrang natuwa kasi ako na nakipagbalikan ka sa'kin. Kaso natukso akong puntahan ang Pangit na yun sa room nila," she explained.

Damn, ako lang dapat ang tatawag sa kanya ng Pangit.

Pagdating sa bahay nila. Naabutan namin si tita Mecca, salubong ang mga kilay habang may idinadial sa phone.

"Your tito Arkin was always unavailable," reklamo niya habang hawak sa isang kamay ang kanyang cellphone.

"Baka may pinagkakabusyhan. I told you already, he's not good enough for you Mom. He doesn't deserve you. Kaya iwan mo na siya. Total I don't like him naman for you," nagtataray na sabi ni Maia.

Napataas ang isa kong kilay ng hindi nila nakikita.
Kahapon lang nagpabili pa kay Arkin ng ice cream tapos ngayon ganyan niya pagsalitaan yung tao.

Napabuntong hininga si tita bago ituon ang tingin akin. "Hi Jegz, could I have a word with you?"

Inihatid ko muna si Maia sa kwarto niya. Masama daw kasi ang pakiramdam niya. Gusto niya pa nga sana na mahiga kami sa kama niya kaso tumanggi ako.

"Ako lang ang mahal mo di ba babes?" she asked while cupping my jaw with her hands. "So please, don't get distracted," Maia reminded.

Hindi ako tumugon sa sinabi niya. I jerked away from her touch at inayos ang blazer ko. "I'd better get going." I quickly changed the topic.

"Ayaw mo ba na mag stay muna dito kahit saglit lang?"

"Nope... kailangan ko bumalik sa school dahil may klase pa ako," pagpapalusot ko.

She pouted her lips. "I love you babes."

"Sure you do," I said coldly, at nagmamadali akong umalis sa kwarto niya.

Pagbaba ko sa sala nandun pa din si Tita nakatayo habang naghihintay sa'kin. Kasama na si Arkin. Mukhang kadarating lang at may hawak pang bouquet. Napakuyom ang mga kamao ko nung maalala ko sina Reid at Pangit sa hallway kanina.

I slipped past them and sat on the couch. Habang si tita nakatayo lang sa harapan ko. Umalis din si Arkin, mukhang alam niya na may pag uusapan kami ni tita. Hindi pa din kami nagpapansinan.

"Jegz, I know I'm in no position to ask this. But please son, can you stay with Maia?" Nagsusumamo ang kanyang boses, pinagdaop pa ang mga kamay niya. "Wag niyo sayangin ang relasyon na binuo ninyo. Dapat pag usapan na muna ninyo ang main problem at wag ninyo gawing option ang hiwalayan hangga't maaari Jegz," dagdag na payo niya.

I closed my eyes, opened them again. I stared at the floor, thinking what I could possibly say. "We got back together, tita," I finally said, looking up at her.

She smiled sweetly, she looked pleased and amused at the same time. "Oh god, thank you Jegz. Kaya gustong gusto kita para kay Maia. By the way Maia told me everything about you parents, I can't wait to meet them both."

Nagpaalam ako kay tita matapos namin mag usap.
Napahinto ako sa pagdrive at nagpark sa di kalayuan sa bahay nila Maia, nung mapansin ko ang aking backpack sa passenger seat. Inabot ko yun, kinuha ko mula sa loob ang white envelope at binuksan yun.

Laking gulat ko sa nakita ko. Dahil mga pictures yun nina Maia at Wynston na magkasama, magkaharap sila sa table at mukhang ang seryoso ng pinag uusapan nilang dalawa at nasa D'vour patisserie shop sila. Nagtagis agad ang mga bagang ko sa nakita kong mga pictures.

Sa D'vour pala sila dumeretso nung sunduin siya ni Wynston nung sabado. Sino naman kaya ang kumuha ng mga pictures na 'to?

Bumaba ako sa kotse para puntahan si Maia sa loob ng bahay nila at komprontahin. Hawak ko sa isang kamay ang mga pictures. Nagdoorbell ako. Pinagbuksan naman ako agad ng katulong nila, gulat pa nung makita ako.

"Kailangan ko makausap si Maia," I said.

"Naku sir, kakaalis lang po niya. Sinundo siya ni sir Arkin. Madalas naman po sila lagi umalis at magkasama, sir," daldal niya pa.

Akala ko ba masama ang pakiramdam niya?

I nodded and sauntered past her. Naabutan ko si tita sa sala, nag aayos ng mga bulaklak na bigay yata sa kanya ni Arkin sa isang flower vase.

"Tita, madalas ba talaga umalis at magkasama sina Maia at Arkin?" usisa ko.

Gulat naman siyang nilingon ako. "Oo son, siya kasi ang CEO ng beauty pageant organization na sinalihan niya kaya dapat lang na alagaan siya ni Arkin."

So, si Arkin din lang pala ang laging nagpapatawag ng meeting?

"Okay tita aalis na ako," paalam ko agad matapos ko marinig yun.

Litong lito ang isipan ko na bumalik sa kotse ko. Inistart ko ang makina at nagmaneho. Wala akong direksyon kung saan man ako papunta. Bahala na kung saan man ako dalhin ng kotse ko at saan man ako abutin at maubusan ng gasolina.

Fuck! I'm so sick and tired of all this shit.
Kailangan talaga na may gawin na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 593 83
Prologue Habang nag lalakad ako dito sa bagong school ko ay may nabangga ako na isang lalaki-- bakla pala paano ba naman kasi kung mag lakad parang b...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
483K 8.9K 114
[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, un...
442K 8.6K 83
What if the one you've been searching for is already in front of you but you have no idea? @Roseeeeeyyyy Hey It's Roseeey