Breaking the Prophecy [ EXO F...

By selucent

4K 347 34

Ang mundo ay nahahati sa tatlong lahi; tao, bampira at mga demonyo. More

Panimula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
[M] Kabanata VIII
Kabanata IX
[M] Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
[M] Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
WAKAS
Espesyal na Kabanata

Kabanata XVII

76 7 1
By selucent

Imbes na matatalas na ngipin at kuko isang mahigpit na yakap ang naramdaman ni Baekhyun mula kay Chanyeol, mula sa likod nito nakita din niya si Sehun na tinanggalan ng ulo yung demon na sana'y susugod sa kanya. Lahat ng mga patay na demons ay nasunog at naging abo.

"AH!" maiksing sigaw ni Chanyeol kaya naman agad na tinulak ng malakas ni Baekhyun si Chanyeol palayo sa kanya dahil naiilang siya dito at naalala niya na galit pa rin siya dito. Pero nagulat si Baekhyun nung bigla lang itong ngumiti saglit tapos pumikit lumuhod at dumapa.

"CHANYEOL!" sigaw ni Sehun, natulala si Baekhyun habang nakatingin sa likod ni Chanyeol na may tatlong malaking kalmot. Agad na kumilos si Baekhyun, nilapitan niya si Chanyeol hindi niya alam kung saan ito hahawakan dahil puno ng dugo ang likod nito pati na rin ang mukha at tabi ng labi nito.

"cha-chanyeol.." first time tinawag ni Baekhyun ang pangalan ni Chanyeol, naisip niya siya ang may dahilan kung bakit siya napahamak.

Inalalayan naman ni Kai at Sehun si Chanyeol papasok sa bahay para gamutin ang mga sugat nito. Inalalayan naman ni Kyungsoo si Baekhyun na tumayo papasok din sa bahay, pagpasok nila pinunta agad nila si Chanyeol sa kwarto nila Baekhyun at Kyungsoo dahil doon ang unang  kwarto na malapit. Pinadapa nila si Chanyeol sa kama inasikaso ni Kai ang damit ni Chanyeol at tinanggal ito habang si Sehun kumuha ng mga medical supplies, nagaalala si Baekhyun na nakatayo sa tabi habang pinanonood gamutin ni Kai ang mga sugat nito.

"pupuntahan ko lang si Luhan" binigay ni Sehun lahat ng mga supplies na dala niya kay Kyungsoo, tumakbo siya papunta kay Luhan.

"Luhan!" agad siyang tumakbo papunta sa closet at binuksan yun, nakita niya si Luhan na nakayakap sa mga tuhod niya tumingin siya kay Sehun at agad niya itong niyakap. Puno ng pawis at pagod na pagod si Sehun pero nung niyakap siya ni Luhan para bang nawala lahat yun, mas hinigpitan din ni Sehun ang yakap niya.

"Luhan okay ka lang ba?" tanong ni Sehun, lumayo siya sa yakap.

"Sehun okay ka lang ba?"

"oo okay lang ako, pero si chanyeol may sugat siya."

"CHANYEOL? BAKIT NANDITO SIYA?"

"ah mag sosorry sana siya kay Baekhyun pero nangyari naman 'to, sorry iniwan namin kayo"

"hindi okay lang yun atleast nandito ka na, bumalik ka." hinawakan ni Luhan yung kamay ni Sehun tapos tumingin dito sabay pinunasan yung mga dugo nito.

"I love you Sehun."

Ngumiti si Sehun tapos hinalikan niya si Luhan.

"I love you too Luhan" hinawakan niya ang kamay nito at ngumiti.

Nung kumalma na si Luhan lumabas na sila ni Sehun pumunta agad si Luhan kay Baekhyun at Kyungsoo para yakapin at tanungin kung ayos lang ba sila. Sumagot naman si Kyungsoo pero hindi si Baekhyun, nagaalala pa rin siya dahil wala pa ring malay si Chanyeol habang ginagamot ni Kai yung mga sugat sa likod nito.

Kinuwento ni Kyungsoo kay Luhan lahat ng nangyari habang si Baekhyun naman kumuha ng upuan at nilagay sa tabi ng kama kung saan nakadapa si Chanyeol, nakita niya ang natutulog nitong mukha may mapulang pisngi, at natuyong dugo sa gilid ng labi. Pinagmasdan lang ni Baekhyun ang mukha nito, naalala ulit niya yung ginawang pagtatanggol sa kanya ni Chanyeol.

"hindi naman malalim yung mga sugat niya, wag kang mag alala demon to di siya basta basta mamamatay" sabi ni Kai habang nililinis ang mga sugat ni Chanyeol.
"kaming mga Demons, nasasaktan din parang tao pero mas mabilis gumaling ang mga sugat namin pwera nalang kung tatamaan ang mga puso namin" pag eexplain ni Kai, nakinig naman si Baekhyun habang nakatitig pa rin sa mga sugat ni Chanyeol.

"hindi ako nag aalala sa kanya.." simpleng sagot ni Baekhyun na hindi naman pinaniwalaan ni Kai, binigay niya ang isang maliit na planggana kay Baekhyun.

"your saying no, but your eyes saying different...ikaw na ang maglinis sa kanya"

"HA? BAKIT AKO?"

"gagamutin ko lang yung sarili kong sugat" pinakita niya yung braso niya kay Baekhyun, nakuha niya yung maliit ng sugat sa unang demon na nakalaban niya naisahan siya nito.

Umalis na si Kai na sinundan naman ni Kyungsoo, Sehun at Luhan, nung una ayaw ni Kyungsoo at Luhan na maiwan si Baekhyun kay Chanyeol pero kinausap nalang sila ni Kai at Sehun para ikwento lahat ng pinag usapan nila kasama si Chanyeol.

"hmm" sabi ni Chanyeol nung dinilat niya yung mga mata niya, naramdaman agad niya yung kirot sa likod niya pero bigla itong nawala nung nakita niya si Baekhyun parang umurong ang dila nito at pinuno ng kaba ang buong katawan niya.

Umiwas ng tingin si Baekhyun, na siyang naintindihan naman ni Chanyeol dahil alam niyang galit pa rin siya dito. Dahang dahan na umupo si Chanyeol kaya di na iwasan ni Baekhyun na mag alala at parang nararamdaman niya ang sakit sa likod nito.

"ayos ka lang ba?" tanong ni Chanyeol, habang nakatingin sa kamay ni Baekhyun na may mga dugong natuyo sa dulo ng mga daliri nito. Kinuha ni Chanyeol yung towel na nakababad sa planggana na nakalagay sa tabi niya at piniga ito, hindi siya nag dalawang isip na abutin ang kamay ni Baekhyun para punasan at linisin ito hanggang mawala yung mga dugo sa kamay nito.

Napangiti siya dahil akala niya hindi na niya mahahawakan ang mga kamay nito.

"bakit mo ginagawa 'to?" galit na tanong ni Baekhyun, naisip niya baka niloloko lang siya nito o ginagawan ng mabuti para mag take advantage sa kahinaan niya.

"kung may pinaplano ka? pwes wag mo ng ituloy dahil sinisugarado ko na hindi mo—"

"I'm sorry" tumingin si Chanyeol sa mga mata ni Baekhyun "I'm sorry...I'm sorry and I am not asking for forgiveness, pumunta ako para humingi ng sorry" hindi na sinayang ni Chanyeol ang pagkakataon na sabihin 'to kay Baekhyun dahil alam niyang mawawala din siya at gusto niya kapag mawala siya masabi niya 'to kay Baekhyun at ngayong nasabi na niya handa na siyang mamamatay.
"you can do whatever you want to, pahirapan mo ako, gawin mo lahat tatanggapin ko"

"I'm not a demon like you"

"oo nga pala" tumayo si Baekhyun kasama yung plangga na may na tubig at towel na ginamit ni Chanyeol na panlinis sa kamay. Pumunta siya sa kusina para itapon yung tubig ng planggana at kumuha ulit ng bago, nakita nung  dalawang magkakasintahan si Baekhyun pero hinayaan nalang nila ito. Pumasok siya ulit sa kwarto at ganun pa rin ang pwesto ni Chanyeol nakaupo at pilit na sinisilip yung sugat niya sa likod. Nagulat si Chanyeol nung biglang umupo si Baekhyun sa kama habang nilulubog yung bagong towel sa tubig at piniga ito, akala niya iniwan na siya nito.

Nakatingin lang si Chanyeol habang pinupunasan ni Baekhyun ang mukha nito, sobrang bilis ng tibok ng puso niya at hindi alam ang gagawin. Hindi tumitingin si Baekhyun  sa mga tingin ni Chanyeol, nag focus lang siya sa mga dugo na tumalsik sa mukha nito.

"AH!" maiksing sigaw ni Chanyeol nung madampian ni Baekhyun yung sugat niya sa labi, hindi lang ito pinansin ni Baekhyun at dinahandahan ang pagpupunas dito.

"ginagawa ko 'to para mag pasalamat sa ginawa mo kanina" sabi ni Baekhyun habang patuloy pa rin sa paglilinis ng mukha ni Chanyeol, pababa sa leeg nakita niya pa yung sarili niyang kagat na nagbalik sa mga alaala pero agad naman niya yung tinigil para punasan yung katawan niya at mga braso.

"I would do anything just to save you and your baby."

Agad naman na kinurot ni Baekhyun sa tagiliran si Chanyeol.

"ARAY!" hinimas niya yung bewang niya at tumingin ng may pagtataka kay Baekhyun.
"bakit? ang sakit ah!"

"kasi sabi mo baby KO LANG? ano ako? nabuntis ng mag isa? baby mo din 'to no!"

Hindi maiwasang matuwa ni Chanyeol dahil ganap na talaga siyang Daddy at may masasabi na siyang kanya.

"bakit nakangiti ka dyan?" pagsusungit ni Baekhyun, bago tumayo dahil tapos na niyang linisan si Chanyeol.

"masaya lang ako na ligtas kayo ng baby natin" biglang bumilis ang tibok ng puso ni Baekhyun dahil sa kakaibang pakiramdam na parang hindi nalang siya yung nagdadala sa baby niya. Yung pakiramdam na may pamilya.

"magpahinga ka na" huling sabi ni Baekhyun bago sinara ang pinto ng kwarto, umupo siya ng tahimik kasama sila Kyungsoo na tahimik lang.

"so now what?" tanong ni Sehun "for sure alam na ni Lay Hyung na nandito si Luhan kailangan na nating umalis dito" suggest nito, habang hawak hawak ang kamay ni Luhan.

Nagulat ang lahat nung biglang bumukas ang kwarto kung nasaan si Chanyeol.

"lumipat tayo...sa bahay ko" sabi ni Chanyeol habang  nakasandal sa frame ng pintuan ng kwarto.

****

Selucent's 2018 Notes:

OMG GUYS!! NAPANSIN KO I RECEIVED 10 READS SA LAST CHAPTER KO HUHUHUHU NAIIYAK AKO! I MEAN 10 NA TAO ANG NAKAKABASA BAWAT CHAPTER! I REALLY FELT THE LOVE WHEN PEOPLE RECOGNIZE MY WORKS! YOU GUYS MADE MY DAY! GUSTO KO NG MAKARTING NG CHAPTER 20 HIHIHIHI!

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO YOU!

Selucent's 2020 Notes:

Grabe yung kilig ko habang inaayos ko chapter na to! I still can't believe nasulat ko to! Masaya ako na ibalik to sa wattpad! Sana bumalik din yung mga readers ko nito dati? Miss ko na kayo! Okay next!

Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedback! Thank you!

Love, selucent.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 2.5K 20
Championship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue...
8.4K 363 27
S T A T U S: COMPLETED✓ Si Blake ay isang lalaking parating binubully dahil isa syang omega at mahirap lang sila ngunit nagbago ang lahat ng makita...
41.3K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
88.6K 3.5K 48
Matagal kong hinintay ang oras na makilala ko siya. Kahit hindi na ibigay sa akin ang katungkulang inaasam ng lahat. Makilala ko lang siya. Pero anon...