AFTER 2 DAYS....
Paul's POV
Si Xander ang nag decide ng meeting place namin, sa cafe daw malapit sa house na tinutuluyan ni Paris noon.
Pagdating ko sa cafe nakita ko kaagad sya na nakaupo sa labas, kumaway sya nang makita ako, agad naman akong lumapit at umupo sa harap nya
You're late, umorder na ko ng kape, sobrang strong yung sayo para mag palpitate ka!
Fuck you!
Ano ba kasing sasabihin mo?
Wala lang mangaasar lang
Kung wala kang sasabihin aalis na lang ako
Patayo na sya ng pigilan ko sya, umupo sya ulit. Sakto namang dumating na yung coffee na inorder nya, nag-sip ako ng konti, tang ina ang tapang nga, sing tapang ng mukha nya ngayon
Ang tapang nga nito! Paka-bitter mo parin pala hanggang ngayon!
Sinamaan nya ko ng tingin
Baka pinalagyan mo ng lason 'to ah
Isa pa, ibubuhos ko sayo 'tong kape ko. For the last time, Paul bakit ka ba nakipagkita?
Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nandito sa LA?
Hindi, pakealam ko
Sasabihin ko narin kahit wala kang pakealam. I'm here for Paris, surprise sana kaso nakabalik na pala sya ng Pilipinas. So ikaw na lang i-su-surprise visit ko
Ayun lang, tapos na?
Meron pa, salamat!
Saan?
Sa pagbantay kay Paris habang andito sya!kahit di mo sabihin sakin, alam kong binantayan mo sya
Hindi mo kaylangang mag pasalamat sakin, ginusto kong bantayan sya. And besides don't act like you're his boyfriend, ex ka nya, EX!!!
Bat ba ang init ng ulo mo?
Makita lang kita umiinit na ulo ko eh.
Bakit? Kasi naiinis ka dahil ako parin diba? Kahit anong gawin mo ako parin ang mahal nya
Grabe sa confidence Paul ah!
Eh yun naman ang dahilan kung bakit tayo ganto ngayon diba? We used to be good friends before pero dahil kay Paris nag kaganito tayo
Anong gusto mong mangyari ngayon?
Gusto kong makipag-ayos sayo
Tingin mo makikipag-ayos ako?
Hindi, pero gusto ko pading subukan
Wag mo ng subukan, alam mo bang kahit ang dami mong pinagdaanan gusto padin kitang suntukin dahil sa ginawa mo kay Paris? You know how precious she is to me, tapos ginago mo lang
Edi suntukin mo ko! San dito na ba? Sige!
Ayokong gumawa ng gulo dito
Alam ko na nagkamali ako noon, pero believe me I really love Paris, kaya ginagawa ko lahat para bumalik sya sakin, hindi ako plastic alam mo yan, kapag sinabi kong gusto kong makipag-ayos, totoo yun
May sinabi ba kong plastic ka? Bakit mo ba ko ginugulo ngayon? Kung ang plano mo eh makipagbalikan kay Paris eh di gawin mo, anong kinalaman ko dun?
Wala, sinasabi ko lang plano ko
Paul, walang patutunguhan 'tong paguusap na 'to. Aalis na ko nagsasayang lang ako ng oras dito
Tumayo na sya, palakad na sya ng bigla akong magsalita
Salamat alam ko na mahalaga parin yung friendship natin sayo dahil nagpakita ka padin, sorry kasi minahal ko yung babae na kinukwento mo sakin noon. Pero hindi ko naman akalain na sya yun eh. Kung sinabi mo kung sino sya noon, o kahit yung pangalan nya baka napigilan ko pa yung sarili ko na mahalin sya. Alam ko na hindi mo pa ko mapapatawad ngayon pero Pare sorry talaga
Inintindi ko yung mga nangyari, nagpaubaya ako pero yung panggagago mo sa kanya yung di ko maintindihan. Kung sakali mang piliin ka nya ulit wag mo ng sayangin yung chance na yun kasi kung gagaguhin mo ulit sya baka hindi lang suntok abutin mo sakin
He tapped my right shoulder at tuluyan ng umalis
Paul's POV
After a long flight nakabalik narin ako.
Time check 7PM, Manila time.
I took a grab pauwi, pagdating ko sa bahay I saw Dad na nakaupo sa sala while reading.
Nang mapansin nya ako, binaba nya ang binabasa nya at sinalubong ako.
Oh, anak! Kumusta byahe?
Ayos naman Dad, medyo nakakapagod lang.
Akala ko nga magtatagal ka dun, sana nag extend ka pa para nakapag bakasyon karin ng matagal
Okay na yung 3 days Dad, hindi naman talaga bakasyon yung pinunta ko dun eh. Nasalisihan lang kasi ako ni Paris
Natatawa pa nga din ako kapag naaalala ko. Na-enjoy mo naman ba yung stay mo dun?
Yes Dad, kahit 3 days kang masaya padin naman
Mabuti naman, at least nakapagpahinga ka.
Kamusta kayo dito Dad, na-miss mo ba ako?
Oo naman, pero dahil mabilis ka lang naman eh okay narin. Dinalaw din pala ako ni Paris, sinurprise nya ako.
Nauna ka pang makita sya kesa sakin. Napag usapan nyo po ba ako?
Hindi gaano, ako ang madaming tanong tungkol sa experiences nya sa LA eh
Okay, akala ko binenta mo ko sa kanya Dad
Hindi na kita kelangang ibenta, libre mo na ngang binibigay sarili mo sa kanya eh
Hahaha grabe ka sakin Dad!
Sige na, magpahinga ka na muna. Fix yourself paghahanda kita ng food
Wag na Dad, di pa po ako gutom. Magpapahinga na po muna ako, napagod po kasi talaga ako sa byahe eh.
Oh sige, rest well anak.
Thanks Dad!